Press Release
November 7, 2014

Transcript of Interview - Sen. Alan Peter Cayetano Press Conference

AFTER ONE YEAR, NAAYOS BA INSTITUTIONALLY YUNG MGA AHENSYA THAT HAS TO DEAL WITH, NOT ONLY DISASTER PREPAREDNESS, BUT ALSO DELIVERY OF THE BASIC SERVICES?

Anibersaryo ng Yolanda, tayo'y patuloy na nakikiramay sa lahat ng nasawi, sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay at lahat tayo po'y nakafocus na muling makabangon ang mga survivors ng Yolanda pero tandaan po natin na even before tumama ang Yolanda, maraming biktima ang Zamboanga siege, maraming biktima ang earthquake sa Bohol, at marami pang lugar na tinamaan ng iba't ibang bagyo, ang Quezon, Nueva Ecija, ang Bulacan so although pati naman yung mga lugar na yun ay nagsasabing magfocus sa Yolanda-hit areas dahil extraordinary talaga or iba talaga yung level ng tama nila, the question is after one year, naayos ba yung institutionally din yung mga ahensya that has to deal with not only disaster preparedness but also delivery of the basic services kasi tatlo yan diba, yung preparedness, pagkatapos yung mitigation. If you prepared, you can also mitigate, and then yung response and then after the response, rehabilitation.

Sa present set-up ngayon, sa batas, yung NDRRMC, ang chairman mo yung DND, apat ang vice chairman mo, yung DILG, DSWD, DOST at NEDA. And then there are 39 other members of the NDRRMC so isipin niyo maguusap pa lang sila, lima na silang sa top committee pero 44 sila na magmmeeting pwera pa yung utos n gating Pangulo dun ang kung makikita niyo, may sari-sariling trabaho din sila. Hindi naman pwedeng ang DND pabayaan ang national defense. Katulad ngayon, yung mga isyus with our territory sa China, mga issues with the Bangsamoro area, diba? And of course with the New People's Army are ongoing. Meron din sa DILG, sa DOST. Ang DSWD ay nangangasiwa sa 4Ps conditional cash transfer so yung ating proposal na sana dinngin ng both houses of Congress ay magkaroon ng emergency response department. Ito ay isang departamento, meron isang Secretary, full time, 24/7, 365 days a year na nakatutok sa risk education and mitigation, disaster preparedness, humanitarian agency at administration and finance center ng mga ito.

Ito ay parang combination ng FEMA at Homeland Security sa Amerika but ang point sa Pilipino, kapag may multi-tasking, may napapabayaan. Kailangan sa atin yung isang task lang na focused na focused. In the same manner, makikita mo yung report ni Senator Lacson na mas mabilis ang rehab plan sa ibang lugar because ang trabaho ni Senator Lacson ay nakatutok dun lang sa rehabilitation. Ang problema, hindi lang naman si Senator Lacson ang iisa na in charge. Marami din masyadong kausap so question, mabilis ba o mabagal yung rehab efforts? Ang tingin ko hindi naman yun yung tanong eh. Ang tanong is it fast enough kasi even if we say that it is faster than other countries, marami pa rin pong may sakit, maraming namamamatay.

For example, sa Tacloban, dahil nandyan pa rin yung tent cities, hindi pa rin kumpleto yung gamit, nung nasunugan sila a few months ago, grabe ang nangyari sa mga biktima so I think there's a way that we can move faster. One way is through transparency. Until now na nalaman lang natin mga problema pag may mga events ktulad today at kaninang umaga, nakikinig ako sa Pangulo, tama yung mga sinasabi niyang dahilan kung bakit may mga ilang delays katulad ng kakulangan ng structural engineer. Pero kung nagkaron tayo ng Yolanda website na kung saan nandun lahat ng structures na sira, nandun kung ilan ang kailangan na engineers, nandun lahat ng pondo na popondohan at hindi popondohan ng gobyerno, kung at least kumpleto lahat, at nandun kung sino pupuntahan, kung ano mang isyu ang kailangan puntahan, mas mapapadali.

RIGHT NOW, WALANG STANDARD FORMULA; WALANG ONE DIRECTION KUNG PWEDE NATING TAWAGIN ANG PAGHAHANDA NG IBA'T IBANG MGA MUNISIPYO.

