Press Release
March 10, 2014

Transcript of interview with Sen. Grace Poe
March 10, 2014

Sen. Grace Poe: Ang FOI natin ay hindi isang inutil na batas kaya siniguro natin na hindi malabnaw ang papasang version. Kung saka-sakali nga mas pinatibay natin, mas nagiging malakas pa ang FOI sapagkat minugkahi ni Sen Miriam ang automatic uploading ng SALN, hindi lamang ng legislative branch o ng executive pati na rin lahat ng may pay grade na 26 and above. At dinagdagan din namin as suggested by Senate President Drilon and Sen. Pia (Cayetano) na all heads of agencies and offices, kasi diba ang brgy captain wala naman silang pay grade pero dapat ay kanilang SALN ay automatic uploaded rin.

Question: Sa House po nagkakaproblema, paano kung pumasa dito peros sa House hjindi? Are you coordinating?

Poe: Alam ko merong advocates ng FOI kahit s House, dahil sa courtesy rin namin sa kanila. Sa tingin ko naman, ang mas mabuti sa ngayon ay mismong ang mga mamamayan at media ay ipaalam din sa Lower House ang importansya na maipasa rin ito sa kanila. Pero ako naman ay kumpyansa na merong minungkahi si Speaker Sonny (Belmonte) na sabi nya na within the 16th Congress ay papasa yung FOI sa Lower House. Para sakin isang malaking development na rin yan. Sapagkat dito nga sa Senado, wala pang isang taon ay maipapasa natin uli. Kaya sana maipas nila sa 16th Congress... sang magndang development ito.

Q: May independent congressmen na gusto ng i-adopt na lang Senate version?

Poe: Masinsinan naming pinag-aralan ito di lang naman iyong sa aming version lamang. Version ito ng Right to Know! Right Now coalition, PCIJ, DOJ, Malacanang, pati sa amin, kaya ibig sabihin nito across party lines and different organizations yung consolidation nito. Kaya hanggang sa huli, nandun pa rin si Atty. Manaluan para alam naman na di masasabing siguro ginawang malabnaw ang FOI na ito. At sa FOI namin, yung kinatatakutan natnig right of reply ay hindi kasama. Yun ay binabantayan ko na wag maisingit sa banadng huli. So magandang sana masagot na ito pareho na rin sa Lower House.

Q: Ma'am, kung lumusot po dit pero di pa OK sa Lower House, forced to wait pa rin kayo?

Poe: Ganun talaga ang demokrasya natin, may Upper and Lower House. Para sa akin, mas may oras akong tutukan ang panukala na isinusulong ko. Pangalawa, wala naming msamang makipagpulong rin sa mga kaibiugan natin sa LH par kausapin at sabihin paano kami makakatulong para sa pangangailangan ninyo.

Q: May efforts na ganun, ma'am? May plans kayo na kausapin mga counterparts sa Lower House?

Poe: Merong mga grupong nag-oorganisa nyan. Ang tooto nga, may isa nga yata na nagseset-up ng meetingg with Rep. Leni Robredo dahil isa sya sa gusto gawing tagasulong ng FOI sa Lower House

Q: Kailan po kaya ito?

Poe: As soon as possible. Siguro next week, pagkabreak. Ba't di naman tayo magkwentuahn lang. Kasi pag gumagawa tayo ng batas, gusto mo rin malaman, ano ba napgadaanan ninyo? San ba magkakaroon ng konting debate? Napasubo tayo sa debate. Isang oras at kalahati. ANg lakas talaga ni Sen Enrile, nakatayo sya for an hour and a half, pinulikat ako don pero sya nakatayo pa rin. [laughs]

Q: Kung walang right of reply, anong safeguards against abuse?

Poe: Ako kasi self-regulation ay napakahalaga. Ang mga pulitiko natin ay pwede rin naman nilang gamitin yun para ilahad ang kanilang panig. Kasi mahirap nyan, sasabihin mo, kailangan ganito kayo magreport, ipapakita mo ito, censorship din yan, dinidiktahn mo kung paano ipepresenta ang news. Para sa akin, ilang taon na ng press ang way of doing reporting "what, why, when, how." Sa tingin ko naman hindi naman kayo nagkukulang sa ganon, at idinadasal ko din na patuloy rin na ang kosensya ng media ay para narin sa ikabubuti ng nakararami.

On the PDAF Probe

Q: Ma'am yung kay Dennis Cunanan lang yung nag-seseek siya ng legislative immunity? Are you in favor po?

