Press Release
September 30, 2014

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE's AMBUSH INTERVIEW
After the hearing of the committee on public order

Q: Ma'am, were you convinced with the explanation of the Chief PNP?

Sen. Grace Poe: Para sa atin kasi ngayon, at least narinig natin na galing sa kanya. Nakumpirma niya na kanyang ari-arian ang nandoon sa San Fernando, Nueva Ecija. Pinakita ko yung litrato, sabi niya sa kanya yun. Narinig naman natin mula sa kanya na apat (4.7) na ektarya. Nakita rin naman natin na halos puno ng bahay doon, pero sinabi niya na ang halaga nito ay nasa P1 million lamang, hindi ba? Narinig din natin sa kanya na yung pagkabili niya ng sasakyan ay may discount na napakalaki. Narinig din natin sa kanya na ang self-rating niya, bagama't nangyayari ang lahat ng ito at may duda, ay 9 out of 10. Narinig din natin sa kanya na nahuli ang deed of donations doon sa white house bagama't alam na niya ngayon na hindi iyon ang tamang proseso. Narinig din natin sa kanya na hindi niya inuna ang pagbigay, halimbawa ng suporta sa pangangailangan ng kalusugan ng ating mga kapulisan at napili na ibigay doon sa white house dahil nga iyon ang binabaha. Lahat ng ito masasama natin sa committee report, kung tatanungin ninyo ako kung ano ang aking masasabi dito, pagsasama-samahin natin lahat 'yan. Bilang chairman ng komite, 'pag na-submit natin ang report na 'yan, papipirmahan ko 'yan sa mga miyembro kung ano man ang ating magiging rekomendasyon. Pero at least, pinag-aralan din natin ang mga batas na kinakailangan para matulungan ang ating mga pulis. Lalo na ang mga pulis na gumagawa ng kanilang mga trabaho ng marangal at nasasabit lang dito sa masamang reputasyon dahil sa ilan-ilan na gumagawa ng kalokohan.

Q: Are you satisfied with the explanation, Ma'am?

Poe: Alam mo kasi meron namang iba na gusto mong pilitin na tanggapin 'yun. Meron naman kasi tayong sinasabing common sense, so may mga ibang bagay na para sa akin, sa tingin ko naman may kakayahan din ang ating PNP Chief na hindi katanggap-tanggap na makakalusot sa kanya ng ganun 'di ba? Parang kung alam mo naman ang isang tao ay may basic intelligence, lalong-lalo na ikaw pa yung naging PNP chief, may mga bagay na nagtataka ka, bakit ganun ang mga nagiging sagot. Halimbawa na lang, sabihin natin yung deed of donation, para sa akin napakalinaw kasi 'nun na talagang bago pa lang i-donate sa'yo, sabi nga ni Sen. Serge, bago i-donate sa'yo, wala ka man lang abstract kung ano ang ido-donate sa'yo. Paano kung bahay na maliit na parang dog house, okay lang ba yun? So isa yun. Pangalawa, yun nga dapat mag-iingat kasi ang mga miyembro ng gobyerno na pag may nagbibigay ng discount sa'yo, pag may binibili ka, bagama't malaki ang discount 'nun, iisipin mo, ano ba ang kapalit nito? Baka maging ehemplo kasi sa mas nakababatang pulis na, "ay pwede ko pala gamitin ang aking pakikipagkaibigan o tanggapan para magkaroon ng ganoong klase ng benepisyo." Q: Malinaw po ba ang lapses sa mga discount at deed of donation?

Poe: Para sa akin malinaw ang mga lapses. Ilalagay natin 'yan sa ating committee report. Titingnan natin kung kakatigan 'yan ng ating ibang mga miyembro.

Q: Hiningi niyo po last week na mag-leave of absence siya, after hearing his explanations, yun pa rin ba ng panawagan niyo? Or should he resign na Ma'am?

