Press Release
January 20, 2015

Transcript of Sen. Grace Poe's ambush interview at the Session Hall

On Papal Visit

Q: Ma'am yung anti-corruption statement ni Pope, yung marching order sa mga public official?

Poe: To everybody in government. Everybody must fight corruption. Yung corruption naman kapag nangyayari iyan, sino bang nawawalan? Eh di yung pinaka-nangangailangan ng suporta, yung mga mahihirap.

Q: Eh, ma'am what about the Pope's statements on the family--basically reiterating the Church's stand on those issues--makakaapekto ba sa legislation 'yon?

Poe: Oo. Kasi diba tinanong siya ng mga bata kung bakit napapapabayaan yung mga bata na naaapi? Kasi sabi nga ng Santo Papa, yung pamilya ang dapat nagproprotekta sa mga bata. Pero ang pamilya ay dapat bigyan natin ng suporta. Yung mga manggagawa sa kanilang sweldo, sa edukasyon para sa mga bata, at kung hindi kaya ng mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak, responsibilidad nila iyan at nakalagay 'yan sa konstitusyon natin--parens patriae--na ang gobyerno ang gagawa niyan. Kaya nga yung sinasabi ng Papa na I don't know what to say to you, pag mga ganyan, pero ang totoo 'nun talaga, ang focus natin dapat ay yung mga pinaka-naaapi--yung mga bata at mahihirap.

Q: Pagdating ni Pope, is it a sign sa inyo to decide sooner?

Poe: Hindi, basta sa akin, yung kanyang thrust na pangalagaan ang mga naaapi, parang sinasabi sa akin na at least hindi naman siguro mali yung aking naging intensyon noon pa man na ako'y nandito, para sa mga bata at mahihirap dahil iyon naman talaga ang dapat unang bigyang pansin. Pero gusto ko ring sabihin, ang ganda din naman na ang iba't ibang relihiyon, ay nagpahayag talaga ng kanilang kagandahang loob sa pagdating ng ating Santo Papa at nakita natin na disiplinado ang lahat ng tao. Marami na tayong narinig na ganyan, na sana dito na lang lagi si Pope.

On MRT Hearing

Q: Kailan po ang hearing tungkol sa fare-increase sa MRT?

Poe: February 3. Nagpadala na kami as early as now ng invitation sa DOTC.

Q: Ano po ba yung desisyon ng Korte Suprema tungkol sa TRO?

Poe: Ah, yun. Wala pa. Pero, it doesn't prevent us from investigating other aspects also of the operations of the MRT and to ask them to explain precisely why they increased the fare when their budget was already approved.

News Latest News Feed