Press Release
November 21, 2014

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SEN. ALAN PETER CAYETANO

PAANO NATIN MALALAMAN ANG BUONG KATOTOHANAN? I THINK YUNG SINABI MISMO NI VICE MAYOR MERCADO NA DUMATING SI VICE PRESIDENT, MAGHARAPAN SILA, ISANG NAGA-AKUSA, ISANG SASAGOT.

ASC: First of all, kasama naman talaga si Mercado sa imbestigasyon eh. From the start, umamin siya na kumita din siya at aprte siya ng sistema. Kaya nga siya tinatawag na whistleblower. Walang kaibahan it okay Benhur Luy, wala din itong kaibahan kay Jun Lozada na nagsabing sila ang magsisiwalat ng sistema [inaudible]... Ang mga myembro na kakampi o kasama ni VP ay ang mismong hindi naga-attend na sana ay nagko-cross examine din kay Mr. Mercado. But again, dini-distract nila ang issue eh. Ang issue dito is whether or not nagnakaw ang mga Binay, whether or not in-overprice, whether or not sa kanila ang ill-gotten wealth. Paano natin malalaman ang buong katotohanan? I think yung sinabi mismo ni Vice Mayor Mercado na dumating si Vice President, magharapan sila, isang naga-akusa, isang sasagot. Tapos yung kabila naman ang maga-akusa, yung kabila naman ang sasagot. Pwede namang maging observer na lang ang mga senador, dahil fact finding naman kami. Kapag sila naman ang nagsagutan, basta't sundin lang nila ang proper decorum at yung chairman ang i-address nila, malalaman natin ang katotohanan.

But let us assume, for the sake of argument, na totoong may mga hindi nae-explain si Vice Mayor Mercado. Uulitin ko ang tanong ko. Si Vice President Jojo Binay, corrupt ba o incompetent? O pareho? Mr. Vice President, are you incompetent, are you corrupt, or both? Why do I say this? Everyone knows na ang nagdedesisyon sa city hall ay isang mayor at hindi vice mayor. So dalawa lang yan. Kung sinasabi mo na napakaraming ari-arian at sinasabi mong corrupt si Vice Mayor Mercado, dalawa lang yan. Siya ang front mo, pinayagan mo siya at kasama mo siya, meaning corrupt ka. Or, sa ilalim ng sarili mong mata, sa ilong mo, hindi mo alam ganun na kalaki ang ninanakaw. Tapos kapag nakalaban mo, saka mo lang sasabihin na corrupt siya? Diba ikaw na din ang nagsabi, hindi lang kinuha ang anak mo na vice mayor kaya hindi kayo natuloy, kung hindi, hanggang ngayon, magkasama pa kayo. So kung ikaw maging presidente, ganito din ba ang patakaran mo? Na di bale nang magnakaw ang lahat ng mga cabinet members, at di bale nang magnakaw ang lahat, basta't ang sasabihin mo hindi ikaw yun?

So, kahit anong sabihin ng Vice President ngayon, pananagutan niya ang pagiging mayor ng Makati. Hindi natin sinasabi na lahat ng corruption doon ay kasama niya. Pero kung ganun kagarapal ang overprice, tapos sasabihin niya walang overprice, anong ibig sabihin nun? Alam niyo, kapag naging Pangulo si Vice President Binay, dodoble ang halaga ng mga pagawaing bayan sa ating bansa. Kasi ang isang Science building na P300-500 million, sinasabi niya tama ang presyo sa P1.3 billion. Yung carpark na sinasabing kalahati lang ang presyo, sinasabi niya tama lang ang presyo sa P2.4 billion. So kung sinasabi niyang tama, yun pa din ang gagawin niya. Pero, alam niyo, kapag naging Presidente ang Vice President, magkaka-shortage tayo ng classrooms, ng ospital, ng health centers kasi kung totoo ang sinasabi niya na walang overprice, paano yun, doble o triple ang presyo? That is why, lahat ito masasagot lang at mabubuko na siya ay nagsisinungaling or mapapatunayan na may dahilan kung bakit mas mahal ito kung siya ay makikipagharapan sa mga naga-akusa sa kanya. So ayaw niya sa committee, ayaw niya sa debate kay Trillanes, pero panay ang akusa niya kay Mercado. Bakit hindi niya harapin si Vice Mayor Mercado?

