Press Release
July 27, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's dzBB interview
Hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Sen. Grace Poe: Ang FOI, lahat naman ng dokumento doon sa kahit nakalipas na administrasyon ay mailalabas at alam naman natin, halimbawa, kahit na prospective ang ating batas, may mga criminal offenses naman na wala namang statute of limitations, kaya kung saka-sakali pwede namang balikan.

At ang FOI, ito ay isang regalo hindi lamang sa henerasyon na ito kundi sa mga darating na henerasyon kaya kung mae-enact man ito kahit na sa dulo pa ng administrasyon na ito, ito ay magiging alay nila sa mga darating pang mga kabataan at kahit na sa mga henerasyon ngayon na ating mga kababayan.

Nimfa Ravelo: Pwedeng halimbawa, kung maisasabatas at least masasampolan yung pag-iral ng FOI law during the Aquinno administration na ang pangako ay transparency.

Poe: Tama po, alam niyo po ang isa diyan sa provision ng FOI lahat ng SALN alam naman natin yung mga Senators kasama diyan, pero pati mga generals of flag rank tapos salary grade 26 and above, heads of agency, pati Supreme Court Justices, kailangan naka-automatic upload iyan.

Katulad nga sa pagkakataon ngayon, yung pagdidiskusyon ng BIR at ng Supreme Court, hindi na mangyayari iyan sapagkat talaga namang magiging requirement na nakalabas ang SALN natin. Malaki sana talagang tulong, mas maraming hidwaan ang maiiwasan, marami din madadagdagan, pero kung wala ka naman ginagawang masama ay wala ka naman dapat ikatakot sa Freedom of Information.

Ravelo: Buti po nabanggit niyo yung sa BIR at Supreme Court kasi po yung Supreme court dineny yung request ng BIR na makakuha ng kopya ng SALN ng mga mahistrado so kung merong FOI law sana automatic na iyan hindi na kailangan mag-request pa ang BIR.

Poe: Opo magiging karapatan, hindi lamang ng BIR, kundi mga ordinaryong mamayan dahil alam naman natin na iyan ay nagiging basehan para malaman din ang uri ng paglilingkod natin sa gobyerno, sabi nga nila si Mabini naglingkod sa gobyerno, kung ano man ang kanyang aria-arian nung siya ay pumasok yun din nang siya ay natapos sa kanyang pwesto. Dapat maging ganon, kung madadagdagan man ay dahil sa mga lehitimong paraan, kasi iyan ay nagiging puno't dulo ng katiwalian hindi ba yung mga nakaw na yaman hindi natin sinasabi na may mga ganon kahit saan kahit na kanino, kaya nga ang FOI ang magpapatunay na ikaw nga ay tumutupad sa iyong pangako at tungkulin. Ravelo: May mga text messages po tayo. Sabi nila baka pag naging batas ang FOI at sa batas ay mandatory pati sa Supreme Court (SC) justices na ilabas ang SALN baka daw po madeclare iyan na unconstitutional.

Poe: Kasama talaga yan sa ating proseso--makita naman natin para sa kabutihan o sa hindi, na kahit paano ang ating mga mahistrado ay nakikinig sa ating mga kababayan. Malakas din po ang pag-uusig ng ating populist views pag nakita naman nilang di reasonable. Mahirap na talagang magtago ngayon lalo na sa age of information kung saan may ibang mag-uumpisang magreklamo at yun ang nagiging mitsa para mas maraming makilahok.

Ravelo: Tsaka daw po ngayong combative at galit ang Pangulo sa SC, makakatulong sa kanya ang FOI law para ma-obliga ang mahistrado na ilabas ang kanilang SALN.

Poe: Hindi naman natin sinasabing gamitin sa kasamaan ang FOI, ito'y ginagamit para sa kabutihan. Pag wala namang kalokohang ginawa, itong FOI ay hindi dapat katakutan. Ito nga ay magiging sandata ng ating mga kababayan upang maiwasan ang masasamang gawain sa gobyerno.

Ravelo: Paano po kung maging silent ang Pangulo sa FOI bukas?

Poe: Yun din naman ang aking ine-expect dahil di ko naman talaga inaasahang i-certify ito sapagkat sinabi nya rin naman ito nung umpisa pero di naman masamang mangarap. Kung di naman mabanggit, patuloy pa rin nating hikayatin ang Lower House na ipasa nila kasi kahit di naman na-i-certify ng Pangulo ay naipasa naman natin sa Senado.

Ravelo: Ang leadership ng Kamara ay bibigyan naman daw ng prayoridad ang FOI. Parati namang sinasabi ito pero di pa rin kumikilos ang FOI.