I think one immediate reform that we can do para mapabilis ang rehab not only in the Yolanda-stricken areas but in other areas na tinamaan ng iba't ibang bagyo, yung transparency but in the medium and long-term, we have to have one department na naka-focus at nakatutok at sila din ang magttakeover or magssupervise sa training and development ng municipal, city, at provincial, mga risk and disaster mitigating agencies. Kasi right now, walang standard formula din. Walang one direction kung pwede nating tawagin ang paghahanda ng iba't ibang mga munisipyo.

You have people like Joey Salceda for example ng Albay na makikita mo tuwing merong problema ay handang handa at alam kung anong gagawin so someone like him, for example, could either lend a hand or somehow like him could be the head of this agency pero makikita mo napakaganda ng ginagawa sa Yolanda areas yung classroom na P1.2 million ito na yung resilient sa mga bagyo, mga baha pero bakita katulad sa Bicol, alam naman natin na every 4 years sa Albay ay pumuputok ang Mayon, bakit hindi ganung klaseng classroom ang ginagawa ng national government? Hindi naman kaya ito ng provincial o local government.

So, the ERD can help even the DPWH by mapping out ano yung mga areas na vulnerable at kung ano dapat yung standards ng construction sa mga areas na yun.

ITO BA ANG KLASE NG PRESIDENTE NA GUSTO NATIN? AYAW NANG SAGUTIN NA OVERPRICE, AYAW SAGUTIN ANG ILL GOTTEN WEALTH PERO PAPAYAGAN NIYA PAMEMEKE NG MEDICAL CERTIFICATE PARA MALIHIS LANG ANG ISYU?

Tungkol naman sa hearing kahapon, nawitness niyo naman so siguro mas mabuti kung magtatanong na lang kayo ng follow-up questions.

Ano yung kasabihan sa Filipino, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kung pinayagan magsalita si Atty. Bautista at tska si Cong. Tiangco, malamang ang dahilan ng Vice President, hindi nako pupunta dahil napaliwang na ng representatives ko. Nung hindi sila pinayagan magsalita, hindi siya pupunta dahil ganun ang trato sa kanyang representatives. Pero hindi ba may mas malaking isyu dun, anong klaseng tao, anong klaseng public servant katulad ng Vice President at Cong. Tiangco ang mamemeke ng medical certification para lang sirain ang isang committee hearing, para lang ilihis ang pagiisip ng mga tao. Isipin niyo may YouTube pa sila, nagpamedia pa sila, paikot-ikot sila saying na totoo na si Vice Mayor Mercado ay naospital sa UERM. Samantalang, mga taga UERM na nagsabi na hindi authentic yung certificate. Ano ibig sabihin nito? Pineke nila. They're willing to go that far. Bakit hindi man lang pinagalitan ng Vice President ang mga spokesmen niya na nagproduce ng pekeng medical certificate? Ito ba ang klase ng Presidente na gusto natin? Ayaw nang sagutin na overprice, ayaw sagutin ang ill gotten wealth pero papayagan niya pamemeke ng medical certificate para malihis lang ang isyu?

Kaya dapat magpasalamat pa ang Vice President na hindi naming pinayagan sa pangalawang pagkakataon na magsalita si Mr. Bautista kung hindi ma-di-direct contempt sila for submitting to Congress a forged document. By the way, hindi totoo na hindi naming pinapayagan ang ebidenysa. Hindi totoong hindi naman sila pinayagan magsalita. Ang sabi naman, they can send witnesses and they can send evidence. Evidence can be testimony. Evidence can be documentary. It can be pictures including Instagram or Facebook pictures, bakit hindi sila nagpapadala? Ang pinapadala nila dalawang spokesmen nila para magdebate sa amin. Imbestigasyon ito, hindi naming kailangan ng tao na magddebate. Witness ang kailangan naming. So pag nagpadala sila ng magbibigay ng ebidensya, we will entertain pero sundin nila yung proseso na sumulat pero ipapadala nila yung spokesmen nila - nakita niyo naman si Mr. Bautista, walang ginawa kung hindi magaccuse, Oplan Nognog, paulit-ulit itaas ang boses niya, itaas ang kilay niya eh paano natin itataas ang antas ng imbestigasyon kung ang hinahanap nila ay sigawan at debate rather than imbestigasyon.

