Press Release
July 25, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's dzMM interview
Hosted by Mr. Ted Failon

Ted Failon: Ma'am, ano ang sabi sa inyo ng mga panauhin niyo po kahapon dito sa mga hinihingi ninyong karagdagang impormasyon, dokumento at mga listahan?

Sen. Grace Poe: Wala naman daw pong problema. Noong nakausap naman natin doon na si Sec. Abad sabi naman po niya, ibibigay niya, sapagkat sa bawat DAP daw na ni-rerelease nila ay meron daw nakalagay kung saan pinanggalingan iyong savings na 'yun. Iyon po ang hiningi natin. Oo naman daw po, kaya follow up na lang po natin.

Failon: Opo. Kahapon po madam, kung inyo pong pinakinggan ang mahaba pong opening statement ni Ginoong Abad, meron siyang binanggit doon na sila'y in the spirit of transparency, meron silang dokumento pati daw ho SARO, hindi po ba ito kasama, hindi po ba ito ipinamahagi kahapon?

Poe: Maaaring dala-dala po nila iyan pero hindi pa nakikita namin isa-isa iyong mga SARO na 'yan dahil nga sa dami rin at lalung lalo na po doon sa isang katanungan na sinabi nga rin po ninyo sa akin, tungkol sa Quezon, iba't-ibang ahensya pala ang tumanggap niyan doon sa pondo na 'yon, so naiisip ko na siguro doon lamang sa isang entry na iyon madaming iba't-ibang dokumento na kailangang pag-aralan.

Failon: Opo. Yes madam, napaka-importante din po na makuha nga 'yong listahan kung saan kinuha 'yong pera at inipon nila para ilagay sa proyekto ng DAP. Kaya nga po nabanggit iyong mga para sa airport, 'di po ba?

Poe: Tama. Kaya nga po iyan ang unang-una kong katanungan, sino ang unang-una nagdedetermina kung ang DAP ba ay karapat-dapat sa isang proyekto. Pangalawa, tinanong ko saan nanggagaling 'yon. Papaano natin malalaman kung saang parte ng savings at anong ahensya nanggagaling ang pondo na 'yon. At sila naman, sabi nila, ay ibibigay nila sapagkat nandoon naman sa dokumento daw nila 'yon kung saan pinanggagalingan 'yon. Isa pa rin sa tinanong ko, talagang pinaki-usap ko na ipatawag si Sec. Singson sapagkat, iyong sa akin naman iniisip ko rin ang mga proyektong naumpisahan na at gusto ko manggaling mismo sa kanya na ipagpapatuloy ito. May iba naman talaga na kailangang matapos sapagkat nakaka-aberya na din at malaki din ang tulong, tulad ng flood control. At mabuti naman na naliwanagan 'yan kahapon.

Failon: Opo ma'am. Yes ma'am. Well actually po, depende sa implementing agency 'di po ba? Kasi dito naman, wala naman sala dito. Si Sec. Babes, kasi siya po ay implementor lamang nito, inutusan siya na iimplement po 'yan. Meron ka nang pending na proyekto, meron kang proposed project, walang pondo. Pondohan natin yan, implement mo 'di po ba? So ako I don't see anything, kumbaga po, wrong dito po sa pag-implement ng ganitong proyekto na talaga pong nasa pipeline 'di ba? At naka-schedule po ang tulong talaga po sa bayan. Kasi ang aking punto na si Sec. Babes ay implementor lamang 'di ho ba? DPWH iyan. Pero sa ibang mga ahensya, lalo na po 'yung ahensya ma'am na hindi po naman siguro lingid sa ating kaalaman na sangkot sa katakot takot na kontrobersya dito sa PDAF scam. Itong Department of Agriculture, 'di ba? Yes ma'am?

Poe: Opo kaya nga po, mabuti na ring liwanagin, katulad nga ng sinasabi niyo, depende nga sa ahensya iyan. At may iba't-ibang level ng pagkakasala. Halimbawa, kunyari, sa umpisa pa lamang ay hindi dapat nabigyan ng pondo ang isang uri ng proyekto. Pangalawa, kung ang implementing agency ay hindi naman na-implement at binulsa lang o kaya na-ngumisyon. So talagang ang dami ng dapat suriin, katulad nga niyan kung nakita na natin, katulad ng sinasabi ko nga, ang tagal-tagal ng "cocolisap" na iyan eh. Last year, kaka-upo ko pa lang, yan ang second resolution ko na dapat pag-aralan pero hindi napansin hanggang itong taon na ito na nagpalit na ng namamahala o nag-parte-parte ng pamamahala sa DA. So sa tingin ko po, doon sa pinatanong din ninyo sa akin, tungkol doon sa Quezon, maaaring may makuha tayong SARO para sa Department of Agriculture kung hindi pa man sa kanila, baka po sa kung sino ang connection nila sa local government. Iyon po ang ating tututukan at titingnan.

