Press Release
April 22, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin Drilon
by Joe Taruc

Q: Una po sa lahat, Senate President, batiin po namin kayo sa pagtaas ng inyong popularity and trust ratings.

SPFMD: Maraming salamat po Manong Joe. Yung nakalipas na dalawang survey, bumaba po ang ating performance at trust rating, dahil na rin po sa imbestigasyon sa pork barrel scam sa Senado, kung saan po nasangkot ang ating tatlong kasama. Noon pa man, ako po ay naniniwala na kapag naipakita natin sa taumbayan na wala tayong itinatago, at tayo po ay kumikilos sa paghahanap ng katotohanan, ay diyan po natin maibabalik ang tiwala ng taumbayan.

Nakikita natin sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa huling survey ng Pulse Asia ay tumaas ang ating trust rating ng 15 porsyento, at ako po ay nagpapasalamat sa taumbayan, at asahan po ninyo na patuloy na paghahanap ng katotohanan sa Senado, at gagampanan natin nang maigi ang ating trabaho upang ayusin at makatulong sa kabuhayan ng ating mamamayan dito sa bansa.

Q: At siguro, ang katotohanan ay habang patuloy ang iba't ibang imbestigasyon ng mga komite ng Senado, ay patuloy din ang paggiling ng mga batas na pakikinabangan ng ating mga kababayan.

SPFMD: Tama po iyan, sa darating na linggo, ating tatalakayin kapag sinumite na ng Malacanang ang Bangsamoro Basic Law, kung saan makakapagdulot po ito ng kapayapaan sa Mindanao. Kapag nagkaroon po kasi ng kapayapaan, magkakaroon ng pag-unlad sa kabuhayan ng ating mga kababayan, lalo na our Muslim brothers and sisters dun po sa Mindanao.

Q: Well, ngayon lang po kayo matatanong kung ano ang naging reaksyon ninyo sa pagdating ni Atty. Gigi Reyes.

SPFMD: Sa akin po, yaan ay kanyang logical move. Mahirap naman po kasi na magtatago pa siya sa ibang bansa. Hindi naman pwedeng habambuhay ay magtatago ka. Mabuti na umuwi siya. Harapin niya ang kaso, total nandiyan na po iyan. Meron naman pong patakaran ang ating batas, ang ating husgado na kung saan ang talagang nagkasala ay makukulong at yung walang sala ay ma-acquit. Sa akin po iyan talaga ang logical move para sa kanya. Come home, face the charges, and defend herself at court.

Q: What about yung possibility na maging state witness siya dito sa pork barrel scam?

SPFMD: Alam mo Joe, under sa Rules of Court at ng Witness Protection Program, ito pong pagiging state witness ay may mga prerequisites. Unang una, siya po ay kailangan na least guilty. Number two, ang kanyang testimonya ba ay kailangan para ma-convict yung principal mastermind, at sino ba ang principal mastermind? Wala bang sapat na kondisyon para ma-convict kung wala siya?

Iyan po ang mga kondisyon. Ang tanging makakapagsabi lamang po kung siya ay magiging state witness ay ang Ombudsman, dahil ang Ombudsman ang mag-po-prosecute ng kaso na ito. Hindi po natin alam lahat to what extent ang hawak nilang ebidensiya, at sa tingin ng Ombudsman, kung si Gigi Reyes ay qualified. Iyan po ay nasa kapangyarihan na ng Ombudsman.

Q: Bilang Pangulo ng Senado, would you say nitong Blue Ribbon Committee investigation ay in order?

SPFMD: Sa akin po, unang una, iyan po ay nasa Blue Ribbon Committee Chairman. Pangalawa, hindi ko pa po alam ang status ng BRC report, kung yun po ay na-approve na ng majority at kung naisumite na sa Senado. Huwag po nating kalimutan na ang Senate investigation ay in aid of legislation. At kung kailangan pa po ang investigation in aid of legislation, iyan po ay nasa Chairman na.

Q: So, ang bola po ngayon ay nasa Ombudsman na?

SPFMD: Tama po iyan Joe. Ang bola ay nasa Ombudsman insofar as determining kung sino po ang dapat maging state witness. Sa kasong ito, dahil wala pa pong naisampa sa Sandiganbayan, nasa Ombudsman pa, that is why it is still within the control of the Ombudsman kung sino po ang gagawing state witness. Uulitin ko, mayroon pong mga criteria sa ilalim ng Witness Protection Program at sa Rules of Court. Unang-una, yung witness ay siya ang least guilty at not the most guilty. Pangalawa, yung kaniya bang testimony ay kailangan to convict the principal accused. Iyan po ang mga criteria na kailangang tingnan ng Ombudsman bago siya magpasiya na si Atty. Reyes ay dapat maging state witness.

Q: Kapag na-i-file na ba ang kaso sa Sandiganbayan, iyon ay mangangahulugan ng automatic suspension ng mga akusadong senador?

SPFMD: Sang-ayon sa desisyon ng Korte Suprema doon sa kaso ni Gob. Deloso, ang suspension po ng public official na nasampahan ng kaso ay automatic po. Ang kailangan lang ay isang motion galing sa Ombudsman na ihahain doon sa Sandiganbayan, upon the filing of the motion to suspend, walang pong discretion ang Sandiganbayan kundi suspendihin ang official sang-ayon po sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Gob. Deloso ng Zambales.

Q: At wala rin pong kapangyarihan ang Pangulo ng Senado na mag-assume ng jurisdiction sa mga akusado?

Wala pong kapangyarihan ang Pangulo ng Senado dahilan po ang tinatawag na custody - iyan po sa Rules of Court ay tinatawaga na recognizance - ibig sabihin, yung isang akusado ay pwede mong ilagay sa kapangyarihan ng isang mamayan. Ngunit iyan po ay sa mga krimen lamang na may bail. Dahilan po ang recognizance ay para po hindi na maghain ng bail bond ang isang akusado. Samakatuwid, kung ang offense ay bailable; kapag non-bailable offense kagaya ng plunder, yung recognizance po ay iyan hindi po pwede kapag plunder.

News Latest News Feed