Press Release
July 24, 2014

Transcript of interview with Sen. Francis Guevara Escudero (FGE)

QUESTION: Sir, nagconfirmed ba si Sec. Abad?

FGE: Yes! mag-aattendance si Sec. Abad. Kasama ang ilang cabinet officials that will help him explain in the interest of transparency and accountability itong issue kaugnay ng DAP.

QUESTION: Sir, ano yung expected na itatanong niyo kay Sec. Abad?

FGE: Well, base sa imbitasyon namin ang hinihiling kong impormasyon mula sa kanya, basically ay dalawa; Una, saan ba napunta yung DAP? Saan ba ginastos yan? Pangalawa, Alin-alin ba dun sa DAP ang unconstitutional base at ayon sa desisyon ng Korte Suprema? Alalahanin natin ang sabi ng Korte, 4 na activities sa ilalim lamang ng DAP ang unconstitutional at hindi yung kabuuan ng DAP. Partikular, una, yung hindi sumusunod sa depenisyon ng "savings". Pangalawa, yung walang items sa budget. Pangatlo, yung tinatawag nilang "cross-border" appropriation, at pang-apat, yung kinuha sa un-programmed fund. So, alin-alin dun sa DAP? Sa pangkalahatan niya ang bumagsak dun sa apat na kategoryang yun and therefore, unconstitutional.

QUESTION: Sir, unang hiniling ni Sec. Abad na July 30, ano nangyari pumayag siya ng July 24?

FGE: Panahon lamang naman para tapusin yung kanilang presentasyon at i-ayos nila yung facts nila. Para pag nagsalita daw sila ay accurate at may dokumento talaga, na binigay ko sa kanya. Pero hindi na ako pumayag after or beyond July 30, na pinilit naman nilang matapos at tapusin.

QUESTION: Sir, mga ilang Senators yung present tomorrow?

FGE: I think around 8 ang nag-confirmed. Eight Senators ang nagconfirmed bukas.

QUESTION: With that, are we expecting na magigisa si Sec. Abad, sir?

FGE: Hindi ko alam. Bibigyan muna siya siguro ng panahon para magpaliwanag at magbigay ng presentation niya kaugnay sa dalawang katanungang nabanggit ko. Matapos nun hahayaan ko bilang Chairman, ang kada Senador na magbigay ng kanyang kaukulang katanungan. As best as we can, we will accommodate the question of each and every Senator.

QUESTION: Pero sir, kasi sa mga individual interviews naman sir nakapagsalita at explain na rin si Sec. Abad. How is it different now na magpapaliwang siya sa Senate?

FGE: Well, una, kailangan naman talaga niyang magpaliwanag sa Senado. Dahil merong resolution inihain kaugnay niyan. Pangalawa, yung mga individual interviews niya manaka-naka at ilan lamang ang nakakakinig o nakakapanuod. Ito at least minsanan, isahan, hindi lamang para sa benepisyo ng publiko. Pero para sa record din ng Senado at hindi yung nasusulat lamang sa pahayagan ang kanyang mga kasagutan kaugnay sa DAP under oath fact.

QUESTION: Sir, will you also ask him kung bakit po finorced po sa lawmakers yung DAP after the trial ? Would you bring that up?

FGE: That will be brought up, as a matter, of course, dahil pinapa-identify namin kung paano ginastos. Saan na punta? At anong pinaggastusan nung DAP?

QUESTION: Sir, bagamat nagsulat na kayo na sabi niyo na Supreme Court...

FGE: Hindi ako ang nagsabi! Supreme Court nagsabi. (laughs)

QUESTION: Okay, doon sa na-implicate daw yung mga Senators, pati mga Congressmen. Pero kasi sa tao medyo hindi sila nakakaintindi about it. Tomorrow ba itatanong niyo rin kay Sec. Abad kung bakit hindi naipaliwang sa inyo ang pagbigay ng DAP or PDAF pala yun? Something like that.

FGE: Oo! Dahil totoo naman talaga yun. Nalaman lamang ng mga Senador, Kongresista, ng mga secretary even at ng publiko yung pagkakaroon ng isang DAP. Matapos niyang sagutin yung akusasyon o alegasyon ni Senator Estrada sa kanyang privilege speech. Bago noon wala naman nakakaalam na may ganyang uri ng "animal" na ang tawag ay DAP.