Yung sulat ni Vice President asked them to submit para mailagay sa record yung sulat niya at tsaka yung affidavit, tingganap namin pareho yun pero bakit namin pagsasalitaaan ang spokesmen na walang sasabihin na may value sa investigation kung hindi tirahin ang committee? Hindi sila witness. Hindi sila resource person. So, yung sulat I offered kung gusto ng chairman basahin niya, yung affidavit, ipasok sa record, ibigay sa media. Yung sumulat ng affidavit is welcome to go there to swear and then to testify. So, ibig sabihin kayo ba papayag kayo ako gusto niyong interviewhin, ang padala ko sa inyo artista na walang alam... papayag ba kayo na yung ipapadala ko sa inyo yung titirahin lang yung network niyo pero wala namang sasagutin sa iisang isyu.

Kung papadala niya tao para patunayan na binenta talaga niya yung Rosario property o papadala siya ng mga titulo or kung ano man ang papadala niyang witness, tatanggapin naming pero yung paulit-ulit na sinasabi ni Cong. Tiangco at Atty. Bautista na ebidensya eh yun pa lang medical certificate na peke ay forgery, eh anong klaseng ebidensya yun? Kahit isang judge, hindi lang itatapon yung mga ganung klaseng witness, ipakukulong pa niya. Kaya pasalamat nga sila na hindi namin pinasalita, hindi naming hinold into direct contempt. Nakita niyo naman laman ng sulat. Ang laman lang ng sulat, hindi pinayagan yung dalawa magsalita therefore hindi siya pupunta so bat naming sasayangin ng committee samantalang may mahahalagang witness at dokumento na kailangan ibigay.

INAAKUSAHAN NILA NA CIRCUS ANG HEARING PERO SILA ANG PUMIPILIT NA TO SEND CLOWNS AND TO MAKE FUN OF THE HEARING NA HINDI NAMAN KAMI PAPAYAG.

Wala kaming problema kung saan mapunta yung committee, mapunta sa inosente ang Bise Presidente, mapunta sa guilty siya, mapunta sa mga batas na kailangan baguhin pero hindi naman kami papaya na wasakin nila at gawin nilang political na circus. Inaakushan nila na circus ang hearing pero sila ang pumipilit na to send clowns and to make fun of the hearing na hindi naman kami papayag.

I think we will agree on bad precedent. He will be a bad president. In fact, he will be worse than GMA dahil at least si GMA, in one sense or the other, sinasagot yung ibang issues. Hindi sinasabing politika lang yun. Paano magiging precedent eh yung Vice President eh meron nang President no, si Vice President Noli De Castro dalawang beses pumunta and it was a good precedent at nasagot niya lahat ng isyu. At yung katunggali pa niya nung 2004 elections ang isang humarap sa kanya at naging maayos. Ang dating Pangulong Ramos ay humarap sa Senado, sa committee naging good precedent din so ang problema, Mr. Vice President Binay, kung walang tinatago, bakit ka nagtatago? Lahat na ng dahilan sinasabi mo para hindi pumunta pero lahat ng dahilan, yun din ang tinitira mo dati kay President Arroyo. Ako nga nagtataka kung reversal si VP Binay ngayon, nung VP Binay na anti-GMA. Panahon ni GMA, parati niyang sinasabi respetuhin ang Senado, sagutin ang tanong at pumunta. Ngayon, ayaw na niya pumunta. Panahon ni GMA, sabi niya magbubuo ng law group at lahat ng ebidensya laban kay GMA ay bubuuin niya ay siya ang kakaso kay GMA. Ngayon ang sinasabi niya, kawawa naman ang dating Pangulo at nawala bigla lahat ng ebidensya, hindi lang nawala lahat (cut - mic problems).

NAKIKITA NI VICE PRESIDENT BINAY ANG 2016 AS HIS GET OUT OF JAIL CARD. TINITIGNAN NIYA ANG GREAT ESCAPE NIYA, ANG PAGIGING PRESIDENT.

