Press Release
February 13, 2014

Opening Statement of Sen. TG Guingona III
Three-point Shot na Buzzer Beater na, Winning Shot Pa!

Ladies and Gentlemen:

Una sa lahat, maraming salamat sa pagpunta ninyo dito at pagdalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.

In particular, I would like to thank two persons. First, thank you, Secretary Leila de Lima for lending your full support to the Committee probe. Thank you for making the appearance of Ms. Ruby Tuason before this committee today possible.

Second, thank you, Ms. Ruby Tuason, for volunteering to help the Department of Justice get to the bottom of the controversies surrounding the use - or alleged misuse and abuse - of the money of the people.

Ms. Tuason, mahalaga po ang pagdalo ninyo. Inaasahan namin na ibibigay din ninyo sa Senate Blue Ribbon Committee ang pangako na ibinigay ninyo sa DoJ - na tutulong kayo nang buong puso sa paghahanap sa katotohanan.

Nang umpisahan ng Blue Ribbon Committee ang mga hearings kaugnay ng kontrobersiyang ito, apat na importanteng tanong ang inihanap natin ng sagot.

Una, ano ang nangyari?

Pangalawa, paano itong nangyari?

Pangatlo, sino ang mga dapat managot sa mga nangyari?

Pang-apat, ano ang dapat gawin para hindi na ulit mangyari ito?

What happened? How did it happen? Who should be held accountable for what happened? What must be done to make sure what happened never happens again?

Hindi lamang po ito tanong ng Senate Blue Ribbon Committee. Ito po ay tanong din ng taumbayan. At dapat lamang po - sila kasi ang tunay na may-ari ng perang sangkot sa usaping ito. Malaking, malaking pera.

Aasahan po namin ang inyong tulong.

Ang sabi ni Secretary De Lima, ang inyo daw pong testimonya ay parang isang "slam dunk".

Sa tingin ko, hindi lamang ito isang slam-dunk. Kung paninindigan po ninyo ang mga bagay na sasabihin ninyo, baka po isang three-point shot. Isang three-point shot na buzzer beater na, winning shot pa.

Magtulungan po tayo.

Umpisahan natin ang pagdinig.

News Latest News Feed