Press Release
April 21, 2014

DZRH transcript of interview with Sen. Francis Guevara Escudero

DZRH transcript of interview with Sen. Francis Guevara Escudero (FGE)
Program: Isyu
Anchor: Deo Macalma

MACALMA: Sen. Chiz, magandang umaga sa inyo.

FGE: Lakay Deo, sa ating listeners, good morning.

MACALMA: Ano po ang nakuha nyong impormasyon bakit bumalik bigla itong si itong si Atty. Gigi?

FGE: Wala pa Lakay Deo. Alam mo, kung ano ang alam niyo at alam ng ating mga listeners yun din ang alam ko dahil mula Miyerkules Santo hanggang kahapon wala akong radyo, tv o dyaryo. Ni-wala nga akong signal sa cellphone. So kung ano ang nabasa nyo sa dyaryo, yun lang din ang alam ko.

MACALMA: So ngayong lumitaw na ang Atty. Gigi Reyes, ano ang plano ng Blue Ribbon Committee Sen. Chiz?

FGE: Well kung nais nyang magsalita at ibigay ang panig nya sa Blue Ribbon Commitee, nakahanda po sa paniniwala ko ang Blue Ribbon Committee na dinggin ang kanyang testimonya. Hindi po para sa amin siguro na buksan muli yan at pilitin sya kung wala naman syang balak magsalita o gusto nyang sagutin na lamang ang mga paratang sa korte. Karapatan nya po yun na magdesisyon kung saan nya gustong magbigay ng panig.

MACALMA: Kayo po ay isang abogado Sen. Chiz, pwede ho ba maging state witness ang Atty. Gigi Reyes?

FGE: Pwede, depende kung ano ang sasabihin nya. Depende kung ano ang sasabihin nya, depende po kung nanaisin niya. At sa puntong ito ng pagliitis although bago lang itong paglilitis, sa puntong ito ng imbestigasyon at ng kaso, nasa kamay na halos ng Sandiganbayan yung pagpapasya dahil demandado na sila kung siya ba ay magiging state witness o hindi. Labas na po yan sa kamay ng DOJ, nasa pagitan na po yan kung saka-sakali ng Ombudsman at ng Office of Special Prosecutor, yung prosecutorial arm ng Ombudsman at ng Sandiganbayan.

MACALMA: Kayo po ay naging practicing lawyer din Sen. Chiz, may mga nagsasabi na baka ito daw po ay bahagi ng legal strategy ng mga nasasangkot sa kaso, ano sa tingin nyo?

FGE: Kung bahagi man yan ng legal strategy Lakay Deo, karapatan nila yan. Ang importante ay sila'y sumusunod sa rules, ang importante ay parehas at patas ang laban, at ang importante ay sinusunod natin ang due process para sa magkabilang panig. Lalong lalo na sa panig ng akusado, yung karapatang madinig at mabigyan ng pagkakataong mapakinggan, importante at napakahalaga nun Lakay.

MACALMA: Ano ang magiging epekto ng paglantad ni Atty. Gigi Reyes, Sen. Chiz?

FGE: Depende sa sasabihin nya Lakay Deo, hindi ko pa rin alam ang sasabihin nya. So kung ang sasabihin nya ay yung kanyang nalalaman depende yun kung ano yun. Kung ang sasabihin nya ay hindi nya alam o wala syang naaalala, depende rin yun. So antayin natin sa kanyang pagsasalita kung ano ang nilalaman ng kanyang testimonya kung yan ay ibibigay nya sa media man o sa Senado o kung pipiliin nyang sumagot na lamang sa husgado.

MACALMA: Sinabi mo Sen. Chiz sarado ang iyong cellphone, saan ba kayo nagpunta nung Holy Week ni Ms. Heart Evangelista, Sen. Chiz?

FGE: Sa bandang Quezon lang Lakay. Kasama ko yung mga anak ko at mga yaya nila dahil gusto ng mga anak ko na lumangoy langoy sa dagat.

MACALMA: At nagkaroon kayo ng bonding?

FGE: Bonding dahil tumatakbo kami ngayon Lakay at masarap tumakbo kapag malapit sa beach kesa pag tumatakbo ka dito sa Kamaynilaan na puro usok.

MACALMA: E' di ibig sabihin nasa Quezon pa kayo ngayon Sen. Chiz?

FGE: Wala na Lakay. Bumalik na kami kahapon at back to reality na. Kaya trabaho na naman mula sa araw na ito mula 5:30 pa nga ng umaga.

MACALMA: Kailan po ang balik niyo sa sesyon Sen. Chiz?

FGE: Itong unang linggo ng Mayo babalik na kami at inaasahan namin Lakay na ang unang tatalakayin namin ay ang Bangsamoro Basic Law, kung saan bibigyan namin ng tyansa na mapakinggan yung mga stakeholders na napakinggan na o maaring hindi napakinggan nung pinag-uusapan itong framework agreement.

MACALMA: Kelan na talaga ang kasal Sen. Chiz?

FGE: Pag alam na ni Heart, malalaman mo na rin Lakay. (laughs)

MACALMA: Sen. Chiz, maraming salamat. Magandang umaga po sa inyo sir.

FGE: Maraming salamat din po. Good morning.

News Latest News Feed