Press Release
February 19, 2015

FULL TRANSCRIPT: Sen.Bongbong Marcos' Interview at Radyo Singko's "Punto Asintado" with Erwin Tulfo and Martin Andanar

BBM: Good morning Martin, good morning Erwin, at magandang umaga sa mga nakikinig. Magandang umaga po sa inyong lahat.

Q: Sir ang tanong po natin, I'm here in Cotabato, kahapon po ay nagpalabas na ng statement si MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar na tapos na daw ang kanilang investigation dito sa Mamasapano incident at inihahanda na lamang nila yung pormal na report at bibigyan ang Senado. Pero base sa kanyang pahayag kahapon sir, walang kasalanan ang MILF dahil ipinagtanggol lang nila ang kanilang mga tirahan, ang kanilang lugar laban sa mga armadong grupo, in this case itong SAF. So kung may dapat sisihin ay mismo ang Philippine National Police Special Action Force sir?

BBM: Kung ganon ang magiging report nila, I would like to rather wait and see what it is. Pero kung ganon ang spekulasyon na ganun ang magiging report nila, sisisihin lamang nila ang PNP, walang naitutulong ito sa peace process. Dahil hindi naman namasaker ang kahit sino sa MILF, wala namang pinagbabaril na sugatan na bagsak na na mga pulis, na naka-video pa.

Walang ginagawang ganyan ang AFP,walang ginawang ganyan ang PNP. Ang MILF mismo ang unang nagbigay ng pahayag, bandang Lunes, Martes, pagkatapos ng Mamasapano massacre, na sila'y involved. Papaano ngayon nila sasabihin na habang yung ating mga sundalo ay hindi na lumalaban ay pinahihirapan pa nila bago nila patayin---marami tayong ebidensya tungkol dito.

Mahirap siguro kung sasabihin sinisisi lamang yung SAF. Sinisisi yung SAF dahil sinasabi daw walang coordination. Ngunit dun sa aming mga hearing sa Senado, maliwanag na maliwanag na kahit walang ..kasi time on target nga e, hindi nga sinasabi. Saka me exemption sa ceasefire agreement na kung high value target, kung priority target, hindi kailangang magsabi ang pulis at saka yung AFP. Kaya't yun ang kanilang ginawa.

Nung nagpuputukan na, sa government side, yung AHJAG, yung Ad Hoc Joint Action Group, ay nagsimulang tumawag sa kanilang counterpart--- yung MILF na AHJAG---ng alas singko medya ng umaga ng Linggo. Ngunit ang ceasefire, napigil ang putukan alas kwatro ng hapon ng Linggo---that is almost 11 hours.

Ang sinasabi walang coordination--- sinabihan na ang MILF, sinabihan na yung commander doon sa Mamasapano, yung MILF commander ng Mamasapano na kampo, na ang binabaril nila ay government troops. Pero tuloy pa rin ang putukan. E papapano nila sasabihin kasalanan ng SAF? Hindi na nga lumalaban yung SAF, wala ng bala e. Pero dinikitan nila at tinutukan nila ng baril at pinagbabaril.

Kahit walang coordination, ibig sabihin ba tama ba na pumatay, imasaker yung 44 na pulis? I cannot see how that this is going to be helpful dito sa aming deliberations.

Q: Ang isa pang pinupunto kasi ng MILF, Senator Marcos sir, is hindi lang naman daw sila ang kalabang nung mga oras na yun but meron din daw BIFF at meron din daw mga civilians, armadong civilians doon na nakisawsaw na rin. So parang lumalabas sir dun sa sinasabi ng MILF, hindi lang kami ang tao doon so don't pin all the blame sa MILF dahil may BIFF din at meron din na mga armed civilians din doon at parang pahiwatig nila ay baka iyon ang ika nga ay sugatan na yung sundalo ng gobyerno ay binabakbakan pa rin, e hindi kami yun. Yun ang sinasabi senator?

BBM: Well, totoo nga naman naman yan na may ibat-ibang grupo. Kaya nga ang tawag ay pintakasi ang nangyari dahil ng marami: meron yung MILF, meron yung BIFF, meron yung private armed groups na hindi pa masyadong makilala.

