Press Release
July 29, 2014

Sen. Grace Poe's Eid al-FItr Message

Binabati ko ang lahat ng ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr!

Ang Eid al-Fitr ay isang mahalagang paalala sa ating mga kababayang Muslim at sa bawat isa na magpasalamat sa lahat ng biyayang dumarating sa atin, habang pinaiigting ang pagkalinga sa kapos-palad.

Dalangin ko na maging kabahagi ang bawat isa sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kasaganaan sa ating bansa at sa buong daigdig.

Eid Mubarak!

News Latest News Feed