Press Release
March 14, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's Sonshine Radio Interview
Hosted by Errol Dacame

Errol Dacame: Ma'am curious po kasi kami doon sa ipinagmamalaki nating naipasa na doon sa Senado, yung FOI bill. May batikos kasi kaagad po ang Makabayan bloc sa kongreso na maipasa man iyan ay sa dami ng exceptions na ipinipilit at pinanukala ng Palasyo ay magiging inutil daw po? Ngayon ang tanong po namin, diyan po ba sa naipasa sa Senado ma'am, yung sinasabi bang alleged na mga exceptions na pinilit ng Malacanang doon sa kanilang version ay kasama po ba diyan sa naipasa ninyo sa Senado?

Sen. Grace Poe: Opo, alam mo ganito lang po iyan ka-simple. Alam ko na tayo ay gusto natin nang makatotohanan at transparent na government pero kailangan din nating bigyan ang ating president at mga mambabatas ng karapatan naman na maghayag ng kanilang gustong sabihin na hindi naman sila basta palagi nalang on the guard. Alam mo minsan kasi, Errol, kapag nag-uusap, katulad na lamang sa meeting, kunwari kayo at mga kasamahan sa media, nag-uusap kayo at sasabihin ninyo, Ah pero alam mo may alegasyon tungkol kay ganito at ganyan e hindi pa naman napapatunayan, ayaw mo namang lumabas yung balita na iyon ng hindi ka pa sigurado. So yung minutes ng meeting kapag hindi naman iyan official act ay hindi ko talaga pinayagan na ma-ilabas. Kasi kapag ganoon mawawalan ng presidential privilege na ito'y nakahalaga din sa ating Konstitusyon at isipin din po natin na ang isa sa pinakamalakas na demokrasya sa buong mundo ay ang Amerika at kahit sila ay may Freedom of Information. At kahit na sa Japan, Taiwan at sa iba pang bansa sa Europa na may FOI, kasama po talaga diyan yung presidential privelege na hindi naman lahat ng pinag-uusapan ay kailangan na ilabas kaagad, ngayon kung may tanong tayo tungkol sa meeting na iyon na parang mayroon silang pinag-usapan na mali, pwede naman natin iyang idinig sa korte at pwede nating sabihin na pag-aralan nila iyan at meron naman tayong tinatawag na remedial measures. Ang ibig sabihin noon ay mayroon talagang presumption to the right to information kung mayroon talagang pagdududa. Pangalawa, dapat ay may period of declassification, so kung sinabing classified ito, sa ilang buwan ay dapat ito ay pwede nang masabi ito sa ating mga kababayan.

Dacame: Kayo daw po mismo ay para bang nag-woworry din na kailangan matiyak na maipasa ito sa bicameral conference committee ay isang malakas na FOI bill. Dito ho ba sa naipasa ninyo sa Senado, ay assured tayo na iyan ay malakas na bersyon?

Poe: Sa aming pananaw, ito ay malakas na bersyon. Unang-una, ang aming inimbitahan diyan ay ang mga miyembro rin ng PCIJ, ng National Union of Journalists, pati na ang Right to Know! Right Now! Coalition. At hanggang doon sa pinakadulo kung saan pinapasok naming yung amyenda, nandoon si Atty. (Nepomuceno) Malaluan, talagang siya yung tinatanong naman kung ito ba ay naiintindihan ninyo o okay ba ito. Sapagkat naniniwala kami na ito ay para sa tao at hindi naman kami gumagawa nito para sa aming sarili kaya nga Errol, marami din ang hindi komportable sa aming bersyon sapagkat ang dinagdag diyan ni Senator Miriam, ang SALN ay hindi lang dapat excecutive o kaya yung mga Supreme Court o yung mga legislators, kailangan ang kasama diyan yung mga pay grade 27 and higher, ibig sabihin pati director level sa mga government offices at kasama din diyan ang heads of office, ibig sabihin kahit barangay na wala namang pay grade, pag ikaw ang barangay chairman pinapakita mo din ang SALN mo. So ito'y isang basehan kung merong isang nangugurakot, kasi imagine marami diyan ang nagsasabi, ang SALN namin P2 million lang pero pag nakita niyo ang sasakyan, land cruiser. Magkano na yung sasakayan na iyon? So sa mga bagay na iyon sasabihin nila "ay hiniram ko lang ito sa kapatid ko," pero ito ay nagbubukas talaga ng duda kaya nga a public service is a public trust, people in government should live modestly, so kasama iyan sa paghihiyak na tayo ay payak din sa ating pamumuhay.

