Press Release
December 2, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon

Q: Disyembre na, at malapit na matapos ang 2014. Ano po ba ang mga panukalang batas na nakabinbin sa Kongreso? Ano ang balak ng mga mambabatas diyan sa mag natitirang araw pa bago ang bagong taon?

SPFMD: Una, tatapusin namin ang budget, na nasa bicameral conference committee na. By next week, matatapos na po iyan, kaya mapipirmahan iyan ng Pangulo bago matapos ang taon. Ang supplemental budget naman na kailangan ng administrasyon sa ilan pang mga gastusin tulad nuong mga kailangan sa APEC, yung mga infrastructure, yaan po ay ating tatalakayin at bubusiin kapag naipasa na ito ng Kamara.

Kahapon ni-ratify ng Kongreso ang pagtataas sa tax exemption sa 13th month pay. Yaan po ay magiging batas - pero baka nga po hindi na umabot para sa mga bonuses ngayong taon. Next year sigurado po ay mayroon nang pagtaas ng income tax exemption mula sa P30,000 kasalukuyan - o kapag lumagpas ng P30,000 ay yaan po ng babawasan na ng income tax - ay next year po, kahit hanggang P82,000 ang bonus ay hindi na kakaltasan na ng income tax. Tataasan iyan kasi ibabalik natin sa level ng 1995 ang ating pera, dahil nuon kasi nagsimula itong tax exemption. Kaya nga po ni-ratify ng mababang kapulungan ang aming version sa tax exemption sa 13th month pay.

Kahapon din ay atin din pong niratify ang bicameral conference committee report ng amendments to the Fisheries Code, na siyang magtataas ng parusa o punishment diyan sa dynamite fishing o sa illegal fishing para po maprotektahan ang ating karagatan. Ilan lang po iyan sa mga panukalang batas na aming ipapasa ngayong Disyembre.

Q: Bagamat nasiphayo ang pangarap ng ating mga kababayan na matamasa na yung tax exemption ngayong taon ay at least may inaasahan sila next year.

SPFMD: Tama po iyan. Tinupad po namin ang aming pangako na ipapasa iyang batas sa loob ng taon. Unfortunately, hindi po yata kaya ng Malacanang at ng BIR na ipatupad iyan ngayong taon.

Q: On the budget para sa susunod na taon - sa pagrerebisa ng Senado, meron po ba kayong binawas o dinagdag sa posibleng puno na naman ng abuso sa pondo?

SPFMD: Ay ang budget sa susunod na taon, wala na pong PDAF, wala na pong pork barrel. Yaan po ang ating sinigurado. Binanatayan natin nang husto yung mga item na maaring abusuhin. Halimbawa itong intelligence fund - na kulang naman sa intelihensiya, puro lang gastos - yang mga ganyan po ay aming binababaan.

Q: Yung pangamba ni Sen. Miriam Santiago sa kakaibang porma ng PDAF at DAP, ito po ba ay inyong nasuri?

SPFMD: Yaan po ay aming tiningnan at wala po tayong ibang uri ng PDAF na nakasingit duon. Of course, mayroong mga request ang iba-ibang ahensiya ng pamahalaan na taasan ang kanilang mga budget para sa mga kailangan nila. Yan po ay request ng mga ahensiya, at kung sa tingin ng lehislatura ay iyan ay may tamang basehan, ay iyon po ay aming pinagbigyan.

Q: Sa business sector, itong panukalang batas na Fair Competition Act. Pakipaliwanag po in brief Mr. Senate President. Ano ang sustansiya ng batas na iyan at ano ang update? Kailan po iyan magiging batas?

SPFMD: Alam mo Neil, sa kasalukuyan ay ilang pamilya lang ang nagkokontrol sa ating ekonomiya. Yaan po ay hindi maganda sa ating ekonomiya, itong mga monopoly, dahil ang mga ito ay nagpapabagal sa paglago ng ating ekonomiya.

