Press Release
May 4, 2014

Transcript of DZBB Interview with Senate President Franklin Drilon
by Nimfa Ravelo

Q: Bukas po, balik po kayo sa session bukas. Ano po ang unang nasa hapag ng Senado?

SPFMD: Bago ko po sagutin yan, kung inyo pong maalala nuong mga nakaraang buwan ay inaprubahan yung Marina Bill dahilan sa 80,000 na tripulante na maaring mawalan ng trabaho sa Europa. Maganda pong balita, dahilan po sa ating ipinasa na batas ay hindi po natuloy yung pagba-ban ng ating mga tripulante sa Europa.

Nagkaroon po ng maayos na paguusap, at kinilala po ang efforts ng ating pamahalaan to reform our maritime industry at binigyan pa po ng lalong mas mahabang panahon for us to even further improve our maritime industry, ang ating mga sistema. Kaya maganda na naipasa natin yung Marina bill, dahil isa ito sa mga naging dahilan kung bakit hindi na-ban ang ating mga seafarers.

Q: Naipasa na ho ba yan sa Kamara?

SPFMD: Naipasa na yan bilang batas. Kung inyong matatandaan, isa iyan sa maraming batas na aming tinalakay noong kami ay bumalik noong Enero, itong pagreporma sa maritime industry. Nilagdaan na po ito ng ating Pangulong Noynoy Aquino. May findings ang European Maritime Safety Authority na siyang nagsabi na mukhang hindi maganda ang ating training modules dito, kaya ating nirepormahan yan sa pamamagitan ng Marina bill. Isa po yang magandang balita sa ating mga tripulante.

Q: Kaya pala yung mga kaibigan kong seaman, sabi nila nag uundergo sila ng panibagong training.

SPFMD: Totoo po iyan, kung hinde natin inayos ang sistema, may danger kasi na sabihin ng European Union na, " Mali ang training niyo, baka magbanggaan kayo sa laot, puro Pilipino pa naman ang kapitan ng mga barko."

Q: Bukas po pagbalik niyo sa session, ano po ang mga batas na balak po ninyong talakayin?

SPFMD: Unang una ipapasa namin para maging batas na rin ito, yung batas na mag-mamandato sa mga telecommunication companies tulad ng Globe, Smart at Sun na magbigay ng free mobile alerts in the event of disasters, tulad nung typhoon Yolanda.Sa batas na po na ito, nirerequire ang mga telcos na magbigay ng warning sa mga residente ng mga affected areas. Libre po ito, nakausap na po namin ang mga telecommunication companies at ito po ay ipapasa natin bukas.

Nakasalang din ang bill sa picture-based warning sa mga tobacco products, yung magrerequire ng picture po ng mga baga at iba pang parte ng katawan ng mga naninigarilyo. Iyon po ay piangdedebatehan na, and we expect to pass that in the month of May.

Ganun din yung mga reporma sa Sandiganbayan, kung saan lima hanggang pitong taon ang average na itinatagal ng isang kaso. Kaya isa po sa mga reporma na ating gagawin ay yung hindi na kailangan na laging tatlo ang didinig sa kaso, pwede na po yung may justice designate. At nandiyan din po yung pagbabago sa majority vote, dati kailangan na unanimous, ngayon nakalagay po ay gagawin natin na kung 2 out of 3, ay merong desisyon na.

Yaan po ang dalawa nating batas na matatapos ngayong Mayo. Nandiyan din po yung prangkisa ng Philippine National Railways. Matatapos na po kasi ang prangkisa ng PNR sa June, and we need to renew their franchise.

And of course, pag dumating na yung Bangsamoro Basic Law sa amin ay ayan ay bibigyan namin ng panahon kaagad. Nagusap na kami ni Sen. Bongbong Marcos dahil sa kanya marerefer yang draft ng Bangsamoro Basic Law. Bibigyan namin ng panahon para magkaroon ng hearing, at sa lalong madaling panahon po ay sisimulan na namin ang debate sa plenaryo. Yaan po ang ilang sa mga batas na ooccupy ng aming calendar for the next six weeks.