Hindi lang nawala yung sinasabi niyang iniipon na ebidensya, hindi na niya pinresent. So makikita niyo ang pagkilos ng ating Bise Presidente ay hindi naaayon sa kung anong totoo, hindi naayon sa hustisya pero para sa kanya, isang kampanya na ito na normal naman, bakit? Kasi ang Ombudsman ay may proseso so gusto ng Vice President pabagalin ito kasi pag nagging Presidente siya, may immunity from suit at hindi na siya pwedeng kasuhan at pag hindi siya pwedeng kasuhan sa loob ng 6 years, 10 hanggang 11 sa 15 Supreme Court justices, siya magaappoint.

So actually, nakikita ni Vice President Binay ang 2016 as his get out of jail card. Tinitignan niya ang great escape niya, ang pagiging president. Kung dati ambition niya lang ito dahil gusto niya may maging Presidenteng Binay or kung meron man siyang konting ambisyon sa ating bansa, pero ngayon nakikita niya ito ring ang pagtakas niya sa hustisya kasi ang bibigat na ng mga ebidensya at yung sinasabi niya na sa media at sa tao siya magpapaliwanag eh bakit ayaw niyang magpaliwanag? Halimbawa, simpleng tanong, bakit yung dalawng building na lumbas, doble o triple ang lumabas sa presyo ng mga ibang building. Ang sagot niya, mas mura ang private sa public eh lahat ng engineer at lahat na ng arkitekto na pumunta sa Senate ay umamin na hindi dapat mas mahal ang public buildings.

Pangalawa, sinabi niya binenta niya ang kanyang farm sa AgriFortuna eh bakit kay Laureano Gregorio napunta. Sabi niya kay Mr. Tiu ito, bakit hanggang ngayon ang mapakita lang ni Mr. Tiu isang one-page unnotarized MOA. Kung titingnan mo bahay ni Mr. Tiu or lahat ng iba't iba niya ari-arian, tingin niyo walang deed of sale yun? Tingin niyo MOA lang yun na walang notaryo? Si Atty. Subido, law office nila, tingin mo lahat ng kliyente nila na inaadvise nila na one-page MOA eh wala nang kukuha sa law office nila kung ganyan. Saan naman kayo nakakita na sinasabi niyang sa kanya farm, complete take over pero ang nagbabayad pa rin ng kuryente ay ang AgriFortuna using the same bank and using the same account that they used before.

EH DI WAG KANG HUMARAP SA AMIN. PUMIRMA KA NG ISANG WAIVER NA PUMAPAYAG NA BUKSAN ANG MGA BANK ACCOUNTS, MALAMAN TALAGA NATIN KUNG YUNG 13 PERCENT AT YUNG IBANG LAGAYAN SINASABING KALAKARAN AT SISTEMA KUNG TALAGANG NAPUNTA SAYO.

To solve all of these, halimbawa kahit ano sabihin natin ayaw humarap ni Vice President, eh di wag kang humarap sa amin. Pumirma ka ng isang waiver na pumapayag na buksan ang mga bank accounts, malaman talaga natin kung yung 13 percent at yung ibang lagayan sinasabing kalakaran at sistema kung talagang napunta sayo. Pumirma ka ng isang document na sinasabi here and abroad basta's nasa panglan mo ay pinapayagan mo na buksan eh wag na nga sa pangalan ni Ebeng o ni Limlingan pero naka-joint kahit sayo, payagang buksan kasi buo ang impormasyon na pag nabuksan yung mga bank accounts ni VP Binay, makikita na yung sinasabi niyang mayayaman o sobrang yayaman, lalabas at lalabas na ang bilyonaryo sa mga presidentiables ay walang iba kung hindi si Jojo Binay.