Pero kahit papano di maku-kwestyon kaagad bakit tayo makikipag-peace process kung wala naman pala silang control sa sarili nilang tao, sa BIFF? Kasi ang problema sa ganyang klaseng dahilan, ay kahit na maganda ang peace process natin, kahit maganda ang agreement natin sa MILF, hindi pa rin natin mararamdaman ang kapayapaan dahil meron pang lumalaban na ibang mga grupo. So , ibig sabihin itong agreement natin sa MILF e siguro hindi kasing-kabuluhan na akala natin. Dahil kung wala rin namn pala silang magawa dun sa mga ibang grupo, at hindi naman pala kaya ng MILF na kahit na gugustuhin nila kontrolin ang mga tao nila at kontrolin yung mga tao na magdala nga ng kapayapaan sa Muslim Mindanao. So, very disturbing itong ganitong mga klase ng development.

Bukod pa rito ay yung kanilang paulit-ulit na sinasabi na hindi maaring palitan ang BBL. Marami tayong kailangang gawin na trabaho dito sa BBL. At kailangan naman nilang makita na sinusubukan naman nating ayusin itong problemang it.

Q: Senator Bongbong sir, how should the Aquino government react to this statement by the MILF na hindi sila ang may kasalanan kundi yung gobyerno natin?

BBM: This is precisely the kind of problem, the hardening of position na sinasabi nila it's all our fault, it's all the government's fault ang MILF ay walang kasalanan. By the way, yung last video, yung nakita natin yung binaril sa ulo ang isang SAF member na dalawang beses, identified na kung sino yun, he is an MILF company commander ng 105th dun sa kampo nga ng MILF.

Kaya't papano nila sasabihin na, unang-una ipinipilit na hindi masaker---masaker yan pagka yung bagsak na, sugatan na, nagmamakaawa, he was pleading for his life, "don't shoot, don't shoot" sabi nung tao pinagbabaril sa ulo, he is identified as an MILF company commander. How can they now say na walang kasalanan ang kanilang tropa.

Q: Kasi sinasabi rin sir na they were just acting, reacting--- hindi raw organized na company or platoon size kundi ay individually daw po...Pero may punto po kayo sir, kasi kung ganon na nga na MILF commander siya, identified na government forces ay dapat nga ay hindi na nga nagpaputok. Yun din ang sinasabi nila dito senator... grupo ng MILF na na-interview namin yesterday, hindi raw nila matatanggap sir yung watered down na BBL because it will be useless. Ang gusto nila ay yung full na authority para base dun sa sinabi nyo kanina, kakausapin nila lahat ng mga armadong grupo. Ngayon kung hindi daw makinig sa kanila ay sila na ang makakalaban daw ng mga armadong grupo na yun, like take the case of itong BIFF, ano pong take ninyo dito Senator Marcos, sir?

BBM: Well maganda sana kung kanilang magagawa iyon. Pero siguro unahin muna nila yung mga terrorista na kinukupkop dun sa kampo nila. Si Usman hindi pa natin malaman kung nasaan. Palagay ko naman dahil ang mga miyembro ng BIFF at MILF magkakamag-anak yang mga yan, magkakilala, magkakakaibigan yan, hindi nila malaman kung nasaan si Usman tapos kung ilan pa yung mga terrorista na na-train?

Tungkol naman dun sa BBL ay papano naman parang rubber stamp na lang ang Kongreso? Ang dami naming nakikita na kailangang gawin para maging mas maliwanag at mas maganda at mas matibay ang BBL. Ang function ng Kongreso ay sumulat at magpasa ng magagandang batas, hindi yung basta ibibigay sa amin kailangan na naming pirmahan.

At sa totoo lamang ay maraming problema pa rin yung draft BBL na ibinigay sa atin. Kung hindi palitan yung draft BBL, kung walang pagbabago at ipasa ng Kongreso yung ibinigay sa amin ng Pangulong Aquino nung Septyembre ay asahan nila na sa constitutional challenges pa lang talo na yan dahil maraming unconstitutional provisions.

Pangalawa, kung hindi papalitan yan, yung patakbo ng Bangsamoro government, pag natuloy man yung Bangsamoro government, yung patakbo nito, yung administration nito, yung power sharing with the Republic of the Philippines, ay walang sistema. So papano ang gagawin? The government that they are proposing, and as it is described and defined in the draft BBL, it will not work! Dahil me mga areas na hindi pa sinasabi papano yung administration, saang probinsya pupunta itong barangay na sasama sa Bangsamoro. All of these things need to be fixed.

