Press Release
February 10, 2014

Transcript of Interview of Senator Chiz Escudero on Februrary 10, 2014

On the recent bus accident

Well dapat magsimula sa regulators natin yung pagbabawas ng aksidente kaugnay ng bus, pangunahin dyan sa LTFRB, pangalawa sa LTO. Sang-ayon sa batas dapat iniinspeksyon ng dalawang ahensiyang yan yung suitability, drivability at safety ng mga pampublikong sasakyan. Kaya nga public utility ng tawag dyan, pubiko ang gumagamit dyan at dapat gobyerno ang tumitiyak na ito ay safe at ligtas gamitin ng ating mga kababayan.

Sunod-sunod ang aksidente lately may pagkukulang ba yung dalawang agencies?

Para sa akin meron dahil nong na-inspeksyon nga nila matapos mahulog sa flyover yung Don Mariano biglang nainspeksyon nila lahat yung mga bus, ang tanong ko ginagawa ba nila yan sa lahat ng iba pang mga bus bago pa maaksidente, kaya naman pala nilang gawin ng isang araw na mainspeksyon lahat, sana gawin nila sa lahat ng bus. Merong aksidente man o wala, may track record man ng aksidente o wala.

Parang hindi natatakot yung mga bus lines, for example maka-cancel ngayon after ng ilang mga buwan ibabalik din

Actually hindi sa ibabalik, ang gagawin nila ibebente nila yung mga bus, ganoon pa rin, pero kung istrikto nga ang mga regulators natin, iniinspekyon yan bago irehistro kada taon dapat. Actually kahit na busted tail light hindi dapat pinapayagang irehistro yan pero nakakalusot lahat, panahon na para maging istrikto ang mga regulators natin. At kaugnay din nyan sa parte ng mga drivers meron kaming panukalang-batas para paigtingin ang pataasin ang parusa sa sinumang driver na dahil sa kanyang kapabayaan ay magiging dahilan ng aksidente, pagkamatay o pagka-injure ng sinumang pasahero nya na sumasakay sa kanya at nilalagay sa kamay nya ang kanyang buhay.

Dapat ba kanselahin na yung prangkisa ng Florida?

Well dapat imbestigahan muna, ang dahilan nga ba ay kapabayaan ng bus company kaugnay sa preno ng bus, kapabayaan ba ito o negligence ng driver, dapat alamin din muna. I don't want to jump into conclusions, pero kung nakita hindi na maintain ng tama yung bus dahil sa initial reports ubos daw yung preno o walang preno pero kung trained din naman yung driver, manual din naman lahat ng bus, pwede naman siyang mag-shift into a lower gear para bumagal yung takbo at ibunggo mo sa puno o sa pader kesa naman iliko mo pababa at pabagsak sa bangin. Yun ang kagandahan ng manual, pag-(auto)matic, patay.

Ano yung long-term solution sa mga ganyan?

Again the regulators must do their job, ngayon pa lamang natin narerealize kung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng LTO at LTFRB sa pag-inspection ng mga sasakyan na nagpaparehistro sa kanila kada taon. Hindi lamaang LTFRB pagdating sa pampublikong mga bus, pati LTO, dahil kada taon nirerehistro yan, kada taon dapat may inspection yan, kada taon dapat tinitingan kung tama ang takbo ng makina, may emission standards pa tayo pero alam naman natin na patuloy ang lagayan, patuloy na hindi naman kailangan gawin talaga yan kung makakabayad ka. Dapat tanggalin na yung sistemang yan at ipatupad ng istrikto ang batas kaugnay sa road safety ng mga sasakyan.

Tungkol sa budget ng NHA, galling daw sa pork barrel ni Sen. Nancy Binay yung dagdag na budget ng NHA

Hindi pork yon, isa siya sa mga humiling na ibawas yon, nagproposed ng amendments para malagyan ng calamity fund yung NHA o quick-response fund ang NHA na dati namang nandon sa mga nagdaang budget pero sa taong 2014 ay tinanggal. Kinatigan ko yon bilang chairman ng committee on finance na dapat naman talaga na may quick-response fund at calamity fund ang NHA. In fact nong mga nagdaang taon P3 billion hanggang P5 billion ang nakalagay na calamity fund at quick-response fund ng NHA na tinanggal, ginawang zero ng 2014. Nirestore namin at least indicative amounts man lang para kung saka-sakaling kailanganin may pondo o item sa budget na pwedeng pang-realign ang Pangulo na nakita na nga nating nangyari para sa mga kalamidad na kinaharap natin for 2013.

