Press Release
September 22, 2014

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: On request for SALN of PNP Chief Purisima

Poe: Dahil nga may mga nilabas na issue tungkol doon e lahat naman kami sa gobyerno ay dapat mabilis na naipapakita ang SALN lalong-lalo na kung may mga tanong. Hindi daw madaling mahanap ang SALN ni Chief PNP. Importante lamang na malaman natin na naka-file talaga ito sa mga nararapat na opisina. Lahat ng na-appoint na government officials ay may SALN sa Office of the President. Nanggaling din ako sa posisyon na iyan at talagang requirement iyon. Yung Civil Service dapat maayos yung pagka-file lalong lalo na yung heads of agency, yung mismong sa tanggapan nila dapat mayroon ding SALN.

Q: Info on ill-gotten wealth of Purisima

Poe: Yung sa akin ay based sa nababalitaan ko, yung naipapakita sa media ngayon, pero tatandaan natin na hindi natin hinuhusgahan maski na sino. Pero ang importante kasi dito ay ang liderato. Leadership by example para mawalan ng duda. If everything is aboveboard then there should be no apprehensions to show the SALN. So para sa akin, hindi lamang yung mga pagbabago na gusto nating makita sa PNP ay yung mga sistema. Kailangan din yung liderato mismo magkaroon ng kumpyansa tayong lahat lalong-lalo na yung mga miyembro mismo ng PNP.

Q: On Senate hearing on PNP

Poe: Nais kong klaruhin, ang hearing natin ay ukol sa PNP Modernization bills pati yung supposed rising criminality sa ating bansa at kung papaano tayo makakatulong para maibsan ang problemang ito. Ngayon kasama diyan ang issue ng liderato. How confident or secure are we with the leadership of the PNP. All questions regarding his office and also perhaps his SALN will be discussed. Now, if there are certain anomalies or inconsistencies that need further investigation, there is a committee in the Senate that deals with the proper conduct of government officials, which is the Blue Ribbon. Pero imposibleng hindi ito matalakay sa hearing natin kasi kasama nga yan -kumpyansa sa liderato.

Q: Orders for Chief Purisima to present his SALN

Poe: Hiningi ko na actually in advance ang kanyang SALN. Marahil ay isa yan sa ating tatalakayin doon. Kasi kahit hindi ko tanungin, natatanong na rin ito ng ating publiko, sa media. Para sa akin pagkakataon ito ng chief PNP na mag-eksplika, depensahan ang kanyang sarili kung sa tingin niya ay mayroong di makatarungan ukol dito. So bibigyan natin siya ng pagkakataon. Sana ay magpakita siya lalong-lalo na kung wala naman siyang itinatago para mahimasmasan din ang publiko na wala silang dapat ikatakot.

Q: Kapag hindi naman siya pumunta

Poe: Sa tingin ko ay pupunta na siya, pero ayoko namang pangunahan siya. Gusto kong bigyan siya ng benefit of the doubt. Sabi niya sa pagkakataon na ipatawag naming muli siya sa hearing ay darating siya, na-set na namin ang schedule at sinabi niya na pupunta siya. So mayroon na kaming ibang dokumento na hiningi sa kanya. Invitation pa rin and not subpoena ang ibinigay natin.

Q: Kailan ang susunod na hearing?

Poe: September 30 ang hearing ng PNP Modernization bills

Q: Kanino naka-address ang letter request for the SALN?

Poe: Yung sa amin kay Chief PNP mismo namin in-address. At sa aming invitation hindi na nakalagay yung "or your representative."

Q: May commitment ba mismo ang PNP Chief doon sa submission ng SALN?

Poe: Dadalhin daw niya

News Latest News Feed