Press Release
May 25, 2014

TRANSCRIPT OF INTERVIEW OF SEN. SERGE OSMEÑA
WITH DZMM'S JUN LINGCORAN AND JUNRY HIDALGO

Malampaya Fund

Q:Bakit may pera sa Malampaya? Saan ito nanggagaling? Bakit ito pinag-i-interesan? Magkano ang interest na napupunta para sa Malampaya Funds?

Serge: Yung tax po sa Malampaya gas ay umaabot sa P1.90/kwh. Ganun kalaki. Dito po sa Metro Manila kung halimbawa ang bill niyo sa kuryente ay P10, ang P1.90 po diyan ay napupunta sa Malampaya, wala pa 'yung VAT.

Q: Magkano ang kabuuang pondo ng Malampaya, base sa inyong updated information?

Serge: The last I heard, aabot between P80 billion to P90 billion ($2 billion). Ngunit ang dami na palang ginastos ni Gloria Arroyo nung 2010 elections, umabot ng P14 billion po iyan.

Q: San ba dapat ginagamit ang pondong galing sa Malampaya?

Serge: Nakalagay po sa batas, presidential decree yata, for energy purposes and development. Ngayon po binigay na namin ang energy development sa pribadong sektor. Pwede na sanang gamitin iyan sa energization all over the country. Pero hindi naman ginagamit at hindi ko ito maintindihan.

You know, it would only take about P20 billion to energize the rest of the country, sapagkat 25% of our households dun sa kabundukan ng Lanao, ng Tanay, dun sa Cordillera, ay hindi pa energized.

Q: Bakit po mukhang nakunan ang Malampaya ng pondo para sa non-energy related projects?

Serge: 'Yun na nga ginamit sa elekesyon, P14 billion.

Q: In-a-allow po ba 'yun sa batas natin?

Serge: Hindi nga po. Kaya iniimbestigahan po ito. Noon pa pong 2007 inimbestigahan na din natin ito, ang sagot po nila sa akin, 'We don't know where the money is.' Nung panahon na 'yun, may Executive Order 464 si Gloria na hindi pwedeng humarap sa Senado, sa Senate investigation, ang mga Cabinet members sapagkat executive privilege daw iyon. Kaya nahirapan ho kami.

Q: Totoo po ba na maaring gamitin iyong pondo basta inaprubahan ng presidente ng Pilipinas?

Serge: Hindi po. Wala po sa batas iyon. Specific po ang batas na for energy-related projects lang.

Q: Ulitin ko lang po. Magkano na ang nakuhang pondo mula sa Malampaya?

Serge: Siguro Total Collected up to this date is about P80 billion ($2 billion). Ang balanse po, hindi po natin alam.

Q: Meron pong sinasabi dun sa October 2013 article ng PDI, base sa Senate hearing, meron pa naman daw pong natitirang P137.288 billion ayon sa Treasury... Iyon po ba ay nahagip ninyo?

Serge: Hindi po. Hindi po nila binibibigyan ang Senado ng breakdown niyan.

Q: Mahalaga pala talaga ang transparency. Kailangan pala ilatag ito sa inyo.

Serge: Ang sasabihin ng secretary of Energy, wala po sa amin iyan, nasa Treasury po iyan. Ang sasabihin naman ng Treasury, wala po sa amin iyan, sa DBM iyan. Ang sasabihin naman ng DBM, nasa Energy. Pinagpapasahan lang kami.

DZMM: Magkano ang pondo mula 2003 hanggang 2009 na ginamit sa non-energy related projects? Ang sagot dito ng Bureau of Treasury, P23.3 billion...

Q: Ano na po ngayon ang estado ng imbestigasyon ng Senado dito?

Serge: Pinostpone ni Sen. TG ng one week on the request of...

Serge: Alam niyo, itong Malampaya scam 3 parts po iyan:

Number 1, 'yung Napoles scam. Iyon po, P900 million lang.