Q: In-announce niyo rin po noong Labor Day yung tataasan po ang tax exemption limit sa 13th month pay ng mga manggagawa.

SPFMD: Tama po iyan. Meron po tayong Senate Bill No. 256, na magbibigay ng exemption sa 13th month pay ng ating mga mangagawa. Noong May 1, wala namang naganap na pagtaas sa sweldo ng ating mga manggagawa, lalo na sa private sector. Ating pakikiusapan si Sen. Angara, regarding this bill na magtataas ng exemption sa 13th month pay. Itong kasalukuyang exemption ay hanggang P30,000 lang, at yan po ang limit for the last twenty years. Kaya panahon na po siguro na itaas natin ang exemption limit ayon nga sa SBN 256 na inauthor ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

Iyan ay ating hihilingin sa Ways and Means na ang chairman nga ay si Sen. Angara na ireport na para ma-take up natin. Siguro panahon na rin upang ating hilingin sa Department of Budget and Managament kung pwedeng pag-aralan yung Salary Standardization Law. Dalawang taon nang nakalipas nang magkaroon ng huling pagtaas ng sahod sa SSL. Hihilingin ko sa DBM na gumawa na ng pag-aaral upang sa lalong madaling panahon ay ating pagdebatehan na upang magkaroon ng increase sa 1.2 milyong empleyado ng gobyerno. Ito ay kailangan natin tingan dahil tumaas na rin ang presyo ng mga bilihin, at 2 taon na nga ang nakalipas since yung SSL III, yung last salary increase.

Q: Kailangan po yung pagaaral muna ng DBM bago tayo magbigay ng umento.

SPFMD: Tama po iyan. Madali pong sabihin na itaas na, but the reality is, kung hindi po kaya ng gobyerno, ay baka hindi matuloy. Hindi lang naman Kongreso ang magpapasiya nito kungdi pati na rin ang executive. We will have to fully approve the increases. Kailangan natin pag-aralan ng husto ito.

Hindi naman po kasi pamumulitika ang paghingi ng pagtaas ng sahod. Kaya po Nimfa, hinihiling ko ngayon kay DBM Sec. Butch Abad na umpisahan na ang pagaaral, dahilan sa Hulyo, paguusapan na ang budget. May sapat naman na panahon para sabihin ng DBM kung may sapat na kakayahan o collection ang pamahalaan para ibigay ang increase to our government workers.

Q: Sana po rush iyan ano, at umabot sa SONA ng pangulo.

SPFMD: May sapat namang tayong panahon. We still have three months to decide on this, kung isasama sa 2015 budget.

Q: Mayroon pong mga nagfifile ng panukalang batas sa Senado, na tataasan so-and-so ang sahod by this percentage, wala naman pong binabanggit kung saan kukunin ang pera.

SPFMD: Tingan natin ang budget, kung kaya natin itaas ang sahod by 2015. Dahil 2 taon na rin yung Salary Standardization Law eh.

Q: Yung sa Sandiganbayan Bill, aabot po ba iyan sa suno-sunod na kaso duon sa pork barrel scam at Malampaya scam?

SPFMD: Pag-uusapan po namin bukas ng umaga sa Kamara, bukas ng 8:00 am ay may regular monthly meeting kami ng House leadership at aming rerebyuhin ang status ng mga panukalang batas na nakabinbin sa parehong Chamber. This is a regular monthly meeting of the leadership of the Senate and the House every first Monday of the month. We compare notes, and nagkakasundo kami kung ano ang uunahin namin.

Itong sa Sandiganbayan ay mayroon na rin itong counterpart bill sa House na finile ni House Committee on Justice Chair Cong. Junjun Tupas. At aking hihilingin sa Kamarra na bigyan din ito ng prayoridad itong panukalang batas para po ito ay maging batas na sa lalong madaling panahon.