Tatlo lang naman kaming nasa subcommittee at nagusap-usap naman kami na kahit ano basta lumabas lang ang totoo. So kung bibigyan lang ng dalawang silya tapos aayusin, ito lang ang mga pag-uusapan, itong buildings na ito, pangalawa, itong properties na ito, ito ang akusasyon, ano ang sagot ni Mr. Vice President, ito ang akusasyon kay Vice Mayor Mercado ano ang sagot? So vice versus vice. Malaman natin kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang mabisyo talaga sa dalawang vice.

AKO AY NANINIWALA PA DIN NA ITUTULOY PA DIN NILA ANG AYAW SUMAGOT, AYAW SUMIPOT, AYAW MANAGOT. SURVEYS PA DIN ANG TINITINGNAN NILA, HINDI KUNG ANO ANG TOTOO AT ANO ANG HINDI TOTOO.

We can accommodate naman, huwag lang during the budget hearing. Matatapos na ang budget hearing, at sinabi naman ni Vice Mayor Mercado, he will make himself available. Ang problema, may drama team na ang Vice President Binay. Kunyari papayag siya, and then may dalawa o tatlo na sasabihin dapat huwag, then ang pamilya sasabihin dapat huwag, and then maghahanap ng dahilan, then hindi din tutuloy. Ako ay naniniwala pa din na itutuloy pa din nila ang ayaw sumagot, ayaw sumipot, ayaw managot. Surveys pa din ang tinitingnan nila, hindi kung ano ang totoo at ano ang hindi totoo.

[ON ACCUSATIONS AGAINST MERCADO] LET HIM BE THE ONE TO ANSWER.

Let him be the one to answer. Kasi, from the start sinabi naman niya na kasama naman siya sa kalakaran. Pero tingnan natin, katulad din naman ni Mr. Tiu, nag-appear doon, na-cross examine, so madali naman itanong kay Mr. Mercado eh, "sayo ba o hindi?" Katulad doon sa condo, sinabi na ni Mr. Mercado mas maganda kung sabihing sa kanya kasi ido-donate na lang niya. Kung sa kanya talaga, bakit niya binulgar?

Alam mo, the more that he gives details at the more na ilabas niya itong mga ito, mas pinapakita na credible ang witness kasi kapag marami kang detalye na pinakita, mabutasan ka lang once, sasabihin sinungaling ka na. ano ang mage-gain niya? Right now, Mercado can say, "I have said enough, I will shut up." Pero he is doing the country a service na tinutuloy-tuloy niya ang alam niya. Ang problema, hindi naman sinasagot ng mga Binay. Ang problema kasi, ang kampo ng mga Binay, may spy everywhere. Isipin niyo, hindi pa naman ilalabas ang condo nay un, may sagot na sila bago pa nung hearing. Paano nila malalaman yun? Sino sa mga ahensya ng gobyerno ang mag-iimbestiga nito na nakuha nila ang impormasyon? So makikita mo, hindi patas talaga ang paglalaban ng grupo ng mga Binay. But still, the truth is the truth. Hindi mo mababali yun. Bakit nagtatago si Ebeng Baloloy, bakit nagtatago si Gerry Limlingan, bakit nagtatago si Gregorio Laureano, kung walang tinatago? Si Vice Mayor Mercado, hindi nagtatago. In fact, sinasabi pa niya sa ibang alleged dummies, lumabas naman kayo. Si Binay, hindi lumabas kayo, magtago kayo.

Palagi namin siyang tinetest [Mercado]. But remember, ang pag-test mo naman kasi sa isang witness, hindi lang naman sa kanya, sa iba. Like si Jun Lozada, nung may sinabi siya, yung mga secretary ang tinanong namin para malaman kung totoo ang sinasabi ni Jun Lozada. Si Benhur Luy, nung may sinabi, tinanong namin ang iba. So the credibility of Vice Mayor Mercado is continually being tested. Not only by the committee, the people, dahil naka-live ito, DOJ, Ombudsman. Hindi gagamitin ng Ombudsman o DOJ ang mga witnesses na ito kung walang credibility. Makikita mo ang pinakacredible talaga na witness ay yung kasama. At inaamin naman niya na kasama. Ang problema, ang sinasabi ni Vice President, siya lang yun. Paano mo naman magagawa yun na ikaw lang? Di lahat na ng corrupt sa Pilipinas, tatakbo na lang ng vice? Wala nang tatakbo ng governor, ng mayor, ng presidente, vice na lang lahat kasi pwede naman palang gumawa ng kalokohan na ganun kalaki ang vice na hindi kasama ang mayor.