Poe: Para sa akin kasi ang pwede lamang mgasabi kung siya ay dapat mag-leave of absence ay ang Pangulo at ang ombudsman dahil sa kanyang kaso. Sinasabi ko na sana may mga pagkakataon na lalo na kapag ang pulis ang inimbestigahan na ang Ombudsman, gaya ng sinabi ni Ms. Ang-See, bilisan ang kaso para kung kailangan magkaroon ng administrative leave or suspension ay mangyari ito. Para sa akin kasi, personal lamang na pananaw, kung nagkakaroon ng pagdududa sa pamamalakad, sa dami ng mga hindi tama sa pamamalakad, hindi lamang dahil sa kaso, lahat naman tayo innocent until proven guilty. Hindi naman porke't may grupo na nagsampa ng kaso sa'yo, ang ibig sabihin 'nun ay guilty ka na at kailangan mo mag-leave sa trabaho mo. Hindi po ganun. Pero kaya ko po nasabi yun noong umpisa kasi alam mo bilang namumuno ng PNP, dapat pinaglalaban mo yung mga pangangailangan ng iyong mga nasasakupan sa PNP pero yung mga importanteng hearing, katulad ng budget ay hindi mo sinisipot, hindi ka lumalabas. Hindi ka nararamdaman ng iyong liderato, kaya ko nasabing coupled with the cases filed against him, not just because of the cases filed against him, perhaps he should take leave. That is a personal opinion, but again it will only matter if the President or the Ombudsman agrees.

Q: Papaano po 'yung deed of donation, September 2014. Pero ang turnover ay 2013? Hindi po ba nakakapagtaka yun? Parang niluto?

Poe: Ang tagal tagal nga naming diskusyon 'yan. Nag-umpisa ang construction 2013, natapos December 2013. Ang deed of donation naibigay lamang September 2014. Sabi niya noong una, kaya daw niya ginawa yun na 2014 dahil nagkakainitan na raw ng issue, kaya niya pinaayos ang deed of donation. Pero mamaya-maya ang sinabi naman niyang dahilan ay dahil, merong siyang binanggit na ibang dahilan, ayaw daw pakilala ng donors. Yun ang unang dahilan niya kaya hindi niya ginawa. Sabi ko, teka muna, dapat mag-umpisa tayo, kung wala namang tinatago, wala namang masama. Dapat transparent. In fact, kung ikaw ay isang donor, kailangan may resibo ka na meron kang nadonate na ganyan sapagkat actually, to a legitimate government institution, meron pong tax benefit yun. Ibig mong sabihin kung gumasta ka ng 11 million, so 5% 'nun, lalabas na halos 500,000, okay lang sa'yo na hindi mo makukuha ang tax rebate 'nun? Kung saka-sakaling maging qualified ka at kung papayagan ka ng BIR. Sayang din. Maraming naglalaro sa isip ko pero uulitin ko, salamat na lang din sa pagkakataon na ito na siya ay pumunta rito. At sinabi ko sa kanya, dahil kung magpapatuloy siya sa kanyang trabaho, sana'y pakinggan niya ang aming suhestiyon na magpakita siya at magsalita siya. Huwag niyang iatas lahat sa spokesperson.

Q: Based on this observation, rating Gen. Purisima, from 1-10, ano ang rate niyo sa kanya? 10 ang pinakamataas.

Poe: Hindi ko masasabi lahat-lahat, kailangan pa nating pag-aralan, pero dito sa hearing kung ako ba ay kumbinsido na wala ng pwedeng, sabihin natin, anomalya, siguro baka 4. Sinasabi ko lang dito mismo sa hearing na nadinig ko. Marami pang mga dokumento na pwedeng isumite. Nakakaduda naman na mismong head, and I'm very disappointed, yung mismong head ng internal affairs, hindi niya alam na pwede niyang imbestigahan ang mismong PNP. Tapos ang NAPOLCOM, member din ng komisyon ang PNP. Papaano nila iimbestigahan 'yan? Ang pag-asa na lang talaga natin ay ang Ombudsman. Hindi natin sinasabi na may nangyayaring milagro dito, pero ang masasabi ko lang hindi kapani-paniwala at kailangan pa ng mas malalim ng eksplenasyon kung bakit ganoon ang mga ari-arian, bakit ganoon ang mga amounts na kino-quote nila. At bakit may mga deniability noong umpisa. Umpisa sinasabi wala siyang pinapatayo doon. Yun pala, to be clear about it, wala naman siyang pinapatayo kasi may nakatayo na. Sinasabi nga namimilosopo, pero let's give him the benefit of the doubt. Pero yun talaga ang dahilan. Ang isang tao na gustong malinis ang pangalan at reputasyon, hindi niya papayagan na basta-basta sumagot lamang ng ganun.

Q: Ma'am, so just to be clear, you're not satisfied, you're not convinced, at his answers for the past four hours?

