Press Release
April 7, 2014

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

Bakit umabot nang sobrang tagal ang procurement ng mga coaches?

Napakagulo ng sistema ng MRT sa ngayon, ni hindi maliwanag kung sino ang may-ari, kung sino ang nasa likod, ano ang karapatan ng gobyerno, anong kapangyarihan ng gobyerno sa ilalim ng BLT (build-lease-transfer) contract. Inasa ng gobyerno, sabi nila nong una, obligasyon ng private contractor don sa BLT arrangement, MRT Co., na magprovide ng train. Apparently itong 12 taon naghintayan yung MRT Co. at gobyerno kung sino magsussupply ng tren, finally nong magdecide ang gobyernong gawin, kinasuhan at dinemenda pa sila ng MRT Holdings kaya pinapaliwanag ko nga sa kanila yung sistema ngayon kung sino ba talaga nagmamay-ari na dahil napakakumplikado na ng corporate structure ng MRT Co. Ganundin ang sitwasyon kaugnay sa operation at maintenance, kaya nagkakaroon ng delay, nagkakaroon ng aberya ang MRT dahil sa problema pa rin don sa winning bidder sa nauna nang BLT agreement noong 1998-99 pa.

Na-address ba yung ownership problem kanina (sa hearing)?

Hindi, kaya pinapaliwanag ko sa kanila. You have to understand iba yung may-ari ng kumpanya, iba yung may-ari ng kita ng kumpanya. Halos 80% kita ng kumpanya pag-aari na ng Land Bank at DBP dahil nga nais nga sanang ire-privatize ng gobyerno yan, pero yung kumpanya mismo tila hindi pa gobyerno ang may-ari at hindi pa natatapos yung proseso ng acquisition, reacquisition at re-privatization.

Yung alleged extortion hindi ba makakadiskaril don sa delivery ng coaches?

Actually hindi naman ito pangunahing pagdinig don sa extortion, ito ay nabanggit lamang kaugnay ng sitwasyon sa O and M contract pero ang lumabas don, ang narinig ko sa media, O and M o operation at maintenance yung kontratang nag-extort diumano si De Vera o si GM Vitangcol pero ang lumalabas parang sa tren yata, sa totoo lang hindi ko pa nababasa ang affidavit at mas marapat tingnan ito mas saka-sakali ng blue ribbon committee dahil ito'y tungkol sa corruption sa pamahalaan.

Don sa pending case sa acquisition of trains before the Makati regional trial court, do you think this will delay the acquisition of the trains?

Hindi na , natalo na sa kaso at inapela na ng natalong MRT Holdings sa Court of Appeals yung kaso at nagpapatuloy na yung manufacture ng tren sa China matapos bigyan ng notice to proceed ng DOTC dahil yung TRO na unang inisyu ay na-lift. Isang tinitingnan din namin sa pamamagitan ng legislation, dapat irequire natin ang pagpost ng bond, ideally pa nga hindi lamang surety kundi cash bond, equivalent don sa magagastos ng gobyernong dagdag dahil sa delay at yung nawala sa gobyerno, economic interest ikanga na nawala din dahil sa delay. Para sa gayon maiwasan yung frivolous na pagfile ng TRO at yung napakiramdaman lamang ay magpapaTRO para makapabwisit at makadelay.

So dapat magsagawa ng separate investigation ang blue ribbon committee don sa isyu ng extortion?

If someone will file the resolution, sususportahan ko ang resolusyon na yan, pero gaya nga nang nasabi ko ni hindi ko pa nakikita yung affidavit, off the record kanina, tinanong ko si GM Vitangcol ni hindi pala affidavit daw yon kundi sulat o narration lamang na hindi pinanumpaann. Hindi ko alam kung may basehan yon dahil hindi ko pa nakikita yung affidavit nong ambassador.

Pero yung isyu ng extortion, hindi yon makakadelay?

Well maliban na lang kung may magkaso. Ayon din kay GM Vitangcol wala naman daw pending na kaso, meron lamang imbestigasyon na ginagawa ang NBI base sa media reports, pero wala pa namang nagsasampa ng kaso para idelay yung proyekto, ipatigil yung proyekto o iantala yung proyekto.

Lumabas ba kung ano ang kinalaman nnh Wilson De Vera, LP member, don sa sinasabing extortion?

LP member daw, may mga picture, pero lumalabas na siya pala ay bahagi nong naunang kumpanyang may hawak nong O and M, hindi yung kumpanyang inawardan ng O and M, yon yung sinabi ni GM Vitangcol kanina.

