Press Release
November 26, 2014

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero on the 2015 budget

How savings are defined?

Our definition of savings is compliant and will be compliant with the supreme court decision on DAP. We incorporated the suggestions of Senator Santiago, not that our definition was not compliant to begin with, but of course it will help amplify the definition.

Iba pa rin ito sa definition ng House-approved version?

Iba, at iba rin sa prinovide at prinoposed ng DBM sa NEP.

Do you see difficulties in reconciling?

I hope not, kasi kung ang pagdedebatehan naman namin ano ba yung legal at naaayon sa batas, wala naman siguro dapat debate dahil ito ay naaayon sa desisyon ng korte.

Kunyari yung sa DPWH, P10B yung tulay, tapos P9B lang yun nagamit, yung P1B pedeng gamitin at any given time?

Yes. (So di natanggal at any given time?) Tinanggal namin kasi ang effect naman ay pareho, kasi nandon na yung savings, na-create na yung savings. Dinefine naming kung kailan magkakaron ng savings at yung definition na yon ay compliant sa desisiyon ng korte. Yung sinabi kasi ng korte na hindi pwede before the end of the year, applicable lang don sa probisyon ng ginamit nong 2013 na siyang pinagbasehan ng desisyon ng korte, hindi na yon aplikable sa ngayon dahil niliwanag na namin kung kailan lang magkakaroon ng savings at kung ano ano yung requirements bago makonsiderang savings ang particular na pondo.

When do you declare savings?

Number one: Kapagka narelease na yung pondo, don lamang magkakaroon ng savings, so kung hindi pa narerelease, hindi pa savings yon. Kung ni hindi nila binigay sa ahensiya, hindi savings yon. Kung in-impound nila, hindi savings yon. Pagkanarelease na yan, magkakaroon lamang ng savings. Una: Kapagka hindi natuloy yung sinimulang proyekto dahil sa mga rason na hindi kagagawan o kasalanan ng ahensiya. Pangalawa: Pagnasimulan man, pero hindi na kayang ipagpatuloy. Uulitin ko, na hindi kasalanan o kagagawan ng ahensiya, don lamang siya pwedeng savings. Kung nakatipid sila, halimbawa, mula fluorescent nag LED sila, nakatipid sila sa MOEE nila, savings din yon. Kapagka yung contract price mas mababa kaysa ron sa... so yung bid price mas baba sa contract price, savings din yon. Pero ngayon kung ang mga ito malaman mo sa simula o kalagitnaan pa lang ng taon, hindi mo na kailangan hintayin yung katapusan ng taon dahil hindi na talaga maimplement eh. I'l give you examples for each. As you said kanina, P10 million project naging P9 million yung lowest bid, January pa lang in-award na yon, yung kontrata pinirmahan ng January, bakit ka maghihintay ng katapusan ng taon bago mo magamit at maturing na savings yung P1million na natipid mo. Pangalawa, halimbawa may tumamang kalamidad sa isang parte ng ating bansa, yung nais mong gawin sanang gusali ay nabura na yung tatayuan mo o hazardous area na yon, kung tumama yon ng Hunyo, Agosto, bakit ka maghihintay ng hanggang Disyembre eh alam mo naman na hindi mo na kayang gawin yon. Halimabawa kapagka nagdesisyon ang korte sa kalagitnaan ng taon, tulad nong mala-DAP na desisyon, na ang isang proyekto ay hindi na pwedeng gawin, at final na yung desisyong yon, bakit ka maghihintay ng katapusan ng taon bago mo madeklarang savings yon. Ngayon sa ibang bagay-bagay, kung wala naman yung mga rason na yon, meron silang buong taon, pagkakataon para ipatupad yung proyektong sinabi nila at pinangako nila sa kongreso na ipapatupad nila. Ang isa pang classification ng savings ay yung pondo para sa unfilled positions, retirement at tsaka benefits ng mga empleyado na hindi naman nabigay. Yon ay maliwanag na in-exempt ng supreme court dahil meron din sila non sa depinisyon nila ng savinsg na hindi pwedeng magamit.