Pagkatapos, meron din po 'yung the P900M is part lang ng P14 billion na ibinigay ni Gloria Arroyo sa iba't ibang Cabinet agencies na hindi naman related sa energy.

Ikatlo, 'yung total amount spent for non-energy related projects.

Malaki po ito. Very wide-ranging itong investigation na ito.

Q: 'Yung accountability ang hinahanap dito, hindi ba Senator?

Serge: Opo.

Q: Sabihin niyo po kung tama itong proseso na sasabihin ko ha. Sa research po, totoo po bang ang anumang ahensiya ng pamahalaan na gustong gamitin ang Malampaya fund para sa isang proyekto ay pupunta sa DBM para maghain ng request?

Serge: Well, must be approved, of course, by the President of the Philippines. Iyan 'yung managing agency ng lahat ng budget ay iyong Department of Budget and Management (DBM).

Q: Tapos, dapat din magtungo sa Bureau of Treasury ang isang ahensiya para humingi ng certification na merong available na pondo?

Serge: Tama po iyon. Pero alam po ninyo, dapat po naman dumaan iyan sa budget process. Hindi po nila dinadaan iyan sa budget process.

Q: Ibig niyo pong sabihin, halimbawa kapag may mga budget hearing na sa Senate?

Serge: Opo. Dapat sana i-propose nila, halimbawa na heto for this year, from the Malampaya Fund we intend to spend P20 billion for this project. Hindi po dinadaan sa amin iyan.

Q: 'Yung pangatlo, 'yung binigay na certification ng Treasury, dapat isumite ng head of agency sa DBM para mag-utos na ilabas ng pondo. Pagkatapos, matapos na maglabas ng pondo, ng SARO ang DBM, ilalabas na ng Bureau of Treasury 'yung pondo?

Serge: Opo.

Q: Ibig sabihin, alam ng DBM ang detalye?

Serge: Opo, dapat alam ng DBM ang lahat ng release. Hindi makakapag-release ang Bureau of Treasury kung walang authorization, kung walang approval ang DBM. Dapat lahat through DBM po iyan.

DZMM: Sino ba ang nakaupo nung panahon na 'yan sa DBM? Hahagipitin ng investigation niyo iyan? Dati, si late Secretary Boncodin ang nakaupo diyan. Pagkatapos si Rolando Andaya. Tapos si DBM Abad na ngayon...

Q: Alin ang mauuna sa investigation niyo?

Serge: We will leave that to Sen. TG Guingona, siya po ang chairman ng committee, siya po ang magde-decide.

Q: May schedule na po ba sa ngayon?

Serge: Wala pa ho. Malamaman natin sa Monday...

Q: Hinihintay pa ho ba ang listahan na galing kay Sec. De Lima?

Serge: Nasa amin na po ang listahan, lumabas na ho./ Ang hinihintay kay Napoles ay 'yung affidavit niya. 4 yata ang affidavit niya. Ang kapal.

Q: Ang balita namin bukas na isusumit 'yung 2nd affidavit niya?

Serge: Second and third affidavit.

Q: Sinasabi na may panibagong listahan doon na hindi pa binabanggit sa media?

Serge: Hindi ko po alam iyan. Ang alam ko 'yung detalye nung nasa unang listahan. Natatandaan niyo walang detalye 'yung first affidavit na may kasamang listahan ng mga senador. Tinanong ni Sec. De Lima, what happened to the others? Anong detalye diyan, san mo binigay ang pera, kailan, sino naka-witness, san mo dinaan. Iyan po ang sinusulat ngayon ni Napoles.

Q: May idea po kayo kung sino ang mga ipapatawag po dun sa issue ng Napoles?

Serge: Si Napoles lang aabot na ng 6 hours na eh.

DZMM: Gigil na gigil po ang mga kasama niyo sa Senado na gisahin na si Napoles. Gusto nilang tanungin kung paanong nasama ang mga pangalan nila sa listahan...

Q: Irerekomenda niyo ba na magkaroon ng marathon hearing dito?

Serge: Huwag naman. Kawawa naman 'yung witness.