Poe: Kasi kahit hindi ako abogado, ang pinakaunang sinasabi bago ka magsalita sa Senado, ikaw ba ay sumumpa na? Will you tell the whole truth and nothing but the truth? That is the first condition. So bilang isang senador na lumahok sa hearing ngayon, kung hindi ako naniniwala na sinunod niya ang kauna-unahang sumpa nung siya ay dumalo edi dapat din hindi siya dapat bigyan ng mga pribilehiyo na binibigay din sa isang resource person kung saka-sakaling immunity. Yun yung sa akin lang pero hindi ko pa alam kung ano ang ilalaman ng report ng ating chair ng Blue Ribbon. Pero kung ako ang tatanungin, nakukulangan pa ako. Oo, gusto ko malakas ang kaso natin. Sana nga, madiin na ang mga dapat madiin pero hindi naman pwede na lahat ng nakapaligid sa iyo ay masama pero ikaw ay walang ginawa.

Q: So Ma'am hindi ka naniniwala na nagsasabi siya ng totoo ?

Poe: Sa sarili niya parang hindi buong katotohanan. Diba tayo nga nung nandito si Mayor Duterte, nag-uusap nga kami ni Mayor Duterte, may punto din siya, sabi niya "sumumpa ako eh, will you tell the whole truth and nothing but the truth." So sinabi niya ang totoo, ano ba ang nasa loob niya? So un nga, importante talaga na sa Senado, kaya nga binibigyan ka ng immunity para masabi mo lahat ng anggulo at lahat ng nalalaman mo ng walang takot, pero kung meron ka parin takot, pinipigilan mo ang sarili mo na magtapat, eh bakit ka pa bibigyan?

Q: Ma'am you were among those who grilled talaga si Cunanan last week, bakit parang mahirap paniwalaan sa inyong mga senators na hindi siya tumanggap ng kickback?

Poe: Mahirap ba sa kanila? Hindi ko alam kung ano yung nadinig ko pero sa akin malinaw yung nadinig ko na merong hindi pagkakatugma sa salaysay ni (Benhur) Luy. Sa tingin ko naman naputanayan ni Senator Koko na hindi rin tugma. Siya nga din mismo ang nagtanong "So hindi mo mismo nakita pero bitbit niya na yung bag?" So yung para sa akin hindi ko maintindihan?

Q: So you're convinced na nakatanggap siya?

Poe: Im convinced. Ok ganito, siguro bakit mas istrikto kami? Bakit mas istrikto ako sa mga saksi na empleyado ng gobyerno? Kasi si Benhur Luy tapos si Ruby Tuason, wala naman silang sinumpaan tungkulin bilang isang kawani ng gobyerno. Ito, may sinumpaang tungkulin sa taong bayan so unang una pa lang, hindi na nila nagawa ang kanilang tungkulin na protektahan ang kapakanan ng mamayan, so kasalanan na iyon. Pangalawa, sila pa ay nakilahok. So we should hold them in higher standard. Para sakin kasi government official sila eh. Hindi dapat na maging precedent ito sa mga ibang empleyado ng gobyerno na "pwede pala akong mag whistle blower sa boss ko, o kaya sa mga kasamahan ko kasi kung anuman yung matanggap ko pag nag whistle blower ako, hindi ko naman kailangan ibalik iyon, malaking bagay na nga na hindi ka makukulong, gusto mo pang itago kung ano man yung nakurakot mo. Hindi ko sinasabing niya. Hindi ko sinasabing nakurakot niya ha, sinasabi ko lang sa mga tanong ko ay parang may kaunting anomalya.

Q: Do you find Benhur more credible than Dennis Cunanan?

Poe: Oo, kasi si Benhur hindi naman nagpresenta iyan e, parang pagkakataon na iyan eh kasi diba kinidnap siya eh. Merong illegal detention tapos doon tuloy-tuloy na. Dito, mismong siya ang lumapit at ang kanyang application for witness protection medyo nabinbin ng ilang buwan. So gusto kong tanungin yung isang representative ng DOJ bakit hindi niya tinanggap. Siguro nakita na initially na parang contradictory ito. So may dahilan kung bakit hindi siya tinanggap kung totoo nga na malakas ang kanyang salaysay. Isa pa, alam mo siyempre ang trabaho ng abogado ay maghanap ng butas, so aside from may butas ang kredibilidad ng isang witness, okay lang iyon, sabihin na natin na wala namang may perfect na credibilidad na witness. Pero yung sinasabing nakausap sa telepono, talagang pwede nilang sabihin na hindi naman iyan beyond reasonable doubt diba? Hindi mo alam kung talagang ka-boses lang. So kung yung mga dokumento lang ang pinag-uusapan natin, kahit naman wala si Dennis Cunanan ay pwede pa rin nating ma-subpoena yang mga dokumento na iyan to show consistency in the three na nagsasabing pare-pareho ang form nila, pati typo pare-pareho. Hindi naman kailangang meron pang Dennis Cunanan na magsasabing ito yung dokumento. Edi i-subpoena sa TRC. At saka hindi lang naman siya ang empleyado ng TRC.