MERCADO PUT HIMSELF IN DANGER BY DOING THIS. ANG POINT IS, READY SIYANG SAGUTIN YUN, COMPARED KAY VICE PRESIDENT NA ANG SAGOT PALAGI AY TINUTURO ANG IBANG TAO.

Pwedeng mawala ang immunity niya. Ang immunity is based na magwi-witness siya na kailangan ang testimony niya ay totoo. Pero kung hindi, konti na lang na ebidensya ang kailangan mo dahil in-admit na niya na kumukuha din siya. Kaya nilagay niya ang sarili niya sa kapahamakan. He put himself in danger by doing this.

Ang point is, ready siyang sagutin yun, compared kay Vice President na ang sagot palagi ay tinuturo ang ibang tao.

Vice Mayor Mercado never said na hindi siya nakinabang diyan. Sinabi niyang nakinabang. So kung sinasabing malaki ang pakinabang niya, i-analyze natin kung ano ang kinuha niya, ano ang legit, ano ang isosoli sa gobyerno. But let us be very honest with ourselves? Kakayanin ban g Vice Mayor na gawin yun nang walang go-signal ng mayor? Unless sobra talagang incompetent ng mayor na hindi niya alam ang ginagawa. Kasi kailangan mo ng cooperation ng lahat ng department heads, eh. Lahat ng department heads sa Makati, alam na kapag nagsalita si Vice Mayor Mercado, parang nagsalita na din si Jojo Binay.

[Idedemanda daw ni VP Binay ang mga tumawag sa kanyang magnanakaw] Paano yun, siguro kung mga lima hanggang sampung milyong Pilipino, may tumatawag na sa kanyang magnanakaw? Pero, kawawa naman ang ating mga kababayan na ginagamit ang Facebook para tawagin siyang magnanakaw. Huwag niyo na siyang tawaging magnanakaw para hindi na kayo makasuhan. Tawagin niyo na lang na corrupt.

HINDI NAMAN KAILANGAN AKO ANG MAGTATANONG [KAY VP BINAY]. HINDI NAMAN KAILANGAN SI SEN. TRILLANES. PERO KAILANGAN... UNDER OATH... MAY PERSONAL KNOWLEDGE... [AT] MAY MATIBAY NA FOLLOW UP.

Facilitators na lang kami. Kasi diba, kung titingnan mo, kahit sa US Congress, kung saan natin ginaya ang sistema natin, fact finding talaga siya, lalo na kapag tagung-tago ang secret. Isang halimbawa diyan, yung kay Oliver North, yung sa Iran contract. Hindi malaman kasi maraming confidential sa mission, pero sa Kongreso lumabas. Ganun din sa impeachment, halimbawa, na binibigyan ng question si President Bill Clinton. Pwede namang mag-facilitate na lang kaming tatlo, sasabihin nab ago pa mag-ano, ano yung issues, limang tanong, sasabihin ni Vice President, ito ang limang akusasyon niya kay Vice Mayor, sasabihin ni Vice Mayor, ito ang lima niyang akusasyon. Pasagutin natin pareho, na ikaw naman o ikaw naman. As I have always said, hindi naman kailangan ako ang magtatanong. Hindi naman kailangan si Sen. Trillanes. Pero kailangan, number one under oath, number two, may personal knowledge, number three, may matibay na follow up. Kung gagawin diyan ay presscon, tapos one or two questions, tapos kapag hindi niya gusto ang tanong, palalagitan niya ang reporter katulad ng ginawa niya sa Cebu, paano naman natin malalaman ang katotohanan? Pero sa isang debate, or isang hearing, lalabas at lalabas kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Kaya ko pinakita ang debate nila ni Bayani Fernando. Kasi doon, makikita mo at ma-analyze ng tao. In fact, sa abroad, kapag may eleksyon, meron silang truth meter. After the debate, nire-research mismo ng mga network kung sino ang nagsabi ng totoo at sino ang hindi, and then sinasabi whether truth yun or false.