Hindi na pwedeng cross-border, that has to go back to the treasury?

Pinaliwanag din namin yon, hindi sa it has to go back to the treasury, hindi pwedeng magbigay ang executive ng pondo sa judiciary o sa kongreso maliban na lang kung yung pondong yon ay sa kanila na mismo to begin with.

Parang yung sinasabi nyo pwede pa rin yung savings at any given time pero may istriktong parameters na?

Oo kasi nga yung ginamit na depinisyon ng korte nong sinabing nyang hindi pwedeng gamitin yan at any given point in time, uses definitions and provisions in the old law, not in the new law given their decision.

So how much yung lump sum nyo in 2014?

Total? Actually hindi pa namin nato-total, nagbabago-bago eh. Tino-total pa namain kaya nga papunta ko doon. Yung lump sum na reklamo ng marami actually wala na dapat yun 2014 pa lamang dahil nilagyan namin ng probisyon sa 2014, kinopya naming muli sa 2015 provision yung nagsasabing hindi pwedeng gamitin ang anumang lump sum kung hindi sila magsa-submit ng special budget in accordance with Section 35 of the appropriate title of the Administrative Code na naga-itemize listing ng pag-gagamitan ng lump sum fund, copy furnish ang COA, House committee on appropriations, senate committee on finance. In other words, yung pagiging lump sum na iyon, flexibility lamang sa parte ng administrasyon, pero bago nila magamit at ma-access yun, kelangan magsumite sila ng itemized listing sa kongreso.

How about the senators and congressmen? May access sa lump sum funds?

Kinopya namin yung desisyon ng korte sa probisyon ng GAA, bawal makialam post enactment ang sinumang mambabatas sa pagpapatupad ng anumang proyekto either collectively, individually. Again, verbatim kinopya namin iyong desisyon ng korte so wala din akong nakikita doon. Ginawa namin iyon noong 2014, wala namang nagreklamo, wala namang nagsabing unconstitutional yung budget, at hindi naman na-question iyon. Yan ay ginagawa namin ngayon ulit 2015 at pinapaigting yung probisyon para mas maliwanag.

So Sir, wala na kayong access doon sa lump sum?

Yung desisyon ng korte inilagay namin sa batas. Ngayon kung may gagawa noon, problema nila yun, lumalabag sila sa batas at dapat kasuhan sila.

So yun pong pre enactment na intervention pwede yun right?

Of course.

You can identify projects before the GAA.

Of course.

Like right now? Have you done it?

Iniipon namin yung mga provisions, yung mga suggested amendments nila, yun ang ginagawa namin ngayon, hopefully mapasok namin before we have it approved. Balik ko yung tanong, anong gusto niyong gawin namin kapag may binigay na budget si Secretary Abad, aprubahan namin lock, stock and barrel wala kaming babaguhin kung ano yung sinubmit nila, yun din yung aaprubahan namin, parang nagkwentuhan lang kami sa plenaryo. Siyempre may karapatan ang bawat mambabats at bawat chamber, House man o Senate na magpanukala ng mga amendments. Tulad ng sinabi ko sa kamara, ang amendments at realignments na ginawa nila ay humigit kumulang P19 billion ang halaga sa parte ng Senado, yung committee report na sinubmit namin humigit kumulang P37 billion sa programmed fund ang ginalaw namin at P53.9 billion sa unprogrammed fund for a total of P91 billion ang inamend at ni-realign ng senado at binigay na namin sa inyo yung breakdown at listahan noon.

Yun yung power of the purse, Sir na sinasabi niyo? (Inaudible)

We're finalizing it. Which part?

Yung mga list na kino-collate niyo?

Mostly school buildings, infrastructure projects and assistance to state universities and colleges.

Itemized lahat?