Kaya naman po sinasabi natin na kailangan ng kompetisyon, dahil nga po ang makikinabang , ang consumer, o yung taong namimili. Dahilan ito sa kapag may kompetensiya, pagalingan po ang mga negosyante - kung ano ang pinakamagandang produkto, at kung ano ang pinakamabilis na serbisyo. Kaya binubuksan po natin at ipinagbabawal natin ang mga monopoliya sa ganitong panukalang batas.

Sa Senado, malapit na pong matapos itong batas. Ganun din sa usapan namin ng liderato ng Kamare de Representante si Speaker Sonny Belmonte, at iyan po ay isa sa mga batas na ipapasa namin ngayong taon na ito.

Q: Sa issue po ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, ano po ang posisyonng liderato ng Senado diyan? Kailan po ba iyan rerebisahin?

SPFMD: Sa akin po, kung iyan ay tratado o agreement, ay iyan po ay nasa Korte Suprema. Ang posisyon ng Malacanang ay iyan ay isang executive agreement. Meron nga po ibang mga pagtingin, kaya nga iyan nasa Korte Suprema. Ngayon, para maratipika ang isang treaty, kailangan po ipadala ng Pangulo sa Senado. Ngayon, kung hindi ipapadala ng Pangulo ang isang kasunduan, hindi po namin pwede iratify, at wala kaming iraratify. Lalo na ngayon, na pending po ito sa Supreme Court. Ang aking position ay ganito: Hintayin natin ang desisyon ng Korte Suprema. Kapag sinabi ng Korte Suprema na itong EDCA ay isang treaty na kailangang iratify ng Senado ay susunod po diyan ang Pangulo at ipapadala po ang treaty sa Senado. Diyan po sa pagkakataon na iyan namin iyan iraratify. Kapag sabihin naman ng Korte Suprema na ito ay hindi isang tratado ay iyan ang magiging utos ng Korte Suprema, at iyon ang aming susundin.

Q: Sa dalawa pong magkakambal na tanong: Unang una: yung sa pagtatapos ng 90-day suspension kila Senator Jinggoy - ibig sabihin ba niyan ay balik na ang kanilang sweldo at allowances?

SPFMD: Yung sa unang tanong, sinsusunod lang po namin ang utos ng Sandiganbayan na suspendihin ng 90 araw ang tatlo naming kasama sa Senado. Kay Sen. Enrile at Sen. Jinggoy, yung 90 days po ay nagtapos nuong Nov. 28 at 29. Tapos na po.

Kaya po babalik na sila duon sa dati nilang katayuan - ibig sabihin, yung kanilang sweldo , at yung operating expenses, dahil patuloy ang function ng mga komite nila, ay maibabalik na po sa kanila. Ang hindi pwede ay ang pagboto nila dahil iyan ay kailangan ng physical presence sa Senado bago sila makaboto.

Q: At number two: yung pagfifile niyo po ng kaso kay Buboy Syjuco, itutuloy niyo po ba?

SPFMD: Ay pinagiisipan ko pa at pinagaaralan pa. Yaan po ay patunay lang na wala pong ginawa si Syjuco kungdi magsampa ng mga kaso na walang kabase-base. Nagsampa siya ng kaso ng vote-buying laban sa akin, kay Cong. Gorriceta at kay Gov. Defensor. Iyan po ay walang ebidensiya na kahit ano kaya binasura ng Comelec.

Sinampahan niya rin po ng kaso ang dam na itatayo sa Iloilo na siyang makakapagbigay ng maayos na kabuhayan sa daang libong magsasaka sa amin sa Iloilo - magi-irrigate siya ng 32,000 hectares of rice land . Hiningan po niya iyan ng temporary restraining order sa Court of Appeals, dineny po siya ng korte dahil wala rin siyang ebidensya. Yaan lagi ang nangyayari, puro kaso pero walang ebidensiya.

News Latest News Feed