Poe: Sa pagiging patas naman, si Sec. Quezon ng Malacanang ay nakipagtulungan sa amin upang mabigyan kami ng payo tungkol sa mga iniisip nilang maaaring maging hadlang sa FOI. Kami naman ay pinag-aralan namin at patas naming tinanggap ang kanilang panukala at binalanse ang suhestyon ng PCIJ, ni Prof. Clarita Carlos, si Atty. Nepo Malaluan. Lahat ng mga grupo kasama ang Right to Know, Right Now! Coaltion. Lahat naman po ay isinaalang-alang natin pero nag-cooperate po ang Malacanang sa kanilang version. Sa tingin ko, di naman nalalayo ang ating mga version. Ang version ng Malacanang ay ang version ni Sen. JV Ejercito. Masasabi naman nating di naman ito one-sided.

Ravelo: Abangan natin bukas ma'am, kung babanggitin ang FOI bukas. Aside from FOI bill, ano po ang nais nyo sanang marinig sa SONA ng pangulo bukas.

Poe: Gusto kong marinig kung paano ba natin ma-iincrease ang government support sa ating ekonomiya. Bagamat nakatulong nga daw ang DAP sa ating ekonomiya, maging makatotohanan tayo dapat at mas malaking pera ang igugol ng ating gobyerno sa mga proyekto. Kung pwedeng taasan budget for economic stimulus projects dahil dadaan naman yun sa regular debate at pagdedebatihan sa regular budget season. Hindi pwedeng pakonti-konti lang ang pera. Sabi nga ng IMF, ang ating growth ay mas mababa sa quarter na ito. Wag nating ikalulungkot yan sapagkat ikumpara man sa ibang bansa sa Asya ay mas mataas pa rin tayo kaya wag nating alisin ang momentum na yan. Napakahalaga ng mga proyektong ito upang makalikha ng mas maraming trabaho para sating mga kababayan. Atin lamang dapat bantayan kung paano ginastos ang mga pondong ito. Pangalawa, gusto ko talagang makitang mas malaki ang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka. Ang agrikultura ay napakahalagang sektor sa ating bayan. Pangatlo, gusto kong makita ang pagsugpo sa pag-abuso sa pagtaas sa mga presyo ng bilihin. Ito, simula nga sa sinsabi nila sa Customs, mga kung sino-sino pa mga ma'am-ma'am nagpapasok at yan nga ang nangyayari sa pagtaas ng presyo ng bawang. Gusto kong makita kung paano yan maiiwasan.

Ravelo: Yang inyo pong nabanggit ay nangyayari sa gitna ng pag-uusap sa DAP.

Poe: Nakakalamang ang Pilipinas sa ibang bansa, hindi lamang skilled ang ating workers kundi mayroon din tayong edge sa agrikultura dahil tingnan mo ang Singapore, wala naman ng espasyo na doon...So sana pagyamanin natin kasabay ng ating mga BPOs itong sector ng agrikultura dahil ilang dekada nang napabayaan.

Ravelo: Kailangan pa po bang ungkatin ng Pangulo ang sentimyento sa SC o dapat ang mga planong pang-hinaharap na?

Poe: Sa tingin ko, hindi na naman na yan uungkatin. Sinabi nga nila sa Senado, may 2 panig dyan--may nagsasabing masyadong naging kampi sa DAP ang aming hanay pero di mapapagkailang nabanggit din kung anong dapat mabanggit halimbawa na ito'y para makatulong pero nakita natin ang ibang proyekto na kuwestiyonable. Hindi naman mapagkakaila na nabigyan ng tamang suporta ng gobyerno...pero katulad nga ng sinabi ni Sec. Singson na ang mga proyektong naumpisahan na wala namang cross border transfers. Sa artikulo ngayon ni Justice Panganiban, meron pa namang pagkakataon na mag-realign basta wag lang cross borders so pwede na lang doon siguro magtuon ng pansin ang ating pangulo. Paano ba tayo maglalagay ng pera sa ekonomiya ng di naman napipigilan itong ruling ng SC?

Ravelo: Ano pa po ang inaasahan natin sa SONA?

Poe: Ayoko naman pong pangunahan dahil di naman ako manghuhula. Syempre, nagdadasal na lang tayo para sa tagumpay ng Pangulo sapagkat anumang panig ka--kontra o para sa admin, mas nagiging matagumpay ang isang lider, ibig sabihin naiaangat ang kapakanang mas nakararami, at lahat naman tayo ay panalo dito. Sukatan ng tunay ng katatagan para sabihin ang dapat sabihin na makakatulong sa ating mga kababayan.