QUESTION: Sir, paano kung ano, pwede ba yun mag invoke siya ng, para hindi niya sagutin yung ibang inquiries, pwede ba yun?

FGE: I don't think he will. Another thing it's in his best interests to do so. Neither thou, I think it's in the best interest of the administration of President Aquino, for him to invoke either executive privilege or any other privilege. Because at the end of the day, pinapanindigan nila na tama ang ginawa nila, wala silang ginawang mali. So, walang rason para hindi sila sumagot o magpaliwanag sa anumang tanong na ibabato sa kanila.

QUESTION: But if he does? Pwede bang macontempt? May ganon ba, or?

FGE: Unfortunately, the Supreme Court upheld the availability of executive privilege. That cabinet members can invoke. Ayaw ko nga sana magkaso noon, pero yun ang naging desisyon ng Korte Suprema and that decision still stands up to now.

QUESTION: So, hindi pwede ma-contempt kapag ayaw niya sagutin?

FGE: Depende, if it's again, it must be invoked first, and the Senate will evaluate it, if it's proper invocation. If it's not, then it can put to a vote. But again, I don't think Sec. Abad will be doing that tomorrow. Again it's in his best interests. It's in the interests of the administration. That he come out clean about this and explain every point that will be thrown at him and at the panel.

QUESTION: Sir, halimbawa lang, halimbawa, at the last minute umiba yung ihip ng hangin, hindi sila pupunta tomorrow. Pwede ba nilang iinvoke yung executive order ng Presidente para pigilan (inaudible)

FGE: Again, I don't think that will happen. Ayaw kong pangunahan at yun pa maging headline. I don't think that will happen.

QUESTION: Sir, laging defense ng admin was that maganda yung kinapuntahan ng DAP. Will you also looking to the records na napunta ito sa napoles NGO?

FGE: Yes because that is based on the supreme court decision that said pag maayos yung napuntahan ng pondo the principle of operative fact will apply kung andyan na ang school building, nandyan na ang gamot, nandyan na ang public market, nandyan na ang kalye hindi muna pwede bawiin yun pero kung napunta sa mala-Napoles na NGO pwedeng habulin yun, dapat ibalik yun sa totoo lang maski hindi DAP yun pwede at dapat pa rin habulin at ibalik yun.

FGE: ... DAP or non-DAP if it went to napoles NGO, it's wrong and ibig sabihin...

QUESTION: Sir tomorrow... Bukas lang or isang araw lang yung magiging hearing mo?

FGE: Depende, i will consult with the author. The author of this resolution is Sen. Ejercito kung sapat na iyon. Kung sapat na o hindi pa? Pwede kaming magpatawag ng isa pang hearing ang problema lang babangga na iyan sa budget deliberation where i think each senator will have an opportunity to ask the secretaries about DAP on an individual department basis.

QUESTION: Sir, sinu-sinong secretary bukas yung kasama niya?

FGE: Ang alam ko Sec. Purisima and Sec. Balisacad... to be able to discuss the finance side. Ewan ko kung may chuwariwap ang mga cabinet secretary bukas na aatend din.

QUESTION: Pero, ano ang mga special concerns niyo, mga special, mga hiling o conditions sa pagpunta niya?

FGE: Si Sec. Abad wala. Wala. Hiling lang niya screen para sa powerpoint presentation which will be always available enough.

QUESTION: Time, Ang time to explain on his side.

FGE: He has to make an opening statement. He has 30 mins, actually i told him i can give him more if he can't have all the time he needs to make his presentation.

QUESTION: Do you also ask?, kasi may reports na itong DAP naman it was disbursed in a manner similar to pork...

FGE: Well, makikita natin yun dun sa kabuuang picture ng DAP kung saan-saan nabigay, sinu-sino pinuntahan, but i wouldn't want to assumed that that was a fact yet. Hopefully mabigay niya yung buong picture bukas hindi kamukha ng nangyayari ngayon lalabas lamang sa dyaryo yung mga, nakakainet ng dugo, mag nilagay sa congressman, may binigay sa senador, may ginastos sa pagpapaganda ng palasyo, siguro kasama naman talaga iyon pero meron din naman maayos, maganda, at tama.