Dacame: Marami pong congressmen ang naghihintay senadora sa sertipikasyon ng Presidente na gawing urgent ang FOI bill. Kayo po ba ay naniniwala na maipapasa iyan kahit wala po yung President's certification na urgent po iyan ?

Poe: Alam niyo po Errol, kasi ang pagkakaiba ngayon sa loob, iba talaga ang pagtitipon-tipon ng social media at mainstream media. Ang lakas pati nga ang mga desisyon ng Supreme Court, apektado ng public opinion. Hindi natin akalain na matatangal na ang PDAF, kahit naman minsan ang presidente nagsasabi na ang PDAF ay pwede ring mabuti para sa ating mga kababayan. Gayun paman, ang Lower at Upper House ay minabuti nang alisin ito sa sistema. Ang ibig ko lang sabihin, syempre maganda na may sertipikasyon ng pangulo, subalit ito naman po dahil sa social pressure ay nausad sa Senado, at ngayon naman, malaking progress iyan na may Speaker of the House na nagsabi "iyan ay papasa sa 16th congress" sabi nga niya "balikan niyo ako kung hindi iyan papasa" aba'y dati hindi naman tayo umabot sa puntong may pangakong ganyan so sa tingin ko malaki naring hakbang iyan.

Dacame: Bagamat maraming senador ang nagsasabi na sa dami ng magagandang batas sa atin, ang madalas na problema ay implementation, ito po bang adbokasiya ng Presidente na tuwid na landas, yung walang kurapsyon sa gobyerno at sa lipunan, mangyayari po ba talaga ito kung may FOI law na tayo?

