Press Release
July 9, 2014

TRANSCRIPT OF SENATOR BAM AQUINO'S MEDIA INTERVIEW
AFTER CREDIT SURETY FUND HEARING

On Credit Surety Fund

The bill that we're passing hopefully, ma-address ang kakulangan ng financing para sa small entrepreneurs. Nakikita kasi natin na pagdating sa micro, ito ang mga nasa P5,000, P10,000 at iyong super laki, which is P10 million and up, mayroon silang napagkukunan ng pondo. Pero iyong mga small entrepreneurs natin ranging from P300,000 up to P2 or P3 million, iyon talaga ang isang butas. Kaya hindi nakaka-graduate iyong mga micro-entrepreneur natin sa pagiging small entrepreneur. Hopefully, ang bill na ito will institutionalize a current government program of BSP na nagbibigay ng pondo sa small entrepreneurs, kasama ang mga kooperatiba. So ang pangarap natin dito, kung mapasa ito into a law, mas magkakaroon ng oportunidad ang mga kababayan natin na makautang, na makakuha ng capital na walang kolateral. Hopefully, this will spur inclusive growth in the country.

This particular BSP program -- the Credit Surety Program -- currently maganda naman ang pangitain. Currently in 30 provinces already, kailangan lang ng tulong para maitulak pa, para mas mapalaki at maging nationwide.

Right now, total loaned out is already at P1 billion. Medyo malaki-laki na siya but the mechanics of current program allows it to go up to P2 billion. Ibig sabihin niyan, mayroon pang P1 billion na hindi na-access ng mga entrepreneur natin. Baka kulang din ng information dissemination that there this kind of fund na puwedeng ma-access through BSP, the LGUs and our cooperative partners, pati na rin ng DBP at Land Bank.

So may aspeto iyan na mas maikalat ang impormasyon na mayroong ganitong klaseng pondo. It's already available in 30 provinces. But we're hoping na kung maging batas ito, mas lumaki ang pondo at magkaroon ng pagkakataon ang mga kababayan natin makautang kahit walang kolateral, suportahan ang kanilang small enterprises, mas dumami ang negosyo at trabaho sa ating bansa.

The bill is to expand it nationwide na lahat ng parte ng Pilipinas ay may opportunity na maka-access sa pondong ito. Currently, they're planning to expand it to 20 provinces. Kung maging batas ito, mas mapapabilis pa at ma-i-instutionalize ang magandang programang ito.

On DAP issue

Alam niyo, siguro ang mahalaga sa DAP at PDAF scandal. I've been very hard on this, kapag mayroong pondo ng taumbayan na nabulsa at napunta sa personal na gastusin ng isang opisyal, dapat talang makulong siya.

Nakikita naman natin na nangyayari na iyon, na iyong mga taong sangkot sa scandal at scam ay pinoproseso na sa ating justice system.

Siguro kailangan ding malaman ng taumbayan na pagdating sa DAP at PDAF ay magkaibang isyu ito.

Maraming ekonomista ang nagsabi na ang DAP ay nakadulot ng magandang economic growth sa bansa. Admittedly, sinabi na nga ng Supreme Court na hindi ito tama at sa tingin ko naman, at this point, hindi na ito mauulit at natigil na ang problemang ito.

We have to distinguish kung ano ang technical, illegal at immoral. Kung tutuusin, nagawa ang DAP dahil gustong tulungan ang ating bansa. In fact, you can already see that majority of this, if not 91 percent because 9 percent ang napunta sa legislators, napunta sa kinakailangang daan, tulay, tulong sa nasalanta ng delubyo. This actually went to good programs but as the Supreme Court had said, technically mali ang paggamit ng perang iyan kaya dapat nang itigil ang gawaing iyan.

Tama lang na kilatisin ito, saan napunta ang pera at kung mayroon mang kumita diyan na dapat hindi kumita, whether DAP at PDAF, dapat ikulong iyan at ipasok sa justice system.

Hinihintay ko rin ang paliwanag kung saan napunta ang pera. Pero wala nang maitatago sa lipunan kaya lalabas at lalabas talaga iyan. If there are legislators who did use the DAP for their personal, kung naibulsa nila ang perang iyan gaya sa nangyari sa PDAF, kailangang makulong din sila.

Q. In what way how senators account for those projects?

ANSWER: Come out with it! Whether it's the Senate itself or the senators themselves, kailangang ilabas talaga kung saan nagamit ang perang ito in the same way sa PDAF ganun din. If there are funds na binigay sa isang legislator, kung paano ito magagamit at kung saan ito mapupunta, they are accountable to the people kung saan ito napunta.