ANG PROBLEMA NGAYON, KAPAG IKAW ANG NAG-WHISTLEBLOWER, IKAW PA ANG PAGI-INITAN, MAWAWALAN KA PA NG TRABAHO, WALA KANG KASAMA...

Kasama yan sa present na batas natin, is it weak or strong enough, hindi lang kay Vice Mayor Mercado. Pati kay Benhur Luy, pati kay Jun Lozada. Kasi ang pinag-uusapan diyan palagi tatlo, what kind of immunity will you give, total ba o transactional? Ibig sabihin, paano kung sampung krimen ang kasama siya, tapos dalawa lang ang inamin, so ang immunity mo bas a lahat o sa dalawa? Hindi lang kay Vice Mayor Mercado, yan ang tinitingnan natin sa batas. Pangalawa, may isosoli ka ba? Hindi ba yan ang question kay Ruby Tuason, kaya nga pinagsosoli siya ng P50 million, but P50 million lang ba talaga ang nakuha? Number three, ito ang mabigat na question, anong message ang pinapadala nito? That is why, sa ating present na batas, ang tingin ko, dapat hindi natin baguhin, hindi pwedeng maging state witness ang pinaka-guilty. Kasi kaya ka nga binibigyan ng immunity para isumbong mo at ilabas mo ang lahat, pero hindi pwede ang pinaka-guilty. At pang-apat na kulang sa ating batas ay ang reward sa whistleblowers, kasi sa lahat ng ahensya siguro, maliit man o malaki ang anomalya, may nangyayari. So paano natin irereward ang mga tao na sasabihin ang katotohanan, especially now na wala pa tayong FOI. Ang problema ngayon, kapag ikaw ang nag-whistleblower, ikaw pa ang pagi-initan, mawawalan ka pa ng trabaho, wala kang kasama, tapos nakikita niyo naman ang nangyayari. Kami, nagi-imbestiga lang nga kami hindi kami whistleblower, pero iba't bang klase ng paninira ang abot namin pati aming pamilya, pati safety namin nako-compromise. So kung ang isang COA commissioner ay kayang pasukin ang bahay, kung ang vault ng COA ay kayang buksan, imagine-in niyo poi to. Vice President pa lang yan. Nung panahon ni President Marcos at ni President Macapagal-Arroyo, marmai din tayong nababalitaan kung paano ang mga kritiko ay trineat.

TINABANGAN AKO PAG-USAPAN ANG PULITIKA KASI NILI-LINK NILA YUNG HEARING NA ITO SA PAGTAKBO SA 2016... NADI-DISTRACT LANG AKO SA IMBESTIGASYON AT SA TRABAHO KO SA SENATE RIGHT NOW.

Personally, ako tinabangan ako pag-usapan ang pulitika kasi nili-link nila yung hearing na ito sa pagtakbo sa 2016. At alam niyo, bagamat anti-graft ay isa sa pinakamalaking issue, it is not enough that you are anti-graft or lalabanan mo ang corruption. Kailangan you know how to build the country, build the economy, bigyan ng trabaho ang bawat tao. So sa akin, na-compartmentalize ko na, parang tapusin ko muna ang hearing na ito, saka ko iisipin yung pulitika. At even nung mineet namin ang NP para lang maiwasan ang tampuhan, we agreed to disagree. Kasi meron talagang galit na galit sa ginagawa ng Vice President, meron namang galit sa ginagawa namin, dahil kakampi na sa Vice President. Merong gustong magcoalition sa LP, merong gustong mag-coalition sa UNA, merong gustong ang patakbuhin taga-NP. So nadi-distract lang ako sa imbestigasyon at sa trabaho ko sa Senate right now. Aaminin ko, ipokrito ako kung sasabihin kong wala na ang pangarap ko maging pangulo. Pero kumbaga sa isang athlete na maraming sasalihan na sport, I am not training for that specific event right now. Gusto kong tapusin ito, that is why, sa akin, kung magpapakita lahat, mara-wrap up natin ito nang siguro February. Gusto ko sana January, pero dadating ang ating mahal na Santo Papa. Siguro nakakahiya naman sa ating mga kababayan kung instead of being a sacred time, hearings are going on. So maaari talagang umabot ng February o March itong imbestigasyon. After that time, siguro we will have more than one year pa before the election, biglang papasok yan. But sa ngayon, all possibilities are there. Kasi, yung political parties natin are not that strong idealogically, kaya mas madaling magkaroon ng coalition o mergers. It is all coffeeshop talk until now. Unang una, walalng authorized. Katulad sa LP, the only one who can really talk for the LP is really the President. Sa NP, the only one who can talk is Sen. Villar, pero siya mismo ang nagsabi na mag-consensus building muna tayo. Sa UNA naman, akala ko ang Vice President ang nagde-decide pero kapag sinabi ng lahat ng tsutsuwa niya nay an ang sasabihin, sumusunod siya, so obviously, he cannot also decide for that. I am also hearing from some of the allies of the Vice President na meron din sa kampo nilang gustong tumakbo kung bababa ang Vice President.

