Press Release
June 4, 2014

Highlights of radio interviews with Sen. Alan Peter S. Cayetano

MERON NA BA TAYONG NA-FILE NA FORFEITURE CASES LABAN SA MGA SENADOR? MAS MABILIS ITO KAYSA SA GRAFT AT PLUNDER.

As early as 1955, meron na tayong batas na tinatawag na forfeiture law, ang ibig sabihin nito pag nakita na - hindi mo na kailangan patunayan na nakaw ito ng public official - kung makita mo na hindi proportional ang pera ng isang public official dun sa kanyang kita ay pwede nang kunin ng gobyerno ang properties na ito. So ang tanong ko nga, meron na ba tayong na-file na forfeiture cases sa mga senador? Remember, easier ito sa graft at plunder dahil yun ay hiwalay na kaso na finile. Ito mas mabilis.

DALAWA NA LANG ANG OPTIONS NI MS. NAPOLES: IMMUNITY O ANG POLITICAL SOLUTION BY 2016.

Ang nakikita ko, kaya desperado si Ms. Napoles, nakikita niya na hindi lang siya ang walang pag-asa sa tibay ng ebidensya, pati pamilya niya. Dalawa na lang options niya eh, yung immunity eh o maging kakampi niya yung susunod na presidente sa 2016. Yan ang tinatawag na political solution.

Lahat ng mga corrupt ay nakikinabang dito dahil nakikita nilang pwedeng paglaruan ang proseso at mahirap makulong ang corrupt sa Pilipinas. Specifically, number one, si Ms. Napoles ang nakikinabang dahil nagugulo ang usapan at nahihirit niya ang kanyang immunity o pagiging state witness. Nagagantihan niya ang mga nagiimbestiga sa kanya sa pagdawit ng pangalan nila. Number two, ang nakikinabang dito ay ang mga makapangyarihan sa likod niya na hindi pa napapangalan. Ako ay naniniwala pa din na kaya may VIP treatment yan ay dahil may mga prinoprotektahan pa yan. Pangatlo, ang political supporters niya na hindi pa nakukulong.

INU-UNTI-UNTI NI MS. NAPOLES YUNG PAG-O-OFFER SA GOBYERNO PARA PABANGUHIN ANG SARILI NIYA.

Ang tanong ko sa mga abogado ni Ms. Napoles at kay Ms. Napoles, bakit hindi na lang nila sinoli o bakit hindi nilagay under oath sa affidavit na ito yung pera at ari-arian na nakuha nila dyan? Talagang inu-unti-unti nila yung pag-o-offer sa gobyerno. Parang naniniwala ako sa whistleblower na meron silang kausap para dito sa immunity o sa state witness at parang pa-unti-unti, pinapabango nila sarili nila. Kung isasauli, sino bang may ayaw? Kung yan ay sinauli, ilang notebook at classroom ang maibibigay sa ating mga kabataan. Bakit hindi nila ipakita yung computation? Paano naging P2 billion? Lastly, maraming pinakitang properties si Ms. Napoles na negosyo eh, may hotel sa Amerika, may sinasabi siyang coal firm sa Indonesia. Kung totoo itong lahat, halimbawa, yung binili niyang property sa Amerika ay $50,000 four or five years ago eh bagsak ang presyo nun. Ngayon ang halaga na eh $100,000 o $150,000 eh isosoli mo $50,000 ay kumita ka pa rin. Dapat isasauli mo yung buo.

Ang mangyayari niyan, lahat magnanakaw sa judiciary, executive at legislative kasi malalaman nila na pagnagkahulihan pala, magsauli tayo ng kaunti, kumanta tayo ng kaunti eh may retirement fund ka pa rin kasi imposible na walang itira yan eh. Ikaw ba papaya ka na ang pamilya mo zero.

PRESIDENT AQUINO IS VERY SINCERE SA ANTI-CORRUPTION DRIVE NIYA. HE SHOULD NOT BE BLAMED FOR PDAF SCAM.

Naniniwala naman talaga ako na merong makapangyarihan na nasa likod ni Ms. Napoles. But to be fair sa Presidente, I think si Pres. Aquino is very sincere sa anti-corruption drive. Nakita ko naman, siya ang nag-umpisa nito, siya ang nagpaimbestiga sa COA, siya naman ay naging consistent sa anti-corruption.

Kailangan lahat magcooperate, ang executive, ang judiciary, ang legislature. So sana, ang gawin ng Malacanang, huwag pansinin ang mga kritiko na tinuturo ang Presidente o ang Malacanang, pero ipush nila ng ipush. The solution is there kung kikilos lang talaga ang kongreso, ang judiciary at ang executive department.

News Latest News Feed