QUESTION: Will you also ask about dun sa resignation?

FGE: I think it will come up as chairman ayokong gayahin yung... ang ginagawa ko kasi pag chairman ako i simply preside i let the members asked first. Usually i asked last unless there's an interjection that needs to be stressed. So, in other words, bago ung turn ko malamang may magtatanong na palagi nun.

QUESTION: Sir sinu-sino mga senators na nag confirm na?

FGE: Based on my memory, Senators Poe, Trillanes, Ejercito... sino pa? Drilon, Recto, Osmeña, Legarda, so far at ako.

QUESTION: TG? Yung committee members niyo sir?

FGE: I have four Sen. Legarda, Osmeña, Guingona and sino pa yung isa? Recto.

QUESTION: Recto?

FGE: Yeah, 'di ko ba nasabi?

QUESTION: Other matters, sir savings lang pero DAP again. Ano tingin niyo dun sa patuloy na public pronouncements ni Pnoy against the SC regarding the DAP? Kanina sa speech niya nagsalita na naman siya...

FGE: I think the president is well within with his rights to speak against DAP for as long as at the end of the day once the decision becomes final and executory they will abide by it. The palace is already confirmed this and already clarified this that they will abide by the decision once it becomes final. In fact, the mere fact na nag-MR ang palasyo, sinusunod na nila yung desisyon, the mere fact na pina-hold na ng pangulo ang DAP releases pagsunod at paggalang na rin yun sa desisyon. So, hindi ko alam sa totoo lang kung san nanggagaling yung mga alegasyon na magkakaron tayo ng constitutional crisis na hindi raw susunod ang Executive. By all the indications they are and they will abide by the decision.

QUESTION: Pero yung atmosphere na kine-create sir binabangga niya yung, kinukwestyon niya kasi sir yung SC kahit na sumusunod siya.

FGE: Ginagawa ko rin naman yun. I mean simply because they're the supreme court , doesn't mean we cannot disagree with their decision. I've done that many times in my past for as long as i have said maski na nag-disagree ka susundin mo pa rin dahil iyon ang batas.

QUESTION: Pero sir, binabanatan nya yung budget ng SC, hindi kaya ginagawa nya ito para sa possible na baguhin ang desisyon?

FGE: Ahm, hindi naman. I dont think the SC will be influenced by the other, specially given the fact that the SC has 13-0 decision. Medyo mabigat at mahirap mapabaligtad yun. Siguro baka lumambot pero hindi na siguro mapabaliktad yun. Ahm, hindi ko pa nakikita at bihirang-bihira na mangyayari yun sa mga desisyon ng korte.

QUESTION: So kahit po suntok sa buwan okay lang po na mag-MR sila?

FGE:Oo, karapatan nila yun at kasama sa proseso. That's best evidence na they are abiding with the procedures laid out by the constitution. An MR is within the rights of agrieved party in a case.

QUESTION: Wala naman sir nilalabag yung pangulo na kahit pa may MR... he's publicly speaking about it.

FGE: Wala naman, kung meron man dapat galing sa korte suprema yan at hindi naman lahat ng kaso automatically sub judice eh. Kahit kayo naman sa media lahat ng pinag-uusapan nyo sikat at sensational na kaso, hindi naman ibig sabihin na mali at bawal yun.

QUESTION: Sir about sa public image, hindi ba nahu-hurt yung pangulo?

FGE: Let the surveys be the judge of that. Im not one of those who are trying to improved the president's image. I think he has enough experts within his cabinet to advice him about that matter. I can only subscribed to what i am seeing at my level and im limiting myself to the functions i am entrusted with at ayokong pasukan yung mga hindi ko trabaho.

QUESTION: Sir, yung mpeachment? Kaya?