How much?

 Total is P300 million, dalawang item yun kung hindi ako nagkakamali, isang P200 million para sa quick-response fund; para sa calamity fund isang P100 million, para sa emergency resettlement, yon yata yung item, sa ilalim pa rin ng NHA. Again in previous years may item ang NHA para dyan na tinanggal lamang para sa 2014.

Initiative nga yan ni Senator BInay na...

Yes, she pointed at out to us and we agreed with her observations.

Ang impression kasi ng iba under ni VP Binay ang NHA

Well impresyon man o walang impresyon sa pananaw at palagay ko tama na may ganoong pondo ang NHA at kung ikukumpara mo sa mga nagdaang taon mayroon naman talagang ganoong uri at klase na item sa kanilang budget. Hindi tama at hindi dapat na i-zero talaga yon.

Saang galing agencies yung dinagdag, anong agencies yung binawasan?

Mostly kinuha namin yun nirealign pati yung pagcreate namin nong rehabilitation fund para sa "Yolanda" at earthquake victims sa MPBF, yung miscellaneous personnel benefits fund. Ito yung pinagsama-samang lump sum allocations para sa mga bagong item, para sa pension at para sa new hire ng pamahalaan. If you remember last year ang total savings na dineklara ng DMB mula sa MPBF ay humigit-kumulang na P22 bilyon, so maliwanag na sobra ang pondong yon kung kayat nang aming pinag-aralan sobra pa rin yung kanilang naproposed for 2014 kaya karamihan ng realignments doon namin kinuha at na-source.

Yung PDAF na P200 million ni Senator Binay...

Kinaltas yon kasi we subtracted P3.2 billion from the budget, from the proposed budget of P2.268 trillion, nabawasan yon ng P3.2 billion corresponding to the PDAF of 15 senators and the PDAF of Vice President Binay.

But if initially nandon naman yon in past years why for 2014, initially zero ba?

It's not for me to answer that, it's for the DBM to answer that, nakita lang din namin na yon yung nakapaloob sa proposed budget.

Hindi ba sir humingi ng mas malaki yata nong budget hearing, hindi lamang P300 yung hiniling ng ibang mga senador?

Ang hiniling nila ay i-restore, actually ang hiniling ng minority ay i-restore yung original allocation para sa NHA pero hindi namin kinaya at hindi kakayanin, so ang naging compromise namin ay at least maglagay ng indicative amount, at least may item na pwedeng pagrealign-an kung kinakailangan talaga ng pondo para sa project na yan.

Original allocation P3 to P5 billion?

In previous years, yes. (Naging P300 M?) Yes. Ang importante kasi may item na pwedeng dagdagan kung kinakailangan, kasi kung wala eh di ni walang ganong programa ang pamahalaan. Remember under the law you can only allocate or realign savings to an existing item in the budget, kung wala man lang ganoong item wala kang pwedeng pagrealin-an para gastusan yung ganyang uri ng proyekto.

On Ruby Tuason to appear the in blue ribbon committee hearing, ano yung gusto nyong marinig?

Well yung kanyang testimonya dahil tinatago ng DOJ at ng Ombudsman yung kanyang affidavit, hindi ko maintindihan at malaman kung bakit mas nalalaman at nauuna pang malaman ng mga pahayagan at ng media kaysa ng publiko o ang senado. So hopefully this coming Thursday I expect her to testify on her affidavit and whatever information she gave to the DOJ and to the Office of the Ombudsman, wala namang prejudgment dito dahil on-going naman na yung imbestigasyon kung saka-sakali. Hindi ko lang alam kung mayroong nakapaloob na documentary evidence yung kanyang testimonial evidence.

Yung nga sir hindi binibigay yung affidavit pero kinukuwento naman ni Secretary De Lima yung laman

Gaya nga nang nasabi ko, sana pagtestify nya dito ay ilahad nya kung ano yung nakapaloob sa kanyang affidavit at isumite sa komite yung kanyang affidavit. Tulad ng ibang mga whistleblowers ang gusto lang naman ni Secretary De Lima noon i-submit muna sa Ombudsman bago daw ilahad sa amin. Puwes ito sinubmit na sa Ombudsman, sinumpaan na sa Ombudsman, so marahil ay pwede nang ilahad sa amin at sa publiko.

