Press Release
March 10, 2014

Transcript of Senator Nancy Binay's interview
Senate, 10 March 2014

Media: Ma'am, pabor ba kayo na bigyan ng legislative immunity si Dennis Cunanan?

Senator Nancy Binay (SNB): Legislative immunity? I think na-grant na yata ni Senator Guingona yan during the last hearing? Hindi pa ba?

Media: Motion pa lang po.

SNB: Ah, motion pa lang. Based dun sa ano niya parang hindi kasi may inconsistencies sa affidavits niya.

Media: Naniniwala ba kayo, Ma'am, na hindi siya tumanggap? Kasi magkaiba sila ng ano ni Benhur Luy.

SNB: I think yun na nga yung pinakamalaking dagok sa testimony niya, na hindi siya tumanggap. Nakita naman natin doon sa hearing na parang may ano doon sa lifestyle niya.

Media: Bakit mahirap paniwalaan para sa maraming senators, Ma'am?

SNB: Siguro kung nakita ninyo naman ang hearing, maraming may kakilala sa kaniya in fact most of them ang tawag nga sa kanya ay DeCu. So siguro they've seen yung lifestyle niya kaya hindi sila makapaniwala na wala siyang natanggap.

Media: Si Secretary De Lima sinabi na bibigyan pa niya ng chance yung kampo ni Cunanan to rectify and fix the testimony. Do you agree na pwede pang gawin yun after everything?

SNB: Siguro dapat ring i-weigh ni Secretary De Lima, unang-una bakit ba nasama si Mister Cunanan dun sa listahan ng fa-filean ng kaso? Compared sa kung ano bang macocontribute niya sa ng PDAF.

Media: Tingin ninyo, Ma'am, kailangan ba siya?

SNB: Kasi di ba, paulit-ulit naman ang sinasabi ni Secretary De Lima na kahit wala pa itong two witnesses ay matibay na at may laban na yung kaso nila.

Media: So okay lang ma'a, sa tingin ninyo kung bibitawan na siya?

SNB: Eh, unang-una ay provisional witness pa lang naman siya di ba and I think medyo hindi nga sila naging thorough doon sa pagkuha kay Mister Cunanan kung matatandaan ninyo during the hearing parang nagulat pa si Secretary De Lima na nakatanggap pala according to Mister Luy ng P960,000 si Mister Cunanan, so apparently that information that I asked from Mister Luy kung baga hindi nila talaga natanong si Mister Luy kung ano ba talaga ang naging participation ni Mister Cunanan.

Media: Ma'am, on another topic naman, on the exchange between Senator Alan Peter Cayetano and Vice President Jejomar Binay regarding the 2016 presidential elections, medyo nagiging mainit na yung kanilang naging exchange.

SNB: May exchange ba? Hindi ba parang one-way lang naman yung ano, yung pinanggagalingan?

Media: Nanggagaling lang po kay Senator Cayetano?

SNB: Parang may exchange ba? Parang hindi naman ata, parang wala namang sumasagot from our camp in fact, I remember nung na-interview si Vice President Binay ay hindi na siya nagkomento kay Senator Alan Cayetano.

Media: Ma'am, nagresign na si Pimentel sa UNA... Patuloy na ba ang paghihiwalay ng landas ang mga Pimentel at mga Binay?

SNB: Ay nag-resign na ba? I am not privy to that so I cannot confirm kung nagresign na siya. Di ba remember during the campaign period parang meron din siyang ganung letter pero hindi natuloy eh. Hindi ko alam kung tuloy na itong pagreresign niya.

Media: (unintelligible)

SNB: Sa kanya pa rin yun, kumbaga hindi na mawawala yung pangalan na Pimentel School of Local Government sa University of Makati, whether magresign o mag-stay siya dun sa programa.

Media: Kung sakaling magresign nga siya, hindi ba yun mamasamain ng mga Binay?

SNB: Hindi naman siguro. Hindi ko kasi alam kung nag-usap na ang father ko at si Senator Nene, kasi sila naman talaga yung may mas mahabang pinagsamahan kaysa kay Sen. Koko.

Media: Ma'am, walang formal na resignation o letter?

SNB: Hindi ko alam e.

Media: Nakapanghihinayang ba, Ma'am, kung sakaling magresign si former senator (unintelligible)?

SNB: Oo naman, sayang naman e siya ang nag-umpisa ng programa na yun at malaki ang tulong. Unang-una e siya ang father of Local Government Code, siya yung tinuturing na isa sa mga LGUs na nagpaparticipate sa programa na yun.

Media: Hindi pa ba confirmed kung nagresign or...?

SNB: Hindi ko alam, dahil Makati yan e.

Media: Hindi ninyo ba ini-encourage si Sen. Koko na huwag magresign yung tatay niya?

SNB: Hindi ko alam kung ano yung family dynamics nila.

Media: Ma'am, kamusta naman si Sen. Alan Cayetano?

SNB: Ok naman, ok naman. Di ba love, love, love, love, love nga dito?

Media: Sino pa po yung mga nirerecruit bukod kay Congressman Pacquiao para sa 2016, yung magiging lineup ng Senator?

SNB: Hindi ko alam, hindi ako masyadong active.

Media: Pero si Cong. Abigail tapos na ba ang term niya?

SNB: Sa 2016 matatapos na siya.

Media: Kasama ba siya sa senatorial slate?

SNB: Parang hindi.

Media: Bakit hindi?

SNB: Parang gusto niya magconcentrate as a mother. Magpapalit kami ng role. Parang pahinga, yun ang naririnig ko e, parang gusto niya magconcentrate sa pag-aalaga ng anak niya. Si Mayor Jun-jun may isa pa. Si Cong. Abby lang yung last term. I think ang gusto niya e magko-centrate sa pagtulong sa, if ever tatakbo nga ang father namin sa 2016.

Media: Ma'am walang possibility na binabanggit ang father niyo, si Vice President Binay na posibleng makipagmerger sa iba, aside sa PDP-Laban?

SNB: Wala.

News Latest News Feed