Press Release
November 6, 2014

STATEMENT NI SEN. GUINGONA SA HINDI PAGDALO NI VP JEJOMAR BINAY SA PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

Sayang at pinili ng ating Bise Presidente na tanggihan ang imbitasyon ng mother Blue Ribbon Committee na dumalo at humarap siya sa pagdinig tungkol sa mga isyung kinakaharap niya sa kasalukuyan.

Sa pagtanggi ng Bise Presidente sa imbitasyon ng Mother Committee, sinayang niya ang mahalagang pagkakataon para iparating sa mga kababayan natin ang panig niya.

Nakalulungkot dahil hindi din binigyan ng Bise Presidente ng pagkakataon ang publiko na madinig ang panig niya para makabuo sila ng sarili nilang pananaw at conclusion sa mga isyung ito.

Nanghihinayang ako dahil pinili ng Bise Presidente na tanggihan ang imbitasyon ng Mother Committee sa kabila ng aking pagtiyak na siya ay bibigyan ng paggalang na angkop sa kanyang posisyon sa pamahalaan, ng patas na pagtrato at pagkakataon na harapin ang mga nag-aakusa sa kanya at sagutin ang mga akusasyon.

News Latest News Feed