Depende kasi, kanya-kanya kasing analysis yan. Tandaan niyo, nung '92, sa dami ng tumakbo, may balwarte ka lang, maging sektor o lugar, ibig sabihin kung Bikolano ka malakas ka sa Bicol, o kung Bisaya ka, or kaya malakas ka sa youth katulad ni Sen. Miriam... So yung iba kasi ganun ang analysis. So maraming naniniwala na hindi bababa sa apat o lima ang tatakbo sa 2016. Pero walang kaibahan yun sa Gilas na yung sa Espanya at Korea, iba talaga ang expectation mo, iba ang performance mo. Kasi iba ang circumstance sa bawat eleksyon. Maraming pwedeng mangyari. Two elections ago, iilan lang ang may cell phone. Last election, angdamig may cell phone pero iilan lang ang may smart phones. By next election, baka mahigit kalahati ng Pilipino, merong smart phone. Kung hindi mo napanuod ang news, pwede mong panuorin sa smart phone mo. So nagbabago talaga. Dati hindi ka pwedeng magtanong directly. Ngayon, dahil may technology na pwede kang mag-conferencing sa cell phone o sa computer, sa tablet, umiiba talaga. But lahat kasi ng candidate hindi naniniwala na matatalo sila. So that is why you will have a couple of candidates at least.

Lahat ng possibilities pwede. Hindi parang kasalan yan na iisa ang bride iisa ang groom, until death do us part. Sa pulitika, parag fashion. Mix and match yan kung ano ang kailangan ng bansa at a certain point in time. Pero syempre lahat gusto siya ang pang-ibabaw. Mahirap sabihin yan, let us let people finish the investigation, then siguro, middle of next year, ang tao ang magsalita. Kasi ako, bagamat matigas din ang ulo ko, tumitingin din naman ako sa surveys at nakikinig din ako sa sinasabi ng tao. Ako, hindi ko binubura kapag may negative na nakalagay sa Facebook ko, binabasa ko din. minsan, halatang planted ng sa kabila, pero minsan, gusto ka din kaya lang hindi gusto ang ginagawa mo. So you just have to have an open mind.

I think all the possibilities talaga are still there. Very dynamic ang sitwasyon. But one thing for me is clear, masyadong konti ang information ng tao tungkol sa mga kandidato. So yung 90-day campaign period napaka-ikli, kaya pagdating ng bagong presidente, palaging surprise. Eh buti kung good surprise, paano kung bad surprise? Kailangan, bago pa mahalal ang isang presidente, ang plataporma niya, ugali niya, character niya, whether or not may integridad siya, alam na ng tao.

[ON THE POSSIBILITY OF A BINAY-CAYETANO TANDEM IN 2016] UNLESS [VP BINAY] CAN CLEAR HIMSELF OF THE CHARGES, I DON'T WANT TO HAVE ANYTHING TO DO WITH HIM.

