Press Release
March 3, 2014

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar
(hearing on Manila Bay reclamation)

Q: Dito sa second hearing ano na po ang nabubuo natin na maaaring gawin?

Villar: Kailangan talaga ang PRA (Philippine Reclamation Authority), bago sila gumawa ng study kung mabuti para sa ating mga kababayan, hindi ang proponents ang gagawa ng study kasi kapag proponents na, may financial interest na iyon. It should be independent. Dapat ang consideration iyong mga simpleng tao. Mga simple lang naman kasi ang gusto ng mga ordinaryong tao, gusto lang nila iyong safe, mabubuhay sila sa kanilang simpleng buhay na hindi sila matatakot sa mga baha, na iyong kanilang mga hanap-buhay katulad ng mga fishermen ay matuloy, huwag mawala sa kanila. Minsan sa complication ng modern life, nakakalimutan natin iyong mga simpleng gusto ng tao. Akala natin kung mas maganda ang lugar, modern, iyon ang gusto ng tao pero sa totohanan lang, gusto nila walang baha, may hanap-buhay sila, iyong simpleng buhay nila naitutuloy nila nang hindi sila ginagalaw.

Q: Kanina parang nagulat kayo sa mga planong reclamation ng PRA pero walang proponent?

Villar: Oo. Masyadong malaki na hindi natin alam, doon tayo nagugulat. Problema na iyong may proponent na hindi tayo gaanong naga-agree tapos may mga additional pa na ubod nang laki. Hinay-hinay naman tayo. Tayo ay tumigil, mag-isip, at alamin natin ano ba talaga ang mabuti para sa ating mga kababayan, lalong-lao na iyong mahihirap nating kababayan na nadi-displace.

Q: Iyong PRA nagpaplano ng reclamation tapos parang isinusubo sa mga LGU...

Villar: Hindi dapat. In fact, reclamation should be a last resort. Kasi ang reclamation kung magkamali tayo, hindi na natin maibabalik. It's a very difficult situation na nagkamali ang reclamation, paano mo iko-correct? Kaya dapat hinay-hinay tayo when it comes to reclamation. Malaki masyado. Sinasabi nga nila, we are primarily an island, ang diversity natin very important sa atin. That should be a consideration. And of course, right now iyong climate change, storm surges, iyong rising sea level, wala iyan before. Those are not considerations before. Ngayon meron na niyan.

Q: Nagbibiro ba kayo nung sabihin ninyong palitan na lang ang palitan ng PRA o iabolish na lang natin?

Villar: Hindi ko sinasabing i-abolish, parang i-redirect. It should be for development not for reclamation. Kasi kapag sinabing for reclamation, parang ang ire-resort natin iyong reclamation. Ang sa akin, for re-development, development that is good for the country not necessarily reclamation.

Q: Kasama po ba sa legislation na gagawin ninyo iyan?

Villar: Nag-create na po kami ng technical working group, we want to hear their side. Together we can decide what is best for our country. Hindi naman ito against PRA per se, pero iyong thinking lang na ano ba ang gusto ng mga tao, what will be better for the country?

News Latest News Feed