Press Release
May 20, 2014

Transcript of DWIZ Interview of Senate President Franklin M. Drilon

Q: Sa kabila ng mga pork barrel fund scam, marami pa rin silang naipapasang batas...Kahapon po ay may magandang batas na naipasa ang Senado, ano po iyon?

SP DRILON: Tama po iyan, tama Cely at Alex. Iyan ay magigIng batas na shortly, ito ay unang-una na ay mag-a-amyenda sa proseso sa Sandiganbayan. Sa kasalukuyang, may 3,000 pending na kaso sa Sandiganbayan na umaabot ng limang taon kaya nawawalan ng bisa ang conviction dahil sa nakakalimutan na ng taumbayan. Isa sa mga dahilan kung bakit tumatagal ang kaso doon, in effect, there are only five judges dahil lima lang ang division. Bawat isang division, may isang husgado at bawat husgado ay may tatlong mahistrado. Yung bawat mahistrado, kapag absent ang isa, hindi na pwedeng matuloy ang paglilitis sa araw na iyon. Ang ating ginawa, ang sinabi natin kahit isa lang ay pwede nang tumanggap ng ebidensya, ngunit pagdating sa pagdedesisyon ay dapat tatlo pa rin. Para sa ganon, in effect, magkakaroon ng 15 trial courts instead of five without any additional expense dahilan po pinayagan lang natin na ang isang mahistrado ay pwedeng tumanggap ng ebidensya. Pangalawa, mayroon din kaming ginawa kasama ron na yung mga kasong hindi lalampas sa P1 million, siguro pwede nang isama iyon sa RTC. Marami na ring kaso ng anti-graft sa RTC, pero marami pa ring kaso sa SB na below P1 million na pwedeng ilipat sa RTC. Iyan po ang ilan sa mga importanteng pagbabago na sa aming tingin ay makakabawas ng load sa SB at makakapgpabilis ng kaso.

Q: Dahil Senator, it's an anti-graft court, kaya itong mga ibang government officials at nag-sa-shopping spree sa kaban ng bayan

SP DRILON: Yes at ang pinakamali roon, Alex, ay it does not serve as a deterrent. Isa sa mga hangarin ng batas ay yung deterrent. Ibig sabihin, huwag mong ulitin. Kapag may na-convict ka, kakikita ng taumbayan na crime does not pay at huwag gawin. Ngunit dito po, dahil sa tagal, nawawalan ng bisa ang conviction dahil sa tagal ng kaso na umaabot sa limang taon. Hanggang ngayon, halimbawa, may na-convict na ba sa fertilizer fund scam?

Q: Wala pa po.

SP DRILON: Bakit? Mayroon na ring nasampahan diyan. Ngunit sa tagal-taga ng kaso, hanggang ngayon wala ka pa ring narinig eh 2003 pa yata iyan.

Q: Pati yung mga testigo patay na rin.

SP DRILON: Kita mo iyan. Iyan po ang epekto ng masyadong tumatagal ang kaso. Nawawalan ng deterrent ang conviction kaya sinisikap namin na makatulong para mapabilis. Ito po ay magiging batas. Ito po ay napag-usapan namin ng liderato ng House of Representatives na isa sa mga reform measures na dapat naming maipasa bago matapos ang session na ito sa Hunyo.

Q: Sir, ito po ba ay approved na sa House?

SP DRILON: Tapos na sa Komite. Alam mo Cely, once a month, kami ay nagpupulong at we monitor each other kung nassan na ba yung mga panukalang batas na aming ipapasa. Iyan po ang dahilan kaya napapabilis namin ang mga panukalang batas. Sa Lunes po, kami ulit ay magmi-meeting ng house contingent at kami mag-re-report to each other as to where we are.

Q: On the PNR extension

SP DRILON: Yung extension ng franchise ng PNR, ipinasa din natin kahapon. Binigyan ulit natin ng 50 years na corporate life ang PNR dahil ibig namin gusto namin bigyan ng buhay ulit itong Philippine National Railways. Dahil ito ang pinaka efficient na public transport at yung mga kababayan natin sa Bicol o sa iba pang lugar ay mabebenipisyo kung ito ay maayos natin. Sa ngayon po ay kawawa ang kondisyon ng PNR, pero ako po ay naniniwala na dapat sila ay bigyan ng another 50 years of corporate life upang maayos natin yung serbisyong hinahangad ng taong bayan. Maalala ko pa noong ako ay bata pa, naririnig ko yang mga ten sa La Union hanggang sa Bicol sa Naga. Mahigit sa isang libong kilometro yon. Ngayon yata ay wala pa sa isang daan. It has deteriorated. Kaya ang aming usapan ay pahabain talaga ang buhay ng PNR so imbis na mawala sila by June ay pinahaba natin sila by another 50 years.