Poe: Sa tingin ko, syempre wala naman tayong perpektong batas nasa pag-implementa iyan, pero mas mahihirapan magtago ng anomalya kung meron na tayong FOI, bigyan kita ng halimbawa, kahit na yung mga dokumento na ginagamit namin sa hearing, para humingi ng dokumento na yan ay kailangan pa namin magsaad kung bakit o kaya meron bang discretion kung pwede ba o hindi. Ngayon sa FOI , talagang detalyado ito, pag wala sa exemption kailangan ilabas po yun. Ngayon pag sinabi, papaano pag ginamit nila yung exemption? Totoo din yan, kaya lang sinasabi sa FOI, it cannot be used to cover up a wrong doing. Pero remember ah, meron din nagsabi na the FOI should not be used also to harass, meron din naman tayong karapatan para sa privacy. Kailangan din naman balansehin yan, anong klaseng lipunan naman meron tayo? Kung baga ang tingin naman natin sa lahat ng tao ay parang magnanakaw na. Siyempre meron din proteksyon, kung wala namang duda sayo, wala ka namang kaso. Hindi naman lahat ng impormasyon ay kailangan din ilabas lalo na sinabi ni Sen. Pia, paaano na lang kung may usap-usapan tungkol sa Department of Health? Halimbawa, may pumutok na balita na sa Pangasinan, meron daw pandemic o merong tsimis tungkol diyan. Akalain mo kung gusto mong ilabas diyan, yung detalye, eh magpapanic yung ating mga kababayan sa impormasyong hindi pa sigurado. huwag din tayong maging iresponsable sa ilalabas nating imporamasyon. Dacame: Tama po yun. Senadora along the way, papunta sa studio, yung aking piloto at ako nagkwentuhan kami tungkol sa pinaalis na mga illegal settlers sa sa riles, may kwentuhan daw noon na ang budget ay P150,000. Aba! Ang nakarating sa mga tao, allegedly, wala pang singkweta mil (P 50,000). Ito po bang FOI law pag naging batas ma'am, halimbawa sa layman's impression, yung ordinaryong tao ba ay pwede ba halimbawa sa isyu ng housing at usapang budget, can they simply go there sa office and ask for a copy of certain document na nais niyang Makita. Poe: Absoultely, yun talaga at lahat ng income expenditures mga pinapasok na kasundaan ng ahensiya dapat automatically uploaded sa website. Ngayon, yun sinasabi na P150,000 pero magkano lang ang napupunta? Yan talaga ay covered na covered sa FOI. Kasi hindi nila pwede sabihin na natioanl security yan or presidential privilege yan, na hindi nila ilalabas ang kontrata na yan sapagkat yan ay official act, at pag hindi nila 'yan ipinalabas, ang mangyayari sa FOI na mayroon tayo, pwede silang mag-apila duon mismo sa departamento na iyon, pag hindi parin sila pinakinggan kasi 5 days to appeal, 5 days for them to be able to make a decision on your appeal. Pwede ka pumunta sa Ombudsman. Ngayon sasabihin, "O, ito na naman, Ombudsman na naman matatagalan na naman iyan." Hindi, sapagkat ang Ombudsman ay mayroong FOI Desk. So ibig sabihin, iyong kanilang tanggapan, mayroon silang para lamang sa FOI at pwede ka magpetisyon ng mandamus. Ang ibig sabihin nuong petition for mandamus sa mga regular courts naman iyon, pagka tungkol sa FOI, pwede nilang sabihin na hindi, irelease mo iyang dokumento na iyan so mayroon naman pong remedial measures, syempre alam ko sasabihin ng ating mga kababayan. "Diyos ko naman iyon na naman, eh kasi , hindi naman tayo diktaduryang sistema." Iyon nga iyong binabayaran natin sa isang demokrasya minsan nakakainis na ang proseso pero para pangalangaan lahat ng karapatan ay iyon nga, hindi naman natin pwedeng sabihing, alisin na natin ang sistema ng korte sa ating lipunan,hindi po, kailangan lang natin ayusin para mas maging efficient iyon..

Dacame: Alright, alam ko po ganuon din na busyng busy po kayo Senadora, itatanong ko na lamang po iyong pinaguusapang survey daw ng presidentiables ng administrasyon. Number 1 daw kayo ha?

Poe: Parang wala naman akong naririnig na ganun...Hindi naman, wala po akong naririnig na survey na ganuon. Nakakataba ng puso ang makunsidera pero alam mo naman diba? Iyong nangyari sa tatay ko, talagang leksyon 'yan sa amin kaya sino ba naman ang ayaw manilbihan sa ating gobyerno pero sasabihin ko sa inyo, mahirap ding manilbihan. Kasi kahit na ginagawa mo nang lahat binabatikos ka pa rin. Parang okay naman ako sa ginagawa ko ngayon, nabibigyan ko ng karangalan ang tatay ko so hindi ko talaga iniisip iyon kasi maraming magagaling diyan na pwede nilang pagpilian.

Dacame: It was, Senadora . You are doing a great job dyan sa Senado at kayo po ay tinitingnan. Matingkad po kayo riyan sa Senado as Senator, Madam.

Poe: Salamat sa tulong ninyo. Sa Sonshine Radio, Ginoong Errol, maraming Salamat at sa inyong samahan. Maraming salamat sa suporta ninyo. Magandang umaga po muli.

Dacame: Thank you so much Ma'am, good morning.

News Latest News Feed