Press Release
March 6, 2014

SENATOR TG GUINGONA
Opening Statement
Blue Ribbon Committee Hearing
March 6, 2014

LADIES AND GENTLEMEN:

Once again, I thank all of the resource persons present here today for joining us in today's hearing.

Katulad ng lagi kong sinasabi sa umpisa ng bawa't hearing, nagpapasalamat ako sa inyo, hindi lamang para sa sarili ko at sa mga kapwa ko senador.

Nagpapasalamat din ako sa inyo sa ngalan ng mga kababayan natin - sa mga kapwa natin Pilipino na patuloy na umaasa na makikita natin ang katotohan sa isyu na ating iniimbestigahan.

Today, we have convened specifically to hear the testimony of Mr. Dennis Cunanan, former director-general of the Technology Resource Center.

Bago natin pakinggan si Mr. Cunanan, lilinawin ko muna ang ilang bagay.

Una, ang pagdinig na ito ay bahagi ng patuloy nating paghahanap ng sagot sa tanong natin at ng mga kababayan natin: ano ba ang nangyari; bakit nangyari; sino ang dapat managot sa nangyari; at ano ang dapat nating gawin para hindi na maulit pa ang mga nangyari.

Ang sasabihin mo sa pagdinig na ito, Mr. Cunanan, ay mahalaga sa pagsagot sa mga tanong na iyon.

Pangalawa, dahil importanteng makita ng Blue Ribbon Committee ang sagot sa mga tanong na iyon, inaasahan natin na kayo po, Mr. Cunanan, ay magsasabi ng tama, tapat at sapat. Walang labis, walang kulang.

Inaasahan namin na hindi ka magpapaligoy-ligoy at hindi mo paiikutin ang mga mambabatas na nandito.

Pangatlo, pagkatapos na madinig ng Committee ang testimonya ninyo, Mr. Cunanan, pag-aaralan namin ang halaga at kabuluhan nito sa pagsagot sa mga tanong na nabanggit ko.

May kabuluhan lamang at halaga ito kung maipakikita mo sa Blue Ribbon Committee na ang inyong testimonya ay tama ... tapat ... at sapat. True. Truthful. Complete.

Tandaan natin ang tatlong bagay na ito.

Let us now commence today's hearing.

News Latest News Feed