What do you think of the efforts of the MRT management to address yung mahabang pila?

Well pinapag-aralan pa namin sa kanila ang time and motion, dahil sa pamamagitan ng time and motion studies yung kasalukuyang pilang nagaganap o ginagawa, gayundin yung kakulangang ng tren three years from now dapat ngayon pa lang simulan na nilang i-address. Kung titingnan nyo yung record nila, inabot sila ng mahigit 10 taon bago nakakuha ng bagong tren, kung kailan kulang na, siguro naman kung ganon katagal uli mas maigi na hihintayin natin kung ngayon pa lang sisimulan na nila yung proseso habang may pera at fiscal space ang gobyerno para bumili ng dagdag na tren.

Solusyon ba yung paglalagay ng tent, water station...?

Natawa nga ako, sabi ko kung ganyan din lang maglagay na rin kayo ng portalet pero hindi solusyon yon, dapat mawala at alisin yung pila at pag-aralan nga nila yung dalawang beses na pagpila, actually tatlo ang pila ngayon. Pila para makaakyat ng istasyon, pila para bumili ng ticket, pila para makapatong o makaapak sa platform. Kung titingnan nila yung daloy ng tao mapag-aaralan naman yon na mabawas yon. Yung isang ginagawa nila yung automated fare ticketing system. Hopefully kung magawa na yon pero September pa 2015 ay mababawan yung pila sa pagkuha ng ticket, so isang pila na lang para makapasok na lamang sa platform.

Pero lahat ng solusyon nila 2015 pa?

Magsisimula yung tren ng Pebrero at three traina a month. Yung ticketing system magsisimula September 2015.

Paano yung problema (sa pila)?

Sa delay nga na-suffer natin sa pagpapatupad ng dagdag na tren yan yung kinaakalabasan ngayon, kaya sana ngayon pa lang umpisahan na nga ang pagkuha ng dagdag na tren, gayundin pag-isipan na yung pag-expand ng platform, ngayon pa lamang bago pa pumutok yung mas malaking problema later na umabot ng 1.5 milyon ang gumagamit ng MRT.

Sino ang dapat sisihin kung bakit umabot ng ganito?

Yon yung sinisikap naming alamin, partially to blame, definitely government and previous government officials, including some of those who are here in so far as the delay is concerned. At pangalawa yung mga private contractors na nauna nang nanalo, sila din ay partially to blame dito sa delay, hindi lang ito sa hindi sa paggawa nila, pati don sa pagsampa ng kaso na makaka-cause ng delay dahil lamang gusto nila ng mas malaking kita. So tiis na lang yung publiko ngayon sa pagpila?

Hanggang hindi pa dumarating yung bagong tren walang mas magaan o mas mabilis na solsuyon para maibsan yung kasalukuayng problema ng ating mga kababayan kaugnay sa kakulangan ng capacity ng MRT. Yung ticketing system, gayundin, bagaman ginagawa na, 2015 pa rin maiimplement yon. Stop-gap measures hiniling namin na tingnan ng DOTC, kabilang ng pagkuha ng mag tren sana on lease, pero ayon sa kanila, unique ang mga tren natin sa PIlipinas, hindi ko rin alam kugn bakit, at dito lamang matatagpuan ang ganitong uri ng tren. Sana sa mga susunod na mga development ng MRT generic yung tren na gamitin para anywhere, anyhow, any size, any shape pwedeng makuha natin yan sa ibang bansa although lease o dry lease o wet lease lang, makuha natin yan at magamit pansamantala.

Ano po yun end of the bargain na hindi ginawa ng private contractors?

Ayon sa kanila hindi raw kumuha ng dagdag na train yun nag exceed na yung capacity na 320,000 ng MRT, na dapat daw ay ginawa na nila noon pa, na hindi nila ginawa at nagkaroon sila ng pagtatalo, balikan ng sulat, turuan kung sino ang gagawa, takutan ng magdedemanda na nagkatotoo naman, nong ginawa ng DOTC idinemanda sila.

M-ay proposal para sa mga VIPs na it's either hospital or house arrest, so may proposal na magtayo na lang special detention facility para sa mga involved para sa non-violent crime

Eh di special pa rin siya, special detention facility ba kamo.

They have to pay dahil sa USA daw at sa ibang country ganoon.

