Press Release
May 21, 2014

Highlights of ambush interview with Sen. Alan Peter S. Cayetano

START FIRING PEOPLE FROM PHILHEALTH AND SET A GOOD EXAMPLE

Nakita ko yung news report kagabi na hindi nagbabayad ang PhilHealth ng ilang buwan na at napipilitan yung mga private hospital na huwag tumanggap next month kung hindi mare-remedyohan ito. Nadidismaya ako na may narinig pa ako na pwede kasuhan ang mga hospital kasi wala rin naman silang choice dahil hindi rin naman ganun kalaki ang mga capital nila.

So kung ang Amerika ay merong Obamacare, ang Pilipinas parang ang health service natin ay 'I do not care'. Dismayadong dismayado ako sa PhilHealth. Pinasa natin yung sin tax, dinoble nila yung premium, nilagyan naming sila ng malaking pondo pero bakit ganito yung serbisyo nila? Panay pa-media nila na zero billing, panay pa-media nila na halos lahat ma-co-cover na pero walang natutupad.

So I know that the President is a reformist. Wala tayong paguusapan dun. The President is a reformist but is also too kind-hearted. So, may I recommend Mr. President that we start firing people. Pag tatanggalin natin yung ibang nasa PhilHealth kasi kung private insurance company yan, nagalisan na yung mga kliyente niyan.

Pero dahil gobyerno yan, napakalaki ng pera nila pero napaka-inefficient nila. Hindi naglalabas ng PhilHealth card kaya marami ay wala pa ring card at hindi nila alam na covered sila. Pangalawa, sinasabi zero billing pero marami sinisingil pa rin at hindi pa rin covered lahat. At pangatlo, yung mga ospital na ang umaalma. Ano pang iniintay natin? Let's set a good example. Start firing people from PhilHealth and set a good example.

DAPAT MAG-SET NA ANG SENADO NG HEARING SA PDAF SCAM PARA MALINAWAN SA NAPOLES LIST

Kapag hindi sinunod ang subpoena, pwede mong i-show cause sila. Ibig sabihin, they have to show kung bakit hindi sila iko-contempt. But in this case, kay Benhur, kung wala talaga sa kanya, paano niya mapo-produce? But tulad ng kay Sec. De Lima, pwedeng i-show cause ni Chairman Guingona. But ang nangyari, tinanggap niya ang paliwanag niya.

Pero itong lahat ay nangyayari kasi walang hearing. Tsaka minsan, ang hearing dependent kung pwede o hindi ang resource person. Hindi pwedeng ganoon. Kung sila ang masusunod, postpone ito ng postpone. Dapat, mag-set ang Senado then i-require sila na nandito sila.

But I think, better access to everyone including the whistle-blowers will help clear up the air. Kasi, ang ginagamit, "Benhur Luy files", hindi naman nai-interview si Benhur. So paano malalaman ng publiko kung ang naimprenta sa dyaryo ay totoo o hindi? O kung anong konteksto noon? Remember, minsan, may pangalan ang kongresista o senador doon, pero ibig sabihin lang noon, sa distrito niya napunta, hindi ibig sabihin na may kickback yun o totoo yun.

NANINIWALA AKO NA MAY PROTECTOR PA RIN SI NAPOLES

I still believe a hundred percent na may pumoprotektang makapangyarihan kay Ms. Napoles. Klarong klaro yun. Hindi naman makakapunta sa Palasyo yun nang siya lang. Hindi naman makakastay sa kampo yun instead of the regular jail, hindi naman makakapagtagal sa OsMak yun, at hindi naman niya mauutusan ang dalawang secretary na ikalat ang files niya nang wala siyang impluwensya. May mga taong nasa likod nito.

Kanya-kanyang haka-haka ngayon sa mga senador kung sino ang mga mastermind. Yung iba, tinuturo sila Sen. Miriam at ibang kapwa senador. Yung iba sa amin, coincidence na kung kalian bumalik si Gigi Reyes, saka gumulo at saka lumabas ito dahil siya naman dati ang nago-operate para kay Sen. Enrile.

But definitely, we are not doing enough. The government or the administration is not doing enough para ma-clear ito. Unang una, meron palaging moral courage na magturo o mag-accuse. Pero wala namang moral courage ang gobyerno na mag-clear. How hard will it be for this government to say na, "itong senador o congressman, walang ganyang pondo," kung hawak naman nila ang dokumento? So bakit kapag nagtuturo at matapang lahat, pero kapag clear na, napakatakot sa tao at sa media na para bang hinuhugasan lang ang pangalan.

News Latest News Feed