Ang sabi nila magpaka-lalaki or anong sabi nila? Magpaka-lalaki or... sige. I think ang test ng pagiging lalaki at tayong mga may asawa knows this, is being able to face your accusers. Pag ikaw ay naaakusahan at alam mong hindi ka guilty, sagutin mo. So rather than challenging me to waste my time and file cases against them ay bakit hindi sila kausapin masinsinan si VP Binay na sumagot ka naman, boss. Ke sa speech yan or sa media o mamili tayo ng matibay na investigative journalist, sila ang magtanong ng tanong. Eh ang problema, ang gusto niya parati, drama, magmamakaawa, sasabihin mayayaman, kulay ng balat mo, etc. Pero ayaw naman sagutin yung mga issues na matitindi at yung mga dokumento. So kung ang test ng pagkalalaki para kay Mr. Bautista o kay Mr. Tianco ay kung whether magffile kami ng kaso o hindi, naawa ako sa kanila. Kasi I don't think that's the test ng pagkalalaki or pagkatao. Ang test ng pagkatao ay yung character, pananampalataya mo sa Diyos, pananampalataya mo sa society, pagsunod mo sa batas at pag ikaw ay inakusahan, haharapin mo but baliktarin natin, I dare you to show up sa committee at magwala kayo ulit, tingnan natin kung hindi kayo ikulong ng committee.

Ang problema, salita kayo ng salita alam niyo naman kung ano ang batas pero ang role niyo naman sa Vice President eh manggulo lang. Kung gusto niyo tumulong para patunayan na tama yung sinasabi ng Vice President, mali kami, you're welcome. Pero yung manggugulo lang kayo, masyado nang magulo sa Pilipinas, bakit pa kayo makikihalo?

YUNG BINIBINTANG SA AMIN NG MGA BINAY AY MINAMANI-OBRA NILA. SILA DIN ANG NAGMAMANI-OBRA NA HINDI MAGATTEND YUNG IBA PATI YUNG MGA KAKAMPI NILLA.

Very clear yung statement, you need authority from the Vice President and number two, you need the personal knowledge, ibig sabihin magwwitness ka. They were coming there as spokespersons not as witnesses. Tingnan niyo ang aking statement from the first time, nung pinayagan pa lang ni chairman Pimentel si JV diba against ako nun? Sabi ko, Mr. chairman, only if pwede ako magtanong sa kanya and it's of his personal knowledge kasi kung hindi marami namang ibang venue para sabihin nila yung gusto nilang sabihin. Pero para gamitin nila yung committee para sirain lang yung committee, what's the sense? Eh nillive niyo din naman, pini-pick up niyo rin naman sinasabi niya pero bakit niya gagamitin ang pera ng bayan para lang makuha opinion nila eh 100 milyon ang Pilipino. If we will accept Mr. Bautista or Cong. Tiangco if they will take an oath and then personal knowledge and then may relevance dito sa investigation. Ibig sabihin, alam nila of their personal knowledge kanino yung farm na yun. Alam nila kung tunay yung accounts na yun o hindi pero kung magkkwento sila para sa Vice President, eh useless o yung propaganda sasabihin nila, bakit pa?

Eh kung ganun ang magiging precedent ng aming... dun magagamit yung sinabi ni Vice President na bad precedent. Hindi ba bad precedent na kahit sino pwede magsalita sa imbestigasyon lalo kung ang gagawin titirahin lang? Diba paulit-ulit sila bakit naming hindi i-cross examine yung ibang witnesses, bakit kami lang ba senador? Diba marami ding kakampi si Vice President? Siya din ang nagsabi wag kayo magattend, bakit? Kasi pag cino-cross examine si Vice Mayor Mercado, lalong nagiging credible dahil nasasagot samatalang kami pag cino-cross examine si Mr. Tiu, lalong nabubuking na ginamit lang siya at nilagay sa pangalan niya pero sa mga Binay ang pagmamayari ng hacienda.

So yung binibintang sa amin ng mga Binay ay minamani-obra nila. Sila din ang nagmamani-obra na hindi magattend yung iba pati yung mga kakampi nilla. Sila din naman ang... I'll stop there out of courtesy sa ibang mga kasama pero kung gusto nila na may mag-cross examine sa iba, eh trabaho pa ba naming ni Senator Trillanes na lahat ng witnesses, diba? So katulad kahapon may isa o dalawang witness dun na hindi ko alam kung anong sasabihin pero wala akong tanong para sa kanila. So kasalanan ko pa ba kung hindi ako magtanong sa kanila? Bakit hindi ipadala ni VP Binay mga kakampi niya? Because, kahit anong cross examine sa nagsasabi ng totoo, lalabas at lalabas ang katotohanan. Samantala yung nagsisinungaling, palalim ng palalim.