Q: Bukod kay Mam Jenny, sino pa ang ipapatawag?

Serge: Si Benhur Luy, dahil baka magkaroon ng conflict 'yung testimonya nila. Alam mo minsan, kahit parehong sitwasyon, nagkakaroon ng magkaibang perspective iyan eh. Sasabihin ng isang witness, nandun si Jun Lingcoran, sasabihin naman ng isa, hindi wala siya. We have to iron that out. Atsaka si Ruby Tuazon sapagkat siya ang star witness sa Malampaya.

Q: Magiging star-studded talaga itong hearing na ito... sa inyong tantiya, palagay ninyo itong proseso abutin kaya ng bakasyon ng Kongreso?

Serge: Siguro during the break magpapatawag din si Sen. TG ng hearing.

Q: Sabi ni Atty. Rivera (abogado ni Jenny Napoles), 3 pang senador ang masasama sa scam na ito, kasama sa supplemental affidavit ni Mam Jenny? May ideya kayo kung sino itong mga ito?

Serge: May binanggit na dati ang Inquirer in the beginning pa, hindi ba? Ayaw ko namang sabihin. I think 4-5 senators were named. Pero kung sabi ni Atty. Rivera tatlo lang, siguro nga. Please don't make me guess.

Q: Makatwiran daw po ba ang sinasabi ni Sen. Estrada na miyembro lang ng oposisyon ang tina-target ng pork scam na ito?

Serge: Well, as of this time, that's only a suspicion on his part, kasi hindi pa po tapos si Napoles na gumawa ng kanyang affidavit. Tingnan po natin.

On PNOY and PHL Energy situation

Q: Kumusta po kayo ni PNOY?

Serge: Wala. No action. No contact.

DZMM: Kapag kumukuha ako ng reaction sa Malacanang, laging ang sagot sa akin ay 'iginagalang po namin ang opinyon ni Sen. Osmena...'

Serge: Alam ninyo, ang concern ko lang naman talaga, as chairman of the Senate Energy Committee, ay 'yung energy shortage, na wala po silang ginawa mula 2010 hanggang 2014. Meron naman, pero kulang na kulang.

Ang sinasabi ko po, as of to this day, kasalanan pa ito ni Gloria, sapagkat may 5-year lag time mula sa pagkagawa ng planta. By next year, mas malala pa 'yung problema natin, magkakaroon na tayo ng brownout dito sa Metro Manila. 'Yun po, kasalanan na ng PNOY administration.

Q: Ang binabanggit po ng mga tagapagsalita ng Pangulo ay by 2015, magkakaroon na ng mga bagong planta ng kuryente...

Serge: Alam niyo, binibilang po iyan. Sasabihin mo may bago kang planta, eh kung 1megawatt lang po iyan? Kulang na kulang pa rin po iyan. Balewala iyan. Marunong silang mambola, hanggang na iyong problema, iba na naman ang sasabihin nila. But all they have to do is add this up. Bigyan niyo po ako ng report kung ilang planta, ilang additional megawatts ang darating by the end of this year, by the end of next year, at makikita niyo na talagang short na short tayo.

Q: 'Yung babala ninyo na malawakang brownout sa 2015, Luzon po ba iyan?

Serge: Luzon. Pero Visayas din.

Q: Ano po ang dahilan? Dahil po ba sa kakulangan ng kuryente?

Serge: Opo, that's the Number 1 reason: Lack of power. And also, lack of new plants.

Q: Gaano kalaki po ang kakulangan natin?

Serge: Malaki po iyan. Kasi in-a-add ko ang reserves natin. Kailangan ng reserve. Ngayon po ang reserve natin about 1,800MW, above peak na 'yan. Pero ang kailangan po natin about 2,800MW above peak. Hindi po nakikita ng tao iyan, basta merong elektrisidad sa bahay nila, okay na sila. Pero nakikita namin, kaming nagmomonitor ng mga planta, na ilan diyan capable of breakdown, maintenance, repair, down time. 'Yung mga eksperto po diyan, may mga estimates na for the whole year, at sasabihin po nila, eto po ha, 'yung 1,800 kukulangin po during the summer season especially, sapagkat dun pumapalo ang mga air-conditioning, and doon po rin tayo, on the other end, nawawalan ng tubig kasi hindi umuulan. So double na iyon. And now, we are able to trace this.

