Press Release
March 4, 2014

Transcript of Ambush Interview with Senator Nancy Binay

Reporter: Ma'am hindi napasa si (Heidi) Mendoza dahil sa kaso ng mom ninyo...

Senator Nancy Binay (SNB): Ganun? Hindi ko alam, naghi-hearing ako dito eh!

Reporter : Any comment po?

SNB: Comment? Anong nangyari?

Reporter : Ma'am, hindi na naipasa dahil may manifestation si Senator Jinggoy na magtatanong pa siya at inireiterate yung mga concerns dun sa kaso ng mom ninyo at nung dalawang attorney.

SNB: Ano bang sinabi ng dalawang attorney?

Reporter: Na, ano nga bang sinabi, na... questioning yung integrity ng report ni Mendoza.

SNB: Anong question? Hindi kasi medyo... I guess prerogative naman ni Senator Jinggoy yun as a member of the CA.

Reporter: Tapos may statement si Ms. Mendoza na sinasabi niya na kasalanan ba niya na nakapagfile siya ng kaso sa isang nag-aambisyong maging president?

SNB: Hindi, kasi I think, I remember may isang beses na may hearing dun sa kaso ng mother ko that she invited people from the, nag-invite siya ng media sa hearing which I think, hindi ko alam kung iyun yung ini-raise ng mga lawyers na parang nagbitbit siya ng media niya doon sa hearing which is parang totally unfair on the part of my mother kasi yung hearing niya, yung side lang niya--ano bang tawag doon sa hearing, yung time ng prosecutor to present a case so pag dating doon sa defense na, parang walang coverage, so parang one-sided--magiging one-sided yung reporting.

Reporter: Ma'am, she denied it kasi and she said that she doesn't have the money daw for the media and it's actually daw parang nung tumira pa ang media against pa sa kanya. So it's not true daw, she denied it in front of the committee.

SNB: Parang hindi naman naging ganun yung resulta.

Reporter: Ma'am, may insinuation during the CA hearing na kaya siya natatagalan yung confirmation, dahil nga she filed a case.

SNB: Aside from that I think meron din yatang somebody from COA na may mga issues na ni-raise against her.

Reporter: Ma'am, as far as the case of your mother is concerned, legitimate issue ito raised during the CA hearing? Nothing personal?

SNB: Ang alin? Yung sa amin? I guess, kasi nga yun ano na lang eh, yung integrity of her audit na ginawa niya regarding with my mother's case.

Reporter: Pero sabi niya kasalanan niya na nag-file siya ng kaso sa isang may planong maging president. Kasalanan nga ba yun where your family is concerned?

SNB: Siguro yun yung interpretation niya but I guess si Senator Jinggoy iba rin naman yung interpretation niya.

Reporter: Pero ma'am, tingin ninyo ba kawalan nga ng integrity dahil nga she filed a case against your mother?

SNB: Eh kasi kapag tinrace mo nga yung history parang ano eh, parang ang dating she is an attack dog for people who has ambition.

Reporter: Attack dog nino?

SNB: Hindi ko alam kung sino.

Reporter: Tingin ninyo ma'am, yung mga allegations na yan kung baga fabricated o ginawa just to destroy your family?

SNB: Eh kasi parang ganun yung nakikita namin eh. Kung natatandaan ninyo yung isang kaso nga nadismiss na nabuhay pa ulit!

Reporter: Ma'am, when she did the audit hindi pa naman daw po lumulutang na tatakbo si VP? Parang 2003?

SNB: Yung audit. Hindi rin ako privy dun sa particular details pero I think yung pag-file ng case did not happen in 2003. Tapos ngayon mas naging intense pa lalo kahit na may tatlong kaso nang nadismiss narefile pa nga ulit eh.

Reporter: Ma'am, si Senator Jinggoy po nagpadala ng sulat or posting on that particular confirmation. Kayo po as a senator, your capability as a senator, gagawin ninyo rin ba?

SNB: Hindi ako part ng Commission on Appointments .

Reporter: Let's say kapag napunta na sa plenary? Let's say lang po, for the sake of discussion...

SNB: Mapupunta ba siya sa plenary? Siguro hintayin na lang natin kapag napunta na sa plenary.

Reporter: Did he talk to you about it? Na io-oppose ito?

SNB: Hindi pero di ba kung titingnan ninyo naman ever since nung 15th Congress si Senator Jinggoy already opposed her appointment.

Reporter: Kayo po, tingin ninyo rin she does not deserve to be confirmed?

SNB: Personally? I think so. Based on reports that we gathered talagang ano, parang nagagamit siya to attack my family.

Reporter: Ma'am sinasabi niya kasi isn't it enough na umaabot sa Sandiganbayan nagagamit yung audit niya so she's capable and competent enough as an auditor--kasi ginagamit na ebidensya...

SNB: It remains to be seen 'cause I think noong kino-cross examine ata siya noong lawyers naming parang hindi naman niya najustify naman ata yung findings niya.

Reporter : Ma'am, she said she's just doing her job. Tapos ginagamit lang ng Ombudsman yung findings niya. So bakit kailangan daw niya mag...

