Press Release
February 3, 2014

Transcript of radio interview
with Senator Alan Peter "Companero" S. Cayetano

Pork scam investigation now focuses on policy, possible legislation issues

Well, unahin natin na nag-umpisa itong imbestigasyon noong August pa ng 2013 at simula noon ay marami nang nangyari. May tatlong senador na ang nakasuhan sa Office of Ombudsman at naghihintay ng resulta ng preliminary investigation. Idineklara na rin ng Supreme Court na unconstitutional ang PDAF o ano mang klase ng pork barrel. Nagpasa na rin ng budget ang Senado at saka House, bagamat mayroon pa rin itong mga lump-sum at sinasabi nga ng iba na wala na ang pork.

Pero hindi ba ang big winner dito ay yung Office of the President sapagkat pwede pa rin ito magbigay ng project direction as savings? Dito talaga pumapasok ang pagbabantay ng media sa pagkakaroon ng proseso na makita ng kababaya saan napupunta ang pera.

Habang nangyayari 'yun, ang focus ng Chairman natin sa Blue Ribbon Committee na Sen. Guingona kahapon ay yung policy at para siguraduhin na ang GOCCs ay hindi na magamit para sa pagnanakaw o hindi na masayang ang pera.

Napoles 'contacts' still in government

Gusto ko lang banggitin na halimbawa po itong Livestock Development Council na naka-attach sa Department of Agriculture; kung naalala niyo po noong panahon ni Presidente Arroyo at noong Chairman pa ko ng Blue Ribbon inimbestigahan natin yan dahil doon sa tinatawag na "swine scam" na mahigit 1-B pesos na dapat na magkaroon ng maliliit na babuyan ang ating mga kababayan ay nawala na parang bula 'yung pera, at hindi na talagang napunta sa maliliit na farmers o kaya sa mga kababayan natin.

So kahapon bagamat wala na sa news si Ms.Napoles mismo at malalaking mga senador, tinatanong ko natapos ba tayo at nahuli ang dapat lahat na mahuli? Magbibigay kasi ako ng example, itong si Manuel Jarmin, Executive Director ito ngayon ng Livestock Development Council sinabi ng NABCOR President Javellan na isa ito sa pinagdaanan ng PDAF at saka ng mga Napoles NGO. Sinabi na ang nagpakilala daw sa kanya kay Napoles ay si Benhur Luy at saka isang empleyado ng DA na ang pangalan ay Manuel Jarmin. Ito palang si Manuel Jarmin at lumabas na ito sa iba't-ibang mga news specifically sa Rappler, incorporator ito ng Jimmy's Bar and Grill at saka yung Reserval 08 isang kumpanya daw ni Jimmy Napoles, 'yung asawa ni Janet.

And then ito din daw ay isang nominee nung partylist na SMILE na identified na kay Ms. Napoles noong 2007. So tinatanong ko nga kay Chairman Guingona, bakit mayroon pa palang natira at paano nakapasok bilang Executive Director ng NABCOR ngayon, 2010 hanggangpresently siya pa rin ang nandoon.

Napoles NGOs cornered government projects beyond 2009

Kung totoo nga na yung nandiyan ay si Ms. Napoles pa ang naglagay, napaka-makapangyarihan pa nga niya. That's why ang tinanong ko nga sa COA, hindi ba si Benhur Luy mismo ang nagsabi, hindi lang naman noong 2007 at 2009, hindi lang 2004- 2005, pero 2011-2012 panahon na ng ating Aquino Administration ay nakakakuha pa rin sila ng project at iba't-ibang pinagkukunan ng pondo?

Kaya tinatanong ko, hindi lang 'yun. Katulad sa bigas, you know nakakahiya talaga sa ating kababayan na pa-mahal ng pa-mahal ang bigas tapos nasa dyaryo, nasa mga pahayagan, sa news na overpriced ng P900-M halos. Ibig sabihin kaya tumataas ang presyo ng bigas dahil doon sa smuggling, nahihirapan na 'yung mga farmers kaya naman tumataas ang presyo dahil dito. Ang sabi naman ng COA, in fact in the last 5 years na pag titingin sa NFA may nakita na silang pattern of fraud at ngayon ay iniimbestigahan na rin nila. At hindi lang special audit ang ginagawa kundi cross-audit, so napaka-bigat dahil nadi-discover po natin kasi pag sinabing 5 years ibig sabihin kasama yung huling taon ni Arroyo pero ibig sabihin kasama rin yung 4 na taon ni President Aquino. So itong tuwid na daan bagamat naniniwala ako sa sincerity ng Pangulo, mukhang masusubukan talaga at mukhang mayroon pa ring mga corrupt sa gobyerno na under the radar lamang pero nabubuko na ngayon.

Malampaya probe should be next after PDAF scam

Ang tingin ko ay magkaroon ito ng Partial Report itong PDAF, 'yung kay Napoles po ay 8 NGO lang out of 88 pero hindi naman 'yung buong 88 ang may kalokohan so marami pang iniimbestigahan na hindi Napoles. Pangalawa po, yan po ay sa PDAF pa lang uumpisahan ng Blue Ribbon Committee.

