Press Release
June 11, 2014

Transcript of DZRH interview with Senate President Franklin Drilon

Q: Ano po ang mensahe niyo dito sa nangyari sa ngayon sa Senado, whether it is good or bad sa sambayanang Pilipino?

SPFMD: Dito naman ay naipapakita lang ngayon na sa ilalim ng administrasyong Aquino ay mahirap ka man o mayaman, makapangyarihan o pangkaraniwan man, tayo po ay pantay pantay sa ilalim ng batas. Kung ikaw ay nagkasala, ikaw ay malalagot, at kung may sapat na ebidensiya laban sa iyo, ikaw ay makukulong. Yan po ang mensahe na nakikita natin dito - na ang "tuwid na daan" ay hindi lamang salita. Talagang pinapairal ito ng ating sistema ng hustisya. Ito ang mensahe sa akin, ng pagkangsangkot ng ilang mga aking kasamahan sa Senado.

Ngunit sa ating sistema ng hustisya ay may presumption of innocence ang isang nasasakdal. Pero ang naipapakita po ngayon, na tayo ay dapat pantay pantay sa ilalim ng batas. Equal application of the law, mayaman ka man o mahirap, makapangyarihan ka man o pangkaraniwang mamayan, lahat po tayo ay dapat pantay pantay sa ilalim ng ating batas.

Q: Sa nangyayaring ito, ano po ba ang inyong personal na reaksyon - nalulungkot po ba kayo o karaniwan na po ba ito sa gobyerno na talagang hindi maiwasang may ganyan?

SPFMD: Sana po ay hindi na ito nangyari. Ngunit sa ibang bansa, meron din namang mga ganitong kaso. Ang importante satin dito, is how the system would respond. Ang mahalaga po, kung paano ang makinarya o yung wheels of justice ay gugulong, dahilan dito po kasi nakasalalay ang tiwala ng taungbayan sa ating sistema ng hustisya.

Pag hindi po nakita ng ating taumbayan na ang sistema ng hustisya ay umaandar, ay baka po mawalan sila ng tiwala tuluyan sa ating demokrasya, dahil po malaking bagay po na our system of justice works in this case. Dito po nakasalalay ang tiwala ng ating taumbayan.

Q: Pinaguusapan na po diyan sa Senado kung ano ang mangyayari kung sakaling ilabas na ang arrest warrant sa tatlong senador? May posibilidad daw po na any time this month or next month ang paglalabas ng arrest warrant.

SPFMD: Sa amin naman ay sa mga ganitong pagkakataon ay mayroong provisions. Ibig sabihin po, ang Senado po mismo ay hiwalay sa mga individual senators. The senators will come and go, but the Senate as an institution will stay. Iba po ang Senado sa kanyang mga kasapi.

To answer your question, kung sakaling may warrant ng arrest na para sa tatlong senador na iissue, ang mga Senate committee ay hindi maaapektuhan dahil the vice chairman for those committees can take up their work. In fact, kahapon, medyo pabiro, tumayo si Sen. Estrada na may mga ilang panukalang batas na gusto niya ay pag medyo naaresto na siya ay si Senator ganito ang magpatuloy ng sponsorship nitong panukalang batas. Ibig lang niyan sabihin, the institution will function, it will definitely continue to work.

Q: Ngayon po ang huling araw ng sesyon ng Senado. Ano na po ang naihatid na performance ng Senado sa sambayanan? Ilang batas na po ba ang naipasa? At yung Graphic Warning bill sa Kongreso, nakalusot na po, kailan po ang joint conference committee hearing sa batas na ito?

SPFMD: Ako po ay nagagalak na ibalita na kahit nabalot sa kontrobersiya, ang 1st Regular session ng Congress ay mas maraming naipasang batas kung ikumpara sa unang taon ng 15th Congress. Marami po kaming naipasang batas, at ito po talaga ay tinulak namin, nagsipag kami dahil alam namin na upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa Senado, na nonwithstanding these controversies, patuloy po ang aming trabaho.

