Press Release
August 28, 2014

TRANSCRIPT OF SEN. ANGARA'S AMBUSH INTERVIEW
AFTER THE WAYS AND MEANS HEARING

Q: Sir, do you think yung Christmas bonus, tsaka yung 13-month pay, mapapasa ba natin before Christmas this year?

Sen. Sonny Angara: Well, depende yun sa pag-aaral ng ating mga departamento, narinig naman natin yng sinabi nila na ang tingin nilang pinaka-importanteng prayoridad ay yung pag-adjust at pagbaba ng buwis sa income tax sa mga indibidwal. So yun ang parang naging priority nila at natutuwa naman tayo. Dati ang sinasabi nila sa atin ay hindi natin pabor yan eh ngayon medyo lumambot na sila at sinabi na kinilala na nila yung mga pangangailangan ng taumbayan na nahihirapan na sa buwis at sa sistemang luma na.

Q: So do you see this panning out well while the 4th quarter?

SJEA: It's hard to put deadline on legislation. If I've learned anything, mahirap talaga mag predict.

Q: Sir, can you just tell us what you require them to do?

SJEA: Form a group, to really simplify the tax procedures, to encourage taxpayers to formalize, so to speak, and be part of the system. Rather than sa ngayon, eh ilan lang sa ating mga kababayan ang nagbabayad ng income tax. It's less than six million, five million plus. So, eh, bansa naman tayo ng isang milyon. So, kung talagang gusto natin ng makabagong imprastruktura, kung gusto natin ng progreso, pag-unlad sa bansa, kailangan din nating lawakin yung tinatawag na taxbase, o yung bilang ng indibidwal na bahagi ng ating sistema.

Q: So, what we're looking at is broadening tax base on top of expanding the brackets?

SJEA: Well, updating, not necessarily expanding, but simplifying, yun ang layunin natin o ang goal natin. We're working on it to see kung ano talaga yung levels na dapat mababa ang buwis at yung levels na dapat mas mataas ang buwis.

Q: Confident na mapapass itong bill?

SJEA: I'm confident that the committee can come out with a version maybe end of the year or start of next year. It's also dependent on how fast the DOF can give us figures.

SJEA: Ang maganda dito talaga nag-iba na ng pananaw ang DOF at kinilala na nila na there's a need to revisit o repormahin ang ating lumang sistema or tax code. Yun ang pinakamalaking lumabas dito sa hearing natin ngayon.

Q: On a related topic po, yung dati po nag hearing kayo dun sa lowering of income taxes at ni-require po natin sa BIR na magsubmit sila ng projected revenue loss. Nakapag-submit na po ba sila sir?

SJEA: Wala pa yata. But their deadline is until September pa naman. I'm not sure but the first week of September so hintayin na lang natin.

Q: So sir anong dapat maunang mapasa sa mga bills na ito? Sa HOR or dapat dito?

SJEA: Well, under the Constitution, sa ilalim ng Saligang Batas talagang kailangan mauna ang House of Representatives so ang ginagawa natin dito pinapakinggan natin ang iba't-ibang sector para pagdating ho sa plenaryo mas mabilis. Bago dumating sa plenaryo kailangan nating hintayin ang bersyon ng Kamara de Representante.

Q: May coordination naman kayo sa HOR sir?

SJEA: Oo, nag-uusap naman kami from time to time ni Congressman Miro Quimbo. Sabi niya it's on their agenda, it's a priority. So alam natin busy din sila, may impeachment din sila. May cha-cha so antayin natin at umaasa naman tayo na magiging prayoridad din ng Kamara yun.

News Latest News Feed