Press Release
August 21, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Unahin natinyung pagdinig ng Senado sa proposed 2015 budget?

SPFMD: Inumpisahan na sa Senado yung pagdinig sa budget nuong Martes at Miyerkules. Humarap sa Senado yung tinatawag na Development and Budget Coordinating Committee or DBCC at in the spirit of transparency, ay talagang detalyado na ang budget. Makikita naman ng taumbayan ang hinihinging budget ng bawat department, yung kanilang target outputs, kung bakit nila kailangan ng ganung budget, at para pagdating ng 2015 ay malalaman ng taumbayan - at titingnan yan ng Senado- kung na-achieve ba nila ang target nila.

Q: Bilang assurance ala na po ba diyan yung DAP, yung PDAF at kung ano-anong insertions o savings?

SPFMD: Wala pong magiging DAP o PDAF sa 2015 budget. Asahan po ng taumbayan na babantayan namin sa Senado yan. Sana tulungan po kami ninyo sa Senado o Kongreso na siguraduhin na wala pong dapat maipasok diyan.

Pero sa kabilang dako akin po talagang napansin na talagang bumagal ang paggastos ng pamahalaan sa mga proyekto sa kasalukuyang taon. 2% lang ng ating ekonomiya ang maiaattribute natin sa paggastos ng gobyerno sa nakalipas na kalahating taon. Ang dapat maintindihan natin, sa bawat P100 na paglago ng ating ekonomiya, P18 ang nanggagaling sa pamahalaan.

Kapag hindi nagagamit ng gobyerno ang budget nito, talagang nababagal ang paglago ng ekonomiya, at kung humihina ang ating ekonomiya ay ang ating mga kababayan din ang mahihirapan. Ating sinasabi sa mga Cabinet member dito, ang challenge dito ay kung paano ayo magcocomply sa decision ng Supreme Court sa DAP but at the same time maggamit natin ng husto yung pondo ng pamahalaan para matulungan naman yung mga mahihirap nating kababayan. That is the challenge.

Q: Kasama po ba diyan sa 2015 budget yung pondo para sa climate change?

SPFMD: Kasama po diyan, sa ating 2015 budget. Itataas natin ng P15 billion ang kasalukuyang budget para sa calamity fund ng gobyerno. Maliban diyan, meron pa yung mga quick response fund. Ibig sabihin niyan, merong pondong nakaabang para sa mga ahensya na P6.5 billion. So mahigit po sa P21.5 billion ang overall pondo ng ating calamity fund at quick response fund. Halimbawa sa DSWD na laging nasa frontline pag nagkakaroon ng mga sakuna, meron silang P1.3 billion. And DepEd, may quick response fund na P1 billion. Ang DPWH, P800 million. Ang DOTC, P 1 billion. That is on top of the P15 billion na nasa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Mayroon pong sapat na pondo para sa mga kalamidad. Pero ang sinasabi po nila, ito daw po ay lumpsum. Eh hindi naman natin ito pwede diasaggregate, dahil hindi natin alam kung ilang bagyo ang dadating sa bansa sa 2015.

Q: Sa DA, minungkahi niyo na dapat isa na lang ang head. May sagot na po ba si Pres. Aquino?

SPFMD: Wala pa po. Sa akin, hindi nagaaply diyan yung sinasabing, "Two heads are better than one." Talagang pong nakikita natin na bumabagsak ang agricultural sector ng bansa. Ang paglago po ng ating agricultural sector for the first quarter of the year, less than 1 percent. Aba eh, ang mga mahihirap natin, nasa kanayunan, kaya naman tumataas ang poverty incidence . Ang 1/3 ng ating labor force ng bansa, nandiyan sa agricultural sector. Kapag hindi lumalaki ang agricultural sector, eh direktang ang mga mahihirap ang naaapektuhan.

Hindi naman siguro dahil ito sa dalawa ang namumuno. Pero hindi po siguro nakakatulong ang na dalawa ang numumuno habang hindi magandang performance agricultural sector.

Q: Ano ba ang dapat qualification ng dapat nakaupo diyan? Sino ba kina Alcala o Pangilinan ang mas qualified?

SPFMD: Ang sa akin, ay pareho naman sila. Mahusay naman na mga tao yan. Ang problema kasi, pag dalawa kayong boss ay mahirap sa mga subordinate na, "Sino ba ang susundin namin dito sa dalawa?" Halimbawa nalang sa national irrigation Authority. Sa ilalim ng batas, ang chairman ng NIA Board ay ang Secretary of Agriculture. Pero ang NIA, nilagay under kay Secretray Kiko Pangilinan. So hindi siya naman pwede magpreside sa meeting. Ganuon din sa National Food Authority sa rice. Under the law, ang Secretary of the DA ang naumumuno diyan, at hindi mo sila pwede palitan dahil sa nasa batas po iyan.

Yan pong mga mga bagay na iyan ay hindi sa smooth running ng ahensya. Halimbawa, sa NIA, ang irrigation po, hindi pwede na yung budget for the rice program nakay Sec. Alcala, pero ang pagtatayo ng mga irrigation at canals ay na kay Sec. Kiko. Kaya may unnecessary difficulties.

Q: Yung issue sa overpricing ng parking building sa Makati na ipinatayo ng magamang Binay na iniimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee, sa tingin niyo po ba itong imbestigasyon na ito ay may halong politika o may bahid talaga ng anomalya?

SPFMD: Alam mo hindi natin maiwasan yung mga opinyon na may bahid daw ito ng politika dahil nagpahayag si Vice President Binay ng kanyang hangarin na maging Pangulo. Ngunit asahan po ng taumbayan na ang walang ibang layunin ang Blue Ribbon Committee kungdi tingnan lang ang katotohanan. Marami ang chismis at kuro kuro, pero mas mahalaga na facts lang ang ating bigyang pansin. Kaya nga kahapon sinabi ko na during the hearing, iwasan natin ang mga politically-charged statements. Iwasan natin yung mga "bukol," yung "patong." Politically charged na nga, lalagyan mo pa ng mga salitang ganyan. Just tell us the facts - kung ano ang nakalagay sa dokumento.

Q: Meron na po bang exact na paninindigan ang Pangulo ukol sa term extension ng kanyang panunungkulan?

SPFMD: Nung huling linggo pa, sinabi na na hindi interesado ang Pangulo na magbago ng Konstitusyon sa loob ng kanyang termino. Tapos na ang isyu na yan. Marami po tayong kinakaharap, let us move on.

Q: Pero yung Cha-Cha sa economic provisions sa Constitution, tuloy yan?

SPFMD: Yan ang tinatalakay sa Kamara. Aking sinabi na kay Speaker Belmonte, pag naipasa at tapusin nila yan sa House, ay saka tatalakayin iyan sa Senado.

News Latest News Feed