Unless he can clear himself of the charges, I don't want to have anything to do with him. I I won't even vote for him for barangay captain kung ganyan ang kanyang asta sa tao na parang isang prinsipe na hindi mo pwedeng kwestyunin. Kahit na isalin niya sa akin ang 20 percent niya at sabihin, "Alan, i-endorse kita, huwag mo lang akong kasuhan," babalik nanaman tayo sa mga panahon na it will be the revenge of the trapos. But if he clears his name, that is a different thing. So the thing for him to do is to come forward and speak.

Halimbawa, may mga bicam, syempre magtatanong ang iba't ibang partido, mya party-list, tapos may magsasalita isa, so halimbawa, may nagsalita, Mar po, so may kantyawan, magsasalita, totoo ba yan o bakit hindi si ganito, si ganyan. So because yun ang linya natin, walang kaibahan sa showbiz na sino ang nagde-date kanino. It doesn't mean it is true, until mag-confirm sila. But I can tell you, walang formal talks.

Lahat naman may gusto, dadalawa ang pwesto, isang daang milyon ang Pilipino. Ang problema kasi, kapag lumalaban ka sa graft, marami kang supporter pero marami ding galit na galit sayo. Samantalang kung mas tahimik ka na pulitiko, hindi ganun karmai ang die-hard mo, pero kokonti din ang galit sayo. So yun iba, nagtsu-choose ng... kumbaga, kanya-kanyang role.

...

[On who he wants as his running mate] Actually, someone who can change the values of our country. I will stop there muna, baka kasi mahirap, marami and everything. And if you choose kasi a running mate, you already assume na president o vice president ka. Halimbawa ang iba, kapag sinabi mong sila ang aking vice, eh pa-presidente sila, so para mo bang kunyari compliment pero actually sinisira mo kasi binababa mo sila. So I don't want to mention names muna kasi yung iba, ang gusto din nila mag-presidente muna. Parang asawa lang yan, basta't darating yan... Tingin ko, dadating na lang yan.

Yun din ang sinasabi ng iba, na huwag nang kung saan-saan tumingin, sa tabi-tabi andyan na, but as I said, focus focus. Masyadong mabigat ang mga kinakaharap natin. APEC tayo next year, kapag maganda ang presentation natin, so far, lahat ng naghost ng APEC, in the next two years, anglaki ng pasok ng negosyo. So, hosting APEC... That is why we want to finish the investigation before that kasi we want to give a very good and united front sa mga Asian neighbors natin. Alam niyo, ang ibang mga bansa are also doing well. Pero may kanya-kanyang problema. For example, Thailand, parang tayo, dati, angdami natin problema, nagtake advantage ang iba, umunlad sila. So ngayon na yung iba, of course we wish them well, but sana makahabol tayo within this time.

As of now, dahil pareho ang trust na ipakulong ang mga dapat ikulong... But ang biggest [inaudible] kasi diyan is sino ang presidente, sino ang vice. Sa Makati lang naman nangyayari ang sinasabi nilang vice ang nasusunod. Kung totoo ang sinasabi ng mga spokesmen ni Vice President, ah? Kung totoo ang sinasabi ni Vice President, di pinag-aagawan ngayon kung sino ang magba-vice, hindi kung sino ang magiging presidente.

Kasi diba, tatlo ang tinitingnan mo sa isang presidente. First, yung capability. Kasi aanhin mo nga yung sure win kung malulunod naman o babagsak ang bansa. So kailangan capable. Two, winnable din. kasi siya nga ang pinakamagaling na tao sa buong Pilipinas, hindi naman siya mananalo. Pangatlo, can build consensus, kasi kung ikaw man ang mananalo, kahit magaling ka, kung aawayin mo naman an g lahat, wala din mabubuo. Forming the team, pati ang mga senador at kabinete, mabigat yan. Parang madali lang, pero actually mabigat talaga yan. Kita mo ngayon, on the fourth year of the Aquino administration, there are problems of corruption that are coming up, isa na diyan yung sa health. And very delicate how to handle it, because kung masyado kang hard sa cabinet members, baka lahat pagresign-in meron lang akusasyon kahit gumawa ng tama. Kapag masyado ka namang malambot, baka it can send a message sa cabinet members na pwede silang gumawa ng mali. Ganun din sa coalition building kaso ang bawat partido naman may assets, may liabilities. Kumbaga sa atleta, kailangan, bago mag-coalition, drug test muna kasi baka mapasukan ka ng madi-disqualify. So yun ang mga tricky issues diyan.

