Press Release
May 7, 2014

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

Sir naging malinaw ba yung function ng OPARR (Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery) kasi parang yon yung kinu-question nyo kanina?

Actually hindi namin kinu-question ang OPARR, sang-ayon ako na nandyan dapat ang OPARR, pero tila kulang ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya. I share the frustration, perhaps, of President Aquino sa mga narinig kong sagot kanina, tila hindi shini-share ng mga ahensiyang ito ang sense of urgency ng Pangulo, ang sense of urgency ng Kongreso na naglagay kami ng napakalaking pondo para sa rehabilitasyon. Napakaliit pa lamang ng pondo na nagagamit nila sa naibigay sa kanila at limang buwan na, wala pa ring post-disaster needs assessment (PDNA) na nanggagaling sa NDRRMC. At nagsa-sumbit pa lang at nagmi-meeting pa lang nong nakaraang Lunes at ngayon ang mga ahensiya tungkol dito. Nakakalungkot na tila hindi nila minamadali ang bagay na ito.

Pwede rin palang hindi makipag-coordinate sa OPARR ang mga agency concerned?

Well memorandum order at circular lamang ang inisyu ni Pangulong Aquino sa pagcreate ng opisina, wala naman talagang police power yon, walang kapangyarihang mag-impose ng penalties, coordinative lang naman talaga siya. Pero hindi nangangahulugang hindi magko-cooperate at susunod ang mag ahensya ng executive sa memorandum order at circular ng Pangulo para sa kanila. Simple lamang naman, mag-submit ng disaster needs assessment, limang buwan hanggang ngayon ba hindi pa nila alam ilang classroom ang nasira, hanggang ngayon ba hindi pa rin natin alam ilang bahay ang nasira. Ano ba ang kailangan para muling makabangon ang mga magsasaka't mangingisda, gaano katagal pa ba ang kailangan ng mga ahensiya para mabigay at magawa yan?

Disappointed kayo sir?

Definitely.

Sabi ni Atty. Jimeno wala pa talagang consolidated rehab plan

Well ayon sa kanya wala pa raw planong naaprubahan. Hiningi naming kung anumng draft na planong meron, isususmite sa amin sa susunod na pagdinig. Pero paano ka magkakaroon ng plano kung wala ka pang post-disaster needs assessment. Ang ibig sabihin nito, ano ba ang kailangan ng mga nasalanta? Hindi yung kung ano ba ang ibibigay natin at kaya nating ibigay. Magkaiba yon.

Paano maa-address yung isyu kung alam nyo na ngayon kulang ang coordination?

Well hahayaaan naming maging hudyat ito para magsilbi o makatulong magcoordinate o makapag-usap-usap ang mga ahensiya sa pamamagitan ng komite at kung hindi sila kayang i-compel ng OPARR, kami ang magko-compel sa kanila.

Pabor kayo kung yung mga NGOs at foundations kung mas mabilis sila i-divert na lang yung pondo ng government sa kanila?

Option laging bukas yon, may mekanismo para dyan, maski na sa General Appropriations Act ng 2014, maglagay nga lang kami ng mekanismo para maging maingat dahil sa mga nagdaan at nakaraang karanasan natin, minsan ginagamit na excuse lamang yung mga kalamidad para magrelease ng pondo na hindi naman nalalagay sa tama at nagagamit nang wasto.

Sino ang magdedecide sa ganoong option?

Yung mga ahensiya ang magdedecide. Each agency will have to decide, unless it's a policy that will be dictated at handed down and ordered by the President.

Yung absence ng PDNA di ba dapat pinukpok na ni PNOy yung mga Cabinet members?

Actually particular, maliban sa Cabinet members, yung OCD na umalis pa yata yung dating head at yung NDRRMC ang dapat nagbibigay nyan, ang dapat meron nyan, ang dapat na gumawa nyan.

Kahit walang okay yung OPARR yung katulad ng DILG may narelease ng fund tungkol dyan, paano yon?

Yon yung isang hinahanap din namin ng kasagutan. Ano ba yung sistema, ano ba yung rule, ano ba yung rhyme and reason? Alin ba yung kailangang dumaan sa OPARR, alin ba yung hindi na kailangang dumaan sa OPARR? Alin ba yung kailangang sumagot at tumugon don sa general plan, alin ba yung hindi na kailangang tumugon sa general fund at agad nang pwedeng i-release.

May move ba na mas palakasin yung OPARR kasi nga pwede ring palang hindi dumaan sa kanila at mabibigyan din sila ng budget?

Kung isasabatas pa namin yon baka mas matagalan pa lalo yan, siguro sa pamamagitan na lang ng oversight committee namin gagawin ito para pagbangga-banggain yung mga ahensiya, pagharap-harapin sila and to exact compliance from them on how to speed up the rehabilitation efforts.