Dapat naman maunawaan din nila na tapat din naman ang mga congressman at mga senador na gumawa ng magandang BBL. Hindi namin ginagawa ito dahil wala kaming ibang gawin. Ginagawa namin ito para yung BBL ay talagang madadala sa Muslim Mindanao ang kapayapaan. And that is the spirit that they should accept all of the work that we are doing in.

Q: Senator Bongbong Marcos sir, gusto ko lang hiwalayin ng konti---para mas maintindihan po lalo ng mga kababayan natin---hiwalayin natin yung BBL saka yung imbestigasyon ngayon sa Mamasapano. Are you saying sir, that is a requirement first na maayos itong imbestigasyon at marinig natin kung ano yung tama? And can you say na we've reached a stalemate already now na nag-announce na yung MILF na kasalanan ng gobyerno yan. At kung stalemate na nga ibig sabihin nito wag na tayong mag-proceed sa BBL?

BBM: Well, I think no. Ang naging policy ng both Houses of Congress was that hindi namin magagawa na maganda ang BBL---dahil ang BBL, lahat itong peace process para nga hindi mangyari ang kagaya ng mga nangyari sa Mamasapano. Kung nangyari man ay kailangan nating pag-aralan ng mabuti at maunawaan ng mabuti kung ano ang naging problema. Meron bang nag-mistake, meron bang nakakalimot, mahina ba yung sistema ng ating pag-coordinate? Lahat yan ay kailangang pag-aralan para kung ano man ang matutunan natin sa pag-aaral na yun e gagawan natin ng pagbabago yung BBL para nga mas maganda ang takbo. So that's why we suspended hearings on BBL until we find out the truth behind the Mamasapano massacre.

Now, the hardening of the position---kasi sinasabi ng MILF, basta kami wala kaming kasalanan kayo lahat ang may kasalanan---pagka ganun hindi nakakatulong yon. Dahil alam natin hindi yun ang katotohanan. Alam na nga natin na pinaligiran ang ating mga tropa, alam natin na alam na ng MILF commander na pulis yun, pero tuluyan pa rin silang pinagpapapatay. Kayat papano natin sasabihin kasalanan na ng SAF. O sige, sasabihin ba natin na kung hindi mag-coordinate ang MILF sa AFP at saka sa PNP, pwede naman naman na ang pwersa ng gobyerno basta pagbabarilin sila at patayin ang limampu ng kasamahan nila. It is not justifiable. You cannot say, you did not coordinate so it's okay to kill 44 policemen. Papano naman tatanggapin yan ng gobyerno, papano naman tatanggapin yan ng taong bayan. There is no justification for a massacre of 44 police---lalo na kung kitang-kita at meron tayong mga video na hindi na lumalaban yung mga pulis pinagpapapatay pa rin. To say na walang kasalanan---walang bahid ng kahit na anong pagkakamali ang MILF---ay hindi nakakatulong sa proseso yan.

Q: Panghuling katanungan ko na lamang Senator Marcos, sir: everybody's anticipating dito po sa imbestigasyon ninyo na nangyayari sa Senado ngayon, well everybody is waiting, pero mukhang at this point meron na po silang idea kung sino, hanggang saan ang may kasalanan dito. Pero matanong ko kayo sir, will the buck stops diyan po kay Gen. Purisima lamang senator sir? O hanggang kay Napenas lang yan, base po sa inyong tingin senator, sir?

BBM: Sa palagay ko isa pa yun sa isang bahagi dun sa aming imbestigasyon sa hearing, ay kailangan lang masagot itong napakadaling tanong kay Pangulong Aquino: ano ba talaga ang role mo dito sa Oplan Exodus; ikaw ba ay namamahala; ikaw ba'y nag intercept lamang? Kailan mo nalaman na nagkaka-casualty na ang mga pulis, at anong instruction ng Presidente nung nalaman nya na mabigat na ang casualty ng ating mga kapulisan? Those will have to be clarified.

And unfortunately hindi nakakatulong na ayaw magsalita ang ating Pangulo. Madaling madali lahat ito, imbes na nagii-speculation kami, na pumupunta kami sa ibang tao---sya na lang ang magsabi. Pagka nagsabi sya, maliwanag ang pagkasabi, it's a credible explanation, tapos na ang aming hearing, tapos na ang aming investigation---alam na namin kung anong nangyari, kaya na naming ayusin yung BBL.

