Press Release
September 24, 2014

Transcript of Bombo Radyo Interview
with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Madami pong sector ang dismayado sa dami ng mga kaso ng krimen, hindi lamang yung mga high-profile cases. Marami na rin po ang nagsasabi na dapoat na daw ibalik ang death penalty law. Kayo po ano ang inyong pananaw?

SPFMD: Sa aking tingin, pwede pa natin yang pag-debatehan. Hinihimok nga ng aking kasama na si Sen. Tito Sotto na i-report yan at pagdebatehan sa Senado ang pagbabalik sa death penalty. Dapat tingnan kung ang pagtaas ng krimen, ay dahil ba sa pagkawala ng death penalty o sa hindi maayos na pagpapatakbo ng peace and order situation ng ating kapulisan. Kailangan tingnan yan ng husto dahil may sapat na budget ang Philippine National Police. Ang importante kasi ay yung kanilang visibility, dahil kung hindi nakikita ang pulis, ay baka isa yan sa dahilan kung bakit dumadami nga ang mga krimen sa mga langsangan.

Q: Natanggap na po ba ng Senado ang letter ng Malacanang na humihingi ng emergency powers ukol sa napipintong energy crisis? Pero nilinaw na ng Malacanang na hindi emergency powers ang hinihingi nila kung hindi additional authorities daw.

SPFMD: Wala pa po kaming natatanggap na draft resolution na nagbibigay ng additional authority to purchase additional generating capacity. Liwanagin lang natin, unang-una, kailangan natin talaga yung additional generating capacity sa 2014.Apat na buwan na po sa kanilang estimate ay posibleng magkaroon ng rotating brownout sa Luzon. Ang mahalaga lang, ingatan natin ito dahil pera ang gagamitin.

Unang kong titingnan diyan, mayroon bang ibang paraan maliban sa pagbili ng generating set? Halimbawa yung Malaya One power plant ng PSALM, bakit hindi tinitingnan at inaayos ang diperensiya? Kaya po nating patakbuhin yan agad, sabi po ng mga opisyales ng PSALM ay baka kapag binuksan at kailangan lang ioverhaul, mga P90 million pesos lang ang kailangan para maibalik yan sa pagpapatakbo.

Pangalawa may mga generating set sa private sector -halimbawa sa mga shopping centers, cement plants at semiconductor companies, yan po ay sa aking bilang ay may 100 megawatts sa buong Luzon. Ang kakulangan natin, 300 megawatts sa buong summer. Baka naman pwede natin tingnan iyan, at baka pwede natin sila bayaran na lang sa private sector.

Sa akin po kailangan talaga ng additional generating capacity, pero tingnan muna natin kung may ibang paraan na pwede tayo magbigay ng additional generating capacity without the need for the government to buy new generating sets.

News Latest News Feed