By the way, habang naghhearing, patuloy na nagsisinungaling si Mr. Tiu. Pauli-ulit siya the night before, sa DZMM and then sa ANC, 2:50 pm kasi pumunta ako sa lounge, nagrestroom habang naghhearing at sinasabi niya pinadala niya daw mga dokumento. Ang sinubmit pa lang niyang dokumento yung one-page MOA na pati yun kayo witness na dapat nung araw niya pinadala, pinadala daw niya hindi daw niya maintindihan kung bakit di natanggap and it took him another one week para ipadala. Pero lahat nung iba na confident na confident siya na yung appraisal, yung due diligence, yung ibang mga dokumento na pinromise niya, yung 70 percent ng mga titulo at mga tax dec na nakapangalan na sa Sunchamp, hindi niya maproduce pero sa media, tahasan at deretsuhan niya sinasabi na nasubmit na niya.

MARAMING UMAANGAL SA BUSINESS PRACTICES NIYA KAYA NAGTRY SIYA KUMUHA NG SYMPATHY DAHIL MALAKING ISSUE ANG KIDNAPPING.

So makikita mo gano kasingungaling even yung siraan ako sa Filipino-Chinese community. Nakita niyo naman, I never made fun of kidnapping. I never even brought up the topic. Ang nagbring up ng topic, siya kasi alam niya na maraming nasasaktan sa kanya sa Filipino-Chinese community. Maraming umaangal sa business practices niya kaya nagtry siya kumuha ng sympathy dahil malaking issue ang kidnapping at dapat malaking issue ang kidnapping dahil sila ang primary target but it wasn't me who brought it up, it was him.

Makikita mo kahit ano gagawin ng tropang Binay malihis lang yung isyu pero bakit yung simpleng isyu na overprice ba yung parking building, overprice ba yung Science High School, yung bang Hacienda Binay ay sa inyo, bakit hindi nila masagot ng deretsuhan? Hopefully, hindi umatras si Vice President sa debate kasi pabago-bago siya sa petsa eh. Nung una, napaka-adamant nila na sige debate, gawin na natin ito and then palipat lipat sila ng date. Ang problema kasi sa survey nakatingin si Vice President. Pag mataas sa survey at tingin niya panalo pa rin siya, wala siyang sasagutin. Pag bumaba sa survey at tingin niya kailangan magsalita, magsasalita siya. Yan ba ang klase ng lider na gusto natin na imbis hustisya ang batayan, survey ang batayan?

Si VP Binay mismo nagsabi eh na ang isang witness na hindi cino-cross examine walang value but having said that, we will be fair, titingnan naming yung logic ng affidavit. Halimbawa kung nakalagay sa affidavit na peke yung mga account na yun pero may nakakabit na waiver na pinapayagan niya yung bangko na tingnan, susundan ko yung ebidensya na yun. So kahit wala siya, kung yung affidavit ay may ebidensya or merong lead, susundan ko yun in pursuit of truth kasi ang hinahabol natin katotohanan, hindi siya. Pero kung ang nakalagay sa affidavit panay general statements katulad kahapon, pinayagan naman silang magsubmit ng affidavit, bakit hindi nila sinubmit? Yung sulat nila hindi binasa pero binasa naman ng iba't ibang mga broadcasters.

So anong problema nila? Unless ayaw talaga nilang sumagot kahit anong mangyari. Ang problem kasi parang crisis management eh, hindi nila tinitignan kung anong totoo, anong tama at mali. Sa bata, sa elementary o high school, tinuturo natin tama at mali, black and white, o tinuturo natin sa kanila crisis management, tingnan muna natin survey bago sumagot. Ang problema hindi lang bad precedent, bad example ang Vice President hindi lang sa politika, hindi lang sa mga batang lider, kung hindi sa ating mga estudyante.

I RESPECTFULLY DISAGREE IT'S TIME TO WRAP UP THE HEARINGS BECAUSE MARAMI PANG EBIDENSYA AT MISMONG ANG CITY OF MAKATI OFFICIALS ANG HINDI NAGSSUBMIT.

