Press Release
July 28, 2014

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

Kulang na kayo ng tatlong senator

Well siyempre kakaiba ang pakiramdam na kulang ng tatlong senador ang opening ng kongreso ngayon at SONA pa ng Pangulo mamayang hapon, dahil sa mga nagdaang taon at panahon palagi naman silang nandito at palagi silang nakaksama namin.

Sa nakaraang hearing naramdaman nyo talaga na may kakulangan?

Oo at hindi. Napunuan naman siya ng dalawang minority members na nag-attend, particular si Senator Nancy Binay at Senator Ejercito na siyang author at may akda ng resolusyon.

Pero mas dagdag trabaho ba sa inyo?

Well dagdag trabaho in the sense na kung kanino man maa-assign yung mga komite nila, yung vice chairman o senator-designate na babalikat ng mga komiteng hinahawakan, particular ni Senator Revilla at Senator Estrada dahil wala namang komite Senator Enrile. Magiging mabigat yon sa parte ng mga senador na maa-assign nyan dahil bawat isa sa amin ay mayron ng komite sa ngayon.

Makakaapekto ba yung pagkawala ng tatlong senador sa budget deliberation?

Sa pananaw ko ay hindi dahil hanggat may quorum ang senado makakapagpatuloy kaming gawin an g trabaho namin at hanggat mayroon kaming two-thirds maski sa pagratipika ng treaty o tratado ay magagawa pa rin ng senado maski na nawawala o nakapiit sa ngayon yung tatlong senador.

Hindi ba kayo worried sa lack of balance kasi four minority versus 16 majority?

Sa kongreso noon humigi't kumulang 260 ang majority members, kami noon nong minority leader ako 16 lamang kami, wala naman sa numero yon, sa nagdadala at nasa boses na dinadala ng kumakatawan sa minoriya o oposisyon sa kamara man o sa senado.

So dapat bang silang mapressure na mag-step yung mga minority ngayon?

Hindi para sa akin na sabihin yan, siguro para sa kanila na sabihin, ipaliwanag at igarantiya yan sa publiko.

Sa isang study, kasama sa mga mayayaman, kasama sa mga mayayaman sa bansa mga senators, wala bang conflict of interest don...

Kasama sa pinakamayaman, oo, pati naman mga miyembro ng Kamara, gayundin mga local officials siguro, pero ang importante makikita naman dahil lahat ng ginagawa namin ay nasa mata ng publiko at nasa ilaw ng camera. Makikita't malalaman naman, interes nga lang ba ng mayayaman ang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa senado at kongreso o interes ng mas maliliit nating kababayan. Sana hindi naman nila lahatin at hindi naman siguro lahat ng mayaman ay ang puso ay para sa mayaman din.

After DAP and PDAF ano na ngayon ang priority ng senado for the coming weeks?

Para sa akin, bilang chairman ng committee of finance ang pagpasa ng taunang budget on time, for 2015 and for 2016, gayundin ang pagpapaloob ng mga repormang ibinababa ng korte suprema kaugnay sa taunang budget, titiyakin naming tatalima lahat yan.

Expectations for SONA

Dalawang bagay palagi ang inaasahan ko sa sinumang pangulong magbibigay ng SONA. Una ano ba ang tunay na kalagayan ng bansa at mas importante ron, moving on at moving forward, ano ba ang balak gawin ng adimistrasyon ni Pangulong Aquino para matugunan ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa sa ngayon.

News Latest News Feed