Press Release
May 12, 2014

Transcript of interview of Sen. Chiz Escudero

On the issuance of subpoena for the Napoles list

Hindi lang dapat yung kay Secretary De Lima, pati yung dokumentong hawak diumano ni Secretary Ping, gayundin ni Ms. Sandra Cam, dapat ipa-subpoena, pati na rin sila na may hawak diumano ng listahan, para sa gayon makita at malaman , saan ba galing yan, ano bang nilalaman nyan, at ano ba ang basehan nilang paniwalaan ang nakapaloob sa listahang yan.

Pagnilabas daw kasi ang listahan, posibleng magcollapse ang Senate

Well doon aka nalilito, bakit sinabi ni Secretary Ping yon, bakit naniniwala ba siya sa listahan, sa paniniwala nya ba ay credible ang utak ng pork barrel scam? Lahat ba nang sinabi nitong si Napoles biglang totoo? Hindi ko nakikita yon na mangyayari. Sa salita lamang ng isang tao na utak pa ng isang scam na ito babagsak ang isang institusyon. Nagnakaw na nga siya ng bilyon sa kaban ng bayan magpapabagsak pa ba siya ng gobyerno. Hindi naman natin dapat payagan pa yon.

Sa tingin nyo paano maaapektuhan ang Senate kung sakaling ilabas itong mga listahan?

Again not by the mere word of a Napoles will the Senate be affected, kung ano man ang nilalaman non, ano man ang sinasabi nya ron, ang tanong may ebidensiya bang kalakip tulad ng ibang inilabas ng whistleblowers. May ebidensiya ba malibansa salita nya, dahil nagsalita na humigit-kumulang 10 hanggang 15 whistleblowers, tumutugma ba yon sa sinasabi nya, baka naman siya lamang yung ngasasabi, masyado nating binibigyan ng importansiya.

May sinasabi si PNoy nakita na yung lists pero magkakaiba yung laman

Kaya nga nais kong ipa-subpoena lahat ng listahan. Ayon sa unang balitang lumabas, pinaka kumpleto daw na listahan ay yung kay Secretary De Lima. Ayon kay Secretary Ping, incomplete daw yung kanya, ayon kay Ms. Sandra Cam incomplete daw yung kanya. Paano pang ang lumabas mas mahaba pa pala yung listahan ni Secretary Ping kaysa kay Secretary De Lima. Maganda nang ilabas na lahat yan at nang tingnan natin kung magkakatugma ba sila o hindi.

Wala pang effect yon sa institusyon, sabi ni Secretary Ping 20

The institution must be able to survive these attacks against it. Depende na lamang siyempre kung may ebidensiyang sumusuporta dyan, pero the mere word of one person babagsak ang isna g institusyon, hindi naman siguro ganon yon, at dahil don biglang itatago nya yung listahan na yon at hindi na ilalabas. Kung kailangang bumagsak anumang institusyon para muling bumangon at malinis, eh di yon siguro ang kailangan nating gawin.

Pati si Benhur Luy may bago daw listahan

Mula't-mula naman napakaraming listahan ni Benhur, hindi lamang nilalabas at piecemeal nilalabas ng DOJ. Kung maalaala nyo, nagsalita ang DOJ October pa lamang na may second batch daw, third batch at fourth batch. Nasaan na yung second to fourth batch na yan? Bakit nasa batch one pa lang sila hanggang ngayon? Nong simula pa lamang, sobra naman talaga yung listahan na binigay ni Benhur. Hindi lamang yung kasalukyang kinasuhan ng DOJ.

Pati si Benhur at yung listahan ipa-subpoena rin?

Kinuwesityon ko yung nong unang PDAF scam hearing pa lamang, hindi ba, ilang affidavit ba meron si Benhur. Dahil ang tila naging taktika at estratehiya ng DOJ, kada sasampahan ng kaso, hiwalay na affidavit. Hindi ganoon, yon. Nong ako ay nagpapractice pa, iisa lamang ang affidavit ng testigo, at yon ang gagamiting parehong affidavit laban sa kung ilan mang akusado. Isa, lima, sampu, 20 o 200 man.

So hindi muna yung kay Benhur?

Ang assumption ko nga dapat ilabas lahat yan, na mga listahan. Again with or without a hearing, dahil uulitin ko dapat may kalakip na ebidensiya at corroborative yung mga lumalabas na testimonya at hindi dahil may sinabi lamang ang isang tao, eh biglang ganon na agad, yun na agad yung totoo, at babagsak bigla ang mga institusyon natin. Hindi naman ganoon kadali yon.

Pero kasama sa isa-subpoena yung nagsulat ng listahan?

Kasama sa isa-subpoena yung may hawak at nagki-claim na may hawak ng listahan. Pagpinatawag namin sila, doon pa lamang siguro malalaman sino ba ang nagbigay ng listahang yon at sino ba ang gumawa ng listahang yon. May personal knowledge ba sila sa nilalman ng listahang yon, don na siguro lalabas yon matapos silang ipatawag.

Pati si Napoles, sir?

Definitely.

It's not enough sir na ipa-subpoena yung listahan ni Secretary De Lima tapos wala namang hearing

Again, para sa akin dapat ipa-subpoena hindi lamang yung listahang hawak ni Secretary De Lima, pati si Secretary De Lima. Hindi lamang dapat yung listahan ni Secretary De Lima, pati yung listahan ni Ms. Sandra Cam, listahan ni Secretary Ping, pati Si Sandra Cam, pati si secretary Ping dahil sila ang may hawak ng mga listahang yan. Hindi naman pupwede kasi sa isang hearing, biglang may lumabas na naman dokumento, ni walang nagpipresenta kung saan nanggaling at saan nila nakuha.

Sa tingin nyo style lang nila yun na pang-confuse yung paglabas...

From day one, yon yung paniniwala ko, taktika lamang ni Napoles ito para paguluhin, ikanga. Paghiwa-hiwalayin, ikanga, i-destruct yung atensyon ng publiko, dahil kung ordinary kang testigo, ibibigay mo ang affidavit mo sa abogado. Ibibigay ng abogado mo yung affidavit sa Ombudsman o sa Sandiganbayan. Ang ginawan dito, binigyan ng kopya si Secretary Ping, binigyan ng kopya si Sandra Cam, nili-leak sa media yung listahan, binigyan si Secretary De Lima, tapos may kasunduan silang huwag ilalabas, hindi ko maunawan at maintindihan yon kung bakit naging ganoon yung presentasyong ito.

News Latest News Feed