Ravelo: Ang pangulo po ay nagkaroon na ng 3 speeches, magkakahiwalay na okasyon tungkol sa DAP at doon nya binweltahan ang SC. Yun ma'am ay warranted ba na ungkatin?

Poe: Sa tingin ko, hindi naman na uungkatin iyon. Kung sasabihin man nya, personally, di ko alam ano sasabihin ng Pangulo. Siguro bukas ay ilalatag nya ang mga hakbang na gagawin natin in light of the SC decision. Siguro yung mangyayaring ito, ang ating Pangulo naman, nakita nya ang feedback sa ibang okasyon ng kanyang pagsasalita. Sa tingin ko ngayon, mas magiging tutok kung paano maitataas pa ang suporta ng gobyerno nang di naman salungat sa desisyon ng SC.

Ravelo: Karamihan po ng sinasabi na mabanggit ng Pangulo ay mga paraan kung paano mapababa ang singil sa kuryente--mga isyung pangsikmura.

Poe: Yun talaga, itong mga isyung pangsikmura. Sabi nga nila, ang taas ng tax natin--32%, samantalang ang dami naman palang savings. Baka pwede nating umpisahan ang debate kung paano natin mabibigyan ng insentibo ang ating mga kababayan. Halimbawa, yung presyo ng ibang commodities, baka pwedeng kalahatiin ang VAT. Sinasabi nilang 100 million na ang ating populasyon, siguro mapupunuan na rin sa dami ng ating mga kababayan ang pagbawas ng konti sa VAT sa ibang commodities. Katulad nyan sa may sakit, malaking bagay na wala ng VAT ang mga gamot na pang-cancer o mga therapy. Halimbawa, P30,000 kung walang 12% VAT ay halos P3,000 ang matitipid ng pasenyenteng may cancer. Sa malilit na bagay na ganun, mararamdaman talaga yan. At magpapasalamat ang ating kababayan. At sa pagkolekta ng pera sa sin taxes. Sabi nga ni Dr. Tony Leachon, sinasabi nyang yang nakakalap tayo ng ilang bilyon, paano yan naibalik sating mga kababayan. Isa yan sa dapat pag-aralan.

Ravelo: Yung tungkol sa DAP hearing may na-raise kayo doon, kuntento na po ba kayo o dapat pang bumalik si Sec. Abad para mag-explain pa further?

Poe: Isa sa mga tinanong ko ay kung saan nanggaling ang pera at aling ahensya ang naging responsible sa DAP. Pag nakuha natin ang SARO ay mas mapag-aaralan natin. Pwede tayong gumawa ng rekomendasyon. Pag meron akong katanungan, isusumite ko yan at kung pwede namang masagot na di naman kelangan ng hearing mas makakabuti. Kung napakaraming tanong, maaaring mag-hearing pa. Di ko masasabi ngayon, di naman tayo pwedeng padalos-dalos. Hintayin natin ang dokumento at pag-aralan. Napakahirap din ng ginawa ni Sec. Abad na nagsalita sya roon ng 7 hours pero iyon naman ay kasama sa trabaho nya. Andun din ang ibang secretary pero yung iba sabi, "ano ba yan, show of support." Pero importante, tulad nyan pinatawag ko si Sec. Singson para malaman kung paano ba nakatanggap ng mga proyekto. Mabuti nandun din sila dahil ang DBM ang nagbibigay ng pondo sa mga ahensya.

Ravelo: Bagaman 7 hours humarap si Sec. Abad, marami pa ring dapat sagutin?

Poe: 7 oras lamang yan at marami pang pwedeng busisiin. Maraming katanungan. Marami na rin namang nasagot na. Ayoko namang magsimula ng kontrobersya na di na kailangan pa tungkol dito sa DAP. Ang transparency o pagpapakita ng katotohan sa mga dokumento nila ang magssasabi kung meron bang naging anomlaya, sabi nga ni Sec. Laciera na ang accounted for ay about 92%, may natitira pang 8% na unaccounted for, dapat siguro pag-aralan mabuti at ang version ng COA ay kailangan ding makita.

Ravelo: Ang COA po ba ipu-push rin ninyong ipatawag kung magkakaroon ng next hearing?

Poe: Sa tingn ko, kung magkakaroon po ng susunod na hearing ay dapat ipatawag. Pero di naman po ako ang chairman ng finance committee. Kung meron man silang nagawang auditing ay ipatawag sila.

Ravelo: Maraming salamat po.

News Latest News Feed