Q: Kung naaprubahan na itong batas na ito habang nililitis yung mag involved sa pork barrel scam at sa Malampaya, sakto po ito dun?

SPFMD: Tama po iyan, lalo na dun tungkol sa isa na lang yung Justice-designate. Ito po ay para matuloy yung kaso kahit na isa lang yung justice na available. Ngayon po kasi ay kahit isa lang ang kulang ay hindi natutuloy ang pagdinig, kaya tumatagal ang mga anti-graft cases.

Q: Baka mamaya, may apo na ako hindi pa rin po matapos.

SPFMD: Tama iyan, kaya nga isa ito ngayon sa mga reporma sa ating sistema ng katarungan na isinusulong natin ngayon sa Senado.

Q: Yung sa Bangsamoro Basic Law, kailan niyo po ineexpect na matanggap?

SPFMD: Originally, ang aming usapan at asessement ay bukas dapat hawak na namin. Ngunit nahuli din ang Bangsamoro Transition Committee sa pagpasa sa Malakanyang, after or during the Holy Week na ata naibigay. Hindi naman pwede ito ibigay sa Senado o sa Kamara ng hindi pa pinapasadahan ng mga abugado mula sa Office of the President at ng DOJ, to make sure na hindi na kahiya-hiya na labag sa Saligang Batas ang ibibigay sa amin na kopya sa Kongreso.

Q: Meron po kayong timetable sa pagpasa nitong Bangsamoro Law. Aabot pa po ba, kahit naatras?

SPFMD: I think so. Aabot pa rin yan. Huwag na lang sana masyadong ma-delay ang pagbigay sa amin sa Kongreso itong administration measure. Bibigyan po natin ng priority ito once we receive it. Kailangan po ito para sa sustainable peace and development sa Mindanao. Pag meron po niyan, gaganda po ang ekonomiya, magkakaroon ng hanapbuhay diyan sa ARMM, sa Mindanao, at magkakaroon ng kumpletong kapayapaan.

Q: Narining ko po dun sa interview niyo with Mike Enriquez na nung Tuesday po ay binabasa niyo pa lang po yung Enhance Defense Cooperation Agreement.

SPFMD: Hindi po madali itong EDCA. Alam mo ito ay masalimuot. Marami ring nagsasabi na maraming magtatayo ng base military, alam mo, sa ating patakaran ay mayroong presumption of constitutionality sa isang agreement, at mayroong regularity in the performance of function sa mga nag-negotiate nito. Ibig sabihin, hindi naman agad-agad na sasabihin na ito ay labag sa Saligang Batas. Ito ay dapat pang pag-aralan, dahil merong presumption of constitutionality ang legality.

Having said that, mayroong mga punto na dapat ipaliwanag. Sa aking tingin ang burden ay nasa executive para magpaliwanag na ito ay isang tratado. Ano ang pagkakaiba nito sa sa Bases Agreement, sa sitwasyon noon sa Subic at sa Clark? Ano ang pagkakaiba, para sasabihin na hindi ito treaty na kailangan nga ratification at concurrence ng Senado, na kung saan nakalagay ang treaty-making power. Ang mangyayari, siguro may mga resolution, pati si Sen. Trillanes na chair ng Committee on National Defense, para humingi ng paliwanag dito sa DND at DFA at pakinggan natin sila as to how do they justify this EDCA. How does the executive justify this na hindi ito treaty? Iyan ay ating papakinggan sa mga darating na mga araw.

Q: Sa inyo pong opinyon, should it be treated as a treaty, or an agreement?

SPFMD: Kung sasabihin ko ngayon na ito ay treaty o executive agreement, huwag na tayong mag-hearing. Tayo po ay makikinig sa magkabilang panig, para maliwanagan hindi lang si Sen. Drilon, kung hindi ang buong taumbayan. Yaan po ang aming tungkulin.

Q: Kung marami po sa mga senador ang maniniwalang treaty ang EDCA, pwede po ba iyon, na ipilit sa Malakanyang na ibigay sa inyo formally ang EDCA?

