Press Release
July 25, 2014

ON IGLESIA NI CRISTO's ANNIVERSARY

Binabati ko ang ating mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa inyong ika-100 taong anibersaryo. Ako ay kaisa ninyo sa mataimtim na panalangin tungo sa matagumpay ninyong selebrasyon. Ito ay isang dakilang araw upang ipagbunyi ang isang siglong puspos ng biyaya at pagpapala ng Maykapal. Dalangin ko na ang kasalukuyang pamunuan sa pangunguna ni Punong Ministro Eduardo V. Manalo ay patuloy na mapayabong pa ang pananampalataya, katatagan at pagmamahal sa bayan.

Maraming salamat sa inyo, sa lahat ng ginagawa ninyong pagtulong hindi lamang sa kapatiran kundi sa lahat ng ating mga kababayan sa iba't ibang panig ng mundo. Kasama po ninyo akong nagbubunyi at nagbibigay galang sa inyong napakahalagang kaarawan.

News Latest News Feed