Considering yung lumalabas sa mga newspaper enough na ba yung nilalaman ng affidavit para madiin sina Senator Jinggoy?

Hindi ko pa nababasa yung affidavit eh, I have yet to read the affidavit so I cannot say and I cannot tell. Well, definitely dagdag na testimonial evidence yon laban sa ilang senador na nadidiin sa pork barrel pero kung gaano kabigat yung ebidensiya niyang hawak, I will reserve judgment until I read the affidavit.

Pero tama bang slam dunk evidence daw siya?

Well hindi technical at legal term yung slam dunk. Basketball yun. I don't exactly know what that means.

Pero malaking bagay kasi dati wala naman daw ebidensiya na binigyan sila

Again. I have yet to read the affidavit. Si Secretary De Lima lamang ang nakakaalam. Siguro si Sen. Guingona kayang sabihin kung slam dunk yun dahil nabasa na niya. Pero ako hindi ko pa nababasa, yung affidavit.

Sir wala pong kopya sir kayo? Sir yung affidavit di ba nasa Ombudsman pa lang? So pwede pa siyang mag tell all, kahit ano pwede niya pang sabihin. Walang sub judice, wala pong ganon diba?

Wala, wala.

kahit ano pwede niyang sabihin?

Yes! Definitely!

Can she refuse? Yung, to attend yung hiring?

Well! Invitation lang yun. She can, of course, give an excuse.

Eh pagna- subpoena?

Pag na-subpoena, that's a legal process compelling her to attend already. Pero sana hindi na dumating sa puntong yun. Sir qualified ba siya mag state witness?

Well tama si Ombudsman Morales, nung sinabi niyang immune witness pa lamang siya ngayon dahil korte pa lamang ang makakapagdesisyon kung talagang siya ay qualified witness. Kailangan hilingin sa husgado yun. Especially now na accuse na siya. Iba ang kwento pagdating kila Benhur Luy dahil ni hindi sila na-implead) sa kaso. Ito, respondent na si Ruby Tuason sa kaso, naka file na sa Ombudsman, at kung saka sakaling magiging state witness siya, kailangan na ng pahintulot ng husgado.

Credible ba siya as witness?

Hindi para sakin na sabihin muna yan hangga't di ko pa siya napapakinggan. Pero definitely, malapit siya sa ilan sa mga akusado, at may panggagalingan o pinanggagalingan marahil yung kanyang nalalaman. Kung nagkalayo na sila matapos ang paglipas ng panahon siguro matetest na lamang natin yan upon cross examination.

Sir kilala niyo ba siya?

I've met her nung panahon ng pangulo. Si dating Pangulong Estrada. Nameet ko siya dun sa Malacañang nun. Dito sa senate hindi niyo siya nakita?

Hindi.

What was her role then sir?

I think she was the social or appointment secretary that time of the president. Social secretary ba ? (Yes). I think she was the social secretary of the president at that time.

Sir with this development, matatagalan pa ba yung pork barrel scam hearing ng blue ribbon

Baka magpatuloy pa ito. Actually sinara na sana ni Sen. Guingona, binuksan ulit dahil sa bagong testigong to. Ngayon kung may lalabas na bagong testigo, marahil ay mag drag pa muli ito. Desisyon ni Sen. Guingona, ni chairman Guingona, ang pagpapatuloy ng pagdinig.

Kasi it's time for at least Sen Jinggoy to speak up?

Kasi talagang ito, direkta na siyang sinasabi.

Nagsasalita naman siya, sumasagot naman siya sa media.

Sa hearing sir?

Well, desisyon niya yun. It's a voluntary act on the part of Sen. Estrada whether or not he wants to attend. That's his call.

So magiging witness din siya sir sa Malampaya fund controversy considering na may alam din siya?

Nabasa ko lang din sa media yun. Hindi ko alam kung yun talaga ang nilalaman nung kanyang affidavit. Again! I have yet to read the affidavit. I don't want to comment on something that I have not yet read or have yet to read.

So ano sir ang tawag kay Tuason ngayon? Hindi pa macoconsider as a state witness?