Nakaitemize yung SUCs, yung school buildings hindi naka itemize dahil kailangan ibigay iyon sa DepEd at wala namang itemized listing ang DepED, so kasama yun sa lumpsum ng DepEd. Pero subject pa rin iyon sa probisyon namin na nagsasabing hindi lahat ma-access yung lump sum unless magbigay sila ng itemized listing bago yun irelease.

(Inaudible question)

Pwedeng dalawang bagay yun. Pwedeng nagsubmit na nung particular school building mismo chargeable sa pondo ng DepEd pwede rin namang dinagdag yun on top of the funds of DepEd. Either way as long as it's done before it was finally approved.

Anong projects sir?

School building program. Lump sum nga yung school building program. You have to understand, ang DepEd walang listahan ng school buildings kung saan nila gagawin, because as we speak ni hindi pa nila natatapos, I think they're only half way through in identifying the schools, and in fact according to them, ni hindi nila magagawa yung listing by the first quarter dahil it is based on actual enrollment. So malalaman lamang nila yung listing for 2015 after the enrollment in June of the school year 2015-2016. By August alam nila kung ano ang kulang, don pa lang nila mapupunuan for 2015 yung mga kulang. Yung kulang ng 2014 base sa June kalahati na ng 2015 ang sasagot don.

Pero the only time na pwedeng mag-propose yung mambabatas ngayon, before GAA approval?

Definitely, definitely, maliwanag yon at isinabatas nga namin yon at nilagay namin mismo sa GAA, yung desisyon ng korte, kung ano yung sinabi ng korte sa PDAF decision nya, yon yung eksaktong kinopya naming sa batas, sa proposed GAA.

Sa savings lang, clarification, yung binigay nyong instances kanina, senate version po yon?

Senate version.

So ibig sabihin pwede pang mabago as per Sceretary Abad mag-tiTWG raw po kayo?

Magdedebate siguro at magkakaroon ng pagkakaiba ng opinion, depende na yon sa bicam, but in the past, as in the past, meaning last year, dahil last year lang naman ako nagchairman, bubuksan din namin yung bicam at di pwedeng sarado yung bicam.

Are you going to accept Senator Sotto's amendments to lower the funds for contraceptives?

No, but we require that all of these must be certified by the Food and Drug Administration. Hindi naman sila pwedeng bumili ng mga droga na hindi certified. Pumayag siya ron.

When a lawmaker would probably dip their hands in lump sums...

They cannot, again we prohibited it he. But they should give their listing already ngayon, hindi sila pwedeng makialam pa rin post enactment, as I've said we copied the decision of the supreme court in the GAA. Nakalagay sa supreme court decision bawal makiaalm ang sinumang legislator after enactment sa pagpapatupad ng anumang proyekto which includes submission of list, submission of beneficiaries, identification of projects, kahit nga consultation, bawal din.

So after this hindi na sila puwedeng mag proposed ng project.

Yes hindi na at bawal na.

Aside po sa P91Billion na ginalaw natin from the House version ng GAA nagkaroon tayo ng interpellation for the past few weeks. magkano na po yung ginalaw natin?

Hindi ko pa nato-total dahil kagabi lamang kami natapos we will announce the total later when we finalize the amendments sasabihin namin eksakto kung magkano at ano pa yung mga dagdag na special provisions na binago namin.

Same issue as last year will you open it to the public .

Yes we will open it. Last year lang ako naging chairman ng Finance kaya last year lang din ako puwede mag imposed na open siya so this year open pa rin. Either here or sa congress not sure kung hilingin din nila kasi last year sa senate.

Kapag doon puwedeng closed ba?

Hindi puwede. I'm part of the bicam.

Magkano na yung budget?

hindi ko kabisado ipepresent ko rin kasi may amendments yun Senado sa budget may restoration ng previous levels plus inflation ng senado sa proposed budget ng senado compared to sa DBM.

News Latest News Feed