Q: Pero if you remember senator, a couple of Friday's ago, inamin lahat ng Presidente, sinabi nya na it's his responsibility, Senator Bongbong Marcos, sir?

BBM: Well hindi pa maliwanag nga kung ano ba talaga. Kung maaalala ninyo nung hearing dun sa Senado ay nagtanong ako, tinanong ko sa lahat ng mga commander na nakaharap namin: sino sa inyo ang unang nagsabi kay Pangulong Aquino na may engkwentro at nagkakaroon na tayo ng mga casualties. E sila'y nagtinginan lang at walang makasagot ng diretso. E papano pagka ganyan?

Hindi natin masasabi na alam na natin ang nangyari hanggat malaman talaga natin anong naging role---anong naging role ng Pangulo, ni Gen. Purisima, ni Gen. Catapang, ng lahat ng mga tropa? Sa lower level alam na namin kung anong nangyari, pati dun sa kung anong Mamasapano---yung mga detalye kung saan sila dumaan, kung ilan sila, kung anong oras, alam na namin lahat yun. Ang problema ay dun sa taas. Hindi pa namin talaga malaman kung ano ba talaga ang nangyari dun sa command and control at dun sa chain of command na nga na andami pang tanong hanggang ngayon.

Q: At Senator Marcos, may kinalaman daw yung mga Amerikano, yun din ba ay pag-uusapan? BBM: Hindi maliwanag kung ano yung role ng mga Amerikano. Dahil may mga Amerikano, talagang nandyan yan para tulungan at mag-train sa ating mga SAF troopers. Sila pa ay nagbibigay ng equipment, sila pa ay nagbibigay ng maraming training. Pero hindi pa masabi ng mabuti sa amin kung anong naging role ng mga Amerikano.

At merong mga Amerikano na andun---nakita naman natin yung unang picture na isinasakay yung sugatan sa helicopter Amerikano ang tumutulong. At sinasabi sino ba yun, at anong ginagawa nun dun? Now, there is a very valid and acceptable reason kung bakit nandyan yung Amerikano, talagang nagte-train talaga sila. At kung tumutulong sila sa mga pulis natin, sa mga sundalo natin, ano naman ang masama dun?

But, sa palagay ko yung question, kung meron bang nag-ooperate, kung sila mismo ay nakikipaglaban? Ay marami pang mga tanong at so far hindi pa natin nakikita ang tunay na role (ng mga Amerikano). They played a role. Whether that role is acceptable or not is something we cannot say hanggat malaman natin ano ba talaga ang ginagawa nila dun. Anong role nila dun? Kung sila'y nagte-training lamang, wala naman sigurong problema doon. Pero kung sila ay nag-ooperate na, kung sila ay nakikipagbarilan na, e ibang usapan na yan.

Q: Senator Bongbong Marcos, last question na po. Say, hypothetically, halimbawa kung si Presidente Aquino may kasalanan, inamin na nya, at sa findings yun ang lumabas, then what? What will happen? Kasi alam ko marami na rin ang nananawagan, from different groups, the civil society, na pababain na sya. But as far as you are concerned and your investigation is concerned, anong mangyayari sir, kung si Presidente talaga, kung sa kanya talaga nanggaling lahat at everything is pointing to him?

BBM: Well, kung magkaroon ng accountability na ganun at napupunta sa kanya e tingnan natin. Kung kasalanan nya ay kailangan niyang managot kung bakit nangyari yun, at siya ang Pangulo at siya ang inaasahan na mamuno dito sa sistema ng gobyerno natin, then he has to be accountable and he has to answer for it, depending on what (his role was). Kung sinasabi mong kasalanan nya, alin yung kasalanan nya? All of these things have to be known.

Ako hindi ako sang-ayon dun sa mga resign, yung step down. Dahil kung isipin natin, kung talagang mangyari yun mag-resign siya at mag-step down sya, anong mangyayari dyan? Ang mangyayari dyan ay masyadong magiging magulo ang Pilipinas. Tama yung nakita kong isang report, don't step down. Step up. Step up to your responsibility. Step up to the country. And tell them exactly what is happening and what your role was in this Mamasapano massacre.

Q: Maraming salamat po sa inyong panahon Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.Mabuhay po kayo senador.

BBM: Maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

News Latest News Feed