Going back, we have to distinguish iyong paggamit ng DAP na sinabi ng Supreme Court na mali. Ako I really look at it as technically wrong pero kung kikilatisin mo kung saan ito napunta, makikita mo naman na nakabuti ito sa taumbayan.

But if any of that money, gaya ng PDAF, na napunta sa mga senador at mga congressman, kailangang makulong sila.

Q: Dapat bang ipaliwanag ang Pangulo sa DAP sa SONA?

ANSWER: The President is the most candid and the most transparent president we've had. I'm sure he will address this issue pagdating ng SONA or even in other circumstances.

On impeachment complaint against President Aquino?

I'm hoping na definitely walang mangyari. Palagay ko naman ang taumbayan natin, may kakayahang i-distinguish kung ano ang teknikal na mali at ano ang totoong pagnanakaw na naka-benefit sa mga tiwali. There are no allegations that DAP, especially concerning Secretary Abad, na napunta ito sa kanyang bulsa. There are no allegations na ang kanilang ginawa ay napunta sa iisa o dalawang tao lang.

In fact, if you really read what a lot of economists are saying, the reason for high economic growth was because of increased spending, dahil gumasta ng mas marami ang gobyerno. Kailangan nating suriin talaga saan ba ginamit ang pera, saan ito napunta.

Kung napunta ito sa tama at nakita naman natin na good intention at good faith naman talaga ang paggamit nito, then we should allow them to do their work and focus on the problems of the country.

Pero kung ang perang ito nabulsa, napunta sa mga corrupt, napunta sa personal na pangangailangan ng legislators o mga taong gaya ni Napoles, kailangan talagang habulin ng justice system natin.

Q: Kung napunta talaga sa tama ang pera, bakit hanggang ngayon ayaw ilabas ng DBM kung saan napunta ang DAP?

ANSWER: This just happened a few days ago and they are preparing their legal response and again nabasa ko rin lang ito sa diyaryo. We have to give it some time. For the Senate, we should come out where the money was used para maklaro natin kung nagamit ito sa tama o mali.

Q: Nakausap niyo na po ba ang Presidente? May balita po kasing magre-resign siya.

ANSWER: That's probably one of the worst things that can happen to our country. Kung mag-resign ang isang presidente kung saan corruption cases have prospered. Sa ibang mga presidente, iyong ibang mga corrupt, hindi nasasakdal at hindi nadadala sa korte.

Kung saan ang ekonomiya natin napakaganda. So far, we've had the best economy we've had in the last decade. I don't think that's true. Palagay ko, hindi totoo yan.

Pangalawa sana hindi talaga iyan mangyari. At the end of the day, itong mga nangyayaring ito, nangyayari ito dahil may transparency, may candidness ang ating presidente. Admittedly, kung talagang mali ang nagawa sa DAP, hindi na dapat iyan ulitin and at this point, hindi na nga iyan ginagawa.

We need to focus on corruption cases, sa paglilinis sa ating gobyerno. Siguraduhin natin na ang mga taong kumita dito ay makulong. We need to focus on that.

Q: Kung hindi ang Presidente ang dapat mag-resign, dapat ba magbitiw si Butch Abad?

ANSWER: Choice niya iyon but at the end of the day, dapat nating antayin ang official response ng DBM. At the minimum, pagdating sa DAP dapat itigil na iyan, huwag nang gawin ang ganyang klaseng gawain, and in fairness, itinigil na iyan. Huwag nating guluhin ang isyu pagdating sa DAP at PDAF.

Q: Apektado ba ang image ng Senado sa DAP?

ANSWER: Hindi lang sa Senate kundi sa buong gobyerno. Nasa crossroads ang bansa natin, pipili tayo kung we will go one way or the other. I'm hoping that the PDAF, the DAP, all of these calls for more transparency, better governance. Sana makaaapekto ito sa ating political system, not just now but in the next elections also.

On the issue of Manila Port congestion?

Nag-compromise na sila. Technically wala nang truck ban they can already use the roads. Right now, it's really all the other issues concerning the ports.

We really need to really take a closer look at this, tingnan natin kung paano magiging efficient ang mga port natin. Dahil kung inefficient ang logistics natin, nagmamahal ang presyo.

If we're able to do the right reforms, iyong reporma natin sa trucking, sa customs, sa port services. If we're able to do this properly, bababa ang presyo ng mga bilihin.

At this point, iyong iba't ibang stakeholders, hindi pa nagkakasundo. Hopefully, our investigation helps solve the issue. Makaabot tayo sa posisyon na acceptable sa lahat ng parties and more importantly makatulong sa presyo ng bilihin para sa taumbayan.

News Latest News Feed