Press Release
November 12, 2014

Transcript of DZBB's interview with Senate President Franklin M. Drilon

Mike Enriquez: Hinggin lang namin ang reaksyon ninyo sa panawagan ni Pangulo na tapusin na at huwag pautay-utay ang paglalabas ng ebidensya laban kay Bise Presidente Binay at kasuhan ang dapat kasuhan at absweltuhin ang dapat absweltuhin.

Drilon: Syempre papakinggan natin, ngunit yung pagpasya kung sapat na yung nalikom na materyales at testimonya ay nasa sub-committee chairman at sa mga miyembro nito. Hindi natin pwedeng itigil na tayo lang dahil iyan ay dapat pagbotohan ng komite kung sa tingin nila ay sapat na ang kanilang ebidensya. Narinig ko sa interview ninyo kay Senator Trillanes at sinabi niya na gagawa na sila ng committee report sang-ayon doon sa Makati Building 1.

Enriquez: Pero may lima pa raw na building. At kasasabi niya lang ay posibleng hanggang Mayo 2015 pa dahil marami pang kailangang maungkat diya. Ano po ang reaksyon ninyo diyan?

Drilon: May karapatan po ang bawat senador na suriin ang anumang issue na nakaharap sa komite. Dito po sinasabi ng komite na mayroon pang ibang building na kanilang ibig tingnan. Iyan po ay karapatan at kapangyarihan ng komite.

Enriquez: Nakwento ninyo sa media na tumawag si PNoy para iparatingyung request ni Bise Presidente na kung pwede tapusin o itigil na yung imbestigasyon. Ito na yung panawagan niya na yun noong nandoon siya sa China?

Drilon: Ang sa aking lang po, nang tinawagan akong Pangulo, ang sinabi lang niya ay ipinaabot ko yung hinhiling ni VP Binay na itigil na yung imbestigasyon sa Senado. Ang sagot ko naman ay wala po akong kapangyarihan na pigilin ang imbestigasyon. Nasa committee chair po iyan, kay Senator Pimentel at sa mga kasamahan niya sa komite.

Enriquez: Ang sabi niya po ay pinaparating niya sa inyo yung kahilingan ni VP Binay. Hindi niya kayo tahasang sinabhina na Mr. President, pwede bang bilis-bilisan ninyo iyan?

Drilon: Hindi po Mike. Basta ang sinabi lang niya ay ipinapaabot niya yung kahilingan ni VP Binay.

Enriquez: Papano ngayon matapos gawin ni PNoy ang panawagang ito. Pupulungin ninyo ba si Senator Guingona o pararatingin ninyo ito ng pormal? Papaano ba yung susunod nahakbang o pangyayari na dapat nating asahan. Pero nilinaw ni PNoy na hindi siya nakikialam sa isang co-equal na sabangay ng gobyerno.

Drilon: Alam mo, si Pangulog Noynoy ay dating senador din. Alam niya yung patakaran, yung kultura sa Senado. Sigurado ako naririnig din ni Senators Guingona at Pimentel yung sinabi ni Pangulong Noynoy, hindi ko na po kailangan ulitin pa dahil iyan po ay public knowledge. I am sure they will consider that in the process of their decision making.

News Latest News Feed