Press Release
March 7, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's Radyo Singko Interview
Punto Asintado/Erwin Tulfo and Martin Andanar

On strengthening efforts to end media killings

Sen. Grace Poe: Magandang umaga Erwin at Martin at sa lahat ng nakikinig. Erwin Tulfo: Natutuwa po kami, sampu ng mga kasamahan naming media men, na tinututukan ninyo po itong media killings na ito. Alam nating most dangerous na maging media man sa ating bayan sa buong mundo. So kami ay natutuwang merong mababatas na masyadong concerned dito. Ano ho ang gagawin natin ngayon, Senadora Poe para matuldukan ang pagpatay sa media sa ating bayan? Ano ho ang plano ninyo at ano ho ang nailalatag ninyo or gagawin hinggil sa problemang ito?

Poe: Nagkaroon po kami ng hearing tungkol dyan tapos inimbitahan natin ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima dun sa Maguindanao massacre. Nandun din po ang mga representanteng journalists at napag-usapan natin na dun sa kaarawan ng Maguindanao massacre, dapat magkaroon ng commemoration, di lamang para magkaroon ng formality lang pero para maalala ng mga kababayan ang mga nagbuwis ng buhay para maihatid ang kwento o storya sa kanila. Naging debate dyan ay kung ito ba'y tatawaging Press Freedom Day. Ayaw po ito ng ilang journalists dahil bakit naman tatawaging freedom e andami pa rin dito sa'ting nagaganap na media killing. Baka tawagin na lang na commemoration for the Maguindanao massacre pero papalitan ng pangalan pag nagkaroon na ng pagtatapos sa korte noong kaso na yun. Una, para sa pagkilala sa nangyari. Pangalawa po, hinihikayat natin kasi na pag sinasampahan ng kaso, ang bagal-bagal nang umusad dahil ang istruktura ng ating korte, masyado ng overloaded ang courts natin. Sa committee on justice na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel, marami na syang panukala na pag nagfile ka ng kaso, mas madaling uusad ito. Pangatlo, pinag-uusapan natin sa PNP, prioridad na maprotektahan, lalo na sa probinsya na maraming matatapang na commentators na tulad po ninyo. Talagang delikado ang kanilang buhay. Yun din kailangang bigyan prioridad na maprotektahan.

Tulfo: Sa palagay ninyo, may pag-asa kaya? Ilang administrasyon na ho ito. Panahon pa ni Marcos-- mga desaparecidos-- tapos mga Aquino tapos si FVR, Erap, then Gloria, then Pnoy, pero tuloy-tuloy pa rin. Palagay nyo mam matutuludukan ba ito?

Poe: Ayan din ang aking pangarap kung meron man tayong masasabi, ikumpara natin bago magkaroon ng EDSA revolution. Sa totoo naman mas malaya maghayag ngayon. Naalala ko sa tatay ko, yung MTRCB, Board of Censors pa noon, alam nyo saan opinisa noon? Sa loob ng Camp Crame. Si Gen. Ermita ay board member noon. Kaya talagang ibang klase talaga noon. Nagkakaroon na ng pagbabago. Ikinagagalak ko na yung FOI naman ay papasa na sa Senado kaya lang yung korte natin, mabagal pa rin. Ang tagal ng mga kaso. Ang yayabang ngayon ng mga kawatan kasi sasabihin nila pag meron silang backer na malakas ay makakawala rin naman sila. Law enforcement, justice-- pag may isa jan na hindi tama ang pagpatakbo ay may ma-dedelay talaga. Tapos isa pa po, problema rin ang pagkalap ng ebidenysa. Sabi ko nga sa pulis dapat may continuing education yan. Paano nyo ipinepreserve ang evidence? Yun po mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Tulfo: Mam, nagpapasalamat po kami sa efforts ninyo para itulak ang kaligtasan ng mga media men.

Poe: Maraming salamat din po.

News Latest News Feed