Alam niyo, nagdadasal na lang ako na sana Lord, wala ng breakdown.

Q: Parang dun po sa sasakyan, na dapat kahit paano, 2 dapat ang reserba?

Serge: Tama po iyan. Dapat kung 2 ang planta mo, dapat po diyan ang 1 pang-reserba. Sapagkat parang jeepney iyan, 'yung ibang planta natin 20 years old na, talagang magbe-breakdown iyan.

Q: Hindi kayo choosy kung anong source? Kahit coal? Anong position ninyo sa nuclear?

Serge: Okay lang ako sa nuclear. Pero meron bang private sector na gustong magpatayo niyan? Sapagkat that's a 10 year lead time, number one. Ang number 2, anong gagawin natin, paano natin idi-dispose ang nuclear waste, 'yung mga ginamit na nuclear material? Hindi pa natin na-solve iyan. Sa Amerika, malalaki ang mga lupain nila doon, makakapaglagay sila in the middle of their desert, okay lang iyon for the next 500 years. Pero dito po sa atin, saan natin itatapon?

Q: Kulang ba sa investors?

Serge: Hindi po. Maraming gustong pumasok dahil maganda ang EPIRA. Kaya lang bina-block eh. Kailangang-kailangan natin ngayon, ang in-demand, 'yung coal plant. Pero bina-block po ng mga environmentalists. Dinadala sa court, nagfa-file po sila ng writ of Kalikasan sa Korte Suprema. Magkakaroon ng 2-3 year delay, pero in the end matutuloy din. So, ang trabaho po ng Secretary ng Department of Energy, dapat ina-anticipate na niya. Alam niyo kung bakit? In Mindanao, there are 4 coal plants approved. But it took them many years to get it approved. Eh bakit ganun? Ang sabi ko, it's the job of the secretary of the Department of Energy to make sure that these are all fast-tracked.

Dito po sa Luzon, na-writ of Kalikasan 'yung 600MW dun sa Subic Bay, nandun pa, hanggang ngayon naka-pending pa.

Q: Ano ang nakikita niyong paraan para mapabilis ang lahat ng iyan?

Serge: Nasa management ng DOE iyan. Sapagkat kung mag-a-apply po kayo to put up a coal plant, 'yung permit process aabot ng 2 years. Eh bakit 2 years?! Dapat mga 6 months lang!

Q: Kung gamitin ni Presidente ang emergency powers?

Serge: Wala namang emergency powers para dun. Iyan ay management problem.

Q: Ibig sabihin mahinang mag-manage sa Department of Energy si Secretary Petilla?

Serge: Grabe. Lahat sila masyadong mabagal. At lumalabas naman ngayon ang mga concerns ng private sector. Bakit ang bagal? Hindi lang si Serge Osmena ang nakakapansin niyan.

Q: Mabagal na ang paggawa ng planta, mahal pa ang presyo ng kuryente sa bansa, tama po ba?

Serge: Opo.

DZMM: 2 years na lang sa panunungkulan si Presidente Aquino. Kung ire-rate niyo po in a scale of 1-10, anong ibibigay ninyong rate?

Serge: Hindi pwede sa lahat. Meron siyang magandang ginawa: reforms sa finance, sa fiscal problems, mga reforms sa corruption...

Anti-corruption, I'll give him 9.5 out of 10.

Sa energy sector, I'll give him 3.

Sa DOTC, I'll give him 2. Walang nangyayari sa DOTC eh. Ang dali-daling ayusin 'yung Terminal 1. Worst Airport in the world. Nakakahiya po naman. Tapos after 4 years, Worst Airport pa rin. Ano ba naman iyan!

News Latest News Feed