I would take the word of Ombudsman Morales. Kinonsider niyang immune witness muna siya. Meaning, hindi pa state witness. Dahil. Bagaman, isa siyang akusado. Pagpapasiyahan muna ng Ombudsman kung ano ang gagawin. Dahil ang pwedeng gawin ng Ombudsman: Una, makipagdeal na sa kanya at wag na siyang isama sa sasampahan ng kaso sa Sandiganbayan o samapahan siya ng kaso sa Sandiganbayan pero hilingin na maging state witness siya in which case, the court will have to decide.

Sir, are you expecting na itong ginawa ni Tuason, makaka encourage dun sa iba na mag surface na rin like Atty. Gigi Reyes?

Well! Depende. Depende kung ano ang kakahinatnan at mangyayari kay Ms. Tuason. Siya ba'y isasama pa rin sa listahan ng akusado, pano ba yung pagtrato sa kanya. Maraming bagay. Siguro, yung mga nagbabalak pang lumabas titingnan muna kung kamusta ang kanyang magiging kalagayan, pano ang magiging pagtrato sa kanya at ano ang kakalabasan ng kanyang kalagayan matapos niyang lumabas at maglahad ng kanyang testimonya.

Sir just to clarify. Pag naging state witness siya di na siya sasampahan o pwede may kaso pa rin siya?

Sinampahan muna siya. Pag hiniling na state witness siya, ididischarge siya as one of the accused. Pero pwede rin disisyunan na ng Ombudsman na wag na siyang sampahan to begin with. Because remember these are mere complaints filed by the DOJ before the Ombudsman.

So habang pinag-aaralam pwede na siya nasa witness protection program?

Yes, conditionally admitted siya sa WPP, ayon kay Secretary De Lima dahil sa level ni Secretary De Lima kumbinsido daw siya sa ebidensiya at may sapat na basehan base sa determination ng DOJ secretary under the WPP law na isama siya conditionally sa witness protection program. Sang-ayon ako doon, dapat naman siguro talaga na i-secure natin si Ms. Tuason, maski na nasa stage pa sa panahon na to.

May rekomendasyon na ilipat na si Napoles sa regular jail kasi wala naman daw nakuha ang senado

Well hiniling ko na yon matapos pa lamang niyang tumestigo dito dahil akala ko ang logic, ang rason at ang rationale kung bakit siya nilagay sa Sta. Rosa ay para sa gayon ay mapreserve yung kanyang seguridad dahil kakanta siya and she will tell all, eh wala naman pala siyang naaalala at hindi naman pala nya alam lahat ito at wala siyang kinalaman, wala akong nakikitang rason kung bakit hindi siya ilagay sa ordinaryong piitan, wala akong nakikitang dahil kung bakit magkakaroon ng banta sa kanyang buhay eh wala naman pala siyang kinalaman at naaalala kaugnay ng PDAF scam, ayon sa kanya.

Pwede ba siyang maging state witness?

Sa puntong ito, sa tingin ko mabigat at mahirap dahil nagpapatong-patong na yung ebidensiya laban sa kanya at malabo nang maging least guilty siya.

Na-mention din yung lawyer ni dating First Gentleman Mike Arroyo, si Atty. Jess Santos, dapat ba ipatawag di sa hearing?

Again these are only based on media reports, siguro matapos under oath sabihin ni Ms. Tuason yung pangalan niya, doon pa lamang siya pwede at imbitahan ng blue ribbon committee until that time, ewan ko kung imbitahan na siya ng blue ribbon committee pero sa pananaw at palagay ko matapos siyang idawit, matapos siya under oath banggitin kung saka-sakali sa committee hearing, doon lamang siya marapat imbitahan.

So pwedeng madawit din si dating First Gentleman Mike Arroyo?

Depende rin, kung ang sasabihin ni Ms. Tuason na siya ang ahente, conduit o bagman, depende kay Ms. Tuason.

On the death of Justice Cuevas?

Taos-puso kaming nakikiramay sa pamilya ni dating Justice Ka Afin Cuevas sa kanyang pagpanaw. Dalangin namin na sana mabigyan ng lakas ang kanyang pamilyang maharap ang kawalang ito. Malaki ang naitulong at papel na ginampanan ni Justice Cuevas, hindi lang sa legal na propesyon, gayundin sa ating bansa sa kanyang paninilbihan sa pamahalaan at sa pribadong sektor bilang isang matinik at matibay na abogado.

News Latest News Feed