Press Release
July 7, 2014

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference today,
July 7, 2014 (Livelihood assistance to OFWs)

Villar: Meron tayong limang OFWs na umuwi dahil naging victim sila ng illegal recruitment, human trafficking sa iba-ibang lugar. Narito si Rizza from Bocaue, Bulacan, galing Malaysia; and then si Jenylyn from Lumaban, Laguna, galing sa Abu Dhabi; si Madelyn, napilayan kasi lumundag siya doon sa kanyang employer, from Bulacan, galing sa Oman; and then si Sheron, galing Riyadh, from Bacoor, Cavite; and then si Merry-Ann, from Kapitolyo, Pasig, galing Malaysia.

Pare-pareho sila ng case. Ang gusto nila magkanegosyo kaya magbibigay tayo ng goods para magkaroon sila ng tindahan sa kanilang mga bahay. Kasi alam mo, pinakamadali yatang negosyo na hindi mo kailangang i-training ay magkaroon ka ng sari-sari store.

At the same time on June 10 and 11, meron kaming i-sponsor na training ng mga bumalik na OFW, sa Star Mall Edsa, sponsored by DOLE. Ito ay para magturo sa kanila ng mga bagong hanapbuhay. Ayaw na kasi nilang bumalik sa abroad, gusto na nilang mag-stay dito. So mag-aaral sila for two days, para kung magustuhan nila iyon, iyon ang kanilang magiging hanap-buhay. Kasali din sila doon, pero ang ating enrollees yata 60; two classes of 30 each. We will continue with the program with DOLE and OWWA. Meron sila talagang programa na ganito na retraining ng mga repatriated OFWs.

Q: Iyong financial, is this one time big time lang po?

Villar: Oo, usually nanggagaling ito sa Villar SIPAG and hopefully makapagstart na sila dito. Ngayon kung gusto pa rin nilang may training, kasi iyong training ng DOLE may ibibigay din iyong tulong afterward, kung gusto nilang mag-avail noon, kung mas magustuhan nila iyon.

Q: On Ople Foundation

Villar: Kasi dito tinutulungan kami ng Ople Foundation. Sila iyong nagbi-BI kung ano talaga ang nangyari dito sa mga repatriated OFWs. Sila ang nagre-recommend. We give livelihood and financial assistance and at the same time, ina-avail namin iyong mga program ng DOLE for repatriation, iyong para mare-adjust sa Pilipinas ang mga OFWs.

Q: Ilan lang po ang matutulungan?

Villar: Actually, wala naman limit sa numbers. Ang partner namin kasi iyong Ople Policy Center, sila ang nagbi-BI. Kasi marami rito, tumutulong din sila sa mga cases nila. Witness sila to cases of illegal recruitment and human trafficking. Inaalagaan sila ng Ople Policy Center para mademanda natin ang mga ganito. Kasi hindi natin ito madi-discourage kung hindi natin ita-try na i-prosecute ang mga illegal recruitment and human trafficking. Hindi lang ito about helping them, livelihood, giving them financial assistance, giving them programs of OWWA and DOLE, at the same time, we are encouraging them to file cases. Kasi kapag hindi natin ito tinulungan na maka-file ng cases, tuloy-tuloy ang illegal recruitment and human trafficking, walang makakapigil doon.

Q: On Department of OFW

Villar: Gusto nating mapasa iyon pero alam mo naman to create a new department, it takes a while. Pero ang sinasabi ko, hindi naman mahal itong department na ito. Unang inaayaw nila sa department would be the cost, additional financial cost sa government pero ito, ang dami nang agencies nito eh. Kailangan lang pagsama-samahin. These agencies are either nasa DOLE or nasa DFA. Doon naman they are just one agency or two agencies na ang trabaho nila iba. Ang DFA may sariling trabaho, ang DOLE may sariling trabaho. Unlike kung pagsama-samahin natin sa Department of OFWs, naka-focus on the protection of OFWs and helping them have gainful employment abroad. Let's face it, ang laki laki ng industriya ng OFWs, one of the biggest industries in the Philippines. Ang laki ng income. In fact, if you will rank it, baka next to agriculture, ito na ang pinakaimportante sa bansa natin in terms of tulong sa mga tao.

Q: Some of the senators are pushing for the continuation of hearings on PDAF, isali na daw ang DAP.

Villar: Siguro iyong DAP, it should be a different topic, di ba finance iyon. Depende kung iyong DAP ay ginamit na pareho nang paggamit sa PDAF. Kasi sa Blue Ribbon is good government. Kung ginamit ang DAP sa hindi magandang paraan, pwede sigurong i-investigate on good government.

Q: Hearing on DAP before SONA by Sen. Escudero...

Villar: Okay lang iyon para maliwanagan tayo kung ano talaga ang sistemang tama. Kasi alam ninyo, in fairness to the lawmaker, binibigyan sila ng budget hindi naman nila alam kung saan nanggaling iyon, sa PDAF, sa DAP, sa General Appropriations. Kapag binibigyan ka kasi ng budget hindi naman nakalagay doon kung ano ang pinanggalingan ng pera kaya kailangang liwanagin. Pero wala nang ganun ngayon, maski ang PDAF namin forego na. Para maintindihan lang natin ang issues kasi I'm sure pinag-uusapan ng marami pero hindi naiintindihan ng lahat ang issues. Sana in fairness, sana maintindihan.

Q: Sa tingin ninyo walang pananagutan si PNoy?

Villar: Iyong ruling ng Supreme Court, sinabi niya na unconstitutional pero hindi retroactive. Ibig sabihin, from now on, that's not allowed because ito ang ni-rule ng SC. Of course, kahit sabihin mong ganun, alam mo naman ang pulitika, kahit sabihin mong ang ruling ng SC ganoon kung may gustong mag-question, they can always question. Hindi natin sila mapipigil.

Q: Some are calling for the resignation of Sec. Abad

Villar: Hindi naman ako nagko-call ng resignation pero tingin ko, hindi matatapos unless somebody will sacrifice for that. Hindi natatapos hanggang walang nasasakripisyo. So it's a matter or determining who will be sacrificed para matapos na ito.

News Latest News Feed