Press Release
March 4, 2014

Transcript of interview

Kung may lifestyle check daw, dapat lahat din daw ng mga senator.

Well matagal na akong sumasang-ayon doon, kasabay ng pag-file namin ng SALN, palagi kaming nagsa-submit ng waiver, ng secrecy of bank deposits, tulad nang sinabi at pinangako ko noong na-convict namin si Corona, na ang pamantayan, ang panukat na ginamit namin para i-convict siya dapat mag-apply din sa bawat opisyal at kaming mga senador na bumoto para i-convict siya dapat iyan din ang pamantayan na gamitin para sa mga sarilin namin.

To extend hanggang sa mga cabinet members, hanggang kay PNoy daw?

OA naman na siguro iyon. Well panawagan ko, may panukalang-batas ako para i-require ang waiver ng secrecy of bank deposits sa lahat ng opisyal, pero ang panawagan sa ngayon at ang katanungan ngayon at may kuwestiyon at kaso ngayon ay sila, hindi naman siguro tama na idawit at idamay pa nila si Pangulong Aquino sa isyung ito, subalit kung mapapasa ang batas at sana tulungan nila ako sa pagpasa ng batas na iyan, kung mapapasa ang batas na nire-require lahat ng opisyal, magsubmit ng waiver ng secrecy of bank deposits, e di lahat yon ay masasaklaw, maski si Pangulong Aquino masasaklaw ng batas na iyan.

Pero para saan itong lifestyle check, for show lang?

Well for show man o hindi, para sa akin para man sa pakipakinabang ng sinumang naghahamon, importante at kailangan naman talaga malaman yan ng ating mga kababayana para patunayan na wala kaming tinatago at yung walang mga tinatago, walang kailangang katakutan.

Si Benhur Luy bago na ang kanyang abogado, wala na si Atty. Baligod sa kanya dahil wala daw time

Well isa siguro yan sa mga tanong na marapat ipukol pagdating ng pagdinig sa Huwebes, pero sa ilaim ng batas position of confidence ang abogado ng isang kliyente at anytime pwedeng alisin at palitan ng isang kliyente ang kanyang abogado kung wala na siyang kumpiyansa, tulad ng opisyal na rason na ginagmit nya ay tila masyadao nang abala sa ibang mga bagay yung kanyang abogado. So nasasaklaw ng karapatan ni Benhur Luy yan bilang isang kliyente, ang pagpalit at pagpili ng kanyang abogado.

If Luy testifies on Thursday, will you ask him?

Definitely, tatanungin ko yun sa kanya kung bakit, dahil siyempre interesadong malaman ng publiko yung mga rason sa likod kung bakit nga ganyan, dahil hindi maikakaila mula't-mula sila ang magkasama, mula't-mula sila ang palaging tandem at sila ang nagsimula ng lahat na ito.

May epekto ba yon sa kaso niya?

Wala akong nakikitang epekto sa kaso dahil hindi naman testigo si Atty. Baligod sa kaso, ang testigo dito si Benhur Luy.

Pero ang dami na nyang alam, alam nya lahat yung kuwento?

Well kung katotohanan naman ang sinasabi ng lahat ng testigo, ano ngayon kung alam ni Atty. Baligod yon, eh ano ngayon kung hindi sila magkasundo ni Benhur Luy. Uulitin ko katotohanan at hustisya ang hanap ng bawat isa, bilang abogado trabaho ni Atty. Baligod na alamin at hanapin ang hustisya, at hindi idiin ang sinuman, so anuman ang kanyang nalalaman, hindi dapat yon makaapekto sa kaso, basta't katotohanan ang sinasandalan ng mga salitang binitiwan ng mga whistleblowers, particular si Benhutr Luy.

Does it anyway weaken the case?

No, I don't think so, it will not affect the case, ulitin ko, dahil hindi naman testigo sa kaso si Atty. Baligod.

For 2016 (elections), Mar-Chiz daw?

Actually, puro tsismis, Chiz ang pangalan ko pero "mis," hindi; puro tsismis laman yan, napakalayo pa ng 2016 at hindi parehas at hindi karapat-dapat na sa totoo lang ganito kaaga pag-usapan, paghandaan, gumalaw o masyadong maglaway para sa puwestong yan. Napakalayo pa at napakarami pang trabahong dapat nating gawin, sa anumang kapasidad, bilang congressman, bilang senador, bilang mayor, bilang governor, bilang vice president, na dapat doon pa sana nakatuon ang pansin ng bawat isa. Darating ang panahon para sa eleksyon at pulitika, hindi lamang ito yon.

Ano yung masasabi nyo sa mga nagpaparamdam na as early as now?

Well karapatan nila yon, pero para sa akin hindi nababagay at hindi napapanahon na gawin yon sa ngayon.

Sa ngayon walang any attempt to talk to you, yung Palace, about 2016.

None. None whatsoever.

But the Mar-Chiz, well considering yung pinagdaan nyo in the past elections, possible ba yon?

Walang imposible, lahat possible, yan naman ang madalas sinasabi ng mga batikang political analysts, pero gaya nga nang nasabi ko, walang pag-uusap at walang usapan kaugnay nyan, ng eleksyon ng 2016.

But you will seek higher office, sir?

Wala pa ako don, gaya nang nasabi ko noon, kuntento ako sa kinalalagyan ko ngayon, hindi ito ang panahon para mag-ambisyon, maglaway at tumingin sa mas mataas na puwesto. Kung dumating man yon, papalapit siguro ng 2016, pero hindi ngayon.

May rumor din na Mar-Kris Aquino naman daw?

Tsismis din siguro, tulad ng mga lumalabas. Mahirap at napahirap mag-react sa tsismis na wala namang basehan, kaya para sa akin, hangga't hindi pa napapanahong pag-usapan, hangga't walang aktuwal na pag-uusap, mahirap magkomentaryo at wala akong masasabi kaugnay nyan.

News Latest News Feed