Failon: Opo kasi po ma'am ano ho, dito po kasi sa audit nito, malaki po talaga ang papel po talaga ng COA 'no? Pero po siguro nga po sabi ng inyong kapwa senador, si Ma'am Nancy, you proposed na to invite the COA chair. Kasi po maliban po sa kanilang tinanggap na DAP fund ay paano ba ang auditing nila dito. Ito ba ay ginawa na po ng auditing kung ang panawagan ay sa taong bayan mismo. Tulungan po natin ang COA. Example nga po, Quezon, may pinondohan daw po na farm to market road. Okay, makuha mo yung SARO. O sige, saang lugar ito, magkano ito? Puntahan natin, kung hindi mo makita doon, 'di ba ma'am?

Poe: Oo. Iyon ang pinaplano, visual talaga. Kailangang makita natin nga. Iyon din ang sinabi ko kay Sec. Singson, sabi ko para din yung mga ibang, katulad ng ibang proyekto ng MMDA na alam naman nating madaming ginagawa ang MMDA, pero para lang maliwanagan ba. 'Yong sinasabing naglalagay ng aspalto sa isang kalsada, kung meron nga silang litrato mas malaking pruweba iyon. Hindi naman natin sila pinagdududahan, lalong lalo na iyong ibang mga proyekto ni Sec. Singson at ng MMDA, pero sa totoo lang gaya na din ng sinabi ninyo, may ibang ahensya talaga na parang nawalan ng tiwala sa kanila ang marami sapagkat hindi nila na-implementa ng tama ang kanilang mga proyekto.

Failon: Opo because ma'am kahapon din po nabanggit iyong presumption of regularity sa transaction ng gobyerno. Yes of course 'no, presumption. Isang senator 'di ba, meron tayong presumption din ng regularity sa kanyang performance over his or her duties. Opo pero hindi naman din po siguro sasama din po ang damdamin ng ilang secretaries or departamento dahil sa kagagawan ninyo, iyong presumption na iyan nagbago na, presumption of irregularity. Dahil hindi naman si Grace Poe ang may gawa noon, kayo naman mismo.

Poe: Basta alam niyo po, iyon ngang sinasabi mo na P750 million napunta sa isang probinsya na talagang kailangan na kailangan talaga nila 'yon. Lalo na pagkatapos nitong bagyong Glenda, dapat makatulong din kahit papaano o kaya dapat talaga ma-usisa natin kung papaano at salamat rin sa pagbibigay ng gabay tungkol diyan kasi nga ang napapansin ko dito, sa mga irregularity na ito, ang talagang nabibiktima ay hindi naman iyong mga komportable sa buhay.

Failon: Kayo po ay elected official at ako po ay nagpapasalamat sa inyo Madam, dahil ang 20,337,327 na mga nagtiwala sa inyo, ngayon po ay siguro kahit papaano ay nakangiti. I'm not patronizing you Madam, but the point is, ito rin yung panahon na patunayan natin kung worth ba ang tiwala pong ibinigay ng ating mga botante sa mga halal ng bayan.

Poe: Naiintindihan ko po yung sinasabi ninyo. Alam niyo po, bagamat hindi sa tinamaan ng Glenda, pero meron tayong adbokasiya sa lunch program para sa mga bata. Meron po akong pinuntahan na public school sa may Tarlac, at nakita ko talaga doon kung paano nakakatulong kung ang gobyerno ay ngapapakain sa mga bata, lalo na yung mga malnourished o severely wasted. Alam niyo po, ako naman ay natutuwa sapagkat ang DBM ay binigyan ng P2 billion, kung hindi ako nagkakamali, ang Department of Education, pero ang hinihingi talaga nila ay about P4 billion, sapagkat yung P4 billion na iyon, yung extra P2 billion hindi lamang yung talagang buto't balat na kung hindi pati yung undernourished, yung hindi pa naman buto't balat pero nangangailangan na din.

So sa nakikita natin, ang ilang bilyon sa DAP, kung ilang bilyon ang napunta doon, tapos iisipin mo kung P4 billion para sa feeding program o kaya P11 billion para sa Standard Free Lunch Program sa buong Pilipinas para sa public school, parang maliit naman iyon kung ikumpara doon sa ibang ginagastos, so tinutulak natin iyan sa ating lebel dahil personally kung paano nakakatulong, hindi ko na babanggitin dahil di ko alam kung sponsor niyo, pero yung isang kumpanya ng fast food ay talagang yun din ang kanilang adbokasiya at pinag-aaralan ko kung paano nila ginagawa ng walang kurakot. Kasi minsan magpopondo ka pero katulad niyan yung overpriced naman yung mga noodles. Pero yung Department of Education sa pangunguna ni Secretary Armin, meron din silang mga programang ganyan tulad sa Cavite nung isang araw, yung kanilang farming program dun para sa mga bata at yung kanilang pagsusustento ng libreng pananghalian, importante po yan, iyan po talaga ang inclusive growth hindi yung dun sa mga entry na nakita ko. Pero, muli, ang alam ko pag iyan alam ng ating pangulo, sa kaniyang pagkatao sa tingin ko hindi ito palalagpasin ng pangulo na pagbigyan.