Well, I agree with Senator Miriam 99 percent of her comments. She is a legal luminary. Siya na nagsabi na yung mga... I agree 99 percent yung sinasabi ni Senator Miriam na humarap dapat si VP na pwedeng gamiting ebidensya ang social media posting pero I disagree that it's time to, I respectfully disagree it's time to wrap up the hearings because marami pang ebidensya at mismong ang city of Makati officials ang hindi nagssubmit. Apat o limang building ito. Importante ito dahil it will show a pattern and it will show that if it can be done in Makati, pwedeng gawin sa the rest of the country. So, gusto ba natin na matuto ang ibang lugar sa Makati na pwedeng magoverprice sa Makati na hindi sila pinananagot sa ilalim ng batas?

Para sa akin, total mahigit 50 percent na tayo pero wala pa tayo sa 70-80 percent ng hearing, sundan natin yung ebidensya, let's do it professionally and fairly pero tapusin natin ng pulidong pulido yung imbestigasyon para pagka-finile ang report, ay walang makapagreklamo sa kahit anong side.

It really depends sa lalabas na mga ebidensya and it really depends sa issubmit. Ang problema kaya tumatagal, hindi nag-a-attend yung mga resource persons. Isa pang indikasyon yun ng guilt of pagtatago ng Vice President, bakit tinatago nila si Ebeng Baloloy, si Mr. Limlingan and even Tomas Lopez? Can you imagine si Tomas Lopez eh trustee pa naman ng PagIBIG tapos ayaw magappear sa committee? Pero ang mabigat dito na siguro yung mensahe ng pangulo na sinasabing magisip na yung Vice President kung kakampi o kalaban lalo sigurong bibigat ang damdamin ng pangulo pag nalaman niya na even during his term, itong tuwid na daan, ay mukhang may nangyayari sa kanyang administration sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Binay kasi itong kataka-taka kung bakit itong OMNI ay nakuha yung security at tsaka janitorial works sa PagIBIG na yung asawa ni Tomas Lopez ay isang director sa OMNI at si Tomas Lopez ay isang trustee sa PagIBIG at pagkatapos, ipinakita sa committee na itong OMNI ay isang dummy corporation na ang may-ari talaga ay mga Binay.

HINDI SAPAT ANG MAGRESIGN O I-FIRE, TALAGANG DAPAT KASUHAN AT DAPAT MANAGOT ANG VICE PRESIDENT.

Kung ako man ang president, napakasakit na yung tuwid na daan tapos isang appointee mo ay gagawa nito. That's why I think, isang senyales yun na hindi lang magresign, kulang ang pagrresign eh kung totoo na pati sa pagiging HUDCC chairman ay may anomalya, hindi sapat ang magresign o i-fire, talagang dapat kasuhan at dapat managot ang Vice President.

Ako'y naniniwala na ginagawa ng kampo ng Vice President lahat para ma-divert ang issue. Having said that, eh kahit naman manood ka ng news parati namang hindi lang naman isa ang news so multiple probes for me I've never had a problem with that. Ang sinasabi lang namin, wag nila i-expect na iisang grupo lang ng senador ang magiimbestiga sa lahat dahil pare-pareho kaming may mga responsibilidad. For example myself, as majority leader, I'm preparing for the budget hearing dahil ang role ko ay hindi lang mapapasa ang budget pero siguraduhin na yung budget ay inclusive ang growth. But I'm open, ang opisina ko ay bukas kung merong whistleblower sa ibang mga issues open tayo. Nagtataka lang ako sa UNA bakit tinutulak ng husto yung Iloilo Convention Center pero sa budget hearing sa House miyembro naman sila, si Congressman Tiangco, bakit hindi kinwestyon yung DPWH tungko sa Iloilo dun?

In that sense, siguro, pwedeng isipin nung iba na diversionary kasi may paraan naman kung paano imbestigahin ito sa House of Reps, hindi ginagawa ng mga taga-UNA at pagkatapos ang Senate ang tinutulak na gawin ito. But ako I'm waiting for the preliminary findings. Katulad sa Makati bago ako pumasok dito, sinilip ko muna kung may dahil na tingnan yung overprice. Ang problema sa convention centers, walang standard o walang libro na nakalagay yung mga presyo kaya mas mahirap. Pero kung yan ay hotel o office, school building, sa isang tingin pa lang makikita na natin kung overpriced o hindi.

Thank you. Have a good weekend, everybody. Happy birthday to our colleague! Siya ang taya this afternoon.

News Latest News Feed