Press Release
January 27, 2014

Interview with Sen. Grace Poe at the 23rd PNP Foundation Day
27 January 2014
Camp Crame, Quezon City

ON FOI

PNP Press Corps: Ma'am, you mentioned the FOI Bill, please expound. Sen. Grace Poe: Sa ngayon ay dinedebate na ang FOI Bill sa plenaryo ng Senado at sana ay maaprubahan na nga at matapos na ito bago magkaroon ng recess sa March. Ngayon ang ibibigay ko naman na assurance sa kapulisan na syempre kahit may freedom of information tayo may mga bagay-bagay na kailangan nating pag-ingatan-- ang impormasyon gaya ng security matters at yung ongoing investigation of a criminal activity. Kasi ganito yan, syempre kapag meron tayong lead, mayroon tayong informer, hindi naman natin pwedeng ilagay sa danger ang buhay ng informer natin, so kailangan nating protektahan ang impormasyon na ito. Pero hindi naman natin pwedeng gamitin casually ang national security na parang lahat nalang ng impormasyon hindi natin pwedeng ibigay. Katulad noon, ang annual budget, expenditures, items to bid,officers in charge, lahat yan, SALN ng ibat ibang memebrs ng executive at Congress, dapat naka-upload lahat yan.

PNP PC: Sa tingin nyo po kahit hindi certified as urgent ung bill ng Palasyo yung bill mag-poprosper ba yun sa Senado?

Poe: Meron namang mga ibang bill na pumapasa kahit walang certification, pero mas maganda na may certification. Ako naman, kahit wala yun, pag nandyan naman ung public support, halimbawa, tsaka yung hindi tinatantanan ng publiko. Nagkakaroon din ng swelling of support kahit dun sa kongreso. Kasi sa mga personal na pakikipag-usap ko sa mga colleagues in the Senate, a lot of them has expressed support para sa FOI, unofficially. So I dont think there's a problem in passing it in the Senate. The lobby has to be really done in the Congress, and I think there are a lot of apprehensions because a lot of things will be exposed. I've spoken with House Speaker Belmonte and he promised me that within his term of office they will pass the FOI. So I'm hoping it's as close to the version that we have in the Senate na walang right of reply.

PNP PC: You mentioned something about the Sunshine Principle?

Poe: Yung Sunshine Principle, kasi nga kapag hindi naarawan or you don't expose something to sunlight, then microbes and germs would thrive. So sa Sunshine Principle, ilabas natin yan, para huwag tubuan ng mga bagay-bagay na hindi kanais-nais.

On PNP legislative agenda PNP PC: Sa nakikita nyo po ma'am, ano po yung pinaka-immediate na pangangailangan ng PNP na nandyan ho ang senador para makatulong?

Poe: Para sa akin, aside from the welfare support para sa ating mga kapulisan, yung anti-wire tapping, talagang nakakatulong yan. Lalong lalo na sa imbestigasyon ng mga drug dealers. Kasi ngayon ang pwede lang ay terrorism activity so dapat amyendahan yun. Pangalawa, yung magkaroon ng sure na career track ang ating mga pulis. Kung administrative ang pinasok mo, at yun ang gusto mo, dun ka. Kasi mahirap yung nagcocross-train in the middle of a case diba, nasasalaula din yung mga ebidensya. Tapos pangatlo, diba yung sinasabi nga natin, na sana kapag may nahuli katulad ng PDEA, yung informer kahit na pulis pa sya , bigyan din ng reward money kasi alam mo, kung kukuha ka o kukulimbat ka na rin ng shabu, 400 million pesos yun, pero ang reward mo, P2,000 lang. Hindi makatotohanan yun diba, serbisyong makatotohanan. So imbes na taasan lahat ng across the board, merit-based dapat. Yung pag-aaralan namin yung rewards system, taasan talaga natin because yun ang incentive e para maraming magsumbong.

On the Mexican drug cartel PNP PC: Ma'am you also raised your concern sa Sinaloa Mexican Drug Cartel?

Poe: Syempre kapag mga ganyan, e lawless e, nakakadagdag yan ng problema sa atin. Ganyan naman talaga kapag economicaly viable ang isang teritoryo, pinapasukan ng mga ganyan, it doesnt matter where. Kaka-attend ko lang ng Asia Pacific Parliamentary Forum sa Mexico, nung nandoon kami, ang presentation ko ay public order at freedom of information. And lahat ng mga kasama ko taga-Mexico, Russia, Australia, lahat sila may drug problem. Hindi lang dito sa atin. And increasing ang kanilang drug problem. Kaya nga sabi nga nila sa Mexico in particular, they are upping their capabilities in tracking it through cyber means. Kasi nagbibigay ng information, nagkakaroon ng bust operations, nagbebenta ng drugs at kumukuha ng supplies through the internet na. So kahit sa Mexico inaamin na ng isang senador doon na kailangan na yung cyber crime unit nila to fight drugs and it should be strengthened.

PNP PC: Ma'am, magpapatawag daw po kayo ng investigation tungkol sa precence ng drug cartel?

Poe: Oo, kung papaano ba nila natunton yan. For example, Sinaloa, ang roots niyan, isang Pilipino sa Los Angeles. Obviously ang LA malapit sa Mexico. Bakit nila pinili ang isang lugar para maglagay sila ng supply? So maraming mga bagay-bagay na ganyan na connectado. Kaya congratulations din sa PDEA dahil marami silang nahuhuli ngayon.

PNP PC: Sino po ang ipapatawag natin na mga government agencies?

Poe: PNP, PDEA, AIDSOTF. Kung sino yung mga saksi o yung mga nagbigay ng impormasyon, kahit di na ipakita yung mga mukha nila, yung mga testamento nalang nila.

News Latest News Feed