Q: Ano po ang masasabi ninyo sa DOJ na ang mga naipepresenta nilang mga witnesses lalo na dito sa Senate ay magkasalungat ang sinasabi?

Poe: Alam mo naaawa din naman ako kay Sec. De Lima, kasi tao lang naman sya. Let's give them the benefit of the doubt kasi sa dami ng trabaho ng DOJ at sa dami ng transcripts na babasahi mo, maaring nagkaroon na ng lapse. Ngayon, kapag sinabi mong, e kaya nga may mga assistants ka e para mag sumite, minsan kasi ang mga assistants din ay hindi nasasabi na eto yun. So pagbigyan din natin, huwag naman tayong masyadong mabilis na magsabing may pagkakamali o pagkukulang. Tao lang talaga tayong lahat so may hangganan talaga. Yun lang ang masasabi ko tungkol doon.

Q: Sa tingin ninyo pwede naman ipa-subpoena ung dokumento, so pwede naming i-drop na natin si CUnanan biglang witness?

Poe: Hindi ko alam sa pag-uusap ni Secretary De Lima at ni Dennis Cunanan kung may mga iba pa siyang alam na hindi pa nasasabi baka naman vital sa case. Ako naman ay may paggalang sa ating secretary of justice so alam ko na kaya niyang pagdesisyunan iyan. Tapos dadaan pa naman iyan sa pagsusuri ng ombudsman. Kasi meron naman talagang mga steps.

Q: But as far as the legislative immunity is concerned, hindi kayo papayag? Kunwari magbotohan ngayon kung ibibigay ba o hindi?

Poe: Ako, personally, hindi ako papayag kasi feeling ko hindi naman siya nagsabi ng buong katotohanan eh.

Q: Ma'am wala po kayong recommendation yung whole body?

Poe: Wala pa, and hindi naman yata kami tinatanong individually about it.

Q: Ma'am have you officially informed the Senate president regarding your position sa legislative immunity?

Poe: Hindi pa ako nagppresent kasi hindi naman ako hininganat actually siguro kakausapin ko muna ang chair ng blue ribbon committee para malaman kung ano ba talaga ang mga steps necessary. Kung magsusumite ba kami ng sarili naming analysis o siya na ang mag-sasumarize for the entire body.

Q: Subject for approval po iyan ni Senate President?

Poe: Siguro.

Q: Papaano po yung approval nito, diba collegial body kayo? Nasa kamay na ba ni Senate President or the body will decide?

Poe: Alam niyo mas batikan pa nga kayo sa akin. [laughs] Ano ba iyan? Ina-approve ba iyan? Kasi ako alam ko na yung sinabi ko eh, kailangan ba magsubmit ng summary? Kasi diba ang dami, halos every week may hearing ako. Hindi naman ako nagsasubmiot g position. Yung chair ng committee usually ang nag-sasubmit siguro dahil nga sa haba at dami narin ng hearing na ito, para huwag nang malito yung mismong chair ng committee kung ano ba ang nagging posisyon namin, marahil that is a good move to do parang its a cautionary thing to do para hindi ka naman ma-misinterpret sa analysis mo.

Q: Yung pag-fafile ng perjury against Cunanan...?

Poe: Yun din, siguro kailangang pag-usapan kasi kung naniniwala naman sila na nagsinungaling siya. Hindi ba iyon ang ginawa kay Davidson Bangayan, so mayroong maggagawa ng motion na iyan pero hindi ko naman ginawa iyan sa hearing. Parang nung sa umpisa ako lang yung nagtatanong ng ganon, until dumating na si Senator Pimentel at parang nagkaroon na ng kaunting suporta doon sa pagtatanong ko. Pero sa muli, ako nga nagdadasal na sana'y maging isang epektibo at malakas na saksi si Dennis Cunanan kasi nga kapag humahaba ang pagdinig na ito na wala pang hustisya. Lahat kami sa senado ay damay. Dahil ang kwestiyon dito ay ang kredibilidad ng buong institusyon so gusto ko na nga na matapos na ito. Pero sa pagmamadali natin, o kaya dahil sa gustong-gusto na natin maayos ang mga ito, baka naman sa bandang huli ay magkaroon pa ng kwestyon na hindi namin ginawa ng tama ang gaming trabaho, diba sabi ko nga, justice is not just done, it should be done right.

News Latest News Feed