Sa rules ng pagrelease ng calamity funds may nakalagay ba roon na dapat dumaan pa sa OPARR?

Dapat dumaan sa NDRRMC, kasi nong pinasa namin yun budget wala pa naman yung OPARR, hindi requirement na dumaan sa OPARR. It's an internal arrangement within the administration, again to make sure that the funds are effectively utilized. Na hindi masasayang, na may oversight from within the administration of President Aquino. I don't see it as a burden, hindi ko nakikita ang delay ay nasa OPARR, sa ngayon nakikita ko ang delay nasa ahensiya ng executive branch.

So ngayon agency-NDRRMC and then OPARR?

Ang nangyayari agency-NDRRMC-OPARR-OP, tapos DBM for release, tapos babalik na sa agency na mag-iimplement.

Sa absence ng PDNA hindi ba dapat si Secretary Gazmin, chairman of the NDRRMC...

Well we have invited, we will be inviting him in the next hearing para pasagutin at papaliwanag kung bakit hanggang ngayon eh wala pa yang PDNA na yan. Nong huli namin silang pinatawag para tanungin ito sabi nila kakatapos lang ng kalamidad, busy kami, well it's been five months, nearly six months, siguro naman sobra-sobra na yon para sila ay tumugon, humarap at magpaliwanag tungkol dyan.

Yung initial na P40 bilyon na narelease...

P40 billion naka-appropriate, of the P40 billion for 2014, P3 bilyon pa lamang, kulang-kulang P4 bilyon pa lang na-u-utilize nila. Maliwanag ni wala pang sampung porsiyento nong in-allocate namin para dyan sa budget ng 2014, hindi pa kasama yung unprogrammed ang nagagamit. And it's already been four months in the current year, tatamaan na naman tayo ng tag-ulan, kung walang el nino, so mahihirapan na naman tayong mag-implement ng ilan sa mga proyekto na kailangan ay sikat ng araw.

Anong plano sa mga agency na unreasonably may kabagalan sa pagsa-submit ng PDNA?

Number one we will be calling them to task and making the corresponding recommendations because quite frankly kung ganito katagal at napakarami ng ating mga kababayan na nagdurusa this is bordering on the criminal already, yung kawalan ng urgency nila na tugunan yung mga bagay-bagay na ito.

Masasabing failure pa rin ito sa national government...

Well you have to understand ito yung pinakamalaking kalamidad na kinaharap natin, ayokong bumagsak muna sa finger pointing, sa pagsampa ng kaso, sa paninisi, nandito pa lamang kami sa stage na naghahanap ng solusyon, kung saka-sakaling magsisihan man tayo, pwede ba pagkatapos na lamang maresolbahan at matugunan yung mga problema nating tinamaan ng bagyo.

During the hearing it was pointed out na nagawa naman ng Congress yung kanilang duty, na magbigay ng funds, ang hindi nagagawa yung implementation

Yan ang silbi ng oversight committee para matiyak na napapatupad nang maayos, tama at sa lalong medaling panahon ang mga proyektong inilaanan namin ng pondo para sa budget.

Wala kayong binigay na ultimatum sa mga agency para tapusin yung assessment?

Kulang pa kasi yung ahensiyang naimbitahan namin, sa sususnod na hearing, marahil, idedemand na yan ng oversight committee matapos naming mapakinggan yung OCD dahil tila lahat sila hinihintay yung PDNA, yung post-disaster needs assessment, na nanggagaling at manggagaling sa OCD at NDRRMC.

Kailan ang susunod na hearing?

May 14.

Can the President not exact those requirements from the agencies?

Well all of them serve, all the secretaries serve at the pleasure of the President. They serve for as long as they enjoy his confidence. Pangulo ang may disciplinary power over all of these officials. So definitely, yes.

Sa dami ng government agencies di ba dapat kailangan meron isang ma-pinpoint na responsible for all of these delays like the NDRRMC chair

Again it's not so much as pinpointing, or pointing the blame at anyone, it's more of looking at where the backlog is, looking at where the delays are and finding the solutions to address them.

Hindi naman useless yung OPARR

Hindi kasi malaki rin naman yung nakuha nilang donations mula sa private sector at sila lamang naman tila yung coordinative body na pinagtatagpi-tagpi at pinagtutugma-tugma yung efforts na ginagawa ng iba't-iabng ahensiya na tila hindi nag-uusap-usap. For example, yung social services cluster, dalawang beses pa lang sila nagmeeting, yung huling meeting pa nila nong Lune lang. Parang maliwanag na tila hindi ito prayoridad ng mga ahensiyang ito.

Anong mangyayari sa paghindi yon nagamit o na-maximize before the year ends, so savings na yon?

Well savings yon pero sa ilalim ng budget ng 2014, hindi tulad ng mga budget ng mga nagdaang panahon, we are requiring and we have required the DBM to submit to us all utilization of savings outside the line-item projects and programs in the 2014 GAA. So isa-submit pa rin nila sa Kongreso yan maski maging savings yan.

