Press Release
August 6, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's ambush interview

Question: On ATM fraud and measures to combat it

Sen. Grace Poe: Noong huli naming pag-uusap, ang sinabi nila ay paiigtingin nila ang kanilang pagbabantay nito-- galing ito sa Central Bank. Ang maganda rin nito ay mayroon ding commitment ang mismong mga bangko. Ang alam ko, nagbibigay sila ng temporary credit habang iniimbestigahan ang kaso. Pangalawa, marami sa kanila ang nag-commit na papalitan nila ang type ng ATM nila para magkaroon ng special chip na di basta-basta magagamit for ATM fraud. Pangatlo, maglalagay sila ng CCTV cameras sa mas maraming mga lugar. Di pa lang siguro nailalagay sa lahat ng lugar pero isa yan sa measures na ipinangako nila. Sa tingin ko naman, di dapat ikabahala kung may lehitimong kaso, lalo na kung sa lehitimong bangko dahil ito ay inaayos naman nila.

Q: On the proposed term extension for the President

Poe: Marami naman sa atin ang tiwala sa Pangulo. Sinasabi nga nila na pag magaling at tapat ang namumuno, gusto mong hindi na matapos ang kanyang termino. Subalit meron din tayong mga institusyong kailangan din nating patibayin at nakalagay sa ating Konstitusyon na meron talagang nakalagay na termino ang bawat pangulo. Sa tingin ko, gaya ng nanay ng ating Pangulo, nang natapos ang kanyang termino ay alam nyang nagawa na nya ang dapat nyang gawin, kaya nagpaubaya na sya sa susunod na mamumuno. Sa tingin ko, ganun din ang ating Pangulo. Sa ating Constitution ay di naman pinapayagan ang ganyan (term extension).

News Latest News Feed