Press Release
February 25, 2014

Transcript of Senator Nancy Binay's Radyo Singko 92.3 interview
Punto Asintado with Martin Andanar and Erwin Tulfo

Senator Nancy Binay (SNB): Dun sa pagsa-smuggle ng bigas, ay parang ano ho, parang pareho sila ng modus operandi. Yung kunwari may beneficiary na mga magsasaka o kaya yung mahihirap nating mga kababayan tapos ginagamit yung mga cooperatives o kaya yung NGOs. Siguro it's high time ho siguro na i-review natin ang proseso, baka kailangan yung accreditation tapos talagang, siguro pagtibayin din po natin yung pag-audit kasi bakit katulad ho niyan wala naman silang natanggap pero I think hanggang ngayon siguro hindi pa nache-check ng COA yung ganyang proyekto.

Erwin Tulfo (ET): Pero the Department of Agriculture Ma'am earlier naka-usap natin si Usec. Cleta ng DA, meron na raw po silang mga safety nets ngayon immediately after nitong imbestigasyon sa Senado, itong pork barrel scam. May mga inilatag na raw po silang mga safety nets para matiyak na yung mga pondo ay napupunta sa dapat pinaglalaanan. Pero will this suffice, Ma'am? Sufficient na po kaya ito or maganda kung may mas ilalatag pa tayo through isang panukalang batas o batas na maglilinaw para masiguro talaga na yung pondo po natin, yung pera po nating lahat ay mapupunta talaga doon sa dapat pagpupuntahan, Ma'am senadora.

SNB: At sa tingin ko ho, siguro dapat may isang batas na may regulasyon na kung papaano ibibigay yung pondo ng pamahalaan pagdating ho doon sa mga beneficiary kasi hindi lang naman ho ito sa Department of Agriculture pati dun sa DSWD may mga livelihood projects din ho sila. Kaya nga ho ang panawagan ko doon sa Blue Ribbon Committee na sana umusog na yung aming imbestigasyon doon pa sa ibang NGOs. Alam ninyo, yung COA findings po, napakaliit lang ho ng porsiyento dun sa mga Napoles-related NGOs. Ang kinakatakot ko ho, baka mayroon doon sa mga nakalusot na NGOs na patuloy pa rin nilang ginagawa yung kanilang kalokohan.

ET: That's exactly correct, Ma'am kasi nga po itong nabanggit ko nga pong itong Evelyn Miranda, we found out ay hindi lang po pala sa DA nagta-transact ito, pati po sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ginagamit naman po niyang project: reforestation. Mahirap pong i-check itong reforestation.

SNB: Ang hirap pong bilangin ng mga puno.

ET: Kaya nga po. What we heard, Ma'am, nung panahon na po ng PNoy administration nagbigay po ang DENR allegedly P100 million, dinala raw po sa Bataan pero wala naman tayong nakikitang napakaraming puno na diyan sa Bataan. Tapos ito rin pong kanyang proyekto na livelihood, so kung hindi po livelihood ang projects niya ay reforestation na ipinapadaan niya sa kanyang mga foundations, itong certain Evelyn Miranda. Mas delikado po at mukhang mas malaki pa ito kaysa kay Janet Lim-Napoles dahil si Janet naka-concentrate lang po sa DA, ito siya pati sa DENR ay meron din po siyang mga projects, Madam Senadora, Ma'am.

SNBA: Hayaan ninyo po... Kaya nga po ang panawagan ko kay Senator TG na sana umusog na kami sa iba pang NGO para talaga malinis itong sistema sa ating pamahalaan pagdating doon sa pagbibigay natin sa mga NGO pati na siguro sa mga kooperatiba.

ET: Makikipagcoordinate po ako sa mga grupo ng mga farmers para makapagsumite po sila ng mga dokumento nila sa inyong tanggapan para masiyasat po ito, ito pong hinggil sa 30 million na ghost project ng isang Evelyn Miranda diyan po sa Cuyo. Siguro po pati yung Mayor mukhang may suspetsa po sila na nagconive si Mayor dahil sinabi po ni Mayor, "Pirmahan ninyo yan at may darating na mga baka." Kaya pinirmahan nila. Pero wala namang bakang dumating.

SNBA: Sige po. Siguro po, mas maigi na nasa akin ang mga dokumentong ito para kapag nagfile ako ng resolution at magtawag ng hearing si Senator Villar ay nandoon na po ang lahat ng ebidensya na kakailanganin.

Martin Andanar (MA): At saka, Madam, mayroon lang po akong suggestion lang po. Ang hindi pa po natatalakay ng Senado, yoong mga financial statements ng mga non-profit organizations.

ET: Iyon!

MA: Baka pwede pong pakisilip po sa staff po ninyo, Ma'am. Kasi po sa mga ganitong financial statements po, sinasubmit din po ito sa BIR, Ma'am.

SNBA: Ah, sige po. Iyan nga po ang nakakagulat po kasi kaya nga po sila tinawag na NGO --- Non-government Organization -- kasi hindi dapat sila nakasandal sa pamahalaan kapag dating sa funding. Kaya lang ang lumalabas parang naging contractor na ng pamahalaan ang mga NGOs.

ET: Eh mukhang ganoon na nga po, Ma'am, ang common practice ngayon. So siguro through you, masilip na rin ito. Especially after Napoles, dapat pong masimulan na rin ang iba pang mga NGOs diyan, mga foundation-foundation diyan sa paligid po ng Department of Agrarian Reform ng DA, ng DENR para matuldukan na itong kawalanghiyaan na sila-sila lang po ang kumikita at pagkatapos... Siguro po it is high time na ito na po ang imbestigahan natin.

Tama po ang Kataas-taasang Hukuman na pati itong mga contractor, kasi ito naman po ang ugat ng lahat eh. Dahil sa kanilang mga offer na bribe, lagay, tongpats, natetempt, nadedemonyo tuloy yung politiko na maghatag ng pondo sa mga ito na ang kapalit po ay mga porsyento at komisyon na 20, 40 percent hanggang 50 percent pa, Madam Senadora.

SNBA: Totoo po iyan. Kaya nga po kami sa Senado ay talagang nagcoconduct ng mga hearings para po ma-address ang mga ganitong mga problema.

ET: Sige po, Ma'am, ganito po ang aking gagawin para in the next few days po ay hihingin ko po ang mga dokumento ng mga magsasaka ng Cuyo para maisumite po para mahabol at maimbestigahan na rin po ninyo itong Evelyn Miranda at mainmbestigahan na rin itong Janet Lim Napoles. Madam Senadora maraming salamat po, Ma'am.

Muli, magandang umaga po sa inyo.

SNBA: Maraming salamat po at thank you.

News Latest News Feed