Sa mga darating na linggo yung Malampaya naman, yung P900-M naman na nawala din na galing naman sa Malampaya.

Filipino people are waiting for results and actions out of these investigations Sabi ko nga sa ating COA Chairperson bagamat nagpa-pasalamat ang tao na very active sila --- ang tingin ng tao pag walang nangyari dito, nag-fail ang gobyerno. Hindi ba minsan nangyayari yan, halimbawa sa droga pagka nahuli yung pusher tapos nagkamali ang piskal, napakawalan o kaya maganda yung kaso ng piskal pero yung judge sinabi may kamalian ang pulis sa paghuli kaya dapat pakawalan.

Ang tao hindi sasabihin "okay ang COA," "okay ang Ombudsman" o kaya "okay ang senado." Kapag nakawala o hindi nai-pakulong 'yung nagnakaw. Ang tingin ng tao sa gobyerno iisa, hindi mo basta mapapaliwanag na hindi taga-expose at taga-imbestiga lang kami; ang Ombudsman ang taga-hatol.

Hindi rin pwedeng sabihin ng Ombudsman na hindi kailangan maganda ang ebidensya galling sa DOJ o kahit COA. In other words there are no excuses and we have to get our acts together. Tingnan po natin itong dalawang buwan na darating kasi dito mo 'yun makakasuhan. Kung matibay ang ebidensiya at kung yung sistema natin na kasama ang korte ay mag wo-work o kung magpi-fail nanaman 'to.

Kasi in the past, iyon nga hindi mo masisi ang tao, panay ingay pero wala namang masyadong nakukulong o 'yung nakukulong yung maliliit, yung malalaking isda nga dapat. Kumbaga sa mga mangingisda yung malalaki ang madaling mahuli, ito ang madaling makita eh pero baligtad, yung maliliit ang nahuhuli at nakukulong. 'Yung nagnakaw ng konti yun ang nakukulong pero yung nagnakaw ng malaki napo-promote pa sa gobyerno.

More and more corruption scandals in government are being discovered

So siguro ito'y masakit man na lesson sa history, kaya lang ang masakit pa dito habang nagkakagulo ang Kongreso atf Senado, nabubuko natin mas malaki pala ang nakawan na nangyayari sa iba't-ibang ahensya ng executive department at ang problema hindi maka-imbestiga ng husto ang Senado at ang Kongreso dahil sila mismo ay nabubugbog din sa issue. Siguro panahon na itong 2014 na manumbalik ang tiwala ng ating mga kababayan dahil napaka importante na magiging partial.

Katulad nitong sa Lunes na bigas naman ang iimbestigahan, alam ninyo habang iniimbistigahan namin ang bigas, last week may mga taga-Nueva Ecija na pumasyal sa amin ang kino-complain naman itong smuggling ng onion at saka yung kalagayan ng mga farmers ng sibuyas. Napaka- sakit, na-postpone din yung pag iimbestiga naman sa bunkhouses sa Yolanda.

So kumbaga sunod-sunod na nga ang problema ng ating mga kababayan, ang naririnig pa rin nila ay corruption kaya dapat siguro talang dapat maayos ito.

But on probes vs. price hikes, the people are asking for action from government

Ang nangyayari lang ay temporary release katulad nitong sa kuryente. Di ba yung TRO ng Meralco mag bibigay ng temporary release pero tandaan natin maraming electric cooperative na hindi sakop ng Meralco. Last month, at saka this month napakalaki ng bill na binayaran ng ating mga kababayan. Tapos itong TRO kung magiging permanente ito, if ever, pero kung hindi napakalaki ng babayaran ng ating mga consumers at doble nung kanilang bill ng November dito sa October, January at ang mangyayari diyan ang sasabihin nila, "ang dami ninyong hearing isang buwan kayong nasa news yun pala ang kinahinatnan pala babayaran pa rin namin ang increase."

That's why sabi ko nga tama na itong maraming imbestigasyon, mag pakita na ang gobyerno na they are not powerless, we are not powerless in the government. Uulitin ko, 'yung sa huli nating update maraming pwedeng gawin ang gobyerno, yun lang pong bawasan ang VAT at saka po yung royalties, o yung tax dito sa Malampaya.

P1.40 per kilowatt hour ang na identify ng USAid na pwedeng mabawas sa Malampaya, at natuklasan natin sa South Africa, Indonesia, sa Thailand, sa Singapore mayroon pong form ng subsidy from prepaid card to voucher na tumutugon sa iba't-ibang sector o negosyo o pati sa mga mahihirap para mabawasan ang presyo ng kuryente at ito'y kayang gamitin ng gobyerno.

So tama ang sinasabi na tama na ang salita, yung aksyon o yung gawa na maramdaman ng ating mga consumer at kababayan.

News Latest News Feed