SNB: Hindi, unang-una nga kung matatandaan ninyo nadismiss na nga ng Ombudsman yung case based on her findings tapos ngayon nabuhay nga yung kaso na iyon, narefile so...

Reporter: Cargo na iyon ng Ombudsman. Wala raw po siyang kinalaman dun sa pagrerevive nung cases.

SNB: Hindi pero siguro if you base it doon sa una, if she was competent enough, bakit nadismiss yung kaso ng Ombudsman?

Reporter: Ma'am, si Senator Jinggoy inoffer kay VP Binay na maging president na lang ng Partidong Masa, Pwersang Masa Pilipino.

SNB: Siguro that is another option na pwedeng ano. Para at this point marami kasing suggestions, maraming options, so I think pag-aaralan lahat ng father koyung gagawin niya when it comes to his political party.

Reporter: Ano po yung iba pang options available?

SNB: Ay well, isang option nga is to form a new one and then meron ding nagfo-float ng suggestion. Kasi yung PDP-Laban it was also a merger. Dati PDP lang yan tapos Laban, yung PDP yun yung grupo nina Senator Nene Pimentel and then yung Laban yun naman yung grupo ng ating Vice President. So may mga tao din doon sa Laban na parang bakit hindi Laban na lang? So may ganung ano din. Pero at the moment, I think ang pinag-aaralan talaga is to form a new political party.

Reporter: Ma'am, doing so hindi kaya burning bridges yun on some particular groups, yung nagawa po, ang ginagawa po ngayon na magfo-form ng bagong...

SNB: Burning bridges kanino?

Reporter: Sa grupo po na nauna na. Yung PDP-Laban po.

SNB: Eh hindi, kasi yun na nga eh... I guess parang sa mag-asawa ay kailangan niyang magpa-annul, nagkaroon ng psychological incapacity somewhere.

Reporter: Ano pa pong discussion ninyong mag-ama? Sino po ang napupusuan na mag-Vice?

SNB: Ay hindi naming napag-uusapan. Wala. Ako? Wala. Ayokong makialam diyan.

Reporter: Is Senator Jinggoy a good option?

SNB: Yes, everybody is a good option.

Reporter: Pero mas may edge ba siya? Kasi sabi ni Senator Jinggoy first choice niya ang tatay ninyo kung tatakbo siya.

SNB: I guess may edge si Senator Jinggoy kasi since 2010, even before 2010 magkakasama na kami, nung time pa lang na si Mayor Erap naging president tapos yung kay FPJ, kung baga kami talaga yung magkakasama through thick and thin.

Reporter: Ma'am, how could contradict po na sinabi ng Vice President na gusto niya maging economist ang magiging running mate niya...

SNB: Contradict kay Senator Jinggoy? I think Senator Jinggoy is a graduate of ano, UP School of Economics, ang alam ko ha. Yun ang kanyang course sa UP.

Reporter: Considering two years na lang bago mag-election, gagawa ng bagong political party, kayang national machinery, kakayanin kaya?

SNB: I think so. Kaya nga I think napupusuan niya na i-launch yung political party, I think target niya is by June 12.

Reporter: Ma'am, dun lang sa statement ni Senator Cayetano na raising alarm na the Binay presidency may not work hard to convict yung mga senators and lawmakers na involved sa pork scam?

SNB: Ano yan eh, hypothetical or di ba so ayoko nang patulan pa kasi nga survey period na this week so...

Reporter: Talaga ma'am, survey period na?

SNB: Oo, balita kasi naming survey period na this week. Oo nga kasi parang unang-una wala naming kuneksyon ang ama ko doon sa PDAF hearing pero parang napasok yung pangalan niya sa PDAF.

Reporter: May nagpapataas ng survey ratings, ma'am?

SNB: Ah, tingnan, ewan ko. Total kanya-kanyang announcement ng intension pagdating sa 2016.

Reporter: Ma'am, sinasabi ni Senator Cayetano na parang one thing that will happen daw yung...

SNB: Gusto ko lang i-emphasize ha, katulad ng sinabi ng father ko, hindi naming ugali yung ano, yung manggamit ng ibang tao just to further advance our political career. If you trace yung ano namin, it's always about our competence and our capability to serve our people.

Reporter: So may nanggagamit, ma'am?

SNB: Aba, ewan ko sa iyo.

Reporter: Ma'am, si Senator Cayetano parang ang susunod na issue doon sa kanyang partido yung issue ng corruption kasi wala naman daw malinaw na statement si VP Binay especially sa mga kapartido na involved sa PDAF.

SNB: Eh, lagi naman niyang paulit-ulit na sinasabi di ba as a lawyer, the proper forum is the courts so antayin natin na pag naisampa na yung kaso, dun natin bantayan kung anong mangyayari. Kasi di ba tulad ng PDAF hearing naming, it's all in aid of legislation eh...

Reporter: So no need for the VP to...

SNB: Kasi ultimately ang magdedesisyon naman niyan kung may kasalanan yung mga accused is the courts.

News Latest News Feed