Failon: Ang aking dalangin din po ay sana po ang ating pangulo ay mag-ikot at puntahan niya ang mga lugar hindi dahil may okasyon, may inauguration po ng kung ano man, pero yung talagang biyahiin mo lang to really verify kung totoo ang report ng iyong Cabinet Secretary, example nga po yung mga farmers. Going back doon po sa inyong hearing kahapon Madam, meron pong isa pa nadiskubre, if you noticed it, sa pagtatanong po ni Ma'am Nancy, na maliban pa sa DAP meron pa silang, she was asking Secretary Abad "anong tawag mo dito?" Hindi sya muna makasagot at eventually po nakahanap siya ng sagot na regular savings. So lumalabas po pala na aside from DAP meron pang regular savings na pinagkunan po naman ng pondo para ipambayad sa PCOS machines ng COMELEC at para po sa eleksyon, ito po ang eleksyon niyo Madam diba, 2013? So ilang bilyon po ito, actually umabot ng P12 billion pala, so ang tanong po ni Ma'am Nancy " Maliban diyan meron pa ba?"

Akala siguro ng iba wala sila Enrile, wala Sila Santiago, wala supposed to be yung mga sharp eh meron pa palang ibang mga sharp, so medyo nagulantang at sinabing meron pa pala. Ang tanong ngayon ma'am, doon sa pinagkunan po ng pondo na binigay sa COMELEC ano pa po itong pinondohan nila na wala sa DAP pero ginawa pa rin nilang savings.

Poe: Yun na nga, mabuti nga nadiskubre iyan marami pa palang ibang pinagkukuhanan, kaya nga po bumabalik tayo doon sa determinasiyon ng Supreme Court na talagang ang Senado, ang Kongreso ang dapat magsuri ng budget at mag-apruba nito, sapagkat kung merong sari-sariling discretion nagkakaroon ng duda bagamat sabihin natin na ang iba ay ginamit sa tamang paraan, o ang nakararami pa rin diyan ay ginamit sa tamang paraan, yun ngang hindi natin nakikita kung saan ginagamit ay mali na iyon.

Kaya nga po yung pagkakaroon ng transparency sa gobyerno, at parang sirang plaka, ang Freedom of Information halimbawa, mas makukuha natin ang impormasyon na iyan katulad nito, yung mga SARO na iyan sa bawat proyekto hindi ko na kailangan dapat hingin iyan sa Senado ngayon, kung meron talaga tayong automatic uploading sa Freedom of Information, nakita na sana iyan sa kanilang mga website at kung wala man doon ay makuwestiyon agad. Kaya nga katulad ninyo, yung mga researchers ninyo o kayo mismo, hindi pa man na-iimplementa siguro ang proyekto ay pwede na ninyong ma-imbestigahan kung nasa tamang gawa ang proyektong ginagawa.

Failon: In closing Madam, kailan po ang next hearing ninyo, at meron po ba kayong ibinigay na timetable sa Budget Department sa mga hinihingi ninyong dokumento?

Poe: Hindi ko nasabi yung deadline kahapon, pero yung aking tanggapan po ay nakikipag-usap na sa kanila at sa tingin ko reasonable na bigyan sila ng isang linggo para ibigay iyan kung ganon kadami. Ang chairman po ng finance committee, si Senator Escudero, sinuspend po yung meeting. Hindi ko alam kung meron pa itong pagpapatuloy, pero sa aking pananaw, kasi ang dami ko pang gustong tanungin pero as courtesy doon sa ibang senador, nauna kasi ako hindi ko na ma-itanong ng matagal, so siguro pwede pa rin magtanong, depende iyan sa magiging report niya dito sa huling hearing namin.

Failon: Opo, para po kasi sa akin huwag nang pag-usapan kung mali o tama ang ginawa eh, doon sa opening statement tsaka yung tanong doon that's already moot, academic na iyon eh. Ang pag-usapan natin ngayon ay accountability, yun na lang po. Ang ating dito kung saan napunta, yung isyu po ng legal ba iyan o illegal huwag na natin pag-usapan iyon,ang atin po ngayon dito ay paghahanap kung saan napunta at kung meron pa bang pinaglaanan po nila na wala sa listahan ng DAP. I think that is the issue now Madam.

Poe: Opo yun nga po, kung ano pang ibang pinagkukuhanan nila ng pera. Pangalawa, patunayan yung mga proyekto kung paano ito na-implementa at nakatulong. So iyon po yung dalawa, tingnan po natin yung kanilang isusumite, ang mangyayari kasi niyan yung mga ibang lugar kunyari sabihin reblocking ng ganito kailangan siguro ma-check, so tingnan natin kung papano magagawa ng aming tanggapan, bagamat legislation yung sa amin, siguro kung may mga volunteers, sabi nga ninyo sa Quezon, tingnan kung mailalabas natin ang bawat punto kung saang lugar na iyan, mismo na iyong mga tagapakinig ninyo ang magsasabi "ah oo meron dito," o wala.

Failon: Madam Senator Grace, thank you for your time.

News Latest News Feed