Press Release
May 27, 2014

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: On Napoles list

Villar: Sinasabi nila na iyong computer na bigay sa amin ng DOTC noong matagal na matagal na panahon na ay Napoles daw iyon. Binigay lang sa amin iyon ng DOTC, hindi naman namin PDAF iyon. Nagpunta sila sa Congress, sabi nila bibigyan nila ang constituents namin ng 20 computers. Ano ba iyong 20 computers? Sila ang nag-transact noon tapos ngayon kami ang isasama nila. Naghahanap yata sila ng iimbentuhin.

Q: On Sen. Manny receiving campaign funds

Villar: Sabi nila political contribution. Pinakilala daw siya kay Manny noong 2010. Sabi ni Manny libo-libo at daan-daang libo ang nakilala ko noong 2010. Hindi siya natanggap ng political contribution sa hindi niya kakilala. Nakalista naman kung saan nanggaling ang inispend niya noong eleksyon sa Comelec.

Q: Sure na walang nanggaling kay Napoles?

Villar: Wala.

Q: Si Jun Adriano po?

Villar: Si Jun Adriano tumutulong kay Manny noon.

Q: Tumanggap daw ng campaign funds si Sen. Villar?

Villar: Hindi niya kilala si Napoles, paano siya tatangap?

Q: Kay Jun Adriano daw?

Villar: Ewan ko. Baka may pinagbigyan sila hindi naman binigay kay Manny Villar.

Q: How do you feel, it's a signed affidavit?

Villar: Ang nakalagay doon, nakalista doon na tinanggap ko iyong computer, iyong Minority Bloc na binigyan ng computer ng DOTC, hindi naman PDAF iyon. That's a project of DOTC. Tinanggap namin ang computer. Hindi ko na nga matandaan kung anong school ang tumanggap ng computer na iyon. At saka 20 computers lang yata iyon. Magkano ba ang 20 computers? Kung alam ko lang na ang computer na iyon ay Napoles, hindi ko na tinanggap iyon. Naawa lang ako sa mga school namin.

Q: Sabi po ni Napoles biktima lang daw siya ng isnag maling sistema? Hindi daw siya ang most guilty?

Villar: It's for you to judge. Kayo ba naniniwala sa sinasabi niya?

Q: Plan ninyong mag-file ng any charge?

Villar: Binigay na namin sa lawyer namin. Q: Categorically, walang tinanggap na pondo from Napoles?

Villar: Do you think naman kailangan ni Sen. Villar?

Q: Barya lang ba iyon sa ari-arian ninyo?

Villar: Hindi ko naman sinasabing ganoon. Pinaghirapan namin ang lahat ng kinita. Wala namang barya sa amin.

Q: But Sen. Manny did not need Napoles' help during that time?

Villar: May ipon naman kami. Syempre kapag may kompanya ka, may dividendo ka. Tsaka kung hindi namin kayang kumandidato on our own, hindi kami kakandidato.

Q: Wala pa po kayong sinasampang kaso?

Villar: Wala pa... Kung alam ko lang na Napoles iyon, hindi ko na tinaggap. Nilista na ako. And the Minority Floor Leader explained it. Kami naman hindi kasali doon.

Q: Pwede pa bang isoli o abonohan?

Villar: Gusto ko na ngang isauli kaya lang 2003 pa yun, nasira na siguro. Hindi nga namin malaman kung saan napunta. Mag-pinpoint na lang sila ng bibigyan ng 20 computers at papalitan ko na lang.

Q: Magkano po ba ang 20 computers?

Villar: 20 computers? 20,000 yata ang isang computer, mga 400,000.

Q: Sa tingin ninyo may nagmaniobra ng affidavit?

Villar: Alam mo naman sa mundong ito maraming nagmamaniobra.

Q: Mga kalaban ninyo?

Villar: Siguro nainggit.

Q: Baka hinahanda na kayo sa 2016?

Villar: Hindi naman kami kakandidato sa 2016. Kaya nga kami nagtataka bakit kami pinag-iinitan. Siguro ayaw nilang maniwala.

Q: Iyong possible na itataas ng partido ninyo?

Villar: Titingnan natin next year. Too early. Wala pa naman silang pinag-uusapan.

Q: Kaya habang maaga winawasak na kayo?

Villar: Nakakapagtaka nga. Kung sino ang hindi kakilala iyon ang nandoon. Iyong kakilala wala doon.

News Latest News Feed