On PDAF, yung list from Napoles sina Senator Jinggoy nagrereklamo bakit until now hindi nilalabas ni Secretary De Lima.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi nilalabas, sa totoo hindi pwedeng baguhin ni Secretary De Lima yung listahang yan. Hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng validating it, dahil paano kung sa validation nila hindi totoo, hindi naman nila pwedeng amyendahan yung statement ni Napoles. Let it stand or fall based on what it says there. May halo mang katotohanan yon, may halo mang kasinungalingan yon, puro man kasinunaglingan yon, puro man katotohanan yon, storytelling ba yon o storytelling a lie. Let the affidavit stand or fall based on what she said. It's not for any government agency to bet or validate the affidavit of any witness, an accused or otherwise.

Sino yung iko-compel to have it release, si Secretary De Lima ba o si Napoles?

Actually, hindi ko maintindihan kung bakit ba lahat ng may hawak ng listahan ay ayaw maglabas, wala namang batas na pumupigil sa kanila na ilabas yan. Ang daming umaming may hawak ng listahan pero wala naman gusting maglabas, hindi ko alam kung bakit. Sino man ang banggitin ni Napoles doon, hindi ko alam kung bakit natatakot sila, dahil ang totoo ay totoo pa rin, hindi kayang baguhin ni Napoles yan. Minsan na siyang nagsinunaglin dito o sa sambayanan, bakit ba biglang matatakot ang sino man ang babanggitin niyang pangalan don, na masama don. Sinuman ang mabanggit, sumagot, magpaliwanag; depensahan at ipagtanggol ang sarili nya.

Kahit na mabanggit ka, sir?

Maski na mabanggit ako, ang balita ko binabanggit nga rin daw ako pero alam ko naman ang totoo, wala akong ina-allocate na pondo sa kanya, asan ang ebidensiya nya kung meron man. Pero para sa akin, binanggit man o hindi, hindi dapat mabago yung affidavit at sanay naman na ako at nanggaling na ako dyan. Nong pina-imbestigahan ko yung Garci tapes, ang kauna-unahang sinabi ni Garcillano sa akin sa harap ko nong pinatawag ko sya, tumawag din daw ako sa kanya at nagpadaya din daw ako sa kanya. Excuse me. So normal lang naman siguro at natural yan, kaugnay nga mga pagdamay o pagbanggit ng mga pangalan at hindi yan dapat katakutan ninuman na nasa katotohanan ang panig nya

As a member of the blue ribbon committee, sir, do you recommend na i-open ulit yung hearing?

That's been my position from the start, na magpatuloy yung hearing, hindi lamang kasi sa Napoles yung resolusyonh inihain ko, kundi sa iba pa na mga NGOs na ginamit at nakapaloob doon sa CoA report. You have to bear in mind, out of 72 NGOs reviewed by CoA , walo lamang don ang kay Napoles, may naiiwan pa na 64 na NGOs na dapat ding tingan dahil pareho, eksakto ang ginagwa, ang modus operandi ay ganon-ganon din.

Yung Napoles list should be revealed publicly, sa public hearing, may suggestion kasi mag-executive session.

Sa akin isapubliko yon, alam mo lalong tinatago yan, lalong lumalaki tuloy yung pagiging misteryoso nyan at lalo tuloy nagiging interesado ang tao. Sa totoo lang kung nilabas agad yan ni Secretary De Lima nong unang binigay sa kanya, ni hindi yan ganito kalaking isyu tulad nang nangyayari ngayon.

Ano ang proposal nyo kasi si Senator Osmena isa-suggest nya magkaroon ng executive session, ipaliwanag ni De Lima bakit hindi niya maipalabas, ano yung reason?

Para sa akin ako palagi akong pabor na public hearing lahat, again kasama man ako sa listahan o hindi, dinamay man nya ako o hindi, dapat isapubliko yan para makasagot at makapaliwanag sinuman ang nais niyang idawit o idamay sa kanyang affidavit.

May national security implication ba yung list para tumawag ng isang executive session?

Sino ba si Napoles para pabagsakin ang gobyerno, porke't lang binanggit nya yung pangalan don sa listahan, magdedepende pa rin yan sa ebidensiyang ipipresenta nya, sa ebidensiyang kalakip nong pagbanggit nya ng pangalan at hindi dahil sa simpleng pananalita nya eh babasagsak ba ang gobyerno, magkakagulo ba ang bansa dahil lamang sa kanya. Minsan na nyang pinagnakawan ang bansa at kaban ng bayan, pati ba naman ito gagawin pa nya sa bansa, siguro naman hindi na tayo papayag lahat.

So hindi ito isang national issue para mag-merit ng isang executive session.

Well sa palagay ko hindi, sa pananaw ko hindi.

News Latest News Feed