SPFMD: Hindi naman kami husgado kaya kung sa tingin ng mas nakararami ay ito po ay isang tratado, yaan po ay opinyon na pwedeng tanggapin o hindi ng Malakanyang. Kaya nga noon po ang aking sinasabi ay dalhin na itong issue na ito sa Korte Suprema, para mapasyahan na.

Q: Tama po ba na as of now nasa Malakanyang kung ibibigay nila sa inyo ang EDCA for approval?

SPFMD: Tama po iyan. Hindi po natin sila pwedeng pilitin na i-submit. Kaya magandang dalhin ito sa SC, ang Korte ang makakapag-order through mandamus na dalin ito sa Senado.

Q: It would have been prudent daw that along the way, nakokonsulta na ang Senado, para hindi na daw umabot pa sa ganito na may mga question pa. May mga ibang senador tulad ni Sen. Trillanes, na sinabi na-bibrief daw sila, eh kayo po ay wala ata.

SPFMD: Humingi ng briefing si Sen. Trillanes. Nabasa ko rin sa mga pahayagan na kasama niya si Sen. Angara. Sa akin naman, I was given a regular update as to the status of the negotiations. Kahit naman noong mga nakaraan panahon, ang proseso yung executive muna ang lalagda sa agreement at ang Senado by virtue of our system, ang siyang mag-checheck at mag-exercise ng oversight function - kung tama ba ang ginawa ng executive.

Of course, prudence would have dictated na magkonsultahan, ngunit ang sa tingin ng executive branch ay nag-briefing at kinonsulta na rin nila ang appropriate committees sa Senado. Kahit po nung military bases agreement, I do not recall extensive consultations. Ako po ay Justice Secretary noon, hindi naman po nagkokonsultahan ng masinsinan ang Congress at ang Executive. Of course there were regular briefings. Kaya po noon, nagpasya ang Senado na ireject ang treaty.

Q: Nakita niyo po sa EDCA na klaro yung jurisdiction ng Pilipinas sa mga Amerikano na makakagawa ng krimen dito, katulad ni Daniel Smith?

SPFMD: Hindi po napalitan ang rules sa criminal jurisdiction. Hindi pa rin nagbago. Ang malabo noon ay yung custody ni Smith. Maliwanag ang jurisdiction - nasa Philippine courts. Ang medyo malabo yung place of detention. Doon naman sa Visiting Forces Agreement, ang place of dentention ay mutual consent - medyo nagkulang yata doon. In other words, it was in the implementation at hindi po sa terms of agreement that was problematic. Isa ito sa mga maselan na issue na dapat ipaliwanag.

Q: Hindi po ba kailangan tanungin kung bakit libre ang paggamit sa facilities ng ating Sandtahang Lakas? Mabuti pa daw po nuong Military Bases Agreement, may bayad.

SPFMD: Kung may rental, eh di base na iyon. Ito po ay sa loob ng mga AFP camps para po yung jurisdiction ay nasa ating pamahalaan. Ang mga Philippine laws will apply, and the jurisdiction of Philippine courts will continue, hindi po iyong mga American law system na meron nuon dati sa Subik at Clark. Iyon po ay nawala na at hindi na mauulit sa EDCA.

Q: How come the EDCA was signed kahit incomplete pa? Wala pa daw po bang detalye on the locations to be made available to the Americans?

SPFMD: Yun po ay mga implementasyon na kailangan nating bantayan at ang mga kasunduan ay dapat masunod. Ang pagkakaalam ko, yung mga ino-offer na mga location ay nasa loob lang ng AFP military bases or camps. Outside of these, dapat magkaroon ng kasunduan. Dapat liwanagin.

Q: Sa iyong pag-aaral, papasaba po ba ang EDCA sa SC?

SPFMD: Sa akin nga, there is a presumption of constitutionality and the regularity in the performance of functions. Nasa Korte Suprema po ang pagpapasya.