FGE: Nag-file na, officially nasa kamay na ng kamara. Sa parte ko, hindi ako magkokomentaryo dahil baka makarating samin yan, baka sabihin pini-prejudge ko pa. I would like to remind my colleagues to the senate, mahirap pangunahan at magsalita masyado tungkol dito dahil baka makarating satin at baka sabihin na pini-prejudge ninyo one way or the other yung kaso. So its best left at this juncture to the House of representatives what they will do to the impeachment filed against the president.

QUESTION: sir what is the scenario in the senate pag-resume sir na minus three kayo, mas mabigat ba yung trabaho especially budget season?

FGE: Well, mabigat yun sa ma-a-assignan ng trabaho nung komiteng hina-handle nung tatlong kasamahan namin except for Sen. Enrile whose not handling any committee because he's the minority leader. The committee is being handling by Sen. Estrada and Sen. Revilla would have to be taken over by either they vice chairman or a senate designate to take over their functions as such. Ahm, maliban dun basta may quorum pa rin ang senado, kayang gawin ng senado ang lahat ng trabaho nya kabilang ang halimbawa pag-ratify ng mga treaty basta mayroon pa rin kaming mga 16-senators at least, pwede pa ring mag-function ang senado sa lahat ng aspeto maski may tatlo kaming miyembro na nakakulong.

QUESTION: Sir yung technicalities ng suspension, applicable na ba sya?

FGE: Under the law enforced by virtue of the Supreme Court decision interpreting the plunder law and anti-graft law, kapag nag-issue ng order ang Sandiganbayan at naging final na yun, dapat ipatupad yun ng Senado, hindi na dapat pagbotohan yan dahil napakasama naman kung pagbobotohan pa ng senado kung susunod kami o hindi sa batas na pinasa ng kongreso so kung ang order ay final at executory, it should be executed by the Senate. Preventive suspension lamang sya at hindi penalty kaya hindi na kailangan pang dumaan sa committee on ethics.

QUESTION: Since nabawasan na yung members ng minority na present, ano yung effects sa level of discourse sa Senate? Baka puro yes na lang...

FGE: Hindi naman siguro because you can see members of minority are interpolating the budget. You can see members of majority questioning and interpolating the members of the cabinet of the president. Siguro at dahil hindi naman sila tanggal, hindi magbabago ang compositions ng members of committee ng minority, majority, because they continue to be members although they cannot attend sessions.

QUESTION: Sir yung sa suspension, wala bang provisions na pag may MR hindi pa masu-suspend?

FGE: hindi maliwanag yun pero sa totoo lang, implement mo na yan ngayon o pagkatapos ng MR, 90-days yun, so pagdating ng MR, 90-days, ipatupad na agad ngayon, eh di maagang matatapos yung 90-days. Hintayin mo yung MR, matagal magsimula, eh di mas matagal matatatapos.

QUESTION: Pero sino ang may power na antayin o implement yung suspension?

FGE: Most likely that was advise, kung yun ang posisyon ni Sen. Drilon, malamang yun ang advise ng Senate legal to be on the safe side because yung desisyon not yet final and executory...

QUESTION: Sir sinabi daw ni Heart sa isang interview na by 2015 na plano nyo na daw magpakasal sir?

FGE: Well, gusto naming, plano namin. Pero wala pa namang pasya at wala pa namang proposal. So, siguro dapat mauna muna yun, bago iyan.

QUESTION: Pero may plano na sir?

FGE: Alangan namang hindi nyo pinag-uusapan. Siyempre pinag-uusapan namin yun. Pero wala pang petsa at mga plano.

QUESTION: Sir wala pa kayong proposal kay Heart? FGE: Wala.

QUESTION: Ano ba mga bata ba kayo (laughs). Ano ba ang hinihintay sir (laughs)?

FGE: Bakit ka ba (laughs).

QUESTION: Bakit ganun, ano ang hinihintay? (laughs).

FGE: Bakit ka ba? (laughs).

QUESTION: Sir si Secretary Mar nagpakasal kay Korina bago ang eleksiyon, ikaw?

FGE: Wala namang ganun. Ni hindi nga ako nag-aannounce na tatakbo ako. Wala sa plano yun. Walang kinalaman pa rin. In fact more than that, maski nung nakaraang eleksiyon, hindi sumama sa akin sa kampanya, ni hindi nangampanya si Heart nung nakaraang eleksiyon na tumakbo ako. So tingin ko hindi naman siguro pwede sabihin o idikit man lang ang isyu nay an sa akin o sa amin.

