Press Release
January 28, 2015

Transcript of DZMM Interview of Senate President Franklin M. Drilon

Q: Bago po ang nangyaring ito sa Maguindanao, target po ng senado na maipasa ang BBL within the first quarter?

SPFMD: Tama po iyan, iyan po ang usapan namin ni Senator Marcos noong hindi pa nangyayari itong nangyari sa Maguindanao. Ang aming self-imposed deadline ay maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago kami mag-Lenten break.

Q: Ngayon na nag-aatrasan na yung mga ibang authors ng batas, klaro na po siguro na maantala yung pagpasa nito. Ano po ang komplikasyon o implikasyon nito?

SPFMD: Sa ngayon po, may dalawa tayong kasamahan sa senado na nag-withdraw ng kanilang support sa BBL hangga't hindi maliwanag ang nangyari dito sa Maguindanao. Sa Pebrero 2 o 4 po ay magkakaroon ng hearing sa nangyari rito sa Maguindanao kaya ako po ay umaasa na ito man ay maantala, amin pa ring sisikapin na matapos pa rin ang BBL sa Marso. Medyo mahirap, admittedly, medyo maraming nagulat sa nangyari rito sa Maguindanao. Sisikapin pa rin natin na maipasa itong panukalang batas dahil importante na magkaroon ng stability ang sitwasyon sa Mindanao. Dahil kung hindi natin ito maipapasa, ang mangyayari ay ganoon din ang mangyayari, kung ano ang sitwasyon noon ay mauulit lang din.

Mayroon pong resolusyon na hinihiling ang imbestigasyon at ang pagkakalaam ko ay sa February 4 ang hearing.

Q: Papaano po natin irereconcile na ang involved sa pagkamatay ng 44 pulis at yung mga miyembro po ng MILF kung saan mayroon tayong peace agreement?

SPFMD: Precisely, ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ay mayroon mga provision tungkol sa disarmament, yung pagkilala ng iisang chain of command ng PNP upang magkaroon ng command and control sa lahat ng mga armado. Ang sabi nga doon ay pag-surrender.

Q: Ang gusto pong itawag diyan ay decommissioning.

SPFMD: Yes, I stand corrected. Tama po iyan, decommissioning.

Q: Bagama't sa panukala, kasama doon yung decommission at yung pagbuo ng local na hanay ng pulisya. Sa pangyayaring ito, papaano kaya iyon na mabibigyan mo nga sila ng powers - bagama't debatable - at sa ngayon ay involved yung kanilang mga tauhan sa umano'y engkwentro. Papaano kaya yun?

SPFMD: Unang-una, sinusuportahan ko yung panawagan na i-surrender ng MILF si Usman at Manwar kung sila ay buhay pa. Dahil kung talagang partner sila ng gobyerno, dapat po ay i-surrender nila si Usman at Marwan para ipakita nila na sila po ay handing sumunod sa ating patakaran at sa ating batas. Pangalawa, kailangang malaman yung puno't dulo nito at magkaroon ng hustisya sa ating mga kapulisan.

Q: Yung pag-surrender po na hinihingi ninyo ay yung pag-surrender ng mga MILF na involved? What do you think Sir?

SPFMD: Tama po iyan. In concept, MILF must cooperate with the investigation. Kung sino man ang responsible dito, para magkaroon ng hustisya, we must join the call.

Q: Kung ating oobserbahan ang galaw ng gobyerno, parang medyo maluwag tayo rito sa BBL. At the end, kapag po nagkaroon ng bagong probisyon ditto sa BBL. Yung bill po ban g Malakanyang ay iyan na iyan, o babawasan pa. Kung babawasa, baka naman hindi tanggapin ng MILF?

SPFMD: Kung anuman yung sinumite sa Kongreso, iyon po ay aming titingnan at susuriin. Hindi po bawal na palitan ang anumang probisyon na kitang-kita naman ay lumalabag sa ating Saligang Batas. Ang importante ay magkaroon ng BBL within our Constitution. Hindi pwedeng lumabag sa ating Saligang Batas ang anumang probisyon sa BBL.

Q: Nabanggit po ninyo itong gagawing imbestigasyon, iimbitahan po ba rito yung kinatawan ng MILF?

SPFMD: Hindi ko pa masagot dahil hindi ko pa nakakausap si Senator Poe. Pero that is possible na kumbidahin at hingan ng paliwanag.

Q: Sa komplikasyon na nilikha ng pangyayaring ito, ano po ang worry ninyo? Kung hindi ito maipasa?

SPFMD: Ang pangamba ko ay itong pangyayaring ito ay maging dahilan ng hindi maipasa o ma-delay nang husto itong BBL. Sana huwag naman dahilan lalo pong walang mararating itong efforts natin toward peace. Dapat ito ay hindi maging hadlang sa pagpasa ng BBL.

Q: Baka po ako makulit, pero ano po ang worry ninyo sa nangyaring ito?

SPFMD: Ang worry ko ay hindi maipasa ang BBL at maging dahilan itong nangyari ito para hindi maipasa ang BBL. Pero ako ay nananawagan na huwag naman dahilan pag hindi po natin naipasa ito ay we will be in the same situation as where we were before. Wala pong solusyon itong gulo sa Maguindanao at hindi magkakaroon ng kapayapaan, ng pagunlad ng ekonomiya sa Mindanao.

News Latest News Feed