Press Release
February 4, 2014

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: Na-file na po ba ang perjury charges against Bangayan?

Villar: Sa Friday. Ginagawa na ngayon ng Senate Legal Counsel. Ang magpa-file daw ay ang committee secretary ng aming committee. He will be here Friday kasi may hearing kami on the Coco Levy sa Davao. Nandun na siya bago sinabi na he is the one who is going to file.

Q: Saan po ipa-file?

Villar: Dito sa Pasay (Prosecutor's Office).

Q: Iyung letter nyo po asking the DFA to cancel his passport?

Villar: Ginagawa na po ng Legal Counsel.

Q: Ano ang magiging basis ng cancelation ng passport kung hindi actual na criminal ang charges?

Villar: Chinarge na ng perjury. Instead na dito i-detain sa Senate, na wala naman daw magandang kahihinatnan na i-detain sa Senate, so gusto na lang nila na nasa watch list at i-cancel ang passport.

Q: After na lumabas ang evidence sa hearing, would you agree kung mag-file na ang DOJ right now ng kaso laban kay Bangayan?

Villar: Syempre gusto namin mag-file na siya pero hindi naman natin siya mapipilit kung ayaw nilang mag-file. But this hearing is a pressure to DOJ to file.

Q: Hindi na kailangang tapusin ang hearing?

Villar: Hindi naman. Kasi ang pagpa-file naman ng kaso is independent of this hearing. Kasi this hearing is just to show people ano iyong smuggling na nangyayari, ano ang modus operandi nila para alam ng mga tao kung paano ginagawa and they should be watchful. This is a way by which we can devise iyong aming institutional reforms sa NFA, DA at saka Bureau of Customs sa mga systems and for DOJ to be very familiar with the modus operandi.

Q: Sa mga findings sa hearing, sa tingin ninyo enough na iyon para sabihin na may probable...

Villar: At least na-connect namin siya sa rice trading and definitely, hindi naman ako lawyer, but my opinion, iyong gagamitin mo ang ibang tao to import for your benefit, that is illegal. Kasi hindi iyon ang intent of the law for them. It's a system na kalakaran daw, for me, it's illegal. So nasa ating judiciary na iyan to determine. Marami kasing opinion, but for me that is enough to show that what they are doing is illegal. I think, pagtingin mo doon sa system alam mo naman na there must be something wrong with our agencies also kasi nakakalusot ang sistema na iyan.

Q: What about the link of Bangayan sa NFA and Customs?

Villar: Wala kasing nagwi-witness. Unlike iyong link niya sa rice trading, may nag-witness. Iyong link niya sa mga cooperatives, may nag-witness. Nakuha namin itong link nitong mga consolidator to them dahil iyong mga kumpanya, they are in the same companies. Pero so far, maski si Mayor Duterte, wala siyang masabing name ng mga government officials na linked kay Bangayan.

Q: Kaya ipapaubaya nyo na lang sa DOJ?

Villar: Oo, kasi parang lumalabas, akala ko Committee on Agriculture helping agriculture, nagmukha kaming mga detective dito.

Q: Sabi ninyo the hearing is like pressuring the DOJ, as committee chairman would you urge DOJ to file the case?

Villar: Yes, we are urging. In fact, ang beginning ng hearing namin, there was a recommendation in the committee report of February 2013 na mag-file na sila. Doon namin sinimulan ang hearing namin, tinanong muna namin sila bakit hindi pa sila nagpa-file. And then gumawa pa kami ng mga hearing na magko-connect sa mga rice trader at naipakita ang relationship. Kasi remember, they don't admit that they are rice traders noong una. Tapos ngayon, nag-abroad na ang iba, nawala na ang iba. The mere fact na nagkakaganun na, that is a sign na there must be something wrong.

Q: Iimbestigahan daw po ng Commission on Human Rights si Duterte dahil sa babala niya kahapon sa hearing?

Villar: Ako po, I always take iyong word ni Mayor Duterte figuratively. Hindi iyon patay kung patay. Parang nagagalit lang siya sa mga criminal kaya kapag siya ay naiinis sinasabi niya na papatayin ko. But never na pinatay niya, for me ha. Kasi I always go to Davao City, familiar ako sa kanya, nakakasama ko siya. Kasi he has to be tough in Davao City. Nakita nyo naman kapag hindi tough ang mayor sa Mindanao, medyo marami ang umaabuso.

Q: Do you think nananakot lang siya? Puro salita lang iyon?

Villar: Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya, but for me, I take it figuratively. Q: Hindi kayo inclined to strike it out sa records?

Villar: Hindi ko pa nakita kung ano ang nilagay nila sa official record. Siguro iyong aming official record para rin iyong TV sa Davao na kapag ayaw nila ang sinasabi, nagka-cut sila, nagbi-bleep sila. So baka ganun din ang gawin ng official record. Bago ako sa Senado, I don't know what they do kapag ganyan ang sinabi.

Q: Sa tingin ninyo figurative pa rin ang sabi niya na ang tao sa gobyerno puro salita lang, walang gawa?

Villar: Totoo naman. Marami naman tayong salita nang salita pero mahirap mag-implement. It's true for the whole government system, it's not only for one particular person. Talagang mahirap ang magpa-move sa gobyerno talaga.

News Latest News Feed