...

[On Binay affidavit] It has been done personally when I was chairman of the BRC, doon ko po natutunan kay Senator Pimentel, sa father po ni Sen. Koko. Ang sabi po sa akin ng mga staff niya nun, ang problema kasi na walang affidavit tapos kapag nandoon na, baka bumaliktad o kung anu-ano ang sasabihin. Masisira ang tingin sa Senado. Having said that, we don't always impose it. Ang tinitingnan namin, yung personal knowledge. Kung ikaw ang eye witness halimbawa or katulad ni Benhur o ni Lozada na - but si Benhur may affidavit siya, although sa DOJ ang affidavit niya hindi sa Senate - kapag whistleblower ka tinatanggap kasi personal knowledge mo. So really nasa discretion ng committee yun at ng chairman. Pero sa akin, walang masama kasi kung hindi naman dapat sinusorpresa din sa tanong. Kahit naman ako willing ako magbigay ng mga tanong sa Vice President. Ang problema, baka hindi na pumunta. Walang problema naman ang questions, lahat pwedeng sagutin. Yung follow up ang mabibigat. Kasi usually, ang mga accused o mga iniimbestigahan, meron nang mababaw na sagot yan sa lahat ng itatanong mo. Yung follow up ang mabigat. So kapag sinabi kong willing ako mag-presscon pero isang topic lang, no follow up, tataas na ang kilay niyo kasi alam niyong hindi niyo magi-grill ang ini-interview niyo. So ganun din sa committee. Ang purpose talaga ng affidavit, malaman kung saang direksyon pupunta at kung kasama ba o hindi.

[ON THE ICC PROBE] WE ARE IN A DEMOCRATIC SYSTEM... [MAY] NANINIWALANG IBANG IBA ANG MAKATI SA ILOILO... YUNG IBA NAMAN NAGSASABI NA KUNG ANO ANG TRATO DUN SA OPOSISYON, DAPAT GANUN DIN SA ADMINISTRASYON.

We are in a democratic system. You will always make some people happy, you will always make some people upset. So doon sa naniniwalang ibang iba ang Makati sa Iloilo ay nagsasabing waste of time. Yung mga iba namang nagsasabi na kung ano ang trato dun sa oposisyon, dapat ganun din sa administrasyon. Ako naman, personally dahil DPWH ang gumawa nun, pwede kasing tanungin sa budget hearing yun. Makikita mo, katulad nila Congressman Tiangco, ng grupo nila, hindi naman tinanong yung Iloilo dun sa budget hearing sa House. Hindi naman nila grinill ng mabuti, para hindi n asana nag-hearing. Katulad ng sa Makati, hindi national government ang nagbid out nun, so hindi pwedeng sa budget hearing mo i-hear. Sa DAP, I respect the BRC. Talaga namang nasa chairman kung ano ang una niyang ihi-hearing at ano ang hindi ihi-hearing. By the way, kung titingnan niyo ang resolution ng Iloilo Convention Center, kasama doon ang mga building ng Makati. So bakit kapag ganun, willing ang mga Binay mag-attend, pero kapag sila ang tatanungin, hindi sila willing mag-attend.

I think there will be a committee hearing, how will you proceed from there, but everyone agreed that we will finish the budget, and at the rate the budget is going, we might be able to finish ng Tuesday or Wednesday. Ayoko lang itaga sa bato yun kasi isa lang ang magtanong ng matagal, hahaba. But it looks like we are on track. And then, from there, we have to tackle yung emergency measures, yung BBL, and the other hearings that are on going. It is really up to the chairman, but sa akin, if we can use this opportunity na din, na yung FOI. Kasi kung andyan ang FOI... hindi sana sa Wikipedia, hindi sana sa kung saan kumukuha ng impormasyon, kung hindi by a simple request letter or an email, makukuha mo from the DPWH. To be fair kay Sec. Singson, maraming reform na ginawa at open naman siya. But on the other hand, it is not that simple. Kami nga, mga senador, hindi pa makakuha ng impormasyon sa city of Makati, what more yung ordinary citizens? That is why ang institutional changes to make public spending more transparent, napakahalaga.

News Latest News Feed