QUESTION: So sir ano nga ang hinihintay (laughs)?

FGE: Bakit ka ba nga (laughs)?

QUESTION: Baka naman sagot mo yun nga.

FGE: Oo nga. Bakit ka ba (laughs).

QUESTION: So wala kang hinihintay? Ano'ng preparation ba kailangan?

FGE: Ano ka ba. Bakit ka ba (laughs).

QUESTION: Seryoso. Seryoso. Ano hinihintay ninyo? Ano napapag-usapan ninyo sir?

FGE: Hindi ba dapat siya muna dapat makaalam bago kayo (laughs). Bago ko ipaliwanag sa inyo ang mga bagay-bagay.

QUESTION: So wala pa yung 2015 sir? O preference lang ni Heart yung 2015?

FGE: Pwede, syempre. Kasi both of us are not getting any younger. Mas bata siya, but we're not getting any younger.

QUESTION: Sabi mo kasi, yung byahe nyo sa Paris parang yun nay un?

FGE: Bago pa man yun, kahit nasa Pilipinas pa lang ako, hindi ko na kailangan mangibang-bansa (laughs).

QUESTION: Sir ano yung gusto ninyong linawin o i-emphasize ni PNOY sa kanyang SONA?

FGE: Dalawang bagay palagi. Hinahanap ko sa maski sino'ng pangulo, hindi lamang si Pangulong Aquino. Una, ano ba ang tunay na kalagayan ng bansa natin sa ngayon? Kaya nga State of the Nation. At pangalawa, ano ba ang mga plano nila at legislative agenda nila sa darating na taon para tugunan ang mga problema at sitwasyong yan. Dalawang bagay lamang. Kung anuman dagdag pa dun, eh pasobra na lang 'ika nga. Yung dalawa lang naman talaga ang dapat sinasabi dun.

QUESTION: Would it be appropriate (inaudible)?

FGE: Well he has done that so far. In his legislative agenda. Sinasabi niya palagi ang kalagayan ng bansa. Sana magpatuloy yun. Kung may iba pa sa kanyang speech, okay din. Basta nandun yung dalawang yun.

QUESTION: Could it be appropriate for the president na i-include niya ang accomplishment niya sa pagpapakulong sa tatlo ninyong kasamahan?

FGE: Slogan niya, kung walang corrupt walang mahirap. The president has made no secret about his, that he will run after grafters in government. Well, the mere fact that the DoJ did its job, he can make claim to that. Sa ombudsman hindi na siguro. Pero yung pagpili ng Ombudsman tulad ni Ombudsman Morales, I guess he has to be given credit to that too. N ahindi siya nakikialam, hindi siya nag-e-exert ng pressure. Hindi siya nag-iimpluwensiya one way or the other. Again, I take this a positive and a plus factor in so far for him in this battle against corruption is concerned.

QUESTION: Sir palagay mo dapat ulitin o i-improve ni PNOY ang DAP speech niya sa SONA?

FGE: Sana masagot na rin lahat ng hearing. Pero kung may kulang at balance pa, the president should decide to say more about it. Pero para sa akin, dagdag na lang siguro yun para sa akin. Ang mas importante ang kalagayan ng bansa at ang plano natin. Siguro kung may mabanggit man sa DAP, siguro ang magandang marinig mula kay Pangulong Aquino, ano ang solusyon in moving forward dahil nga sa desisyon nay an, para naman hindi maantala o ma-delay, at para mabilis pa rin ang pagpapatupad ng mga proyekto ditto sa ating bansa.

QUESTION: So okay nga lang na i-include niya yung pagpapakulong sa tatlong senador as accomplishment?

FGE: Hindi naman. Ang gulong ng hustisya ay gumugulong , siguro something along those lines, na hindi niya iniimpluwensiyahan at bilang patunay, malaki man o maliit ay tinatamaan, kinakasuhan at pinapanagot.

QUESTION: Okay. Sir thank you.

News Latest News Feed