Hindi ako sasang ayon na you have to pay. Iibahin mo na naman ang pagtrato para sa mayamang akusado kesa sa mahirap na akusado, eh di yung mayaman na akusado ang kayang magbayad mas maganda yung kanyang board and lodging niya, tapos yun mahirap mas pangit yun board and lodging niya. Although non-violent crime din siya. Lalo natin ginawang hindi pantay ang mayaman at mahirap pagdating sa mga sinasampahan ng kaso sa mga, o inaakusahan ng krimen.

So dapat ordinary jail lang din?

Kung ano yun puwede sa mahirap ganun din dapat yun sa mayaman, kung ano yun puwede sa hindi sikat ganun din dapat sa sikat. Ngayon kung gusto nong sikat na maganda yun board ang lodging niya dapat tumulong siya para mapaganda yun ordinaryong kulungan para sa ordinaryong nakabilanggo.

May on going online signature campaign ngayon to expel the 3 senators involved in PDAF scam, allegedly involved

Well, number one to begin with before any expulsion or suspension can be initiated dapat maporma muna yung ethics committee na hanggang ngayon ay hindi pa napoporma. Hiniling na namin noon yan na dapat na maporma para madinig mang lang yung kaso at mabigyan ng venue yung mga kapwa naming senador na mailahad yun panig nila. Pangalawa, on that issue, under the law, under the plunder law automatic ang suspension pagsampa o paghain ng kaso sa Sandiganbayan, so yun aspeto ng suspension ay hindi na marahil kailangan pagpasyahan ng senado by operation of law, ang Sandiganbayan na mismo ang mag uutos niyan. Kay GM Bitangcol, pending yung investigation, di ba dapat naka leave siya?

Desisyon ni Sec. Abaya yan dahil ayon sa kanya iniimbestigahan na daw ng NBI. I cannot really comment so much on that because I only base what I know and what I read in media. Apparently, may isang account pa na tila na hindi maliwanag ano bang inirereklamo at saan ba ang extort. Doon ba sa maintenance o doon ba sa dagdag na train. Ayon kay GM Vitangcol doon daw sa dagdag na train at hindi raw doon sa maintenance pero lumalabas sa interview ng Czech ambassador ay tila tungkol daw doon sa maintenance contract na wala naman daw silang isinubmit na proposal at tila walang usapan kaugnay sa kumpanya. So ayokong pangunahan o humiling ng ganyang uri ng pagbibitiw o dahil lamang sa report ng media at wala pa naman kaso na isinasampa laban sa kanya.

So kung magkaroon ng senate blue ribbon hearing regarding that issue dapat bang imbitahan Czech ambassador.

Yes, but we would have to look into it, kailangan tingnan namin kung puwede naming gawin iyon. Matagal-tagal na rin ako sa senado wala pa yatang pagkakataon na naimbitahan ang ambassador ng ibang bansa. Hindi ko alam kung ano ang protocol na dapat gawin o sundin sa bagay na iyan kung puwede silang imbitahan para sa hearing ng senado although kung voluntary silang pupunta bakit hindi.

Nada-drag yun name nong kapatid ni PNoy at yung husband niya dapat din ba silang paharapin sa hearing?

Actually, matagal ko ng naririnig. Magsisimula naman siguro nong imbestigasyon dapat sa pamamagitan ng alegasyon ng kung sino na willing siyang ilagay sa isang sinumpaang salaysay. Ang blue ribbon committee kung matatandaan ninyo laging nirerequire na kung sino man na tetestigo na mag-aapear ay mag-submit muna ng affidavit kaugnay ng kanyang sasabihin. Siguro dapat magsimula iyon sa under oath allegations laban sa kanino man bago muna sila ipatawag o hilinging ipatawag ng senado. Hindi naman tama na tsismis lang eh ipapatawag na o idadawit na ang pangalan ng ganun-ganun na lamang .

Kung mag-file talaga ng reklamo, otherwise?

Well I hope he will. But I don't know the protocols being observed and followed by ambassadors or people of his stature in the country where he is assigned. So kailangan siguro makipag-ugnayan kung magkakaroon man ng resolution na ihahain, makipag-ugnayan ang DFA sa senado para wala tayong ma-ruffle na feathers at maapakan na mga protocols at procedures na dapat na iginagalang natin pagdating sa mga ambassador sa ibang bansa.

Di ba kung may ganong ambassador depende sa host country kung tatanggapin pa siya o hindi, so kung gumagawa ng scandal tapos hindi ma-substantiate...

Well para sa akin kung talagang may basehan, I am encouraging the ambassador to come out formally and file the necessary complaints against those concern. I think the government has proven himself in so far as looking into this complaint if it's indeed one is filed against any of the officials in government.

News Latest News Feed