Q: Balikan lang po natin ang Sandiganbayan Law ninyo. Sabi po ninyo tumatagal ng 5 to 7 years ngayon ang kaso sa Sandiganbayan. With these amendments, ang mga kaso po ba ay magiging 1 to 2 years na lang?

SP DRILON: It is difficult to say, but certainly, kung limang husgado lang ang dumudulog sa 3,000 na kaso ay limang taon ang tinatagal nang kaso, ay siguro naman kung 15 na husgado naman ay mapapabilis naman siguro. Hopefully within three years matatapos ang isa kaso.

Q: Gaano kadami yung mababawas na graft cases sa Sandiganbayan kung yung kaso na nagiinvolve sa P1 million below ay ililipat na sa mga Regional Trial Court?

SP DRILON: The estimate is that mga kalahati ang mababawas.

Q: Ito ho ba ang dahilan kung bakit yung mga senador na maaring kasuhan ng plunder sa Sanidganbayan ay nagabstain kahapon?

SP DRILON: Hindi ko alam, Cely. Siguro it was their own judgment, their discretion na hindi na bumoto. Wala naman silang sinabing na sila ay pabor o tutol, at I think na alam nila na makakatulong ito sa bansa.

Q: Ano po ba talaga ang naging vote ni Senator Revilla? Nag abstain ba siya talaga?

SP DRILON: Cely nung nagroll-call vote ay siya po ay nagaffirmative. Pero after yung inaannounce yung resulta ng votes, sabi niya hindi niya napansin yung napansin na nagtatawag na pala ng rollcall vote, kaya sana po ay magaabstain ako. Pumayag naman siya to let the vote stand, but may manifestation lang na he would have wanted to abstain. Wala namang epekto yun dahil 22 naman ang bumoto na affirmative. But we made on record his abstention.

Mamayang hapon, baka po maipasa na rin naming yung isang batas na magbibigay ng citizenship doon kay Andre Blache para po makapaglaro sa ating bansa. Iyan po ay ating ipapasa sa second reading today. Patuloy rin ang debate sa graphic warning, yung mga bagang sira ay ilalagay natin sa pakete ng sigarilyo. Baka next week ay maipasa na natin sa Senado. Mayroon pa ring iba to address corruption, yung pinapahaba ang prescriptive period sa graft cases, kung hanggang kalian mo pwedeng sampahan ng kaso. Sa ngayon, kung hindi ako nagkakamali, I think after 15 years, hindi mo na pwedeng i-prosecute. So, halimbawa, kung ito ay nangyari noong 2000, sa 2015 ay hindi mo na pwedeng i-prosecute. Ngunit dito sa panukalang batas na ipinasa ng Kamara ay gawing 30 years at ako ay pabor doon na gawing 30 years ang prescriptive period. At sisikapin naming na i-rush yung ganitong batas sapagkat nakakabuti sa ating anti-graft drive.

Q: Bakit doon sa Hello Garci sir, tapos na raw yung prescription?

SP DRILON: Hindi ako sigurado, ngunit iyan ay governed by the revised election code at hindi anti-graft.

Q: Ito po ay particular lang sa graft cases. Balikan ko lang yung sinabi ninyo na sa tagal bago ma-resolve, hindi na natin nalalaman. Itong si Majority Leader Allan Cayetano, magpa-file raw ng resolution to re-open ang imbestigasyon ng Senado sa fertilizer fund scam. Ang basis po niya ay 1), handa raw mag-testify si Benhur Luy, 2) upang malaman ang involvement ni Benhur Luy, at 3) mabusisi bakit na-dismissed ang plunder case kay former PGMA

SP DRILON: Well, tingnan po natin. Iyon naman ay i-re-refer sa Blue Ribbon Committee na sa ating sistema sa Senado ang mag-de-decide whether or not to call an investigation. Iyon po ang nakalagay sa aming rules.

Q: Sir, yung doon po sa extension ng corporate life ng PNR, iyon po ay approve na sa House at kung approved na, kalian po ang bicam?

SP DRILON: Approved na po sa House. At wala namang binago, halos wala, at iyan po ay sigurado ako na iyan ay magiging batas.

Q: Ito po ay indikasyon na tuloy ang trabaho ng senado kahit may ilang mga distraction?

SP DRILON: Tama po iyan. Unahin natin ang ating tungkulin na tingnan at aprubahan ang mga batas na makakatulong sa ating mga kababayan.

News Latest News Feed