Press Release
March 11, 2014

Transcript of Interview of Senate President
Franklin M. Drilon on March 11, 2014

Q: Sir, may kasunduan na ba ang LP kung sino ang pambato niyo sa 2016?

SP: Hindi kami nag-uusap pa. The administration is concentrating on good governance. Sa dami ng problema ngayon, wala pang panahon sa pulitika. The best politics is to do your job para sa amin.

Q: So, hindi kayo interesado sa 2016?

SP: Lahat kami interesado to serve our people in 2016.

Q: Pero ngayon wala pa ring plano?

SP: Wala kaming pinag-uusapan. Of course, certainly, we will await the view of the President as he is the chairman of our party. He is the honorary chairman of our party and certainly his views will be very weighty on this one.

Q: Sir, kailan po ba dapat mag-start na maghanda para sa 2016.

SP: Hindi ko alam. Wala naman sa libro iyan na may period.

Q: Pero anything is possible before 2016?

SP: Certainly, anything is possible.

Q: Sir, coalition with the NP?

SP: Hindi pa namin pinag-uusapan. Ang pinag-uusapan namin ngayon kung paano pagbutihin ang kalagayan ng ating mamamayan.

Q: Nagkaroon ng coalition ang NP at LP noong 2013, is that still possible for 2016?

SP: Anything is possible. Wala kaming pinag-uusapan.

News Latest News Feed