Poe: I'm not convinced that he's telling the truth entirely, or if he's revealing the entire truth. Maybe there's a partial truth to it, but perhaps not the entire truth. In our case, if there's reasonable doubt as to the credibility, perhaps, it will already affect how we will draft our report in our impression. But more important is also how we see how we can help the PNP. One of the things is to make sure that the IAS (Internal Affairs Services) and the NAPOLCOM are independent. How are we going to amend the law to assure their independence? What we know also for sure is there needs to be more support when it comes to modernizing the PNP and also giving the appropriate allowance for the precincts, but we need their cooperation to be able to pass the law that will really be implemented properly. Another thing is, at least we heard from the PNP directly that now they're already studying the decentralization of gun registration. Kasi diba pinanindigan nila "Hindi dito lang sa Crame." Pero ngayon nagpapadala na sila ng representatives sa iba't ibang kapulungan at sabi ko nga sa kanya, for the record, ibabalik ba niya na by region niya sabi niya oo daw ibabalik. And that's good news for gun owners na ma-decentralize ulit.

Q: Ma'am ine-expect niyo ba na i-rereconsider ni President Aquino 'yung kanyang pagtatanggol kay PNP Chief Purisima?

Poe: Ganito, ayoko nang gumawa ng personal na apila. Kasi ngayon, dininig na natin nang pormal. So, sa pagkakataong ito, gagawin natin ang committee report. Hindi kami magdidikta maski na kanino, wala kaming karapatan na gawin iyon, hiwa-hiwalay ang sangay ng gobyerno, irerespeto natin iyan, pero gaya ng sinabi ng ating Pangulo noong siya ay nagbiyahe, hindi niya kilala sa Chief Purisima na matakaw at susuriin niya 'yung kaso at 'yung SALN para gumawa ng tamang desisyon. At naniniwala ako sa Pangulo. Kaya naman isa rin iyan, mahal ng Chief PNP ang ating Pangulo at ang ating pangulo ay tiwala sa kanya, so siguro sa bandang huli, iisipin niya, ng ating Chief PNP, kung anong makakabuti sa bayan, kung ano ang makakatulong sa ating Pangulo, at ganoon din naman ako. Kahit iba ang aming sangay ng gobyerno. Kaya ayaw ko pong manghusga agad, ang ibinibigay ko lang ay ang opinion ko pero ayaw kong mang-husga, ayaw kong mangpahiya, pero mayroon na siyempre akong mga opinion tungkol dito, dahil minementena din naman natin ang karapatan ng lahat.

Q: Ipapatawag po ba siya sa kasunod na hearing?

Poe: Tapos na eh, inadjourn ko na ang meeting na to kasi sa PNP modernization bill, I think we have enough information, we've conducted several technical working groups, regarding gun ownership, pang-ilang beses na ito kaya committee report na lang ang isusumite namin.

Q: [Ma'am what do you think about his] explanation on the increase in crime volume? Na kesyo mas marami daw ang nagrereport ngayon, compared to the previous years?

Poe: Pwede naman. Tatanggapin natin. Mas efficient 'yung reporting system natin. Sige na nga, ganun. Pero ang masakit nun, mas efficient 'yung reporting system natin pero mas nararamdaman ng mga tao ngayon ang peligro. Nakikita naman natin ngayon dahil sa mga CCTV, naiiba na. But it's not an excuse for them to say na we should excuse it because the reporting is already more efficient; hindi po iyon tama. We should work proactively, so that now that the reporting system is more efficient we will be able to address it. Alam ninyo eto 'yung nakakalungkot. Hindi ba the goal of every branch of government should be inclusive growth? Ang sinasabi nila ang nangyayari may isang article "inclusive growth in crime." Ang ibig sabihin noon may artikulo na nagsasabi mayaman ka man o mahirap ikaw ay nabibiktima. Kaya nga 'yung kaso ni Enzo Pastor, 'yung kaso ng nanay ni Cherry Pie Picache, 'yung kaso ng mga mahihirap sa iba't ibang lugar, wala na ngang pinipili, wala talagang pinipili ang crime, ang mga criminal activities. Kaya nga po, kailangan ng presensya talaga--ang presensya ng pulis ay napakahalaga.

Q: On recommending filing of charges against Chief PNP Alan Purisima?

Poe: Pag-aaralan ko 'yung transcript nito. Pag-aaralan ko pero ang masasabi ko lamang doon sa mga naihayag niya, hindi ko naman masasabing ako'y kumbinsido na talagang ignorance lang on his part, 'yung kung may malisya man ito sa tingin ko may mga bagay-bagay, naniniwala ako na hindi ka naman makakarating sa pwestong iyan kung wala ka naman tinataglay na talino...

Q: ...Ma'am 'yun pong scheduled hearings will this further affect the decline in the standing of Binay?

Poe: It's difficult to speculate but of course any Senate hearing that will divulge certain information unknown to the public can have a particular effect when the public finally learns about it. So that's all I can say at this time because I would rather not speculate about it. Thank you.

News Latest News Feed