Q: Dahil po ba sa EDCA at VFA, dapat nga bang pilitin natin ang Amerika na susuportahan tayo sa external aggression - Sa China, sa pagkupkop nito sa West Philippine Sea?

SPFMD: Alam mo, yes, dapat bilang ally ng Amerika, siguro karapat-dapat LAMANG that we will invoke the treaty obligations. Having said that, hindi ba dapat na sikapin nating palakasin ang ating armed forces, than defensing on some foreign power to defend us? In the meantime, nandiyan yung problema natin sa China, we must enhance our cooperation with the United States. That is the reality we face today.

Q: Ang reyalidad, kapos ang ating pondo na tapatan yung pagpapalakas ng puwersa ng China.

SPFMD: Yaan po ay kailangan natin. Kaya nga po sinisikap ng ating Pangulong Noynoy, na palakasin ang ating ekonomiya, in order to build a credible armed forces.

Q: Meron daw pong bukas na mag-iinsist na ireopen ang investigation sa pork barrel scam, dahil nga daw po nangumpisal na si Janet Napoles, at dumating na si Atty. Gigi Reyes. Pabor po ba kayo at pwede pa po ba?

SPFMD: Ang isyu po ay nasa Blue Ribbon Committee na, at ang mga hinihiling ng ating mga kasamahan na iyan ay pagpapasyahan po ni Sen. Guingona at ng Blue Ribbon Committee. Nasa sa kanya po ang desisyon.

Q: Ano po ang inyong personal take? Kailangan pa po bang ipaharap si Napoles at ipalabas yung kanyang listahan ibinagay niya kay Sec. De Lima?

SPFMD: Sa akin po, sinabi ko na noon pa na i-release ang listahan na may kasamang sapat na basehang ebidensiya. Huwag yung listahan na ni walang pirma, na hawak ng ibang tao. Such will only muddle the issue. Yes, release the list along with the evidence to support the list.

Q: May compulsory power po ba ang Blue Ribbon at pwedeng hilingin kay Sec. De Lima ang listahan?

SPFMD: May compulsory power ang Blue Ribbon Committee. Pwede nilang hilingin kay Sec. De Lima. We can use our compulsory processes to compel the release of the documents kung yaan nga ang pagpapasya ng BRC.

Q: Sabi niyo po sa interview nuong ilang buwan na ang nakalipas, kailangan bumawi ng Senado at makabangon. Sa mga umusbong po ngayon, paano po babangon ang Senate?

SPFMD: Siguro kapag naipakita na sinusuportahan natin ang proseso. Ako po ay naniniwala na ang ang Ombudsman ay may kakayahan sampahan ng kaso kung may sapat na ebidensiya. Let us give the Ombudsman some space to decide onthis issue judiciously, and we fully support them.

Iyan po ay isa sa mga bagay na makakabalik ng tiwala hindi lang sa Senado, kundi sa ating sistema ng hustisya. Senador ka man, kongresman o pangkaraniwan lamang, kung ikaw ay may sabit, may pananagutan ka sa batas. Ako po ay naniniwala na ang Ombudsman ay may siyang kakayahan to decide judiciously.

Q: Makakatulong po ba sa image ng Senado kung irelease na ni Sec. De Lima ang list, para hindi lahat ay suspect?

SPFMD: Ang posisyon ko po diyan ay ilabas na ang listahan, ng may sapat na ebidensiya. Huwag yung hawak lang ng kung sino Yung manggagaling po kay Sec. De Lima, iyan ang ating pagbabasehan,dahil si Sec. De Lima ay isa sa 2 opisyal ng gobyerno na may hawak sa mga tunay na dokumento tungkol dito.

Q: Si Sec. De Lima, siya po ay hindi pa lumulusot sa Commission on Appointments. May balak po ba siyang kumprimahin ng CA bago kayo mag sine die?

SPFMD: Yes, isasalang natin siya bagong mag-sine die adjournment sa June 12. Ako po ay umaasa pa rin na objective ang pagtingin ng mga miyembro ng CA sa confirmation ni Sec. De Lima.

News Latest News Feed