Tungkol po sa Picture-based Health Warning act, ito po yung batas na maglalagay sa picture ng baga sa mga kaha ng sigarilyo. Ito po ay naipasa na ng bicameral conference kahapon, at sa araw na ito ay aaprubahan pa namin ay bicameral conference committee report. Agad namin ito ipapadala sa Malakanyang, at sa loob ng isang taon, magkakaroon na po ng mga display ng baga o iba pang parte ng katawan na naapektuhan ng paninigarilyo, 50% ng display area sa isang kaha ay makikita na po natin ang masamang epekto ng paninigarilyo.

Ayon po kasi sa datos ng Department of Health mga 87,000 Pilipino taun-taon ang namamatay na ating mga kababayan natin ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ibig sabihin niyan, mula sa 6:30 am ngayon hanggang 7:30 am mamaya, 10 Pilipino na ang namatay dahil sa paninigarilyo.

Q: Kasama na po diyan yung mga smoke-related illnesses tulad ng lung cancer?

SPFMD: Tama po iyan. Nuong 2012 nga po ay ipinasa ng Senado ang Sin Tax Bill. Yaan po ay tinaasan namin ang pagbubuwis sa sigarilyo, para naman po mabawasan ang paninigarilyo lalo na sa kabataan. Dahilan po diyan ay nakalikom tayo ng mas malaking mahalaga para sa ating health sector. Mahigit po sa P51 billion ang ating nalikom ng pamahalaan na aking isinulong at ipinasa ng Seando nuong 2012. Kaya ito po ay aming kampanya na magkaroon tayo ng consciousness na masama ang paninigarilyo.

Q: Nabawasan din ho ba ang mga nagkakasakit sa paninigarilyo?

SPFMD: Ako po ay magtatapat - hindi pa po nababawasan. Ang rate ng tax ay tumaas ng taon na ito kung ikukumpara sa nakalipas na taon, at next year ay tataas muli hanggang maging unitary ito-ibig sabihin magiging isa na lang ang tax rate. Pagdating ng 2017, P30 per pack. In the meantime, ipinasa po natin itong Graphic Health Warning Act.

Q: Palagay niyo po itong batas na ito ay malaki ang maitutulong na maibaba ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa, at yung mga nagkakasakit dahil sa yosi?

SPFMD: sa aking tingin po ay makakatulong po ito, ngunit mas nakakasiguro ako na yung mga kabataan natin ay huwag na pumasok sa paninigarilyo. Alam mo, ang hirap ditto sa atin ay malaking portion ng ating naibebenta sa takatak, o yung sa kalsada, patingi-tingi. Sa mga probinsiya naman, nakalagay sa garapon ang mga sigarilyo, kaya hindi mo rin makikita yung health warning. Ganun paman, hindi tayo titigil hanggang maibaba natin ang bilang ng naninigarilyo sa bansa.

Q: Ang Pilipino titigil lang sa yosi kapag patay na. Patay kung patay.

SPFMD: Kaya nga. Habang naguusap tayo ay may namamatay dahil sa paninigarilyo. Kaya ito naman pong batas ay tulong ng Senado sa taung bayan.

Q: Ano na po ang mangyayari sa mga pankulang batas na hindi pa naipapasa/ katulad nung sa pagdinig sa slow at expensive internet ngayong patapos na ang 1st Regular session ng Senado?

SPFMD: Ipagpapatuloy po namin yan agad pagbalik namin sa Hulyo. Ang sinabi ng NTC, wala daw po silang equipment mag monitor ng speed ng internet, kaya naman ipagpapatuloy pa namin ang pagdinig diyan.

Gayun din yung mga education bills na hindi dapat kalimutan, tulad ng Iskolar ng Bayan Act, kung saan yung 10 top students sa mga highschool sa bansa ay magkakaroon ng free admission at free scholarship sa mga state colleges sa bansa. Pagbalik namin sa Hulyo ay iyan ay aming tatrabahuhin para matapos yang batas na iyan bago matapos ang taon. Para po sa susunod na taon makikita na natin ang epekto niyan - na kahit mahirap ka, basta magaling ka ay ikaw ay may laban na makapasok ng libre sa mga state universities and colleges.

News Latest News Feed